Chereads / EXTRASENSORY TRILOGY: VISION / Chapter 3 - Vision 3:

Chapter 3 - Vision 3:

KINIKILABUTAN pa rin hanggang ngayon si Aerra. She never seen that huge and long erectile organ. Ngayon pa lang at kasalanan ng manyakis na iyon at tinamnan nito ng nakapangingilabot na imahe ang utak niya.

She felt that fire burning her whole body including her soul. Shit! Bakit bigla siyang nag-init? Pangahas talaga ang lalaking iyon, napakalakas ng loob. Kung alam lang nito ang nakabangga, tiyak hindi na ito magdadalawang isip na lapitan pa siya.

Kung bakit naman kasi ayaw ng kanyang Ama na matuto siyang mag-drive, mayroon na sana siyang sariling kotse. Hindi naman siguro niya ipapahamak ang sarili sa nais niyang bagay.

She don't have license and stole the car from her father. Gladly, he's still in the hospital right now. May operation ang kanyang Ama at hindi makakauwi ng ilang araw. Sinamantala niyang kunin ang sasakyang hindi nito nagamit dahil naka-coding nang umalis ito.

Sana na lang ay hindi na sila muling magkita ng lalaking iyon. Kung matalino ito, tiyak mabubuko ang tinatago niyang lihim.

From her friend, nakakuha siya ng tawag tungkol sa pagsali sa Police training. All she need to do is pass all the exams and training then she'll be officially part of the Police. Salamat sa kakilala niyang iyon. Nang matapos ni Aerra ang shooting range, nireto siya nito at ipinalista ang pangalan niya. A good step for her first stage. Matutupad na rin niya sa wakas ang pangarap na maging Eagle's agent. Kahit hindi agad tumaas ang ranggo niya, ipagpapasalamat pa rin niyang magiging isa muna siyang pulis. Kailangan na muna niyang maging opisyal na Police bago malaman iyon ng kanyang Ama. Pihadong hindi na ito makakakontra kapag naging Police na siya at nalaman nito. She'll have the key on her mother's death. Maipaghihiganti na rin niya ang may gawa niyon sa kanyang Ina.

"Congratulations on passing the open exams para sa nais maging police!" bati sa kanya ng Police Superintendent na head ngayon sa probinsiya ng Cavite.

"Thank you, Sir."

"Nagagalak naman ako at nakilala ko ang nag-top sa exam at evaluation."

Tipid na nginitian niya ang Ginoo. It was really an honor to meet him either. Kilala ito sa pagiging matikas at kinatatakutan sa panghuhuli ng mga kriminal.

Naimbita si Aerra sa isang presinto kung saan ipapakilala na raw siya sa mga tao roon --ang mga pulis.

Nakahilera sa harapan niya ang mga pulis habang suot pa rin niya ang itim na shades.

"Gusto kong makilala n'yo si Ms. Aerra Carinan. Siya ang top one sa buong nag-exam sa lahat ng panig ng probinsiya. At siya ang makakasama n'yo rito sa city jail."

Isa-isang pinakilala ni Senior Police Superintendent Gustavino ang mga nakahilerang pulis.

Nang makarating sa huli ay kumunot ang noo nito nang tila may kulang.

"Nasaan ang pulis patolang cartoonist n'yo?"

"Sir, yes Sir!" sumaludo pa ang bagong pasok na lalaki.

Kinunutan niya ng noo ang lalaki. She must've not mistaken. Ito ang lalaking nakasagupa niya kanina at tila nais siyang bastusin base na rin sa suot pa rin nitong black leather jacket. Mukhang wala itong balak tanggalin iyon o hindi lang aware na suot pa rin nito iyon.

"Teka lang.. Kilala kita ah." Nakatutok na ang mga mata nito sa kanya. "Ikaw iyong.."

"Tahimik!"

Kinausap muna ni Senior Police Superintendet si Chief Dimaculangan, ang head Chief ng City Jail.

"Hi Miss.. Hindi yata ako naipakilala ni Superintendent sa iyo."

Lumapit pa ito sa kanya at taas noong ipinakilala ang sarili. "Ako nga pala si PO1 Sebastian Delgado. And you are.." Naglahad pa ito ng palad. Akala yata nito ay ganoon lang siya kadaling makilala.

Sa kapreskuhan nito, hindi na siya magtataka na palagi itong napapagalitan mula sa taas.

"I am not just like you think I am."

Binawi nito ang nangawit na kamay nang hindi niya tugunin ang kamay nito. "Ang haba naman pala ng name mo, Miss."

Nagtawanan ang mga naroon na hindi niya alam kung dahil napahiya ito o dahil sa kaprangkahan niya.

Sakto namang lumabas si Chief Dimaculangan at tinawag ang preskong lalaki na inirapan lang niya kanina at kasunod naman ay ang pangalan niya.

Wala sa diksyunaryo niya ang salitang kaba ngunit nang mga oras na iyon hindi niya alam kung anong nangyari at bigla na lang siyang pinagpawisan.

Silang dalawa ni PO1 Delgado kasama ang Senior Police Superintendent na matiim ang pagkakatitig sa katabi niya ilang pulgada ang layo.

"Miss Carinan, para sa una mong kasong hahawakan. Gusto kong maging ka-partner mo si PO1 Delgado. At gusto kong magmatiyag kayo sa loob ng isang linggo sa Laguna. Natimbre sa akin ng isang informer na doon namamalagi ang wanted sa list natin. You're doing field operation."

