Chereads / Alexandre Pascuelo III : Lust NIGHT / Chapter 8 - ALEXANDRE PASCUELO III [7]

Chapter 8 - ALEXANDRE PASCUELO III [7]

Kinakabahan ako...

" Paano ito.. Si Lolo.. " ani Sharmaine ng may pag-aalala.

Napatango ako.

" Charisse.. " napalingon ako kay Alelie.  She looks puzzled and serious.

" You don't like alcohol...  " kunot-noo niyang paratang.. Alam ko na kung anong gusto niyang sabihin.

Hindi ako mahilig sa alak. I don't like it even the smell of it.

" Alelie's right. You were sober. You don't like alcoholic drinks kahit na ladies drink pa. Did the jerk forced you? " madiing paratang ni Sharmaine.

Agaran akong napailing. Kahit na gusto kong magsinungaling..

Ayoko namang mas lalong dumihan ang pangalan ni Pascuelo.

Kailangan ba talagang 'JERK',  Sharmaine?  Tsk.

Alam kong alam niya na na ang tinutukoy kong Alexandre.

Mahilig sa mga model yang si Sharmaine.

Alam ko ding inaantay niya lang na sumingit ang hayop na Pascuelo.

" No.. He's not.. As far as I remember. " pag-amin ko. Totoo naman kasi.

" So, you wanted to do it? " ngiwing tanong ni Sharmaine.

Pakiramdam ko okay na siya. Naka recover na siya sa balitang narinig niya kanina.

Pangit na naman tabas ng dila eh.

" At first.. Of course, I don't. But, I feel like alam niya na nanghina ako... Hindi niya kasi agad ako binitawan nun.. " pag-amin kong muli. It's true!

" Naramdaman ko nalang na may tao sa likod habang nasayaw ako.. Hinawakan pa nga yung bewang ko at minasahe.. Nung nilingon ko siya, hinalikan niya agad ako.. Alam niyo na kapag nakaka-amoy ako ng alak nalalasing din ako! " dugtong ko pa.

Totoo yun. Isa yun sa rason kung bakit ayaw ko ng alak.  Amoy palang para akong nalalasing.

" What a perfect jerk. " patuyang sabi ni Sharmaine.

I know what she's doing. Stop it.

Sabay sabay kaming napalingon sa likod nila ng marinig namin ang pag-ubo ng isa sa kanila.

Bukod kay Pascuelo.. Saka yung isang kinurot ko kanina.. Yung isang kasama nila yung naubo.

Kita ko ang inis sa mukha ni Pascuelo dahil sa mga sinabi ni Sharmaine about the guy who got me pregnant, a prefect jerk.

Siraulo ka talaga, Sharmaine.

Yung fiancé ni Alelie naman ay nakakunot-noo. Saglit ko siyang nakitang nakipagtitigan kay Alelie at ng maramdaman niyang muli ang titig ko ay binalingan niya ako.

He's so cute..

Tinaasan niya ako ng isang kilay. I smiled at him.

Napaisip ako habang nakatingin sa kanya..

Kaya ba ganun nalang ang gigil ko sa pisngi niya kanina because I'm pregnant?

So, pinaglilihian ko siya? How come?

" Can you come here beside me for a second? " I asked him while smiling.

" No. " he said. Napanguso ako.

Gusto ko ulit hawakan ang pisngi niya.

" What's wrong with you, Charisse.. Stop it. " Alelie said. She's shy. Ohhhh..

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila.

Hindi ko alam kung dahil ba sa fetus na nasa tiyan ko dahil siraulo lang talaga ako.

" Don't worry, Alelie.. Hindi ko siya aagawin sayo.. All I want is to touch is cute cheeks. That's all. Wala kang dapat ikabahala. " I said smiling to the both of them pero silang dalawa ay pinamulahan lang ng pisngi. Cute..

Ni isa sa kanila ay walang nagsalita. Inayos lang nung fiancé niya ang kaniyang suot saka umayos ng tayo.

Pa shy-type naman itong mga ito. Haha.

" Stop it, Charisse.. Nahanginan na naman ba utak mo? " ani Sharmaine.

Napanguso ako ulit. Sungit naman ng mga kasama ko dito.

Isa-isa ko silang tiningnan.

