Marilou Point of View
Mahigit isang buwan na ako dito sa resort. Tiniis ko ang bagot, lungkot at pagkamiss kay Clifford. Umiiyak parin ako at hindi ko maiwasang hindi sya isipin dahil hanggang ngayon ay sya parin, hanggang ngayon ay sobrang sakit parin. Lagi kong pinagdarasal na sana ay gumaling na si Zei, sana ay matapos na ang lahat ng ito.
Bakit ganito? Nagpakalayo ako para makalimutan sya pero bakit sa ginawa ko ay mas lalo ko syang minahal. Tama ba talaga ang ginawa ko ang lumayo sa lahat para makalimot? Clifford sa ginawa ko ay sobrang nagsisisi ako, sa ginawa kong pag iwan sayo ay mas lalo kitang namiss ng sobra. Napaiyak ako habang yakap-yakap ang aking dalawang tuhod. Nasa kama ako ngayon at kagigising ko lang, kanina pa kinakatok ng katulong namin ang pintoan ko ngunit hindi ko sya sinasagot, gusto kong mapag isa.
Napahimas ako saking tyan, baby medyo bumubukol ka na at ramdam na ramdam ko narin na may laman ang aking tyan. Mahal na mahal kita anak. Patawarin mo sana si mommy kong lumayo tayo saglit kay daddy. Gusto ko lang mag-isip anak.
Napabuntong hininga ako!
Napalingon ako sa gilid ng aking kama, hanggang ngayon ay hindi ko parin binubuksan ang regalo ni Jana. Bakit kaya feeling ko ay kakaiba ang laman ng regalo niya. Binuksan ko iyon ng walang pag alinlangan. Isa-isang tumulo ang luha ko ng bumungad sakin ang mga larawan ni Clifford. Napatakip ako saking bibig, mga larawan ito ni Clifford nong baby pa sya hanggang elementary.
"Ang cute cute ng daddy mo, anak." hinawi ko ang aking mga luha, napayakap ako sa mga larawan ni Clifford. Naagaw pansin ng isang papel ang tingin ko, may nakasulat sa papel at sulat ito galing kay Jana. Binasa ko iyon na nakangiti.
Hi ate Marilou,
Happiest Birthday sayo ate, sana ate masaya ka sa kaarawan mo. Sorry kong ito lang naibigay ko sayo kinuha ko pa iyan sa facebook ni tito Clifford para ma photocopy ko hehe. Sa totoo lang ate gustong gusto kita para kay tito, feeling ko kasi hindi mo sya iiwan, feeling ko kasi kaya mo syang ipaglaban at mamahalin habambuhay. Ate please huwag mong iwan si kuya gaya ng ginawa ni ate Zeiya. Mas bet kita ate, mas komportable ako sayo, dahil alam kong hinding-hindi mo sasaktan si tito. Minsan kana niyang ikiniwento sakin at sobrang mahal ka talaga niya, kinilig nga ako eh hehehe. Happy Birthday ulit ate, I love you!
Jana,
Isa-isang tumulo ang luha ko sa nabasa. Napahagulgol ako, napayakap ako sa sulat ni Jana. Sobrang bait niyang bata, sobrang sweet niya sakin lalo na kay Clifford. Tama, dala lang ito ng aking galit, dala lang ito ng aking selos at sakit. Kailangan ako ni Clifford, kailangan sya ng baby namin at kailangan niyang malaman na buntis ako.
Dali-dali akong nag impake, hindi ko alam pero kanina pa ako kinakabahan. Lumabas agad ako ng aking kwarto, bumungad sakin ang maaliwalas at tahimik na sala. Napalingon ako sa buong paligid at wala ang dalawa naming katulong. Ibinaba ko ang maleta sa gilid ng sofa at napagdesyonang lumabas, maging sa swimming pool area ay wala sila. Umikot-ikot ako sa buong bahay ngunit ko sila makita. Umuwi kasi saglit si mommy at ang sabi niya ay babalik sya agad at naiwan kami sa resort.
