Chereads / "You're Only Mine" / Chapter 24 - KABANATA 24

Chapter 24 - KABANATA 24

Kanina pa ako nababagot at kanina pa ako gustong umuwi ngunit hindi ko magawa dahil wala rin naman akong kotse para tumakas.

Umalingaw-ngaw ang tawa nila sa buong sala. Nagtatawan si daddy at stepmom kasama ang pamilya ni Clifford. Kanina pa kaming umaga dito, at hindi ko alam kong bakit humaba ang kanilang usapan.

Pinapunta kaming lahat sa bahay ni Mr. and Mrs Edelbario, at nandito kaming lahat pamilya, late celebrate nalang din sa pagbalik ni Clifford kahit tatlong linggo na ang kalipas simula nong dumating sya.

Napairap ako sa pagod, kanina ay kinakausap nila ako subalit umalis agad ako at nag tago sa garden. Ayaw kong makinig at makipag-usap sa kanila dahil puro apo nalang ang hinihingi nilang lahat. Nabweset ako, dahil kahit kailan ay hindi mangyagari iyon.

Napatingala ako sa langit, hindi ko namalayan na sobrang ganda pala ng pool nila dito dahil pinalilibutan ng maraming bulaklak.

"Excuse me, are you Marilou?" agaran akong napalingon saking likuran. Nagtaas ako ng kilay habang sya ay sobrang laki ng ngiti. What is the problem with this child. Hindi pa ako sumagot ay dali-dali syang lumapit sakin.

"Hi ate, buti nalang at nakita kita agad. May tita told me kasi na nandito ka, kasama ko si Tito Clifford, sinundo niya kasi ako sa bahay. Gustong-gusto kasi kitang makilala." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko lubos maisip na ganito sya magpaliwanag.

"Who are you again? why are you talking to me?" naging maldita ang tono ng boses ko. Napahalukipkip sya sa sinabi ko. Dahan-dahan syang umupo sa tabi ko, bago niya ako tinignan.

"I'm Jana, kapatid ni tita Clea ang mommy ko." naismid ako sa sinagot niya. Pamangkin pala sya ng mommy ni Clifford. Napatitig ako sa kanya, sobrang ganda ng batang ito..

"How old are you again?" aniko.

"8yrs old ako ate," sagot niya naman. Nagkibit ako ng balikat.

"Ahhh okay, nice to meet you." tanging nasagot ko bago ibinalik ang tingin sa pool.

"Ate Marilou, ang ganda nyo po. Bagay na bagay kayo ni tito Clifford ang galing niya talagang pumili, pareho kayong maganda ni Ate Zei." mabilisan akong napatingin sa kanya. Ang kanyang ngiti ay halos umabot sa magkabilang tenga, tila sobrang saya nang makita ako.

Zei?

"Anong sabi mo ulit?" tila hindi makapaniwala.

"Ahhh sorry ate," dali-dali niyang tinakpan ang bibig niya tila natakot at nagkamali sa binitawan niyang salita.

"Who is Ate Zie? Pinsan nyo? kapitbahay? kaibigan?" sunod-sunod kong tanong. Dahan-dahan napatayo si Jana na tila natatakot. Hawak-hawak niya ang kanyang magkabilang kamay.

"Ate, kailangan ko munang mag CR, naiihi kasi ako eh. Babalik ako agad huh?" dali-dali syang tumakbo sa sobrang takot. Pinapanuod ko syang palayo at umakyat sa isang kwarto.

Napabuntong hininga ako, hindi ko alam bakit biglang sumakit katawan ko. Ibinaling ko ang tingin sa pool, habang iniisip ang sinabi ni Jana. Sino ang babaeng iyon? Bakit nasabi yon ni Jana?

"There you are," mabilis akong napalingon saking likuran. Nakatayo si Clifford mula sa veranda habang nakapamulsa, umirap ako bago nag iwas ng tingin. "Its lunch time, kanina ka pa hinahanap nila mommy." dugtong niya.

"I lost my apetite, hindi rin ako nagugutom." sagot ko. Ramdam na ramdam ko ang paglapit niya sakin.

"Pilitin mong kumain, naghihintay silang lahat sayo sa hapag." sagot niya naman. Mabilisan akong napalingon sa kanya na sobrang galit. Gusto kong magalit ng sobra-sorba sa kanya ngayon.

"Kong ayaw ko, huwag mo akong pilitin. Hindi nga ako gutom," singhal ko. Dahan-dahan syang lumapit sakin at mahinang hinila ang aking braso. Napatayo ako rason kong bakit kami naglaban ng titig. Napatingala ako dahil sa matangkad si Clifford.

"Kakain ka o ako ang kakain sayo?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kong bakit niya sinabi iyon. Binawi ko ang aking braso.

"Fine!!!" sigaw ko. "Humanda ka sakin mamaya," tangi kong naisagot at dali-dali syang tinalikuran. Padabog akong tumungo sa dinning area. Kuyom ang dalawa kong kamao. Humanda ka sakin mamaya!