" Pwede na daw ba akong umuwi? " tanong ko kahit narinig ko naman yung usapan nila kanina.

Tumango si Sharmaine at Alelie.

" Labas lang ako.. Babayaran ko yung bill mo.. Alelie come with me. " ani Sharmaine at hinila palabas si Alelie.

I know what she's planning. Buset.

Agad silang tumakbo palabas.

Tiningan kong muli ang mga lalaking kasama ko.

" Why are you here, by the way? You don't even want to come near me. " ani ko saka nginusuan ang fiancé ni Alelie.

Gusto ko ulit hawakan pisngi niya.

" I don't know you.  " he simply said.

At ako kilala kita? Duhh.

" Same here. I don't know you.. But, Atleast let me touch your cheeks? " pakiusap ko.

Inirapan niya ako. " How can I let you, huh?  You almost broke my face earlier! " iritado niyang sabi. I pouted. Sungit!

Magsasalita na sana ako para makumbinsi siyang lumapit sa akin kaya lang..

" Get out. " Pascuelo said.

Seryoso niyang tiningnan ang  dalawa na para bang dapat ay kanina pa sila umalis...

Walang ano ano'y tumayo ang dalawa.. Napadaan si cute guy sa gilid ko kaya agad kong nahawakan ang braso niya.

" Where are you going? Stay here... " pakiusap ko. Ayoko siyang umalis hindi dahil takot ako kay Pascuelo... Gusto ko nandito siya because I wanna see his face.

Kunot-noo niya akong tiningnan saka bumaling kay Pascuelo.. Tumingin din ako dun at nakita kong galit na ang ekspresyon na meron ang mukha niya.

Problema niya?

Binalik ko ang tingin ko sa lalaking hawak hawak ko.

" Please...? " I plead.

Hindi agad siya gumalaw nun kung hindi lang nagsalita ang paepal niyang kaibigan.

" I said, get out.. " inis na sabi niya.

Inalis agad ni cute guy ang kamay kong nasa braso niya saka ako tiningnan.

" I'll let you touch my cheeks again but first, talk to my cousin. " aniya saka ginulo ang buhok ko ng marahan.

Wait, cousin? Wahh. Haha. Magpinsan pa. Eh di nasa dugo na pala talaga ang pagiging fvckboy?

Nang maalala ko iyon ay agad ko inalis ang kamay niyang nasa ulo ko at inirapan siya.

Agad napataas ang kilay niya. Saka napangiti. Waaahhh.. Even when he smile.. He's so cute..

Stop it, Charisse.

" Bipolar.. " aniya at ngumiti. " Let's go, Kurt. " aniya sa isa nilang kasama. So, he's Kurt.

Lumabas na sila.

Naiwan naman akong kasama ang hayop na ito.

Agad kong naramdaman ang pag-upo niya sa gilid ko.

Tiningnan ko siya at sinimangutan.

" Sino ka ba at kailangan pa kitang kausapin? " dahilan ko.

Sa halip na magsalita ay bumaba ang tingin niya sa tiyan ko.

Kinabahan ako.

" The baby is mine... " tangi niyang sinabi matapos ang mahabang minuto niyang pagtahimik.

Kinabahan ako.. Alam niya?  Nakilala niya kaya ako?

Hindi agad ako nakapagsalita.

" I know that you're pregnant with my child.. Stop lying.. I know that you know me, too. " paratang niya.

Napaiwas ako ng tingin.

You're not a great actress, Charisse. Tsk.

Naestatwa ako ng maramdaman ang kamay niya sa tiyan ko..

" She's OUR baby... " aniya.

Walang ni isang salita ang lumalabas sa bibig ko. Alam ko. Dahil huli na ako.

" 2 weeks and 5 days since we met at the bar. It's been 2 fcvking weeks and 5 days since you left me there alone in that room. " puno ng hinanakit niyang sabi.

Napakagat ako sa ibabang labi ko.

He remembered my face?

" Don't you dare lied on my face. I remembered how you look like. Maybe,  I don't know your name but I know your face! " this time medyo inis na ang boses niya.

Alam kong wala na talaga akong kawala.

Maybe, I shouldn't lied earlier. Pinahamak ko lang ang sarili ko.