MABUTI naman at umakto ng normal si Delgado. Nawaswasan yata matapos makatikim ng ulo ng baril. Para pa nga itong natakot kay Aerra at biglang naging maamong tupa.
Narinig nila ang pagtunog ng sensor.
"May nakapasok na outsider!" sigaw ng isang lalaki.
Mabilis na hinila ni Aerra pataas ang nakatagong full jumpsuit, paakyat sa kanyang katawan para matakpan ang nakahulmang halos hubad niyang katawan.
Inihagis niya ang isa pang baril kay Delgado. "Delgado, kunin mo."
Napatapik na lang siya sa noo nang tamaan ito sa ulo at hindi iyon masalo.
"A-anong gagawin ko?" parang ewan na hindi alam kung paano hahawakan ang baril.
"Ikalas mo, Gago!" sigaw niya. Naiinis na talaga siya at malapit na yatang matakasan ng bait dahil sa kapartner niya.
Kanya-kanyang takbuhan na ang mga tao sa loob ng club habang ang mga sangkot ay napapabalibutan ng body guards.
Kaagad niyang pinatamaan ng baril ang binti ng drug lord.
Sunod-sunod pa na putok ng baril ang pumailanlang sa ere nang dumating na ang mga responde.
Mabuti na lang talaga at naisipan niyang doon itago ang baril --sa mga hita niya.
Timbog at arestado ang drug lord nang humupa na ang bakbakan.
"Good work, Miss Carinan," puri ng Sarhento saka siya kinamayan. Ito ang pumunta sa halip na ang Superintendent. "Tomorrow morning we'll held an open ceremony for your position. We're looking forward for your more achievements, Miss Carinan."
"Thank you, Sir."
"Nasaan nga pala ang partner mo?" Lumampas pa ang tingin nito sa likuran niya para hagilapin ang tinutukoy.
Hinagilap ni Aerra si Delgado. Namataan niya ito sa ilalim ng mesa at nagtatago.
"Wala na ba?"
Kung kanina ay para itong nagbabagang ningas, ngayon naman ay para itong asong naputulan ng buntot dahil sa takot.
She crossed her arms over her chest. "Wala na po. Tapos na."
Hindi man nila nahuli ang buyer, kahit paano ay natimbog nila ang drug lord. Ipinagbawal nga lang na hindi siya puwedeng magpaputok o bumaril ng kriminal hanggat wala siyang label bilang isang kawani ng batas.
Pasakay na siya sa sasakyang dala ng isa sa mga pulis nang balikan niya si Delgado para sa huli nilang paghihiwalay.
"Chief, pwede bang umisa?" tanong niya sa Hepe na ang tinutukoy ay si Delgado at nang makabawi man lang sa pangmomolestiyang ginawa nito sa kanya kanina.
Tumango naman ang Hepe.
Hinarang niya ang pasakay na sa sariling sasakyan na si Delgado. Kinuha ang back pack at agad na hinawakan sa balikat at saka tinuhuran, sapul sa kargada nito.
"I can train you through guns. Pambawi!" saka siya kumindat.
Rinig pa niya ang malakas na halakhakan sa mga nakakita.
Nagtiim lang ito ng bagang na parang nanggigigil dahil sa ginawa niya at napahiya ito ng matindi.
Sa wakas ay tapos na ang misyon niya kasama si Delgado at matatahimik na ang nagpupumiglas niyang puso.
"Saan ang punta mo?"
Nanlaki ang mga mata niya nang mabistahan ang kanyang ama na nakapamewang at madilim ang tingin sa kanya.
"H-How did you find me?"
"Sakay sa kotse. Mag-uusap tayo."
Tahimik na sumunod si Aerra sa kanyang ama. Hindi lang ang drug lord ang nahuli kundi siya. She was caught in action.
Binaybay nila ang kahabaan ng kalsada. Nakatulog na nga siya sa biyahe maiwasan lang ang madilim na tingin ng ama.
Nang ihimpil ng Ama ang sasakyan sa tapat ng bahay, hinintay muna niyang bumaba ito bago siya bumaba.
"Get out of the car, Aerra. I need a good explanation about this."
Napilitang bumaba si Aerra habang nakasunod sa kanya ang ama. Papasok na sana siya sa loob nang may humawak sa braso niya.
"Let's go, Aerra," sabi nito na hinihila siya.
