Chereads / "You're Only Mine" / Chapter 2 - KABANATA 2

Chapter 2 - KABANATA 2

KABANATA 2: Plan

Pagdating ko sa bahay ay dumirekta ako agad sa kwarto ko. Hindi na ako pumasok sa last subject ko dahil nawalan ako ng gana. Maging sa dalawa kong kaibigan ay hindi na ako nakapag paalam dahil nga wala ako sa mood. Speaking of mood, nililibang ko ang aking sarili sa pag da'drawing. Hindi ako masyadong marunong mag drawing ngunit alam ko sa sarili ko na magaganda ang lahat ng gawa.

Isa sa mga pinaka gusto kong iguhit ay ang nature, sobrang napamahal ako sa malalaking puno, mga bundok at mga bulaklak. Bumabalik ang mood ko pag nakikita ko ang mga guhit ko. Isa sa pinaka importante kong gawa, ay ang mga sunflowers. Sobrang gumagaan ang loob ko pag nakakakita  ako ng sunflowers. Something about sunflowers just makes me smile, i dont know why i just feel the pure happiness. Halos mapuno ang kwarto ko ng mga sunflowers, mula sa kurtina, wall paint, bed, pillows at maging sa banyo ay pinalilibutan ng sunflowers. Yellow is life for me, kahit sinasabi nilang mukhang tae. Ewan ko, nagagalit talaga ako pag kinompara nila ang dilaw sa tae, napaka immature talaga ng ibang tao. Nag-iisip nang kong ano-ano para tumawa!

"Ms. Marilou kakain na ho," bumalik ang diwa ko nang kumatok si yaya meng. Umirap ako bago nagpatuloy sa pag guguhit.

"Wala ako sa mood kumain," bulyaw ko ngunit nangungulit parin sya.

"Ms. Marilou, kailangan nyo na hon'g bumaba. Hinihintay na kayo ni Sir at Ma'am sa dinning area." Nakagat ko ang aking labi habang pinapakalma ang sarili. Lalo akong mawawalan ng gana pag kasabay kumain ang stepmother ko. Kaasar!

"Hindi ako gutom yaya, so please umalis kana may ginagawa ako." Singhal ko sa naiiritang tono. Ipinagpatuloy ko ang pag guguhit na kunot noo.

"P-pero Ms. Marilou ako ang mapapagalitan ng daddy mo." Katok niya parin. Nagtitimpi na ako sa galit.

"I said umalis kana, i am not hungry yaya." Sigaw ko sa iritasyon. Ramdam na ramdam kong nasa labas pa sya ng pintoan. Ang tigas talaga ng ulo!

"Ms. Marilou pareho tayong mapapagalitan ng daddy mo. Mabuti pa eh bumaba na tayo," Oh my ghad! This is incridible, bakit ang hirap intindihin ng sinabi ko?

"So ako pa ang may kasalanan pag napagalitan ka? Ako pa ang sisisihin mo pag hindi ako bumaba?  Mahirap bang intindihin ang sinasabi ko yaya? I am not hungry, period." Sigaw ko sa galit. Halos mabali ko ang paint brush na hawak-hawak ko. Halos masipa ko ang stand ng board dahil sa inis.

"P-pero Ms. Marilou ayaw ko pong---," sa puntong ito ay ibinato ko ang paint brush sa pintoan ko.

"Ahhhhhhhhhh!" Sumigaw ako ng malakas at dali-dali akong lumapit sa pintoan na may iritasyon. Pagpihit ko palang ng door knob ay binugahan ko agad si yaya meng. "Bakit ba ang kulit mo---," nanlaki ang mata ko sa tumambad sakin. Napalunok ako subalit ramdam ko parin ang galit. Hingal na hingal ako sa harapan niya.

"Bumaba ka!" Isang ma awtoridad na tono ang sumampal sakin. Kuyom ang dalawa kong kamao!

"I'm not hungry!" Maluwang kong sagot. Umigting ang panga niya at titig na titig sakin.

"I said bumaba ka," singhal niya sakin. Nanatiling kuyom ang dalawa kong kamao.

"But daddy," sagot ko ngunit tinalikuran niya ako agad. Nanatili syang nakatayo na patalikod sakin.

"No but's, Marilou. Lets go!" Huling sabi ni daddy bago ako tinalikuran. Marahan akong huminga ng malalim bago bumalik sa kwarto. Nilinis ko ang aking mga kalat bago nag ayos ng sarili. Gusto kong magalit sila sakin, gusto kong mainis sila sakin, gusto kong marinig ng paulit-ulit ang sermon ni daddy. Dali-dali akong naglagay ng makapal na make-up. Sobrang pula ng aking labi.