Nasan sila?
Hindi ko kayang umuwi ng wala sila. Napalingon ako sa buong paligid, maging sa labas ng gate ay sobrang tahimik. Napahawak ako saking dibdib at napatingala sa langit. Dahan-dahan kumilimlim ang langit at mukhang uulan.
Napisaw ako at napaatras ng may iilang langgam ang kumagat saking paa. Napamura ako at napasandal sa gate, napapikit ako dahil sa sakit ng kagat nila. Sobrang bilis ng pangyayari, may biglang humintong kotse sa kinatatayuan ko kanina, napapikit ako dahil sa malakas na hangin na humampas saking mukha, kinabahan ako at nanginig ang aking dalawang tuhod. Kong hindi ako kinagat ng langgam at hindi ako napaatras ay siguradong masasagasaan niya ako.
Napatuwid ako ng pagkakatayo at lumapit sa kotse. Kinatok ko ang bintana ng ilang ulit.
"Ano bang problema mo? Muntik muna akong masagasaan kanina," sigaw ko. "Hoy lumabas ka dyan!!" halos mapamura ako.
Nanlaki ang mata ko ng ibinaba niya ang salamin. Napaatras ako at napahawak saking dibdib, ang kanyang ngiti ay napaka ganda. Ang kulot niyang buhok ay nakabuhaghag.
"Zei?" gulat ko, bumaba sya ng kotse at lumapit sakin. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.
"Patawarin mo ako, Marilou. Please, malaki ang kasalanan ko sainyo ni Clifford." ramdam na ramdam kong uniiyak sya. Kinabahan ako bakit niya ako natunton dito?
"Zei hindi kita maintindihan, pano mo nalaman na nandito ako? Buong akala ko ay hindi ka nakakalakad?" dahan-dahan syang humiwalay sa pagkakayakap sakin. Nakangiti parin sya, inabot niya ang magkabila kong kamay.
"Mar hindi ito ang tamang oras para sabihin sayo ang lahat, ibinabalik ko na sayo si Clifford." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Mar kailangan nyong magkita ni Clifford ngayon din, kailangan nyong mag-usap dalawa at ihahatid kita sa kanya." sobrang bilis ng tibok ng aking puso, bakit feeling ko kakaiba pero hindi naman iyon magagawa ni Zei. Nanatili syang nakangiti sakin. "Please Mar, sasabihin ko lahat-lahat sayo, kailangan nyo ng magkita ni Clifford. Hanggang ngayon ay hinahanap ka parin niya. Mahal na mahal ka ni Clifford at nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko syang namiss ka. Please maniwala ka sakin, kahit ngayon lang." sa sinabi ni Zei ay dahan-dahan akong napaniwala. Napahawak ako saking dibdib at titig na titig sa kanyang mga ngiti.
Kalaunan ay pumayag ako, dali-dali niyang binuksan ang pintoan ng kotse, lumingon pa akong muli sa kanya at nanatili itong nakangiti. Tuloyan na akong nakapasok sa kotse, pinapanuod ko syang umikot at pumasok narin. Sa pag andar ng kotse ay uminit bigla ang katawan ko, parang may kakaiba sa nararamdaman ko ngayon.
Habang sa byahe ay sobrang tahimik naming dalawa. Napahawak ako saking tyan na may kaba. Lumingon ako sa kanya!
"Zei pano mo ako natunton?" sumulyap sya sakin na nakangiti.
"Hindi na importante iyon ang mahalaga ay magkita agad kayo ni Clifford." sagot niya. Napabuntong hininga ako, mukhang nagsasabi naman ng totoo si Zeiya.
"Zei, i was scared earlier because you suddenly appear. Mukhang mabilis mong pinatakbo ang kotse at muntik muna akong mabangga kanina." sa sinabi ko ay bigla syang natawa ng mahina, kinabahana ako sa tawa niya ngayon. Napasulyap sya sakin na nakangiti.
