Chapter 11
"Calling card" sagot ko sabay pakita sa kanya ng calling card. Kinuha nya yong calling card na hawak ko.
"Artist Agency Company" basa nya dito.
"Wow baks ikaw na, ang kaso wala kang balak sa pag aartista hindi ba?" Tanong nya, nag lalakad na kame ngayon papunta sa office ni baks mira sinabihan nya kasi kame kanina doon kumain dahil nag order sya ng jolibee.
"Hmmp" tanong ko sa tanong nya mins oo.
"Aw pero itago mo ito malay mo kakailangan din mo yan hindi ba" sabi nya pa habang binalik yong calling card sa akin.
"Yeah" sagot ko sa kanya nong nasa akin na yong calling card at tinago ko sa wallet ko. Dala ko lang naman wallet at cellphone. Free wifi ang mga crew dito lalo na madami ang working student dito na bago. Hindi ko na malayan andito na kame sa tapat ng office ni baks mira.
[ MANAGER'S OFFICE ]
*Knock* *knock*
"BAKS PASOK KAYO!!" Sigaw ni baks mira sa amin. Binuksan na ni baks jane yong pintoan nya, kaya pumasok na kame.
"Wow baks! Ang dami naman niyan" sabi ko na lang sa kanya nong nakita namin yong foods sa maliit na table nya.
"Kunti lang yan lalo na malalakas tayo ng kumain hahaha" Sabi nya habang tumatawa, tumayo na sya habang kame naman dumaretso sa limisita nya. May upuan naman itong nakapalibut sa limisita nya.
"Hahaha hindi naman tayo malakas kumain, dapat dinag dagan mo pa baks hahaha" tawang tawa ni baks jane na sabi paano tunay naman talaga mas malakas nga lang sya kung kumain lalo na kapag fast food ang pinag uusapan. Pero payat yan ah! Dont make imagine ah na mataba yan bad yon guys charot.
"Mga loko kumain na tayo sayang sa oras" sabi ko sa dalawa paano naman tawa lang sila ng tawa basta ako kumakain na hindi ako gutom, gutom na gutom lang hehehe.
"Oo na ikaw yong hindi matakaw na nauuna sa amin kung kumain" biro ni baks mira sa akin.
"Yah yah" sagot ko sa kanya. Habang kumakain
"EXB" dagdag naman ni baks jane, nag katinginan kame, sabay sabay nag sisi tawanan.
"Langya ka talaga baks hahah" tawa ng tawa si baks mira.
"Kalokohan mo may pa ganyan ka pa" dagdag pa nitong sabi.
"Hahaha mana lang sa inyo" sabi nya habang tumawatawa.
(Author: huwag nyo pong gagayahin ang tatlong ito habang kumakain tumatawa, ang bad po baka mabilaukan silang tatlo kaya huwag gayahin ah thank you.)
Natapos din ang amin usapan lalo na yong pagkain namin.
"Time check may oras pa tayo para makapag pahinga, kahit kunti" sabi pa ni baks mira. Syemper kame nag kanya kanya na kame ng puwesto na ligpit na din naman yong kinainan namin.
"Okay!" Sabi namin sabay ng okay sign sa kanya. Nag open na lang ako ng fb check kung ano meron. Scroll down and up wala namang bago hays. Mag babasa na lang ako sa wattpad baka my bagong update na sa binabasa kung story.
"Yahhh my update na!!" Sigaw ko nong nakita ko yong update ng story.
"Ingay mo baks shhh" hindi ko pinansin sinabi nya basta binuksan ko na lang at binasa.
-After a minute-
"Tara na mag ayos" aya ko sa dalawa paano done ko na basahin at saktong sakto malapit na mag time. Nauna na akong tumayo sa dalawa mukhang nakaidlip yong dalawa. Ako hindi nakaidlip sayang. Pero okay lang maganda naman yong na update sana mag update ulit.
"Baks sabay sabay tayong umuwi ah!!" Sabi ni baks mira sa amin. Nag okay sign na kame sa kanya. Lumabas na kame after non, sa hindi nag mamadali ah pero nag mamadali talaga kame.
[EMPLOYEE'S ROOM]
Kinuha namin yong toothbrush/toothpaste namin sa locker, at pumunta na sa cr dito sa loob ng employee's room. May cr kame para hindi na hassle kung pupunta pa sa labas makikita kameng customer hehehe. Dome na kame mag toothbrush, nilagay na namin sa locker at nag retouch kahit sa totoo ng pulbos at lipstick lang ako. Sabi nga nila maganda na daw ako kapag simply lang charot.
"Tara na baks" aya ni baks jane sa akin, tango lang sagot ko tinamad nanaman kasi ako dumaldal.
"Baks kailan start natinsa ojt?" Tanong ni baks jane sa akin, nalimutan nya agad kanina lang sinabi.
"Once na ready na natin yong requirements para sa OJT hindi ba need ng NBI,SSS,PAG-IBIG at PHIL HEALTH at marami pang iba" sagot ko sa kanya habang nag lalakad na kame pabalik sa duty.
"Oo nga pala sabay tayo kumuha ah" sabi naman nya nong na alala na nya. Tango lang ako.
"Sige na start na ulit tayo lalo na ang dami na naman oh" tingin ko sa customer na sunod sunod ang pasok sa loob.