Tumulak ako pababa hanggang dinning area. Pagbukas ko ng pintoan ay unang bumungad sakin ang stepmother kong nilalagyan ng kanin ang plato ni daddy. Kong gano kalaki ang pera na nakukuha niya kay daddy ay ganon din sya mag-alaga kay daddy. Ang galing umakteng!

"Sit down," iminuwestra ni daddy ang kabilang upoan. Kaharap ko ang stepmother ko habang nasa gitna namin si daddy.

"Anak anong gusto mong kainin?" Ngumiwi ako sa katanongan ng aking stepmother. Hindi ako sumagot habang titig na titig sa kanya. "Maybe ito ang gusto mo, alam ko namang favorite mo ang adobo diba?" Inilahad niya sakin ang isang bowl ng adobo. Hindi ko alam kong bakit mas lalo akong nagalit sa puntong ito. Halos umusok ang tenga ko sa galit. Napatitig ako sa adobo.

"You imitate my mom specialty? how could you!" Halos masigawan ko sya.

"Marilou stop it," mahinahong wika ni daddy. Inirapan ko ang aking stepmother.

"Totoo naman daddy diba? Ginagaya niya ang mga luto ni mommy." Saad ko.

"Nasa harap tayo ng hapagkainan, Marilou. Tumahimik ka!" Naging ma awtoridad ang tono ni daddy. Kuyom ang dalawa kong kamao. Nanatili akong nakatitig sa stepmother ko.

"Mang'gagaya ka, lahat nalang ng ginagawa ni mommy samin noon ay ginagawa mo samin ngayon. Imitator!" Padabog akong tumayo ngunit hinila ni daddy ang kamay ko.

"Saan ka pupunta?" Singhal ni daddy. Hindi ako sumagot. "You will stay here and eat with us, huwag na huwag mo kaming tatalikuran ng mommy mo, Marilou." Natawa ako sa sinabi ni daddy. Sinulyapan ko ang stepmother ko at umiiyak na sya sa harap namin. Ang galing naman umakteng, parang totoo lang lahat.

"Hindi ko sya mommy. Kahit kailan ay hindi ko sya matatanggap bilang isang ina." Pagkatapos kong sabihin iyon ay ang pagtayo ko. Hingal na hingal akong humarap kay daddy. "You know what guys, i lost my apetite." Huli kong sabi bago sila tinalikuran. Hindi pa ako nakakaabot sa pintoan ng dinning area ay tinawag ako ni daddy.

"Marilou!!!" Sigaw ni daddy. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. "Huwag na huwag mo kaming tatalikuran, kundi pagsisihan mo ang gabing ito." Singhal niya sakin. Natawa ako ng kaunti.

"Bakit dad anong gagawin mo? Sasaktan ako? Pagbubuhatan ng kamay? Papaloin? Sasampalin?" Usal ko. "Kahit saktan mo ako ng paulit-ulit daddy, hinding-hindi parin magbabago ang trato ko sa babae mo. Alam mo kong bakit? Dahil matagal na akong nasasaktan!" Wika ko. Halos manlaki ang mata nang aking stepmother. Nanatili syang umiiyak habang si daddy naman ay nakatayo.

"Ano bang nangyayari sayo bata ka?" Singhal niya sakin. "Pati sa hapagkainan ay nag rerebeldi ka, pasalamat ka at ipinanganak kang mayaman, Marilou. Hindi lahat ng tao ay nakakakain ng masasarap, subalit ikaw? Lagi mong nirereject ang mga pagkain sa mesa. Ano bang gusto mong mangyari? Lahat ginawa na namin ng lolo mo, bakit hindi parin sapat? Ano bang gusto mo?" Hindi ko napigilang umiyak sa sinabi ni daddy. Kuyom na kuyom ang dalawa kong kamao, halos mabali ang nga buto ko sa galit.

Isa-isa kong pinunasan ang mga luha saking mata.

"I want my mom and i missed her so much!" Humagolgol ako ng iyak pagkatapos sabihin iyon. Panay hawi ko saking mga luha. Halos hindi maka imik si daddy sa sinabi ko.

