ISANG bagsak ng kamao ang narinig at nagpagising sa kamalayan ng lahat mula sa Police Superintendent, matapos mabulilyaso ang raid ng pinaghihinalaang illegal drug dealers. Hindi matanggap ng pinuno ng Kapulisan sa kanilang lugar ang nabigong raid sa Cavite, kung saan nakabase ang mga tauhan.
Alam naman ni Sebastian na siya na naman ang nakikita nitong malaking tinik at isang kulot sa tuwid at napapanot nitong ulo. As usual, he failed the entrapment operation in the City police. Kasalanan ba niyang siya na lang ang laging pinasasama? Para daw ma-train na siya at pinasabak sa gulo. In the first place naman, hindi pagpupulis ang pinangarap niya. Takot nga siyang humawak ng kutsilyo, baril pa kaya. Oo, isa siyang malaking duwag, na kulang na lang magmarka na sa makinis at mamula-mula niyang noo ang capital letters na DUWAG.
Sebastian Delgado dream to be a Teacher, maybe major in math or arts but not in police actions, laws nor crimes. Kung hindi rin sa angkanan nilang puro linya ang mga iyon, matagal na siyang nakapalag. Pakiramdam ni Seb ay nasa libingan na ang isang paa kahit na sabihing mag-wheelchair pa siya. Wala nga siyang nagawa nang ipagdikdikan ng kanyang ama na mag-police siya. Ginagawa na nga niyang pulpol ang sarili, na wala namang nangyari. Sa City Police Station parin ang bagsak niya at salamat na lang sa dunong ng pinagpala niyang palad at siya ang nominated na sketch Anaylizer o Cartoonist (Cartoon Artist). Na hindi naman nagpataas ng ranggo niya sa loob ng isang taong paninilbihan. Samantalang ang mga kasabayan ng binata ay umusad na ang promotion, siya na lang yata ang nanatiling Police Officer One. Ano nga naman ang mapapala ng madla sa walang kwentang pulis na gaya niya na ang alam lang gawin ay mag-sketch?
Mabilis na siniko ni Seb ang pananggala niya sa ganitong laban na si Chief Inspector Ronaldo Dimaculangan. Katabi niya itong nakatayo at mabilis na binulungan, "Chief, sabi ko naman sa 'yo ako na ang magbabantay sa City jail baka tumakbo. Tingnan mo, natakbuhan tuloy tayo."
Agad naman hinubad ng Chief ang suot na cap at pinamalo sa pasaway niyang ulo. "Puro ka kasi bulakbol. Ako na naman ang malilintikan nito. Bakit naman kasi ngayon pa siya bumisita?"
Too sad, nakarating tuloy sa mabilis na kaalaman nito ang nangyaring Kabiguan.
"Dimaculangan!"
"Yes, sir!"
"Sumunod ka sa opisina!"
"Yes, sir!"
Paniguradong umuusok na ang bumbunan ng Police Superintendent dahil sa nangyaring failed Entrapment operation.
"Kamo, sabihin mo, puros pulpol iyang mga tauhan mo! Lalo na iyang si Delgado, puro kayabangan lang ang alam."
Hindi nga nagkamali ang binata, pangalan na naman niya ang numero unong nagmarka sa tainga niya nang idikit ang sarili sa nakasarang pintuan.
"Gawan mo ito ng paraan. Sa oras na malaman kong nabulilyaso na naman ang plano, ipatatapon ko na kayo, sampo ng tauhan mo sa malayong probinsiya."
"Sir, Yes Sir!"
Mabilis siyang dumistansiya nang marinig ang yabag ng Police Superintendent patungo sa pinto. Nakuha pa nga nitong bigyan siya ng masamang tingin bago tuluyang lumabas sa presinto.
"Apple of the eye ka na naman, Delgado. Pasalamat ka na lang talaga sa Ama mong retired General."
"Abay kung matibay lang ang loob niyan at hindi duwag, matagal na sanang na-promote."
Nagbingi-bingihan na lang si Sebastian para hindi na marinig ang pang-uuyam sa kanya ng kapwa kasamahan.
"Ang mabuti pa, magsikain na muna kayo. Ako na lang at si Romeo ang maiiwan muna rito. Bumalik kayo after thirty minutes," utos ng Chief nila.
Inakbayan siya ni Alponce, si Manuelito Alponce, ang itinuring niyang kaibigan kahit pa promoted na ito ng isang ranggo sa kanya.