"Tama ka, balak sana kitang sagasaan kanina ngunit umatras ka. Sayang naman!" sa sinagot niya ay kuyom ang dalawa kong kamao. Halos marinig ko ang pintig ng aking puso.
"Zei nagsisinungaling ka?" utal ko, natawa ulit sya. "Ibaba mo ako, ihinto mo ang kotse. Ibaba mo ako!" sigaw ko sa kanya, tawa sya ng tawa ngayon na para bang baliw.
"No no no no, Marilou hiindi ko gagawin iyon dahil sabay tayong mamamatay." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bigla niyang pinatakbo ng mabilis ang kotse. Napasigaw ako!
"Zei please ibaba mo ako, hindi mo kailangang gawin ito. Please!" halos magmakaawa ako. Napapikit ako sa malakad niyang tawa habang nagmamaneho ng mabilis. Sobrang tahimik at maluwag ang daan ngunit natatakot parin ako sa maaari niyang gawin.
"In your dreams, Marilou. Kong hindi lang naman ako ang makakatuloyan ni Clifford, edi papatayin nalang kita." napaiyak ako sa sinabi niya. Gusto ko syang kalabanin ngunit nag-aalala ako sa anak ko. Nag-aalala ako na baka may mangyaring masama sa baby ko.
"Zei maawa ka please, buntis ako at si Clifford ang ama. Please!" humagulgol ako sa harap niya, nagmamakaawa ako. Nagsisi ako dahil sinabi ko iyon, nagsisi ako dahil sa ginawa ko ay mas lalo syang nagalit. Buong akala ko ay maaawa sya sakin.
"Fuck!!!" mura niya at mas lalong pinabilis ang takbo ng kotse. "Mga putang'ina nyo, magkamatayan na tayong lahat!!!" sumigaw si Zei habang umiiyak, alam kong nasasaktan sya, alam kong mahal niya si Clifford.
"Zei huwag maawa ka sa baby ko. Alam kong nasaktan ka, alam namin pareho ni Clifford yon. Pero hindi mo kailangang gawin ito. Hindi mo kailangang pumatay ng tao, huwag kang magpadala sayong galit Zei." napasulyap sya sakin na lumuluha. Bumaba ang tingin niya sa tyan ko na kanina ko pa hinahawakan. Kitang-kita sa mukha niya ang galit, napakagat sya sa kanyang labi.
Tumawa sya ulit!
"Ano ako baliw? Anong akala mo sakin maniniwala sa drama mo? Wala akong pakealam kong buntis ka, huwag kang mag-aalala Marilou. Sasamahan ka naman ng baby mo sa langit!" tumawa sya ulit ng malakas. Isang tawa nang kademonyohan.
Hindi ko napigilan ang aking sarili, kanina pa ako nagtitimpi sa galit. Inagaw ko ang manobela, nagalit sya at itinulak-tulak ako, alam kong malakas ako dahil marami na akong napabagsak sa University, marami na akong nakaaway.
Nag pa giwang-giwang ang kotse, ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon, kong ano man ang mangyayari mahal na mahal kita Clifford.
"Hayop ka babae ka!!" si Zei at sinampal-sampal ako at itinulak-tulak, kinaya ko ang sakit at halos madaganan ko sya.
"Tama na Zei!!" sigaw ko dahil sinabunotan niya ako, napapikit ako sa sakit. Hindi ko na makita ang daan dahil humaharang ang iilang hibla ng aking buhok. Malakas ko syag siniko rason kong bakit sya napasigaw sa sakit.
"Shit!!!" napaubo sya dahil tumama ang siko ko sa tyan na. Inayos ko ang aking buhok para tignan ang daan ngunit sabay nito ang pagtapon ko pabalik saking inuupoan kanina.