"Sige baks mamaya na lang ulit" sabi nya naman. Syemper dumaretso na ako sa customer ng tawag ng order.
"Good afternoon sir what is your order?" Tanong ko sa kanya, at ngumiti sa kanya.
"Ms. Beautiful yong pinaka mahal nyong food make two" sabi nya habang sinisinyas nya yong two sa daliri nya.
"Okay po sir" pag kasabi ko non pumunta na ako sa counter.
"Two coffeemilktea love hate and bitter sweet cake dalawa din" sabi ko. Na pa ohhh sya kasi hindi naman ito madalas na oorder, madami kasi na mamahalan tapos sabi pa bakit ganon name ng coffee, pinag samang coffee at milktea. Hindi nila alam masarap sya kahit weird ng name.
(Author: gawa gawa ko lang yong name hehehe hindi ko din alam ano lasa nya)
Yong cake naman matamis sya na may mapait pero masarap sya. Aksidente po kasi na pahalo yong dinurog na ampalaya sa asukal kaya yon pero buti na lang masarap pag kakagawa.
(Author: sa cake din po hindi ko alam ano lasa non. Gawa gawa ko din sya pero malay nyo meron nga na ganon)
Habang ng aantay ako my tumawag ulit, syemper pinuntahan ko.
"Good afternoon ma'am/sir what is order?" Tanong ko sa kanila. Couple sigurado ito ang sweet nila. Este yong babae lang pala. Binigay ko na yong menu para makaorder sila. Kinuha naman nila pinapanood ko lang sila habang ng aantay.
"Honey ano sayo?" Malanding tanong ng babae. Opo malandi po talaga pag kakasabi tapos yong upo nya hindi mo alam kung nag kakamot ba ng pwet nya sa upo ang likot kasi.
"Kahit ano basta coffee" sagot ng lalaki, jusko sir wala kameng coffeena kahit ano sabi ko sa isip ko.
"Sa akin din kahit ano" ngiti nya ng malandi, isa pa ito aba bigyan ko kayo ng 3n1 na kape wala nga kameng coffee na kahit ano. Protista ko sa isip ko.
"Coffee kahit ano?" Tanong ko sa kanila tapos kunwari hinanap sa menu. May hawak kasi akong maliit na menu para syang papel na maliit basta notepad sya.
"Yes kahit ano" malanding sabi ni ma'am may halung mataray.
"Coffee 3n1 ma'am its okay if ayan po ibigay ko sa inyo?" Tanong ko ulit ng painnocente kunwari.
"Ms. Kung 3n1 din naman ang ibibigay mo edi sana sa condo ko na lang kame pumunta kaysa dito sa chip nyo shop" sagot naman ni ma'am na halatang na iirita na sa akin.
"Pero ma'am sabi nyo kasi kahit ano, dahil wala sa menu po namin yong kahit ano edi 3n1 na lang po ang ititimpal ko sa inyo po" explain ko sa kanya heheh alam ko mali sumagot pero syemper dapat ayosin nila yong order. Walang kahit ano sa menu.
"Pfft" napatingin ako kay sir na mukhang ng pipigil ng tawa.
"Na mimilosopo ka pa asan manager nyo ipapatanggal kita dito sa trabaho mo" pananakot nya sa akin.
"Pero ma'am nag tatanong lang po ako at isa pa bakit nyo papatawag boss ko po. Kung nag tatanong po ako ng maayos" sagot ko naman sa kanya na innosente.
"Hindi porket sinabi kung kahit ano talagang ikaw mismo ang magdidecision ng iinumin namin" sabi nya pa ulit. Hays ayaw ko talagang makipag usap sa hindi makaintindin maganda nga yong dibdib dahil malaki yong mukhang no comment.
"Hahahaha" napatingin kame sa kasama nya na tumatawa.
"Honey why are you laughing?" Malandi nyang tanong sa jowa nya.
"nakakatawa lang" sagot nya sa jowa nya tapos tumingin sa akin "ms. Give us coffeetea and chocolate cake dalawa" dagdag pa nya tumango ako ng sagot sinulat ko na tapos umalis sa harap nila dumaretso sa counter.
"Dalawang coffee kahit ano este coffeetea at chocolate cake dalawa din" sabi ko sa counter
"Baks chismisan mo kame mamaya ah malapit lang ako sayo kanina alam mo bang pinag titinginan na kayo ng mga customer akala ko nga mag kakaroon ng action kanina" sabi ni baks jane sa akin. Si baks mira kasi naka employee uniform kunwari busy yong manager sa loob ng office. Pero sa totoo kumikilos sya dito.
"Sige kwento ko mamaya pero sa tingin ko" tumingin ako don sa dalawa "mag hihiwalay yan. May pag ka attitud si ateng" dagdag ko pa.
"Kutob ko din" pag sang-ayon nya.
"Ren ito na yong order mong dalawang coffeemilktea love hate at bitter sweet cake" abot naman sa akin ni max tatlo kasi ang counter ngayon yong isa naka break sya.
"Sige thank you" pag kasabi ko non kinuha ko na yong tray na my order. Dahan dahan pero mabilis yong lakad ko malapit naman yong customer ng order sa akin kanina.