Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

An Enigmatic Quietus (Curse Academy Sequel)

🇵🇭3IE
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4.1k
Views
Synopsis
"The burning page of a fake reality and rise of the real curse." Once you find out what's hidden beneath the reality, you cannot change the way as it is. And you have no choice but to face your fears, even when everybody has already forgotten you.

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

"The curse who she is, upon the night comes the threat— becomes the curse."

Nashielle's POV

"Bakit daw ako pinapatawag? Para saan?" natigilan ako sa paglalakad at hinarapan siya. Siya lang naman ang nag-iisang student council secretary na si Amber Samson. Ang sarap-sarap nang tulog ko kanina na ginulo naman niya dahil pinapatawag daw ako ng presidente. Kauma-umaga, ang napakaseryoso niyang mukha ang sasalubong sa akin.

"Ms. Nashielle Von Doren, hindi ko rin alam kung bakit kayo ipinapatawag ng presidente." sagot naman nito na ikinainis ko, "Nakakainis naman! Ang aga-aga eh!" sabay kamot ko sa ulo ko. Kahit sino naman siguro ang maabala sa pagtulog, iinit ang ulo at masisira ang araw.

Nasaan na ba kasi si Nash? Hindi ko alam kung saan nagsisingit ang isang 'yon. Nakakainis na talaga!

Tumigil kami sa tapat ng kwarto ng presidente kaya wala sa atubiling binuksan ko ang pintuan kaya sumalubong sa akin ang presidenteng nakamaskara. What's the point of hiding her face? Wala siyang kibo kaya umupo na lang ako sa harap niya, "Bakit mo ba ako pinatawag ng ganito kaaga, Ms. President?" nagkibit-balikat ako habang minamasdan ang buong kwarto.

This was Zorren's office few years ago as president.

Napatingin ako sa lamesa nang ilapag niya ang isang folder sa harapan ko kaya napatingin ako sa kanya. Kinuha ko naman 'yon at binuksan para basahin. As soon as I read the content of every page, I recognized all of them kaya ibinalik ko ang tingin sa presidente.

"As you can see, those are records and personal datas of your friends. Sigurado naman akong alam mo na ang balita na araw-araw may namamatay sa campus... which never happened before, Nashielle⁠— even when it was still your time as vice president." tila alam ko naman kung ano ang gusto niyang palabasin, "And so?" tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay.

"We already have suspects." sagot naman niya na hindi ko nagustuhan.

"There was this group that everybody's talking about... led by their leader named Dean Carson. He has his right hand, Dave Axelle and their group is having more than enough power because of Zorren Kai Estacion, the former president which is also your boyfriend, right? They call themselves, Blood Rebels." sumandal siya sa kinauupuan niya at kung makikita ko man ang itsura niya, alam kong nakangiti siya ng masama.

"Diretsuhin mo nga ako... " bahagya akong lumapit para tapatan siya at mas sinamaan ko pa ng tingin, "Ano ba talaga ang gusto mo at sinasabi mo ang lahat ng 'to sa akin?"

"Your group is the primary suspect." diretsong saad nito. Kaya pala nangalap siya ng impormasyon tungkol sa mga kasama ko pero ang ipinagtataka ko lang, "Every member of Blood Rebels is your primary suspect kaya kinuha niyo lahat ng impormasyon tungkol sa kanila? Eh bakit wala ang pangalan ko dito?" ipinakita ko pa ang folder na hawak ko sa kanya.

"Dahil sa buong grupo, ikaw ang alam naming walang kakayahan na pumatay." sagot nito kaya natawa na lang ako.

"What makes you think na magagawa 'yan ng mga kasama ko? Nananahimik ang grupo namin kaya huwag niyo kaming pinagbibintangan." alam ko sa sarili ko, na ni isa sa grupo walang may kakayahan na pumatay. Nagbago na kaming lahat at 'yon ang maipagmamalaki namin. Kung may makakaaway man kami, hindi na namin dinadaan sa pagpatay katulad ng date.

"And what makes you think na hindi nila magagawang pumatay, Nashielle? All of us had stains of blood in our hands just to defend ourselves, right? When there was still chaos inside the campus."

"Noon 'yon, pero hindi na ngayon at bakit mo sa akin sinasabi ang lahat ng 'to? Bakit hindi mo sabihin kay Zorren?"

"As I said, he's one of our primary suspects. We can't tell him our perceptions."

"Nagbago na kaming lahat at kung ano man ang nagawa namin noon, pinagsisisihan na namin ngayon kaya tigilan niyo kami."

"We won't stop not until we find the killer." saad niya na ikinasalubong ng kilay ko. Nilapitan niya rin ako kaya mas nagkatapatan kami, "Hindi namin kayo titigilan because one of the group is the killer."

Natawa na lang ako sa sinabi niya, "No, you're wrong. Patutunayan ko sa inyo na mali kayo. Maghintay lang kayo."