Nawalan ako ng malay, malakas na nauntog ang ulo ko sa salamin rason kong bakit iyon na basag. Hindi ko na alam ang nangyari dahil nagising nalang ako na may iilang dugo ang tumulo saking mata. Napalingon ako kay Zei, nanlaki ang mata ko sa nakita. Naliligo si Zei sa sarili niyang dugo. Nakapatong ang kanyang ulo sa manobela at duguan.
Napaiyak ako at napahawak saking tyan. Napabuntong hininga ako dahil okay si baby, okay ang anak ko. Binuksan ko ang pintoan at dahan-dahan bumaba, napagapang ako sa damohan inilibot ko ang aking paningin at tumambad sakin ang kapatagan at walang ka tao-tao. Ibinalik ko ang aking tingin sa kotse at nabangga pala kami sa malaking puno, sobrang swerte ko. Gustohin ko mang sumigaw ngunit wala na akong boses.
"Saan ka pupunta?" mabilis akong napalingon saking likuran. Bumungad sakin si Zei na hawak-hawak ang kanyang isang braso, dahan-dahan syang lumapit sakin ngunit mabilis akong tumayo at tumakbo. "Hindi ka makakatakas sakin Marilou!!!" sigaw niya. Kaya ako napatakbo dahil may dala syang kutselyo. "Marilou papatayin kita!!!!"
Napaiyak ako sa sinabi niya. Hindi ko na alam kong saan ako pupunta dahil dinala ako ng aking paa sa isang pangpang. Napatingala ako habang hawak hawak ang aking tyan. Inakyat ko iyon kahit natutumba na at nadadapa.

Hinang-hina na ako, pagod na pagod na ako ngunit kailangan kong kumayo kay Zeiya dahil hindi ko alam kong ano tinatakbo ng isip niya. Hanggang sa umabot ako sa dulo, nanginig ako dahil malawak na dagat ang bumungad sakin. Sobrang taas, at sigurado akong malalim ang dagat.
"Nasa dead end na pala tayo, nice choice Marilou." mabilis akong humarap saking likuran. Hawak-hawak niya parin ang kutselyo. Dahan-dahan akong napaatras ng lumapit sya sakin at itinutok sakin ang dalang kutselyo.
"Zei maawa ka, pwede natin itong pag-usapan." umiiyak kong saad. Natawa lang sya!
"Nong ako ang nakiusap sayo na hihiramin ko si Clifford, ang dami mo pang drama. Tapos ngayon makikiusap ka? Asa ka!" humagulgol ako sa harap niya, halos lumuhod ako ngunit natawa lang sya. "Sa puntong ito ay hindi na ako maaawa Marilou. Nawala na sa akin lahat at wala akong paki kong mawala rin ako sa mundong ito, syempre kasama ka." hingal na hingal syang nagsalita.
Dahan-dahan akong napaatras, napalingon ako saking likuran. Natatakot ako sa kulay asul na dagat at mga malalaking bato mula sa ibaba. Kuyom ang dalawa kong kamao, umunit ang katawan ko. Ang unfair niyang tao!
"Wala akong inagaw sayo Zeiya, dahil wala na kayo ni Clifford. Wala akong kinuha sayo dahil iniwan mo si Clifford. Ang unfair mo, nagpapakalinis ka kahit alam ng buong pamilya ni Clifford na madumi kang tao. Napakasinungaling mo!!!" sigaw ko. Nagalit sya sa sinabi ko, ang kanyang mata ay namilog. "Diba totoo naman? Mahina kang tao kaya ka iniiwan ng lahat kasi ang hina-hina mo. Wala ka na ba talagang ibang naiisip ngayon kundi ang manakit at pumatay ng tao?" turo ko sa kanyang sarili. Isa-isa kong hinawi ang aking mga luha. Sa puntong ito ay napaiyak ko sya!