Pilit na binawi niya ang braso mula kay Delgado. Mukhang hindi ito napuruhan sa pagtuhod niya sa ano nito at naroon pa para pigilan siya. O mabilis lang yatang makare-cover ang kargada kaya nakabuntot na ngayon sa kanya.
"Hindi pwede." Kahit ang totoo ay gusto niyang takasan ang Ama ngunit mas gusto niyang takasan si Delgado lalo na nang mapansin niya ang madilim nitong anyo. Ang mga mata nito ay matiim at halos mabanaag niya ang sariling kaluluwa. Ano ang ikinagagalit nito?
"What? Are you kidding me? Kung wala kang pera ako nang bahala sa lahat."
"No. Hayaan mo na lang kaya ako."
"Hindi ka sasama sa kanya."
"Pwede ba? Mind your own business."
"Hindi ko alam na may Sugar Daddy ka na pala ngayon kaya hindi mo na ako kailangan."
Para siyang nainsulto sa sinabi nito. Iyon ba ang tingin sa kanya ni Delgado? Isa siyang hamak na babae at kung kani-kanino sumasama?
Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang sinabi nito. Sugar Daddy? Nasa itsura ba ng kanyang ama ang magmukhang Sugar Daddy? Napataas bigla ang kilay niya at parang gusto niyang puruhan pang muli ang kargada nito.
BIGLANG tumikhim ang kanyang ama mula sa likuran nila.
"Sinong Sugar Daddy?" Saka dumagundong ang boses nito sa pagkakatanong.
"Dad.." Sana lang talaga hindi narinig ng kanyang ama ang buong sinabi ni Delgado kundi ay malalagot siya.
"Dad?" ulit na tanong ni Delgado sa sinabi niya. Hindi yata ito makapaniwala na ito ang kanyang ama. "Ama mo siya?" tukoy ng binata sa kanyang Ama na mas matiim ang pagkakatingin sa kamay nitong nakahawak sa kanya.
"Obviously." Binawi ng kanyang ama ang braso niya mula kay Delgado. "And you don't have any business with us so back off."
Parang napasong bumitaw si Delgado at humingi ng paumanhin. "I'm so sorry po, Tito. Anyway, ako po si PO1 Sebastian Delgado, at your service." Saka ito sumaludo na parang hindi yata napahiya mula sa pagkakamali.
Si Aerra ata ang gustong mahiya sa ginawa nito. Kung pwede lang niyang sakluban ng sako ang binata at ihagis palabas ng mundo para manahimik, kanina pa niya nagawa.
"Move. Hindi ikaw ang dapat kong kausapin."
Ngunit ang makulit na Sebastian Delgado ay nakabuntot parin sa kanila hanggang makapasok sila sa loob ng bahay.
"Why are you still here?" pagtatakang tanong ng kanyang ama sa binatang walang pakialam sa nangyayari.
Hindi rin niya maintindihan kung bakit ito narito. Wala rin naman siyang nakwento na kahit ano rito.
"Sir, yes sir!" Sumaludo na naman ito sa ama niya.
Nilapitan na ni Aerra si Delgado. "Stop it! Doktor ang father ko," sabi niya rito para tumigil ito sa pag-aakalang isa ring miyembro ng batas ang kanyang ama.
Napapahiyang nagbawi ng pagsaludo si Sebastian. "Sorry." Nakangisi pa ito kahit nahihiya.
"Umuwi ka na lang kaya. Hindi mo naman ako matutulungan. Sige na, alis na."
Pinagtulakan niya ang binata para lang umalis. Ngunit hindi ito natinag sa pagkakatayo.
"Gusto ko ring makinig at makialam sa buhay mo Aerra. Remember, alam ko na ang lihim mo."
Gusto niyang pasakan ang bibig nito sa kadaldalan o kaya ay lagyan ng duct tape nang manahimik o mas mainam ay tahiin na lang ang bibig nito. Sa kakulitan nito ay kukulot yata ang buhok niya or worst ay puputi ng maaga. Wala naman silang relasyon, kung umakto naman ito ay parang may puwang ito sa puso niya.
Sandali siyang napahinto? Wala pa nga ba?
"Ano ang sinasabi niya Aerra?"