"Hayaan mo na lang humupa. Mawawala rin iyan. Kain na tayo. My treat!"
Sa likurang bahagi ng Police Station ang maliit na Kantina ng Jail. Kapag oras ng duty ay hindi sila puwedeng lumabas ng mas malayo, lalo na kapag walang bantay sa Presinto.
"Hindi naman masama ang loob ko. Sanay na ako. One year na ako rito, hindi pa ba ako masasanay. Alam ko namang nagtiyaga lang sila dahil sa artistic kong talento."
"Oo na. Ikaw na ang talented at matinik pa sa chikas."
"Inom tayo bukas, off ko."
"Hindi tayo sabay ng off."
"Papalit ka kay SPO1 Galang," simpleng saad niya.
"Try ko kung papayag. Alam mo namang buntis ang Misis 'non. Alanganin."
PAGTATAPOS na lang palagi ng araw ang hinihintay ni Sebastian. Pagod na kasi siya sa ganitong kalakaran. Hindi naman umaasenso ang buhay niya sa pagsisilbi sa Inang bayan. Oo, nakatutulong siya, ngunit kabi-kabila naman ang bumabatikos sa kakayahan niya. Hindi na normal ang pinagsawaan niyang kakayanan. Napapagod din siya at malapit ng maubos ang pasensiya niya. Kung puwede lang na tumakas, matagal na sana siyang nakapagtago mula sa matalas na mata ng Ama.
Nang makauwi sa bahay ang binata, inaasahan na niyang panibagong paliligo na naman ng sermon ang nakaabang sa kanya.
"Dad, dito na po ako."
"One hundred push ups!" sigaw nito bungad pa lang sa pinto.
Mabilis siyang dumapa at pumuwesto.
"Bilang!"
Ugali na ng kanyang Ama na kung hindi garote ay push-ups na minsan ay isang kamay lang ang nakatukod habang sinesermonan siya sa mga kasalanang hindi naman niya sinadya.
"Kailan ka ba talaga titino?" Matino naman siya at walang bisyo. "Puro kahihiyan na lang ang dinala mo sa bahay." Hindi naman siya nakabuntis. Wala ngang nobya since birth. "Bakit hindi mo gayahin ang Kuya Pablito mo?" Ang Kuya niyang nasa Army at ipinagmamalaki kahit ng kapitbahay nila. "Puro ka kunsomisyon! Malapit na yata akong maniwala na bakla ka." Kung bakla siya, hindi sana niya niligawan si Tiffany kahit basted naman siya palagi sa dalagang anak ng kumpare ng kanyang Ama. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo. Palagi mo na lang pinasasakit ang ulo ko. Kung buhay pa sana ang iyong Ina, dalawa sana kaming nangangaral sa'yo." Magiging dalawa na rin ang ipupukpok niya sa kanyang ulo kung nagkataon. Ang kanyang Ina na maaga silang iniwan, sa edad niyang pitong taon ay agad namayapa. Matapos ma-heart attack ay dead on arrival na sa Hospital. Wala na nga talaga siyang maipagmamalaki kahit sa namayapang Ina. "Minsan naman, sana maisip mo ang pamilya mo. Maisip mo na para rin sa kapakanan mo ang lahat ng ito." Gusto na niyang ipamukha na makasarili, dahil kung para talaga sa kapakanan niya, sana ay naisip ng kanyang Ama ang nais o pangarap niya.
Hinihingal na napadapa na lang si Sebastian sa sahig matapos ang pang-isandaang push-up at iwanan na siya ng kanyang Ama. Napapaisip na tuloy siya, hindi ba puwedeng magbago siya ng desire sa buhay, na hangarin niya ang bagay na makapagpapaligaya sa kanya? Kung puwede lang niyang sermonan si kapalaran at mabago ang lahat, isa na sana siyang Alamat ngayon.
Aasahan na ni Seb na may sermon na naman siya pagdating sa Presinto. Sadyain ba kasi niyang ma-late ngayon. Masakit ang katawan niya, ulo at pati tainga. Malapit na rin siguro siyang maging bingi.
Dala ang sariling motor, minaniobra na niya iyon. Sa intersection ay hindi niya namalayan ang papalapit na sasakyan at kamuntik na siyang bumangga. Pasalamat na lamang siya sa stamina at liksi ng katawan. Kaagad siyang nakaiwas. Kung hindi ay paniguradong laman na sila ng balita, nagsalpukang kotse at motor.