"Shut-up!!!" turo niya sakin gamit ang kutselyo. "Ang daldal mo nakakairita kana Marilou. Tapos kana sa panghuhusga sakin? Ngayon taposin na natin ang drama na ito." mabilis lumapit sakin si Zeiya at dahan-dahan akong napaatras, napapikit nalang ako, gustohin ko mang tumakbo ngunit natakot ako na baka maabotan niya ako at saksakin.
Dios ko mahal na mahal ko si Clifford at ang anak namin.
"Marilou?" mabilis kong idinilat ang aking mata, tumambad sakin si Clifford kasama ang dalawang pulis. Sobrang bilis ng pangyayari dahil hinila agad ako ni Zeiya at sinakal gamit ang isa niyang braso. Itinutok niya sa tyan ko ang kutselyo.
"Ano lalapit kayo? Sige subukan kong ayaw nyong saksakin ko si Marilou." napaiyak ako, ramdam na ramdam ko ang galit ni Zeiya. "Ano ito Clifford? Magpapa ka hero ka sa asawa mo? Ang sweet mo naman, para kang chocolate sweet sakin sweet sa kanya." napasigaw ako ng idiniin ni Zei ang kutselyo saking tyan.
"Clifford!!!" napasigaw ako sa sakit.
"Zei please stop, huwag mong gawin ito samin. Zei alam ko kong gano ka kabait. I loved you then and always as a true friend. Hindi ka namin iiwan!" napaiyak si Zei sa sinabi ni Clifford. Nakatutok ang dalawang baril kay Zei, alam kong nag sesenyasan na ang dalawang pulis ngayon.
"Mahal mo ako pero as a friend? Clifford naman eh mahalin mo ako ng hindi isang kaibigan lang, mahalin mo ako tulad ng dati. Pwede mo namang gawin iyon diba?" napahagulgol si Zei ngayon, napapikit ako. Bakit ganito kasakit?!
Hindi makasagot si Clifford at nakatitig ito sakin. Miss na miss ko na sya, hindi ko alam kong ano ang magagawa niya ngayon.
"Zei patawarin mo ako, patawad sa nagawa ko. Pag-usapan natin ito ng hindi nagsasakitan. Please akin na yang kutselyo mo, mag-uusap tayo." dahan-dahan lumapit si Clifford samin, naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak sakin ni Zei, hinintay ko pag senyas ng dalawang pulis. "Pangako ko sayo hindi kana muling masasaktan pa tutulongan kita, Zeiya." sobrang lapit na ni Clifford samin. Dahan-dahan bumaba ang kamay ni Zei ere.
Hinanda ko na ang aking sarili para tumakbo. Inilahad ni Clifford ang kanyang kamay para kunin ang kutselyo. Ramdam na ramdam ko ang kabog ng puso ni Clifford ng makalapit sya samin. Sa puntong ito ay nabitawan ako ni Zeiya tumakbo agad ako palapit sa dalawang pulis.
Lumingon ako kay Zei at Clifford na ngayon ay mag kayakap. Humagulgol si Zei sa bisig ni Clifford, napaiyak ako sa takot at pangangamba.
"Mahal na mahal kita Clifford!" wika ni Zei at ramdam kong mahigpit niyang niyakap si Clifford. Sumulyap sakin si Clifford na nakangiti, napahawak ako saking bibig alam kong nahihirapan sya ngayon.
"Umalis na tayo dito," suhestyon ni Clifford. Humiwalay sa yakap si Zei at hinawakan ang magkabilang pisnge ni Clifford. Bakit ako kinabahan ng ganito.
"Kong hindi talaga tayo ang tinadhana, pwes ako na mismo ang hahanap ng paraan para kalabanin ang tadhana. Sasama ka sakin hanggang kamatayan!"
Sobrang bilis ng pangyayari dahil niyakap ni Zei si Clifford at hinila patalon sa pangpang. Napasigaw ako, sobrang sikip ng dibdib ko ngayon. Napaluhod ako habang nakahawak saking dibdib, sobrang laki ng mga luhang pumapatak saking dalawang mata.
"Clifford!!!!!!!?!!!?!