Chereads / Alexandre Pascuelo III : Lust NIGHT / Chapter 7 - ALEXANDRE PASCUELO III [6]

Chapter 7 - ALEXANDRE PASCUELO III [6]

Naalimpungatan ako sa dami ng boses na naririnig ko...

Sinubukan kong idilat ang aking mata..

Am I dead? Why is it all white?

Iginala ko ang aking paningin...

Hospital...?

Napatigil ang mga mata ko sa 5 taong naguusap sa bandang paanan ng hinihigaan ko..

Ipinikit kong muli ang aking mata...

I just wanna sleep...

Ididilat ko na sanang muli ang aking mata ng may pumasok sa kwarto.

I decided not to open my eyes and just listen to everything.

It was a Doctor..

" Are you with the patient? " tanong nito sa mga naroon.

" I'm her cousin po, Doctora.. Sharmaine Martin po. Is there something wrong with her? " I heard Sharmaine asked.

Something wrong?  Wala!  I'm perfectly fine, Sharmaine.

" There's nothing wrong with her, hija... But, May I ask where is her parents? " dinig kong tanong nito.

Ohh, Doctora. They have built their own family, again. Tsk.

" I'm sorry, Doctora.. Pero, Lolo lang po namin yung guardian naming dalawa.. And I'm afraid na hindi ko siya mapapunta dito. He's old. " paliwanag ni Sharmaine.

Ano bang problema at di nalang sabihin, Doc?

Am I dying? Tsk.

" I see." ani Doctora at saglit na nagbuntung-hininga. " Atleast, I can ask you about her boyfriend, then? " muling tanong ni Doc.

I'm sorry to disappointed you, Doctora.. But, I'm single since birth.

Tsk. Gusto ko ng sumingit pero di ko alam kung paano.

" Hmm.. Doc.. Wala po kasing boyfriend ang pinsan kong yan... Bakit po ba ganyan kayo magtanong? Are you somewhat a shaman? " Sharmaine asked a hint of annoyance on her voice.

Oo nga naman, Doc. Nakakasakit ka ng damdamin ah..

Waley aketch jowabels~~~~

" Sharmaine... " rinig kong saway ni Alelie.

Natawa ako sa naisip ko.

I also heard Doctora's laugh a bit.

" No.. No, I'm not.. Ikaw talaga, hija.. I was just asking for her boyfriend dahil hindi naman pwedeng hindi alam ng boyfriend niya na buntis ang pinsan mo... Am I, right? " Doctora asked.

Katahimikan ang bumalot sa buong kwarto.

B-buntis?  Ah hahha.. No way... Panaginip ba ito?  May bigla bang lalabas at sasabihin 'It's a prank'?

No way... I'm not..

Sinubukan kong kurutin ang tagiliran ko ng bahagya at nasaktan ako..

Damn it!

I'm not dreaming!

What the hell,! I'm pregnant?

Isa lang ang alam kong...maaring nakabuntis sa akin...

Hindi ako pwedeng magkamali dahil siya lang naman ang nakaano ko!

Damn you,  Pascuelo!

Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita...

" Pero, napaka-imposibleng walang boyfriend ang pinsan mo, Ms. Martin.. Paano siya mabubuntis kung ganoon? " pagputol ni Doctora sa katahimikan.

" I know, Doctora.. But, to tell you honestly... Wala po talagang boyfriend ang pinsan ko.. " ani Sharmaine at base sa paraan nito ng pananalita, kinakabahan siya.

" I see. Tutal ay ikaw naman ay pinsan niya.. Sasabihin ko na lang din sayo, So, you can inform your Lolo and her parents, as well,  if possible. " saglit ng tumigil sa pagsasalita si Doctora at narinig kong binuksan niya ang hawak niya kanina pagpasok.

" Your cousin is 2 weeks and 5 days pregnant. She's unconscious kanina because of that. Wala namang problema sa pagbubuntis niya ngunit kailangan pa rin siyang mabantayan.. Here. " ani Doctora at pakiramdam ko'y may inabot siya kay Sharmaine.

And,  I'm right.

" Reseta yan ng mga vitamins and everything na kakailanganin niya sa pagbubuntis niya.. " ani Doctora.

I'm pregnant... I'm 2 weeks and 5 days pregnant...

Nagbilang ako sa isipan ko at sumakto sa araw na may nangyari sa amin..

He didn't used a protection?

" T-thank you, Doc... " ani Sharmaine.

" Pag nagising siya ay pwede na rin syang lumabas..  I'll see her after 2 weeks. " ani Doc.