"Fine, then let's make a deal, Nashielle." tumayo siya at lumapit sa may bintana kaya sinundan ko ito ng tingin. Dahil nasa bandang taas ng main building ang office na ito, alam kong maigi niyang tinitignan ang buong campus.

Madalas ring gawin ni Zorren 'to date sa tuwing gusto niyang makapagisip-isip.

Tumingin siya sa gawi ko bago nagsalita, "It's either you prove us wrong or you find the killer yourself." muli naman siyang humarap sa bintana habang nakakibit-balikat ito. Sinamaan ko siya ng tingin bago ako lumabas at pabagsak na isinara ang pintuan para bumalik sa kwarto ko.

How dare she accuse our group?!

Tila sasabog na rin ang kaloob-looban ko dahil sa galit. Ako mismo sa sarili ko, alam kong walang makakagawa ng ganoong bagay ni isa sa mga kaibigan ko. Masaya kaming lahat na namumuhay dito kaya hindi tamang pagbintangan niya ang grupo. Sino ba siya sa akala niya? Hindi porke siya ang presidente, magagawa na niya ang lahat ng gusto niya.

Galit kong binuksan ang pintuan at naupo sa kama, "Ang kapal ng mukha niyang sabihin sa akin 'yon." wala sa sarili kong sabi.

"At saan ka galing?" irita kong tanong nang may pumasok at bumungad ang pagmumukha niya sa harap ko. Napatingin naman siya sa akin habang suot-suot ang black hoody niya. Bakit pa nga ba ako magtataka eh araw-araw ganito ang suot niya?

"Saan pa ba? Anong klaseng tanong 'yan?" sagot naman niya kaya tumayo ako at malakas na hinampas ang ulo niya, "Aray! Ano bang problema mo?!" sigaw nito na napahawak sa ulo niya.

"Lagi kang wala ng madaling araw! Saan ka ba pumupunta, Nash?! Tapos babalik ka dito ng umaga para matulog? Paniki ba ang magaling kong kapatid?" sa tuwing nagigising ako ng madaling araw, wala siya sa higaan niya tapos kapag nagising ako ng umaga, doon pa lang siya uuwi at matutulog.

"Enough with the sermon on the mount, I gotta sleep." hindi niya ako pinansin at dire-diretsong humiga sa kama niya para matulog. Tignan mo nga naman?

Napabuntong-hininga na lang ako at naupo sa kama ko habang nakatingin sa direksyon niya, "Nash." sandali akong naghintay bago niya ako tinignan, "What?" iritang tanong nito.

"Who do you think is the killer?" nagtaka naman siya sa sinabi ko hanggang sa maupo siya sa kama.

"Bakit mo naman natanong 'yan?" madalas na rin kaming hindi nag-uusap dahil nga parati siyang wala.

"Hindi naman siguro isa sa mga kagrupo natin ang pumapatay hindi ba?"

"That's impossible to happen." natawang saad nito.

"I know." napatango ako at bahagyang ngumiti, "Is there something bothering you?" tanong pa niya.

"Naisip ko lang... " napatingin naman ako sa kung saan, "What if isa sa mga kasama natin ang gumagawa noon?" at ibinalik ko ang tingin sa kanya, "Anong gagawin natin sa kanya?"

There are also possibilities na totoo nga ang hinala ng student council na isa sa Blood Rebels ang pumapatay, pero sino? Paano? At bakit niya ginagawa 'to? Ayaw kong maniwala dahil may tiwala ako sa kanilang lahat. Ayaw kong sayangin lahat ng masasayang alaala na meron kami.

"Whoever he is, he must have a reason for doing all of this but I only one thing... " ngumiti naman siya na ipinagtaka ko, "What?"

"Patayin niya man ang lahat ng estudyante, I'm really sure that he can't have the guts to kill us."

"What makes you think na hindi niya kayang gawin 'yon sa atin?"

Mas lumapad pa ang ngiti nito, "Tinatanong pa ba 'yan? Because we're family." muli siyang humiga at tinalikuran ako para matulog. Napayuko na lang ako habang nag-iisip. My brother is right. We're family kaya imposibleng isa sa amin ang gagawa noon.

Nagsalubong ang kilay ko nang may bigla akong maalala. Kung pupunta ako doon ngayon, baka makuha ko ang sagot na gusto ko. Hindi na ako nagsayang ng oras at mabilis akong lumabas ng kwarto para pumunta sa isang lugar na maaaring makapagbigay ng sagot sa mga tanong ko. Pagkalabas ko ng building ay nagmadali akong pumunta doon at natigilan sa mismong tapat nito.

Street Cheaters' club.

Wala sa pagdadalawang-isip akong pumasok sa loob. Simula nang magbago ang leader dito sa club, hindi na rin sila gaanong naging mahigpit sa paglabas-pasok ng mga tao dito. Puno ng ilaw at halatang nagsasaya ang lahat. Kung itatanong niyo, halos hindi na gustuhin ng iba na makalabas. Kahit ako, nalilito na rin. Parang may mga nangyayari na nakakalimutan namin at nawawala sa isip namin. Seems like there's something wrong with the time. We feel it but chose to forget it dahil naguguluhan kami.

