Chereads / EXTRASENSORY TRILOGY: VISION / Chapter 6 - Vision 6:

Chapter 6 - Vision 6:

NAALIMPUNGATAN si Aerra nang maramdamang may nagpatong ng kumot sa kanya. It was Delgado's doing. Sa kabilang banda, mabait din pala ang isang ito kahit may pagkamanyakis. Unti-unting umangat ang labi niya. Parang nag-flash back ang ginawa nitong paghalik sa kanya kanina.

It was terrifically mouth watering and mind shattering experience. Hindi pa siya nagkakaroon ng pangmatagalang nobyo, karamihan ay fling, pero nakatikim naman siya ng halik. But this one is exceptional and made her satisfied. Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman niya kanina. Para siyang patay na biglang nabuhay and he actually affects her well being. Biglang nabuo ang pagiging babae niya sa klase ng halik na ibinigay nito kanina.

Hindi niya maitatangging maganda rin ang pangangatawan nito, banat siguro sa pakikipagbasag-ulo. Hubog na hubog ang bawat muscles na tila gusto niyang pisil-pisilin. He had a body that even gays and girls can die for. A matrona killer wanna be.

Biglang nag-init ang katawan niya paibaba sa pagitan ng kanyang hita. Shit! What Delgado did to make her felt this way?

Tumayo na siya. Lumubog na pala ang araw. Dinampot niya ang kumot. Kailangan lang siguro niyang maligo nang malamigan ang malapit ng magliyab niyang damdamin at nasa.

Napahinto siya nang makita ang nagliliyab na bahay. Tatlong kanto pa ang layo nito mula sa bahay na tinutuluyan nila ngayon. Mabilis na kumakalat ang apoy habang may batang na-trap sa kwarto at ang isa ay matandang nakulong sa banyo at walang malay.

Mabilis siyang pumanaog at tinawag si Delgado.

"Delgado, we have to hurry. May na-trap na mag-lola sa nasusunog na bahay."

Lumabas naman ito ng kwarto nang marinig siya.

"Ano? Saan? Paano mo nalaman?" sunod-sunod na tanong nito sa kanya.

"Sasama ka ba? Kung gusto mong malaman, sumunod ka."

Gamit ang motor nito ay nakarating nga sila sa mismong pinangyayarihan ng sunog.

Nanlalaki ang mga mata ni Delgado nang makita ang nagliliyab na bahay. Hindi maapula ang apoy habang kanya-kanyang likas naman ng gamit ang ibang residenteng malapit doon.

Malayo pa ang fire truck nang makita niya sa kanyang vision. Hindi aabot kung hihintayin pa nilang dumating ito para saklolohan ang dalawang na-trap.

Kaagad gumana ang isip ni Aerra. Dinampot niya ang kalahating balde ng tubig, nakita niya ang isang dilaw na tela. Agad niyang nilublob iyon sa balde, nang sumapat ang basa ay agad niyang ibinalot sa katawan at tiniyak na basa rin ang mukha niya.

"Aerra, anong gagawin mo?"

"Hindi ako manonood lang dito. Hindi aabot ang fireman kung hihintayin pa natin sila."

Tinalikuran na niya si Delgado, pinasok ang nasusunog na bahay saka pinagana ang vision upang makita kung nasaan ang bata. Bahagya siyang napaubo sa kapal ng usok. Medyo nahihirapan din siya dahil pumapasok iyon sa kanyang mata. At ito ang kahinaan niya. Hindi niya gaanong maaaninag at magagamit ang kanyang vision kapag makapal ang usok lalo pa at natatabunan na ang kanyang mata.

"Geez. Do something Aerra. Hindi ako pwedeng magtagal dito. Baka ako naman ang ma-trap," paalala niya sa sarili.

Binalikan ni Aerra ang alaala kung saan niya nakita ang batang nasa kwarto.

Naglalaglagan na ang mga umaapoy na kisame, karamihan pa ay yari sa kahoy. Nang maalala ay malalaking hakbang na tinahak niya ang daan patungo roon at natagpuan nga niya ang walang malay na bata.