"Anak Marilou," dahan-dahan syang lumapit sakin. Hinawakan niya ang magkabila kong kamay. Mahal na mahal ko si daddy ngunit sa tuwing nakikita ko syang kasama ang stepmother ko ay bumabalik ang galit ko. "Listen to me, mahal na mahal ka namin ng mommy Leah mo." Napalingon ako sa likuran ni daddy kong nasan ang stepmother ko. "We need you anak, and your mom needs you too. Alam kong nahihirapan ka pa, alam namin iyon, hindi kita pipiliting tanggapin si Leah but, you need to respect and honor, even when you dont agree. One of the greatest gift you can give to me is your love, honor and respect just like what you did to your mom. Malaki ang respito ko sa mommy mo and you represents half of your mom and half to me." Napayuko ako sa sinabi ni daddy. Sobrang bigat ng damdamin ko. Bakit feeling ko kontrabida ako sa buhay nila? Nasaktan lang naman ako ah. Napatitig ako kay daddy, kitang-kita sa mata niya ang sakit.

"Sorry dad, i need to go." Iyon lang ang tangi kong naisagot bago tignan ang stepmother ko. Nanatili syang umiiyak habang hawak-hawak ang kanyang dibdib.

"I understand you cant join with us. No matter how bad the circumstances you had, we still love you, Marilou." Napapikit ako sa sinabi ni daddy. Dahan-dahan kong binitawan ang kamay niya. Napaatras ako habang pinupunasan ang mukha.

"You can't blame me daddy, remember what you told me before? Im a masses, right?" Napabuntong hininga si daddy ng pinaalala ko sa kanya kong pano niya ako sinampal sa maraming tao. Umiinom ako sa bar ng gabing iyon dahil sa nalaman kong may bago syang asawa.

"Marilou," lumapit sya sakin ngunit umatras lang ako. "You are not called to be one of the masses, if you do the right thing for the sake of your future." Dugtong niya.

"Hindi na dad, dahil kahit ayosin ko pa ang buhay ko, hinding-hindi na babalik satin si Mom. Hindi katulad mo, nandyadyan ka nga sa tabi ko pero nakalimotan muna ako. My mom doesn't let me forget where i came from and how much she loves me before. Hindi tulad mo!" Huli kong sabi bago sya tinalikuran. Hindi ko na muling narinig ang pagtawag ni daddy nang makalabas na ako ng dinning area.

Dali-dali akong umakyat ng kwarto ko at tinext ang dalawa kong kaibigan. Gusto kong kumalma sa puntong ito.

Me: This is so bullshit! I need you guys, please ayaw kong tumambay sa bahay ngayon. I want to go in some bars.

From Jazzy: Hey what happen? See you tonight.

From Jilheart: ito na naman ang kaibigan namin, sa tuwing nasasaktan alak ang hinahanap. Alam mo girl, mag timpla ka nalang kaya ng gatas dyan.

Kumunot ang noo ko sa message ni Jilheart. Umusok ang tenga ko sa joke niyang hindi nakakatuwa!

Me: Fuck you Jilheart. Go to hell!

From Jilheart: Grabe sya oh, nag jojoke lang naman ako dito. Seryoso?

Hindi ko na sya nireplayan pa at dali-daling nagbihis, pagkatapos mag make-up. Nasanay na ako sa bibig ni Jilheart kahit na halos patayin ko sya sa mga joke niya.

Inantay kong makatulog si daddy at ang babae niya, bago minabuting lumabas ng kwarto ko. Sa mga oras na ito ay alam tulog na silang lahat pati ang mga yaya. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdanan habang bitbit ang heels. Hanggang sa umabot ako sa maindoor at tuluyang nakalabas.

Bago makapasok sa kotse ko ay biglang tumunog ang aking phone.

From Jazzy: Nasa sweet bar na kami ni Jilheart. Nasan ka na?

Hindi ko na sya nireplayan. Mabilisan kong pina andar ang aking kotse. Maluwang akong nakalabas na tila nakatakas sa isang hawla. Sobrang laki ng ngiti ko habang nagmamaneho. Pagdating ko sa bar ay unang humagilap ng mata ko ang kotse ng dalawa kong kaibigan. Dali-dali akong bumaba habang hinahanap ang aking phone sa bag. Naglalakad akong nakayuko habang nagtitipa ng message para sa dalawa kong kaibigan.

Me: Im already here!

Napaatras ako ng biglang may bumangga sakin. Halos lumuwal ang mata ko sa galit dahil natapakan niya ang mamahalin kong heels.

"Oh my ghad, my stelleto. How dare you human!" Sobrang lakas ng boses ko habang pinapagpag ang aking heels. Mabilisan kong tinignan kong sinong nakabangga sakin. Nanlaki ang mata ko sa bumungad sakin. Kuyom ang dalawa kong kamao ng tumambad sakin ang madita niyang mukha. Ang postura ng kanyang anyo ay tila nasisiyahan sa galit na galit kong mukha.

Kalmado syang nakangiti sakin ngayon. Ang kanyang kilay ay nakatas at head to toe akong tinititigan.

