๐๐๐ฆ๐๐๐๐๐ ๐๐ฅ: ๐๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ต๐ฎ๐ป๐ด-๐ถ๐๐ถ๐ฝ, ๐ ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป, ๐๐ฎ๐๐ต๐ฎ๐ป, ๐ป๐ฒ๐ด๐ผ๐๐๐ผ, ๐น๐๐ด๐ฎ๐ฟ, ๐ธ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป, ๐ฎ๐ ๐ถ๐ป๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ฒ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐บ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ฑ๐๐ธ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ถ๐บ๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐-๐ฎ๐ธ๐ฑ๐ฎ ๐ผ ๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐๐ฎ ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ต๐ฎ๐ป๐ด-๐ถ๐๐ถ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฎ๐ป. ๐๐ป๐๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ถ๐ด ๐๐ฎ ๐ฎ๐ธ๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ผ ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐, ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฝ๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ผ๐ป.
From your Queen -johnkylegepiga3-
(A/N)This chapter contains unpleasant words.
PASENSYA NA SA LAHAT NG MALI.
"Alam mo dzai para kang paaralan" mariing sabi ng kaibigan kung si LAVANI, vani for short.
"Ayan ka na naman sa mga walang kwentang Pick-Up lines mo" may diin kung sabi na kanyang ipinagtampo.
"Ayyy suss,bakit may alam ka bang mga Pick-Up lines wala ka'ngang ORIGINAL pick-up lines mo" sabat ni Jeffrey, Jeff for short kaklase at higit sa lahat kaibigan kung bakla.
Lilingonin kuna sana si Vani ng naaninag ko ang napaka-gwapong nilalang.Wow...Totoo ba itong mga nakikita ko?Sa ilang segundo'ng pag-aninag ko sa kanya ay hindi mawala ang paghanga ko sa kanya,sa unang tingin ko palang ay bakas sa kanyang itsura ang pagiging matangkad, matalino,mayaman,at pagiging astig kunti nalang at mapagkakamalan mo na siya sa mga Korean Oppa's.Pero binura ko ang pagkokompara ko sa kanya at sa mga Korean Oppa's ng ngumiti siya papasok sa canteen at dumeretso sa cashier.
Kapag sinuswerte nga naman oh ho,he he he.Patay ka sa akin ngayun at sisiguraduhin kung sa akin ang bagsak mo.Gagawin ko ang lahat makuha lang kita.Kahit anong pagsabok man iyan alam kung marami-rami rin akong makakalaban na linta pero wala akong pakealam sa kanila ----
"Huyy!'' natigilan ako sa aking pagmumuni-muni ng tawagin ako ni Vani.
"Bakit ba kasi?" inis na singhal ko sa kaniya.
"Ano na?" pagtataray niya sa akin.
"Ang ano ba?"
"Ano ba ang dapat isagot sa mga tanong sa pick-up lines,huh?" doon ko lang ulit napagtanto na binabanatan niya pala ako ng PICK-UP LINES.
"Ohh e bakit?" tanong ko sa kaniya.
"Ano bayan mga loko talaga kayo,ulit mo nalang Vani ang tanong mo kay Abby" sabat ni Jeffrey,tatango tango namang sinunod yun ni Vani.
"Sige" maikling sagot ni Lavani.
"Alam mo dzai para kang Paaralan" pag-uulit niya sa tanong kanina.
"Baket?"
"Dahil kapag summer break mo lang siya kung hanapin pero pag andiyan na saka kapa nagtatamad-tamaran" tumagos sa puso ko ang katagang binitawan niya,totoo yun at alam kung ang ex ko ang tinutukoy niya.
Pero nawala ako sa wisyo ng makarinig kami ng ingay sa likod namin.Sabay sabay kaming tatlong napalingon at doon tumambad si 'SINTA KO',OO siya yung lalaki kanina napa- O ang bibig ko ng makita ko kung papa-ano niya pinagsusuntok at pinatid-patid ang mga lalaki na kilala sa tawag na TB o ang 'The Bully' ang pinakademonyong bully's sa buong paaralan may sarili silang patakaran at may mga sangay pa ang kanilang organisasyon.Ayun parin ang pag-hanga ko sa mga TM niya I mean mga 'THE MOVES' niya na pang Hollywood Action Series ang peg.Ang nakakapanindig balahibo niyang dating ang nagbibigay sa akin ng dahilan upang makuha ko siya.
Matapos ang matagal-tagal na pagmumuni-muni habang tintingnan si 'POGI' ay napalingon ako sa mga kaibigan ko na naka - O din ang mga bibig,bakas na bakas sa itsura nila ang pagkahanga sa FB ko I mean 'Future Boyfriend KO',napangisi ako sa aking naiisip at ng magtaas ulit ako ng tingin ay nagulat ako,parang huminto ang buo kung UNIVERSE ng makita si 'POGI'.
(โ_โ)
NAKATINGIN NA SIYA SA AKIN
Malalim na ang tingin ko sa kanya kanina pero mas pinalalim ko pa ito na tila kalahati ng Mariana Trench ang lalim,nakita ko ang kumukuti-kutitap niyang mga mata mas lalo akong naakit sa mga ito ng ilabas niya ang kanyang dila at paulit ulit na binabasa ang kanyanh mga labi habang nakatingin sa akin.Nakagat ko ang aking labi habang humihingal nakita ko kung paano niya ako nginisian bago talikuran.I can't, I can't, I really can't let you have someone else, else's neither dahil akin ka lang.Hihihi ngisingisi akong napalingon sa mga kaibigan kung nakatingin na pala sa akin at nagtataka sa akin.
"A-ano'ng tinitingin tingin niyo,huh?" utal-utal at kabado kung tanong pero ayun parin ang pagtataka kasama ang panunuksong pakikipag-usap nila sa akin gamit ang kanilang mga mata.
"Ano ba?" inis ko nang singhal sa kanila na walang kalakasan dahil nandoon kami sa loob ng canteen,napasulyap pa ako sa likuran namin kung saan naganap ang insidente kasama si 'SINTA KO'.
"Ayieehh" silang dalawa pero mas nangibabaw ang boses ni bakla habang akmang kikilitiin ako ng mga daliri nila pero bago paman iyon nangyari ay tumayo na ako para maka-iwas.