Parang nayanig ang mundo niya sa pagkakatanong na iyon ng kanyang ama. Kinukumpirma kung alam na ba ni Delgado ang lihim niya. Matagal pa naman iyong inilihim nilang magpamilya dahil paniguradong magiging tampulan sila ng media o siyentipiko.
Para siyang kriminal na naaktuhan ng krimen at sinisiyasat. Dumagundong ng todo ang dibdib niya, hindi malaman kung paano haharapin o paliliwanagan ang ama dahil sa magkakapatong na siyasat na kailangan ng paliwanag. Sa halos ilang taon nilang paglilihim ay may nakaalam sa sekreto niyang iyon kaya hindi na siya magtataka kung magduda ang ama o magalit sa nangyayari.
Tinulak niya ang dibdib ni Delgado. "Get out! Umalis ka na!" Natinag naman ito sa pagkakatulak niya kaya nagkaroon siya ng pagkakataong maisara nang biglaan ang pinto. Napasandal siya sa likod ng nakasarang pintuan at pigil hiningang hinarap ang ama.
"Linawin mo lahat ng narinig ko ngayon din mula sa sinabi niya, Aerra."
"Dad.." Pinilit pa niyang pakalmahin ang sarili, kasunod ang malambot na ekspresyon sa kanyang mukha. Umaasang madadala niya ito sa awa effect o sympathy.
"Don't look at me like that, Aerra." Opps! Wrong move. Mukhang lalo lang itong magagalit lalo na nang bumalatay ang matigas na panga ng ama. "Pumunta ka sa study room, doon tayo mag-uusap," mahigpit at maawtorisadong bilin nito.
Nakayukong tinungo ni Aerra ang katabing silid nito, kung saan naroroon ang maliit nitong study room. Naghila siya ng upuan katapat nito. Habang nakayuko parin, tikom ang bibig at nilalaro ang mga daliri. She never been this coward and scared, ngayon lang. Kagagawan din iyon ni Delgado, talagang mapapatay niya ito bukas na bukas din. Iyon nga lang kung payagan pa siya ng ama bukas na lumaboy.
"Talk," utos ng kanyang ama sa malagom na tinig.
"You knew how I hardly want to know kung sino ang dahilan ng pagdukot sa amin ni Mommy noon, Dad. Alam n'yo rin pong matagal ko ng gustong maging pulis. Inilihim ko ang lahat dahil alam kong hindi n'yo ako papayagan. Kaya pinagsikapan kong makapasok sa kapulisan. Alam kong tutol na tutol kayo, but that's what my heart tells me.. I wanted to be part of Law and justice ever before. Kahit pa alam ko kung gaano kapanganib ang lahat ay kakayanin ko pong sumugal. Ito po ang calling ko, Daddy. I've never been sure with my life, not until I tried and make it." Sumenyas ito na magpatuloy siya. Alam na niyang ang tinutukoy nito ay si Delgado. Kung paanong nalaman nito ang lihim niya. "I had never meet a keen eyesight and observer like Sebastian Delgado. Swear to God, I'd never told anything. Nalaman ko na lang nang sabihin niyang may napapansin siya sa akin. Inusisa niya ako at pinilit paaminin. So, I've come to the point to tell him everything. Nangako naman po siya na walang makaaalam ng lahat ng ito."
Habang palalim ng palalim ang paliwanag niya ay lalong kumukunot ang noo nito at dumidilim ang anyo. She knew, Dad will scolded her. Then, she was surprised when her dad clean his face. "Alam mo ba kung bakit iniiwas kita sa tao? Alam ko kung gaano katuso ang tao. Once na nalaman nilang may kakaiba sa iyo, pagpipiyestahan ka nila, pagpapasa-pasahan. Ngayong nasa public places ka and surrounded by people, lalo lang mapapansin ang extrasensory mo kahit pa sabihing low profile. People are not human in nature. They're not what you think of. Kapag nalaman na ang lihim mo, gagamitin ka nila, kukunin ang tiwala mo at sasamantalahin ka.
"Kaya hindi ka pwedeng basta magtiwala sa mga ito. Lalo na sa lalaking iyon, nobyo mo ba siya para magtapat ka ng ganiyan?"
Nagkaroon tuloy ng ideya si Aerra para mapagtakpan ang ginawang pag-amin ng lihim kay Delgado. Bahala na siguro si Batman kung malaman ng kanyang ama ang totoo.