Narinig ko lang na sumang-ayon si Sharmaine.

Babalik ako dito?

Wait,... Anong gagawin ko?..

Baka palayasin ako ni Lolo bilang apo.. My gosh, Charisse!  Ano ba kasi itong ginawa mo!

" Alelie... " I heard Sharmaine's voice crack.

" It's okay.. We... We can ask her later when she wakes up... " kalmado ngunit may bahid na kaba sa boses ni Alelie...

Alam kong narito ang tatlong lalaki ngunit nagtataka ako kung bakit ni isang boses nila ay wala akong marinig.

Pinatagal ko muna ang 3 minute bago ako nagpasyang dumilat..

Gumalaw ako na para bang kagigising ko lang..

Nakita kong agad na lumapit si Sharmaine at Alelie sa kama ko.

Alam ko... Alam ko ngayon na alam na nilang nag sisinungaling ako na pumila ako para sa tickets.

Alelie's smart. Alam akong nabilang na niya ang araw kung kelan nagsimula ang 2 weeks at 5 days mula ngayon na sinasabi ni Doctora.

" Couz... What the...hell? " Sharmaine unconsciously asked.

Nagpanggap akong hindi ko alam ang sinasabi niya.

" What? " I asked calmly.

Sunod-sunod siyang Napabuntung-hininga.. Sorry, Sharmaine...

Hinarap ako ni Alelie sa kanya saka seryosong tinitigan..

" Nagsinungaling ka ba sa amin na bumili ka ng ticket ng gabing nawala ka? " Alelie seriously asked.

Alam kong iniisip nilang tulog ako kanina kaya hinuhuli nila ako ngayon..

Hindi ako sumagot.

" Sasagot ka o tatahiin ko nalang yang bibig mo para habang buhay ka nang di makapagsalita? " inis na tanong ni Sharmaine.

Alam kong seryoso siya dun. Hindi basta basta nagsasalita si Sharmaine gamit ang straight na tagalog.

Yumuko ako.. I should tell them the truth now. Baka totohanin ni Sharmaine yung sinasabi niya.

" I... " saglit akong tumigil at tiningnan silang dalawa ng diretso bago ako nagpatuloy. " I don't know what happened.. Pag gising ko ng madaling araw.. Na.. Nasa isang kwarto na ako at...may lalaking katabi.. " iniba ko yung kwento ko.

Yes! Because Pascuelo is here with us! Hindi pwedeng sabihin ko nalang na umaga ako nagising. Malalaman niyang ako yun.

Gaga! Huli ka na! Wag kang magulo!

" Couz... You're fvcking 2 weeks and 5 days pregnant! " ani Sharmaine at tiningnan ako ng masama.

" I'm sorry. " paumanhin ko.

" Who's the jerk, then? " gigil na tanong ni Sharmaine.

Taena.. Actually yung 'JERK' na hinahanap mo narito kasama natin!

Saglit akong nag-isip..

Malalaman ni Pascuelo na alam kong siya yun kung basta basta ko nalang babanggitin yung pangalan niya!

Hayst!

Ang alam nila Sharmaine wala akong kilalang sikat na pangalan sa industriya ng pagmomodelo!

Tama!

" That night... Nung palabas na kami ng bar.. Narinig kong may nagsigaw ng pangalan niya... " ani ko saka tumingin muli kay Sharmaine.

" Mr. Alexandre yung tinawag sa kanya nung...sumigaw. " pagsisinungaling ko.

Totoo na may sumigaw ng pangalan niya nun ng palabas na kami.

Pero bukod dun kilala ko na ang pangalang meron siya.

Nakita kong bahagyang napalingon si Sharmaine at Alelie sa likod nila. Naroon ang tatlo.

Kita ko sa peripheral view ko na parang nanghina yung tuhod ni Pascuelo.. Gago!

" Alexandre Pascuelo? " dinig ko sa boses ni Sharmaine ang pagkalito.

" I don't know.. Basta, Alexandre... " pagsisinungaling kong muli.

" Nakilala mo ba yung mukha? " maingat na tanong ni Alelie.

Of course!

Umiling ako. " No.. Nang magising ako nun.. Madilim sa kwarto kaya di ko nakita ang mukha niya.. But,  all I know is.. Alexandre.. Yun ang narinig ko. " dagdag ko.

Nice. Pwede ka ng mag-artista, Charisse! Tsk.

I just don't wanna let Pascuelo know na alam kong siya yun. No way.