Chereads / Erindina: Ang Tibrua / Chapter 2 - Blurb

Chapter 2 - Blurb

Si Amak, ay isang Valm na itinuring at itinuturing pa ring bayani ng nakaraan at kasalukuyan. Sinasabing taglay niya ang isang kakayahan na tanging diyos lamang ang maaring magtaglay—kapangyarihang maglakbay sa pagitan ng iba't-ibang panahon.

Gamit ang kapangyarihang ito, inilathala niya ang isang libro na naglalaman ng detalyadong impormasyon tungkol sa kasaysayan ng kanilang mundo—ang Erindina, mula sa pagkabuo, pagsibol ng unang buhay at ang kamatayan ng mga sinaunang sibilisasyon.

Dahil dito, umusbong ang haka-haka tungkol sa isa pang libro na taglay ang sinaunang kaalaman tungkol sa mahika—ang libro ng Tibrua. Ito ang pinagsimulan ng kaliwa't kanang mga digmaan sa pagitan ng mga ganid sa kapangyarihang nagnanais na mapasakamay ang aklat at angkinin ang buong Erindina, subalit, walang nagtagumpay.

Walang nakahanap sa libro.

Walang nagmay-ari sa libro.

Maging si Amak ay naglaho na parang bula, na tila ba hindi siya umiral kailanman.

Sa paglipas ng panahon, ang Tibrua at si Amak ay naging alamat at kwentong-bayan na lamang. Kwentong nagpasalin-pasalin sa bawat henerasyon at unti-unting nalimot.

Sa napipintong pagkawasak ng mundo, handa ka bang isugal ang hinaharap sa isang bagay na kathang-isip lamang?

Handa ka bang ibuwis ang sariling buhay mahanap lamang ang aklat sa alamat?