Binuhat niya kaagad ang batang lalaki na sa tantiya niya ay nasa edad anim o pitong taon.

Malapit na siyang makalabas nang masalubong niya si Delgado. Hindi kagaya niya, wala itong anumang pananggalang sa apoy.

"May isa pang na-trap na matanda," sabi niya rito. "Nasa may banyo. Kumanan ka. Makikita mo ang main CR."

"Okay. Lumabas ka na. Kumakapal na ang usok."

Lumabas na siya mula sa nasusunog na bahay. Sakto namang dumating ang mga fireman habang kinukuha sa kanya ang batang wala paring malay. May mga dumating ding medical team.

"Kuya.. Nasa loob pa.. ang matanda," inuubong sabi niya. "At si Delgado."

"Miss, hindi na namin sila makikita kung ganyan kakapal ang usok."

Inagaw niya ang hose at itinapat sa sariling mata nang mahugasan iyon at mawala ang bakas ng usok. Pinagana niya ang vision.

"Nasa pagitan ng isang malaking kabinet. Malapit na sila sa sala. Madali ka, Kuya. Malapit ng mawalan ng malay si Delgado."

Mabilis namang rumesponde ang fireman at pumasok sa itinuro niyang direksyon.

Halos pigilan ni Aerra ang paghinga nang makitang nailabas nito ang matanda.

"Kuya, si Delgado?" tanong niya rito.

"Sorry.. Isa lang ang kaya kong alalayan. Hindi ko na siya naisama. Sabi niya ay kunin ko na raw ang matanda."

"No. Hindi pwede." Akmang papasok pa sana siya nang pigilan siya ng isa pang fireman.

"Miss, masyado ng malaki ang apoy at makapal ang usok, mahirap ng pasukin."

Napaupo na lang si Aerra sa semento habang nakayuko. Kasalanan niya ito. Kung bakit kasi nakialam pa siya. Paano na ngayon kung may mangyaring masama kay Delgado? Ano ang sasabihin niya? Biglang tumulo ang luha sa mga mata niya.

"HUWAG ka ng umiyak. Ligtas na ako."

Napatingala siya sa pinanggalingan ng tinig. There he is, standing like a lunatic. Napatayo siya at sinalubong ito ng yakap.

"Akala ko.."

"Hush now. I'm safe. Hindi ako mawawala sa tabi mo." Kumalas si Delgado sa pagkakayakap sa dalaga. "Ang masamang damo, matagal mamatay."

Natawa na lang siya rito. But deep in her mind. Paano kapag nawala ito o may nangyaring masama rito? Hindi yata niya mapapatawad ang sarili.

Inalalayan niya itong makarating sa medical team.

Hindi na sila nakarating ng Ospital nang matiyak na wala sa kanila ang nagkaroon ng matinding galos o pinsala. They're all safe and breathing.

Tahimik silang nakarating ng bahay nito. Inabutan siya nito ng tuwalya habang nakaupo siya sa sofa.

"Siguro naman, pwede mo ng ipagkatiwala sa akin ang regalo sa iyo ng may kapal."

Nakayuko lang siya habang nakasampay ang tuwalya sa katawan niya.

"Maligo ka muna at magbanlaw, saka kita kakausapin."

Inalalayan pa siya nito patungong banyo. Hindi siya umimik at hindi rin kumikilos.

"Don't tell me, gusto mong paliguan pa kita--" bigla niyang isinara ang pinto ng banyo.

May nakahanda ng roba maliban na lang sa pamalit niya.

Matapos maligo ay didiretso na sana siya sa kwartong ibinigay nito sa kanya nang bigla itong magsalita.

"Huwag ka munang magbihis." Napatigil siya sa pagpihit ng door knob. "We need to talk, now," maawtoridad na sabi nito.

Kikilos pa sana siya papasok nang hilahin nito ang kamay niya. Tumigil sila sa gitna ng Salas nito.

Napaatras siya nang ilapit nito ang isang kamay. Natagpuan niyang binubuhol nito ng mahigpit ang pagkakasara ng roba niya.

"I will not harm you, kaya umupo ka na."

May nakahanda ng dalawang tsaa sa center table. Dinampot nito ang isa at umupo sa katapat na sofa.