Inilibot ko ang tingin sa paligid hanggang sa matanaw ko siya at ang grupo niya na umiinom sa pinakasulok. Lumapit ako sa kanila kaya ibinaba nito ang hawak niyang baso at napatingin silang lahat sa akin. Nakaupo silang lahat habang nakatayo naman ako sa mismong harapan nila, "What brings you here, Nashielle?" tanong ng leader nila.

"Claude, we need to talk."

Anyways, he's the leader of the known group Venom.

"Bakit? Sasagutin mo na ba ako, Nashielle? Did you realize that Zorren is a total waste?" halata din sa itsura niya na lasing na siya.

"Claude, seryoso ako." sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Boss, kausapin mo na. Hindi magandang pinaghihintay ang babae." biro ng mga miyembro niya.

"Fine, fine." tumayo naman siya kaya hinila ko siya papalabas ng club. Dinala ko siya sa isang sulok kung saan walang makakakita o makakarinig sa amin, "What do you want to talk about?" tanong niya. Tila matutumba na rin ito sa sobrang kalasingan kaya napahawak siya sa pader. Since he was drunk, it was also a better opportunity to ask him.

Siguradong may masasabi siya sa akin na hindi niya dapat sabihin and that might serve as a clue or hint for me to find the killer.

"Nabanggit mo sa akin noon na kilala mo kung sino yung pumapatay, dba?" akala ko kasi, nagbibiro lang siya kaya hindi ko pinansin ang mga sinasabi niya date, napag-isipan ko na lang na baka may alam talaga siya.

"What about it?" tanong nito.

"Pwede mo bang sabihin sa akin kung sino?" lumapit pa ako sa kanya para ibulong 'yon kaya diretso ko siyang tinignan. Nginitian niya muna ako bago ito nagsalita, "Supreme student council."

"What?" kumunot naman ang noo ko.

"One of them is the killer." dagdag pa niya na mas lalo kong ipinagtaka, "How did you know na isa sa kanila?"

"I don't know... " sandali siyang natigilan, "Simula nung dumating sila doon lang naman nagkaroon ng killer, right?" tanong pa niya na mas lalong nakapagpagulo sa akin.

"When it was still your turn as student council, everything was well... not until they barged in."

He has a point. Nagkaroon lang ng gulo simula ng dumating sila. At first, hindi ko iniisip na isa sa kanila dahil alam naming lahat na responsable silang tao and as officers, hindi nila magagawa 'yon. But what if isa nga talaga sa kanila?

"Kung isa man sa kanila, bakit nila pinagbibintangan ang grupo namin?" wala sa sariling tanong ko habang tulala lalo na't marami akong naiisip na mga posibilidad, "It's either gusto nilang ibintang sa iba ang kasalanan nila or yet, there might be another killer from your group." naibalik ko ang tingin sa kanya nang sabihin niya 'yon, "I gotta go. I still need to party." hinawakan niya pa ang baba ko habang nakangiti ng nakakaloko kaya umiwas na lang ako hanggang sa tuluyan siyang makaalis.

Habang nakatingin ako kay Claude papasok sa club, kusa namang may pumasok na kung anong pangyayari sa isip ko hanggang sa lumalim ng lumalim ang paghinga ko. Kulang na lang ay mahugutan ako ng hininga.

⁠⁠"Sweetie."

I saw Dean Carson talking with an unfamiliar girl. Hindi ko gaanong mamukhaan ang babae dahil malabo ang itsura nito. The way he looks at her, there's something between the two of them.

"Go with my sister, tumakas na kayo." saad pa niya sa babae ngunit umiling ito.

"No, I'll fight with you. Feli, mauna ka na. Isama mo si Nashielle."

Did she just say my name? Pero bakit kilala niya ako? I could even see the whole group na kasama namin pero sino ang babaeng 'to? And she even talked to Felicity?

"Pero paano-- "

"Mauna na kayo!" sigaw pa ng babae kay Felicity.

Nakita ko na lang ang sarili ko na hinihila si Felicity at tumalon kami sa kung saan.

What the hell did I just remember? I didn't just see it, my mind remembered it. Pero pwede bang matandaan ang isang bagay na hindi naman nangyari?

Napahawak ako sa pader nang bigla kong maalala 'yon, but as far as I know... walang nangyaring ganon. Memories keep on flashing in our mind, pero hindi namin alam kung bakit. We know for a fact that it never happened but it looks real. Hindi lang ako ang nakakaranas nito kundi lahat kami sa grupo.

It seems like we have forgotten something that must not be forgotten.

Did we actually forget something?

To be continued...

(A/N: Hello guys, nice to see you again. This will be the expanded version of book 3 epilogue. Lol, goodluck reading again!)