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin si Mommy, stepmom at ang mommy at daddy ni Clifford kasama si Jana. Nahuli ko ang pag yuko ni Jana kaya minabuti kong tumabi sa kanya sa hapag.

"Oh Marilou buti nalang at nakita ka ni Clifford." wikang nakangiti ng mommy ni Clifford. Ngumiti ako ng pilit at hindi nalang sumagot.

"Masarap ang pagkain nyo huh, sigurado akong mabubusog kami nito." si daddy na nakangiting kumakain. Nagtawanan ang lahat, except kay Jana at ako.

"I'm sure you'll get drunk on fullness, Garry." natatawang wika ng daddy ni Clifford. Hindi ko magawang kumain at pinaglalaron nalang ang plato gamit ang tinidor.

"Marilou, hindi mo gusto ang pagkain? We can change, if you want." agaran akong napalingon sa mommy ni Clifford. Hindi ko alam kong pano sya sagotin dahil simula nong maikasal kami ni Clifford hindi ko pa sya natatawag na mommy.

"Gusto niya mom, hindi lang talaga sya gutom." sabay kaming napalingon sa papalapit na si Clifford. Nakangiti syang kumaway kay Jana at tumabi ito sa kanya. Pinagit-naan namin si Jana ngayon.

"Tito Clifford sobrang sarap ng mga pagkain nyo today, ang dami-dami ko ng nakain oh." si Jana na tuwang-tuwa. Ginulo ni Clifford ang buhok niya.

"Good to hear that, baby." aniya. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtawag niya kay Jana ng baby.

"Ang bilis talaga ng panahon, hindi ko lubos maisip na malaki na si Jana, parang kailan lang talaga." napalingon ako kay stepmom.

"Oo nga Leah eh, palagi yan dito kasi lagi niya kaming namimiss lalo na ang tito Clifford niya. Busy kasi si Jean sa trabaho at minsan yaya niya lang ang kasama niya sa bahay." sagot naman ng mommy ni Clifford.

Napatitig ako kay Jana habang inaalalayan sya ni Clifford na kumain. Naiisip ko lang bigla kong pano at ano ang ginagawa niya sa tuwing mag-isa sa kanyang bahay.

"Mabait at mahinhin na bata, manang-mana sa daddy niya." sagot naman ni daddy. Napalingon ako sa kanya at nakangiti na itong nakatitig kay Jana.

"Ka ano-ano nyo ang pamilya ni Jana dad?" bigla ko nalang iyong natanong. Ngumiti si daddy.

"Matalik na kaibigan namin si Jean at Anton," sagot naman ni daddy.

"Let's not talk about Anton, Jana might suddenly cry." pabulong na wika ng stepmom ko kay daddy. Kumunot ang noo ko bago napalingon kay Jana, nakayuko na ito habang ngumunguya.

"You okay, baby? gusto mong maglaro nalang tayo ng computer games?" namahang ako sa anyaya ni Cliffoed habang hinimas-himas ang likod ni Jana. Hindi ko alam pero biglang sumikip ang dibdib ko, dahil kasing edad ko sya ng mawala si mommy.

Umiling si Jana, kitang-kita sa mata niya na maluluha na sya.

"Jana, diba sabi mo may pag-uusapan pa tayo? Gusto mo taposin natin? may e'shishare din ako sayo. Huwag kang mag-alala hindi ako nagalit sa sinabi mo kanina?" mabilis na tumingin sakin si Jana, dahan-dahan syang ngumiti sakin ngayon. Kunot noo akong tinignan ni Clifford na tila nagtataka.

"Talaga ate, sige patapos narin akong kumain, tika lang ahh." mabilis syang ngumunguya na nakangiti. Napatingin sila sakin lahat.

"Marilou, may sinabi si Jana sayo?" mommy ni Clifford na tila nagtataka. Sa mga mata nilang lahat ay alam kong may tinatago sila sakin. Lumingon ako kay Clifford at hindi na ito nakatingin sakin.

"Wala naman mommy, ang sabi niya lang sakin ako daw ang pinakamagandang babae na nakilala ni Clifford." nakangiti kong wika. Natahimik silang lahat at kalaunan ay nagtawanan, kitang-kita naman sa mga ngiti nila na hindi kasiguradohan.

"Totoo naman talaga, Marilou. Hayys sana ay mabigya nyo narin kami ng apo. We are waiting for that!" sagot ng mommy ni Clifford habang niyayakap ang sarili.

Agaran akong lumingon kay Clifford at nakatingin na ito sakin. Sinamaan ko sya ng tingin, at alam ko sa sarili ko na hinding-hindi iyon mangyayari.

Pagktapos naming kumain ay bumalik kami ni Jana sa pool. Sinabi ko lahat sa kanya, sinabi ko sa kanya na maaga rin akong nawalan ng mommy. Sobrang tapang ni Jana habang nakikinig sakin, hindi ko lubos maisip na naging okay sya at tanggap niyang wala na syang ama.