Habang nakikinig si Aerra, hindi niya maiwasang makita sa kanyang peripheral vision ang pagngisi nito na tuwang-tuwa na siya ang makaka-partner.

"Sir. Wala pong problema sa akin."

Hinihintay yata nitong aangal siya ngunit sinabayan pa niya iyon ng matamis na ngiti. "It's a good opportunity! My honor, Sir."

IBINAGSAK ni Aerra ang pagod na katawan mula sa maghapong biyahe. Mula Cavite ay bumiyahe sila pa-Laguna gamit ang motor nito. Napagod din talaga siya sa pag-angkas at sa paghapit sa baywang ni Delgado.

Kapag natapos ang misyon, hinihintay na niyang makuha siya bilang Eagles agent. Iyon ang pinakapangarap niya. Kaya tatiyagain na muna ni Aerra ang misyong ito. She can't wait everything happen in order. Kinausap na rin naman siya ng Head of Police na kapag nagawa at napagtagumpayan niya lahat ng misyon ay may posibilidad na makapasok siya bilang Female Agent sa Eagles --Eagles Bureau of Investigations.

Her lips started to form a smile.

Napamulagat pa siya nang marinig ang boses ni Delgado.

"Shocks! Balak mo ba akong patayin?"

"Sa sarap, puwede.." Kasunod ang mapanuksong ngiti sa labi nito.

Agad niyang iniiwas ang tingin nang umupo ito sa tabi niya. Mabilis siyang nagbangon. Kahit kailan ay mukhang wala itong maitutulong sa kanya.

"Aerra pala ang pangalan mo. You've got a nice name."

Umirap lang siya. Hindi alam kung ikatutuwa ba ang sinabi nito.

"Anyway, kababae mong tao, gusto mong maging pulis." It wasn't a question but a statement make her sure of what she'd been chosen.

"This is my dream, since child. May problema ka ba kung babae ang gustong mag-pulis?"

"Wala naman. Na-curious lang ako kung bakit mas gusto mong masayang ang ganda mo kung bala lang ang makikinabang. Nakakapanghinayang." Saka ito tumingin sa kanya na parang may nais tumbukin.

"Seems like you don't know me."

Bigla itong humarap sa kanya. "Interesting. You look like an actual interest for me."

Hindi tuloy niya naiwasan ang mapatingin sa mga mata nito. Nakapagtatakang hindi tumagos sa mata nito ang mala-xray vision niya. Well.. Wala rin naman siyang mababasa. Hindi rin naman siya marunong magbasa ng ugali ng tao. Ang kaya lang niyang makita ay ang tinatago nito sa loob ng katawan o lamang-loob.

His eyes was pure as deep black. But then she saw her own reflection and her soul.

"Bawal ma-in love," kurap nito. "Wala akong kasalanan kapag na-in love ka.

Binawi niya ang tingin at iniwasan tingnan ito sa mata o sa ibabang parte ng katawan nito na minsang hindi niya talaga maiwasan.

"Sa baba ka matutulog. Ako ang sa kama," paniniguro niya.

Kung may nahanap pa sana silang dalawang kwarto, wala sanang problema. Nagkataon na isang Inn na lang ang nakita nila sa malapit at isang kwarto na lang ang available. Wala na tuloy siyang mapagpilian habang ito ay nagpipyesta pa yata sa nangyayari. Bukas pa sila makakabiyahe para makapaghanap ng permanenteng matutuluyan.

"Hindi ba puwedeng palitan kada isang oras?"

Napalingon siya sa sinabi nito habang kinukuha niya ang isang comforter. "May sira ba ang utak mo? Paano tayo makakatulog ng maayos?"

Nag-peace sign ito. "Kidding. Masyado ka namang seryoso."

Bumaba ito sa inayos niyang comforter.

"Thanks for this." Saka kinuha ang isang unan at nahiga patalikod sa kanya. "Mayroon lang akong pinagtatakhan. Wala namang butas ang Jacket ko at nakapagtatakang butas rin ang pants o brief ko pero paano mo nalaman ang style ng brief ko pati size ng?" pumreno ito at nagpatuloy, "alam mo na."

"I just.. guess." Hindi pa panahon na malaman nito ang totoo at hindi rin ito ang dapat niyang pagkatiwalaan.

Nakita niyang gumalaw ito at tumihaya ng higa. "Parang may kakaiba sa iyo."

"Matulog ka na lang kaya, PO1 Delgado."

"Call me, Seb. Mas gusto kong tawagin ako sa pangalang Seb. Hindi ko naman pinangangalandakan sa lahat na pulis ako."

Nahimigan niya ang pagkadisgusto nito sa propesyon.

"Can you do me a favor?"

"Ano?"

"Just don't remove my sunglasses next time."

Mula sa kanyang vision ay nakita ni Aerra ang pagkamot nito ng tungki ng ilong.

"Hmm.. Okay," sabi lang nito saka tuluyan ng ipinikit ang mga mata.

Inayos na lang ni Aerra ang suot na eye mask. Sa pamamagitan niyon ay silhouette lang ang makikita niya.

She was hoping the night will walk fast as like this. Gusto na rin niyang matakasan ang mga tanong nito at baka bukas mas lalo siyang ratratin nito ng tanong. Sana talaga may mahanap na silang matinong bahay o kwartong hihiwalay sa kanila. Mukhang sa binata siya kakabahan at hindi sa misyon.