"Its you," aniya. "Oh im sorry girl your mistake." Ngiti niya sakin na sobrang plastik. Halos makagat ko ang aking ngipin sa galit. Kasalanan ko pa talaga? Ang kapal naman talaga nang mukha niya.

"Napaka swerte mo naman at stelleto ko talaga ang natapakan mo. Ang malas naman ng heels ko, nadumihan pa sa isang tulad mo." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Isa sya sa mga taong pinaka ayaw ko.

"Excuse me?" Usal niya. Lumapit sya sakin. "Dont tell me you still hate me. Gosh Marilou its been a month since he left you. He doesn't love you anymore." Nakangiti niyang wika. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng aking dibdib. Sobrang sakit hanggang ngayon, ang masakit pa don ay ipinagpalit niya ako sa babaeng hindi ko ka level. Ang galing niyang pumili at isa pa talagang danggit sa dagat. "Come on, Marilou. Learn to move on and accept. Dont hate me, dahil hindi ko kasalanan kong bakit ako ang pinili niya diba?" Natatawa niyang wika. Pilit kong kinakalma ang aking sarili.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya na nakangiti. Isang ngiting pang-aasar at pang i'insulto.

"I never hate you, Hally." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Love your enemies, do good those who hate you." Dugtong ko.

"Oh well good to hear that." Iling niyang sambit. Maarte syang tumitig sakin head to toe. Tila pinag-aaralan ang tindig ko. "You look bad today, Marilou." Ngiwi niya. Nagsimula ulit kumulo ang dugo ko.

"I rather look bad and honest than make excuses and look good." Sagot ko. Natahimik sya sa sinabi ko. Ako yong tipong bumibitaw ng masasakit na salita dahil nag pakatotoo lang ako. I hate lying and pretending.

"Oh well I see, just thinking lang naman kasi. Since Bazer left you, you look so bad after all. You look depressed and stressed. What happen to you? Maybe i can help you back." Pang iinsulto niya sakin. Tinawanan ko sya ng mahina.

"I dont need your help." Mapakla kong sabi. Head to toe ko syang tinignan. "Kong iniisip mong bitter parin ako hanggang ngayon, dyan ka nagkakamali, Hally. I never said that I love Blazer, maybe ikaw ang nagsabi niyan? Come on Hally, sa ganda kong 'to?" Turo ko saking mukha. Halos hindi sya maka imik. "Hindi ako ang iniiwan, ako yong tipong nang-iiwan." Dugtong ko pa. Mas lumapit pa ako lalo sa kanya. "Sayong-sayo na si Bazer, tutal bagay naman kayong dalawa diba? Isang basura at basurera." Tinawanan ko pa sya ulit bago tuluyan iniwan na nakangiti.

Hindi pa ako nakakaabot sa pintoan ng bar ng may biglang humila saking braso. Bumungad sakin si Hally na galit na galit. Padabog niyang binitiwan ang braso ko.

"Hindi pa tayo tapos," bagsak boses  niya. "Huwag kang nag mamaganda, Marilou. Ganda lang ang habol sayo ng mga tao at hindi ang ugali mo. Kaya ka iniwan ni Bazer dahil dyan sa ugali mo. Kaya ka iniiwan ng mga tao dahil sa paranoid mong pag-uugali." Natawa ako sa sinabi niya. Gusto ko syang sampalin ngunit ayaw ko dahil kaka lotion lang ng kamay ko, ayaw kong madumihan ng mukha niya.

"Tapos kana?" Suhestyon ko. "Lahat ng tao iniiwan at lahat ng nagmamahal nasasaktan. Relax Hally, iiwan karin ni Bazer. Tiwala lang!" Nakakatawa ang mukha niya ngayon na halos sumabog sa galit.

"You must be kidding me, Marilou. Dont act your not still bitter." Natatawa niyang sambit. Halos umalingaw-ngaw ang tawa niya sa tenga ko.

"Truth is bitter." Natahimik sya sa kakatawa. Tila nagkaumbabaga ang kanyang kilos. "Darating karin dyan, hanggang sa magsawa sayo si Bazer. It will hurt. But don't consider truth as an insult. If the truth about yourself is insulting to you, then you have been the one insulting yourself. Dahil pang kama ka lang, hindi ka mahal." Tinawanan ko sya bago ako tuluyang tumalikod. Hinding-hindi ako nagpapatalo lalo na't iniinsulto ako. Ayaw kong ini insulto ang ganda ko.

Bazer is my ex, at yong Hally na iyon ang bago niyang playtime. Ang nakakatawa lang eh mahilig pala si Bazer sa mga monikang blonde ang buhok. Great choice!