Nagkayakap kami ni Jana. Tama sila sobrang bait niyang bata, sobrang gaan ng loob ko sa kanya, para bang hindi ko magawang magsalita ng masama sa kanya. Ayaw ko rin masaktan ang damdamin niya dahil natatakot ako na baka ma apply niya paglaki niya.

"Thank you ate, ang ganda mo pa ang bait mo pa." niyakap niya ako ulit. Nakangiti akong nakayakap sa kanya. Halos mag gagabi narin kaya nilubos ko na ang lahat.

"'Jana, na e share ko na lahat sayo. Baka naman masagot muna ang katanongan ko kong sino si Zei?' tanong kong nakangiti. Sa puntong ito ay hindi ko na nakikita ang takot sa kanyag mukha.

"Wait lang ate huh," dali-dali niyang kinuha ang kanyang phone mula sa kanyang bag. Agad niyang ipinakita sakin ang isang larawan, natahimik ako bigla. Dahan-dahan kong kinuha ang phone niya at mas minabuting tinignan ng malapitan ang larawan.

Sobrang ganda ng buhok niya dahil kulot ito, ang maputi niyang balat ay mas lalong nagpapaganda sa kanya.

"Sya si ate Zei, mag kasing bait at ganda kayo ate. Sobrang malapit sila ni Tito Clifford, kasi lagi ko silang nakikita noon na magkasama, minsan nga ate Marilou, sinasama nila ako sa mga lakad nila. Namimiss ko na nga sya eh." sa bawat salaysay ni Jana ay makikitang sobrang saya niyang ipanakita sakin ang larawan. Ibinalik ko sa kanya amg phone. Buntong hininga akong tumitig sa pool.

"Nasan na sya ngayon?" tanong ko na agad naman niyang ikinalungkot.

"Malayo raw ate eh, hindi naman sinabi sakin ni Tito Clifford kong nasan si ate Zei. Pero minsan naririnig ko syang may kausap sa phone niya," mabilisan akong napalingon kay Jana. Biglang kumuyom ang dalawa kong kamao.

"Jana kilala mo ba kong sino?" tanong ko. Mahinhin syang napatitig sakin habang nakanguso.

"Sa pagkakaalala ko ate, bago niya ako kinuha kanina sa bahay may kausap sya sa phone niya. Pero sabi niya agency lang daw yon sa Canada." nakasimangot niyang sagot.

"Jana," sabay kaming napalingon sa likuran. Palapit samin si Clifford na walang ekspresyon ang mukha. Hindi niya ako magawang tignan. "Baby, nasa labas na ang mommy mo. Kailangan munang umuwi." yumakap agad si Jana kay Clifford bago sya lumapit sakin at niyakap ako.

"Bye ate, Marilou. Sana ay makapag usap pa tayo muli, please?" nakanguso niyang wika. Ngumiti ako bago sya niyakap ulit.

Dali-dali syang tumakbo ng makita ang mommy niya at naiwan kami ni Clifford mula sa pool. Ramdam ko ang paninitig niya sakin.

"Let's go home," anyaya niya. Sumulyap ako sa kanya at nakapamulsa syang nakatitig parin sakin.

"Mauna kana, mag tataxi nalang ako." wika ko at dali-dali syang iniwan. Ramdam kong sumusumod sya sakin, bigla niyang hinila ang braso ko rason kong bakit ako napaharap sa kanya.

"Pagod ako, wala akong oras makipagtalo sayo." naging ma awtoridad ang boses niya. Natawa naman ako ng kaunti.

"Edi huwag mo akong kausapin, mahirap ba yon?" singhal ko, sa puntong ito ay ramdam ko na ang kanyang galit. Mabilis niya akong hinila sa may braso at walang hirap na ipinasok sa kotse niya. Wala akong magawa, hindi ko magawang sumigaw at hinayaan sya. Padabog akong sumandal sa upoan.

Dali-dali syang pumasok sa kotse at mabilis na pinaandar. Maging sa byahe ay hindi kami nagkikiboan. Hindi ko sya magawang tignan.

Ilang minuto lang ay tumunog ang phone niya mula sa kanyang tabi. Napasulyap ako mula roon ngunit number lang ang tanging nakasulat. Nahuli niya akong nakatingin sa phone niya, mabilis niya iyong pinatay at hindi na muling tumingin sakin.

Napakagat ako saking ngipin. Galit ako!

"Bakit hindi mo sinagot? Baka importante, o baka naman si Zei?" sa pagkakataong ito ay mabilisan niyang pinatakbo ang kotse, kinalma ko ang aking sarili. Buong akala niya ay matatakot ako sa kanya. "Halata naman," bulong ko.

Sumulyap akong muli sa kanya at hindi na niya ako magawang tignan. Siguro nga ay tama ako noon, kailangan kong ipagpatuloy ang aking plano na makipaglaro nalang kay Clifford.

Ang hirap magtiwala sa taong hindi makawala.