Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

YUGEN UNIVERSITY

🇵🇭BlackVenomInk_08
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.2k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE

Ihip ng malakas ng hangin, pilantik ng mga sangang nababali. Mga dahong nahuhulog mula sa tuyong puno. Dagundong ng kulog at pagguhit ng kidlat.

Isang muwestra ng lalaking nakatayo sa harapan ng isang bata. Ayon sa pakiramdam ko nag-aalala ang lalaking ito. Sa kabila ng kanyang pag-aalala ay may kaakibat na takot.

"Dito ka lang, wag na wag kang aalis." Bilin nito.

Walang humpay sa pag-iyak ang batang babae habang nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang tenga.

"Papa, si Mama. Si Mama." Palahaw ng bata. Humawak ang batang umiiyak sa manggas ng jacket ng kanyang Ama.

"Dito ka lang. Kahit anong mangyari wag kang aalis rito." Niyakap ng lalaki ang batang umiiyak at hinalikan ito sa noo.

Pinaupo ng Ama ang bata sa gitna ng malaking banil. Hindi mahahalata ang bata kung hindi ito lalabas sa pinagtataguan nito.

"Tandaan mo anak, mahal na mahal ka ng Papa." Wika ng lalaki ay muling sinulyapan ang anak bago ito tumayo. Hinubad nito ang kanyang jacket at isinuot sa anak.

Nang masiguradong maayos na itong nakasuot ay mangiyak-ngiyak na tiningnan ng lalaki ang bata.

Sumenyas ang ama na huwag maingay. Humakbang ito palayo sa batang impit kung umiyak. Hindi man malinaw ang kanyang mukha ramdam naman ang kalungkutan sa kanyang ikinikilos.

Tumalikod na ito at humakbang palayo. Nakakailang hakbang pa lamang ang Ama ay huminto na ito. Sa kabila ng kanyang paghinto, kasabay nito ang malakas na pagbuhos ng ulan at pagdagundong ng kulog.

"Kahit na anong mangyari, wag na wag mo na kaming hahanapin. Ito lang ang paraan para mailigtas ka namin ng Mama mo."

--

Kinuha ko ang katana ko at humanda sa posisyon. Iwinasiwas ko ang aking katana sa iba't ibang posisyon hanggang sa huminto ako habang ang katana ko ay nakatutok sa likuran ko.

Dahan-dahan akong bumaling sa likuran ko. Bakas sa ekspresyon sa kanyang mukha ang pagkabigla. Hawak-hawak niya ang blade ng aking katana habang ang kalahati nito ay direktang nakatusok sa dibdib niya.

"Paano mo ---" Lumabas ang dugo sa kanyang bibig. Base sa kanyang itsura, hindi siya makapaniwalang natalo ko siya.

"I smell your weakness. You may now rest in peace." Hinugot ko ang katana sa dibdib niya kaya bumagsak siya sa lupa. Sumusuka na siya ng dugo habang ang kanyang mga mata ay tila nagsasabing hindi siya makapaniwala sa aking ginawa.

"Duwag lang ang umaatake sa likod ng kalaban." Pahabol ko pa.

Tinalikuran ko ang babae at saka naglakad palayo. Ilang metro pa lang ang layo ko rito nang mag-beep ang relo ko. I have now four-hundred points.

"Everything has a reason. Alam kong minsan ay pinagduduhan mo ang pagkatao mo. Soon, you will find who you are. You will know your purpose."