"Hindi na ako maniniwalang hula mo iyon," panimulang sita nito. "Masyado ka naman yatang gumaling sa panghuhula at lahat ay tumatama." Tinapunan ni Delgado ng tingin ang tasang may tsaa. "Inumin mo na habang mainit pa. Wala 'yang lason, kahit magpalit pa tayo ng tasa."

Nagpalitan na nga sila ng laway kanina, tapos ngayon tasa naman. A big No thanks, she'll take the cup of tea.

Nag-isang lagok muna siya ng tsaa, muli na naman itong nagsalita, "Una pa lang kitang ma-encounter, duda na akong may kakaiba sa iyo. Siguradong hindi co-incident lahat ng sinabi mo. Dahil iyon ay base sa nakikita ng mga mata mo."

Biglang nanginig ang kamay niyang may hawak na tasa. Masyado ba niyang nagamit ang kanyang vision kaya ganoon nito kabilis nalaman ang lahat? O posibleng hinuhuli lang siya nito?

"I know you have something in your eyes and you're not an ordinary human. May extrasensory power ka." It wasn't a question but a solid statement to make her caught in words.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi habang nakikinig lang dito. Naka-focus ang mga mata niya sa tsaa na ngayon ay nagiging x-ray vision na sa kanya.

"Gaano ka kasigurado at paano mo nasabing galing nga iyon sa mga mata ko?" Siya naman ang nanghuhuli sa akusasyon nito.

"Damn it, Aerra. Kailangan mo pa ba talagang lumusot?"

Inilapag niya ang tsaa nang maramdaman ang panginginig ng kamay. Buko na siya.

"Do you think you can make me fool? Aaminin kong hindi ako batikang pulis pero hindi ibig sabihin ay tanga ako. Well, you actually made me change," walang pagdadalawang isip na amin nito. "Isa akong duwag na pulis. Ngunit nang makilala kita, binago mo ang pananaw ko sa buhay. Naramdaman ko na lang na.. na gusto kitang protektahan at damayan." Inisang lagok nito ang natirang tsaa sa tasa. "There.. Inamin ko na ang kahinaan ko sa'yo. It's time for you telling me what is really happening."

Sinulyapan muna niya ito. Delgado was in an x-ray through her eyes, seeing his bones, the liquid flowing down his throat, his heart, arteries and other organs.

Bilangin na kang kaya niya ang buto nito sa katawan para hindi na siya makapag-concentrate sa ipaliliwanag niya.

"I'm waiting for your answer, Aerra."

Ugh. Tama bang ipagkatiwala niya ang kanyang extrasensory sa lalaking ito? Did she trust him that much?

"Ngayon pa lang, nangangako na akong walang ibang makaaalam ng lihim mo." Nabasa ba nito ang iniisip niya? "Safe and secured. Padlock pa." Umakto pa ito ng cross his heart at kunwari ay may itinapon. "Tapon susi. Okay na ba?"

Inipunan muna niya ng hangin ang baga saka bumuga at kumibot. "Bakit ba kasi ang kulit mo? Hindi ba puwedeng iignora mo na lang ang alam mo?"

Hindi niya maaninag ang expression ng mukha nito dahil kulay berdeng liwanag ang nakikita niya, tanging bungo at paggalaw lang ng panga nito. Napakunot siya ng noo.

"Ba't mo ginagaya ang expression ko? I'm actually knotted my forehead. Hindi tayo matutulog at uumpisahan ang trabaho bukas hanggat hindi ka--"

"Oo na!" pigil niya sa anumang sasabihin nito. Napayuko siya, napilitan na siyang umamin kaysa patuloy itong maghinala at kulitin siya. "Just ignore everything. Tama ka na sa lahat ng akusasyon mo. I have an extraordinary ability."

Nakita niyang gumalaw ang bungo nito at nakanganga ang panga. "Wow! Totoong may other senses ka? Well.. Congratulations.. You're a surperhuman," puri nito na galak na galak sa narinig.

Kung alam lang sana nito na hindi madali ang pinagdaanan niya. Mahirap ang lahat.