Bumaba ang sakay niyon. Napanganga ang binata nang masilayan ang babae. Creamy white flawless skin envelope on her sleeveless yellow blouse fitted a tube top, dark black hair over flowing freely almost in her waistline. Looking good wearing skinny maong pants and black boots.
Napaalis siya ng suot na full helmet at napatitig sa ganda ng dilag na bumaba sa kalangitan. Maamo at kumikinang ang kaputian. Tipikal na Diyosa sa ganda.
"Bulag ka ba?" mataray na tanong nito sa kanya.
Napababa siya ng motor. He can play the good cop here. Bigla itong napaatras nang umaabante na siya ng lakad.
"May lisensiya ka ba?"
"Shit! Bakit hindi ko napansing pulis pala 'to?" Mahina pero dinig niya ang bulong nito.
Napamasid sa sarili si Sebastian. He's wearing full black shiny jacket outside without revealing any uniform. Paano nito nalamang pulis siya?
"Paano mo nalamang pulis ako? Tsaka itaas mo nga 'yang shades mo. Hindi ko makita ng buo ang mukha mo." Dahilan lang niya iyon. Gusto lang talaga niyang masilayan ang mga mata nitong sigurado ay maganda rin.
Akmang lalapitan sana niya ang dilag para siya na ang mag-angat ng shades nito at nang mapagmasdan niya ang tinatagong kinang ng mga mata nito.
"Get your filthy hands off me!" Saka mabilis na umiwas sa kanya.
Para siyang sinisilaban na makita ang naaasar nitong mukha. Lalo pa siyang lumapit para inisin ito. Humahalimuyak na sa kanyang ilong ang malamyos at mapang-akit nitong pabango. Kita na rin niya ang natural na pamumula ng mala-labanos nitong kutis.
Mukha namang hindi ito alaga sa gluta, dahil namumula ang balat nitong natatamaan ng sikat ng araw.
"W-What are you doing?"
Naramdaman yata nito ang kanyang hininga nang ilang dangkal na lang ang layo nila sa isa't isa.
Maging ang hininga ng babae ay hindi nakaligtas sa talas ng pang-amoy niya, amoy morning coffee. Iniangat ni Sebastian ang kamay nang tuluyan ng mabistahan ang itinatago nitong mga mata sa likod ng shades.
"Don't," muling pigil nito.
"I said, I need to see your eyes or see your license," panggigipit niya.
Biglang tumigas ang anyo nito at halatang kinabahan. Sigurado na siya na hindi nito dala ang lisensiya o wala talaga itong lisensiyang maipapakita.
Umangat ang sulok ng labi nito saka muling umimik, "Mickey mouse in the middle." Saka sinabayan ng halakhak.
"Anong sabi mo?"
Inilapit nito ang labi sa balikat niya at bumulong, "Design ng brief mo."
Napaatras siya. Butas ba ang suot niyang pants? Paanong nalaman nito ang design? Tama ang babae, nasa pagitan din ng hita niya ang ulo ng Mickey Mouse na design. Regalo lang naman sa kanya iyon ng sira ulo niyang Kuya. Walang Maid, pinag-day off ng Daddy niya. Tambak ang mga labahin at mga hinubaran niya kabilang ang mga undergarments. Wala siyang napagpilian kundi suotin ang brief na iyon, bukas pa kasi ang balik ng Maids.
"H-How did you know?" Napainspeksyon siya sa sarili para lang malaman na wala namang butas ang suot niya.
"Leave my shades off."
"Malamang hinulaan mo lang. Hindi ako kumbinsido. As if you're a Sorcerer."
Lumapit nang muli si Sebastian sa magandang babae at siya na mismo ang nag-alis ng shades na suot nito na ayaw nitong tanggalin. Kita niyang nanlaki ang maganda nitong mga mata, her deep gray eyes sparkled as if seeing something. Sinundan pa niya ang tinitingnan nito at maging siya ay nagulat sa napag-alaman.
"M-more than five inches!" gulat na bulalas nito at mabilis na hinatak sa kamay niya ang shades at tumalikod. "S-sorry, I didn't know na ganyan pala kahaba ang sandata mo."
Tatanungin pa sana niya ito nang mabilis itong umibis ng sasakyan at siya ay naiwang namumula at hindi makapaniwala sa narinig.