Chereads / WAR's Fight / Chapter 15 - Chapter 12

Chapter 15 - Chapter 12

Life is simple. The only thing that makes it complicated is the way on how a person handles it.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Mikkadaise habang nagtitimpla ng gatas ni Kendrick. Ang buhay nga naman, may sariling paraan para paikutin ang tao. Pero sabi nga nila, life goes on. Hindi ito hihinto para lang sa isang tao.

"Para ka namang tanga jan, mama."

Agad siyang napalingon sa nakapadjamang bata. Lumapit ito sa kaniya habang kusot-kusot pa ang mata.

"Ilang taon ka na nga, Kendrick?"

"Seven po. At tuli na ako."

May pagmamalaki sa tinig nito na siyang ikinatatawa niya. This kid is really something. Magaan ang loob niya dito even before she knew what happened to him.

"O s'ya..."  Agad pinatay ni Mikkadaise ang stove at inihain ang kaniyang mga niluto, hotdog, omelette, bacon and rice. Inilapag niya rin ang gatas sa tapat ng bata pero umiling ito.

"I want coffee." Nakanguso ito at halata ang pagkadisgusto sa mukha.

"Kendrick, what did I tell you?"

"Na gwapo ako?"

Tinaasan Niya ito ng kilay pero isang puppy eyes Ang binalik sa kanya.

"It's a no, coffee contains caffeine that can make a person addicted to it. It's not good for a kid like you."

Pangaral niya dito at mukhang nakikinig naman ito sa kaniya. Alam niyang wala siyang karapatang pangaralan ang bata but she just want it. Ewan, parang nakikita niya Ang sarili bilang ina nito. Kahit naman hindi iyon ang realidad.

"Morning."

Their attention turn to a man who's dripping wet from sweat. Marahil galing ito sa work out. Agad binaling ni Mikkadaise ang makasalanang mata sa ibang direksyon.

"Morning papa. Ba't 'di n'yo po ako ginising. Sabi ko sasabay ako sa pagwo work out."

"Ay jusko sa'yong bata ka, ang bata-bata mo pa para sa ganiyang pag-iisip."

She heard him chuckle pero tinaasan niya lang ito ng kilay.

Good thing, Blare is considerate enough for not bringing out the personal thing that happened to them, she mean, yun naman talaga ang gusto niyang mangyari. For now, they have been casual to another. And for her, hangga't maaari, talagang iniiwasan niyang magkalapit silang dalawa. Mabuti na lang at busy ito sa pinaggagawa sa buhay.

After breakfast, idinaan sila ni Blare sa paaralan ni Kendrick, bago pumunta sa trabaho. Nanny's duty. Mabuti na lang din iyon dahil paniguradong tatanga lang siya sa unit ni Blare dahil sa walang magawa.

Tumambay siya sa may play ground ng school kung saan nakatambay din ang ibang mga yaya.

Ewan niya nga e, Kendrick is a type who's independent. He's a strong and passionate child. Sa munting oras na magkasama sila, nararamdaman niyang marunong itong umalaga sa sarili compared to the other kid of his age. Kaya hindi niya maiwasang magtaka kung bakit siya inalok ni Blare bilang yaya nito. As far as she knows, siya pa lang ang naging yaya ng bata and Kendrick is seven years old now. Dapat nuong bata pa lang si Kendrick ng kunan ito ng yaya.

Weird.

Maybe Blare has his reasons.

Tumingin-tingin si Mikkadaise sa paligid, ang ibang mga yaya busy sa pagchichika. Meron ding busy sa cellphone. Nababagot na siya sa katotohanang matagal pa bago Ang uwian.

"Uyy. Bagong hired ka?"

Mikkadaise just nod. She's uncomfortable talking to strangers pero ok din naman iyon para malibang siya ng konti. "Ah ganon. Ang ganda mo. Para kang asawa at hindi yaya."

Sinabayan pa nito ng halikhik na ikinatawa niya din. The woman approached her has bubbly personality. Bagay nito ang suot na headband sa ulo na nagmatch sa pink nitong yaya uniform. Medyo may katabaan din ito pero sexy pa din dahil halata na mahilig ito sa fashion at nadadala ang sarili sa confidence.

"Hindi naman."

"Ay sus. Pa humble ka pa. Hehhehe." Pansin niya ang pagiging masayahin sa kausap. Nakakainggit nga kase ramdam niya ang pagiging positive nito sa buhay, isang bagay na matagal niya ng nakalimutan kung pano gawin. "Pero inferness a, para kang asawa at hindi yaya dahil Kita mo Naman, napakaflawless ng iyong kutis. Sanaol. Oh btw, I am Beety."

Tipid siyang napangiti sa papuri nito. She was about to reply when she feels the vibrating sound of her phone. She excuse herself while looking at the caller.

Miss Degrasya.

Kumunot ang kaniyang boo. Bakit naman siya tatawagan ng teacher ni Kendrick gayong nasa iisang lugar lamang sila at naghihintay lang siya kung kelan matatapos ang klase ng bata. Hindi inaasahang nakaramdam siya ng kaba. May nangyari ba dito?

"Hello, is this Mikkadaise Osorio, a guardian of Kendrick Porces?"

Porces. Blare told her that it was Xanders' surname, a friend of Blare. Eto muna ang ginamit na apilyedo ni Kendrick para hindi mahirap dito ang pag adjust. And Xander also doesn't mind.

"Yes po. May nangyari ba?"

She bit her lips to control her untold emotions.

"Nandito kase kami sa clinic..."

Her thoughts suddenly clouded with many possible things that happened. Hindi niya na pa pinakinggan ang mga sinasabi ng guro. She ends the call and run towards the clinic.

She can feel her heartbeat, hindi ito dahil sa pagtakbo niya. Parang lalabas na sa katawan niya ang kaniyang puso dahil sa sobrang lakas ng pintig nito.

Agad niyang binuksan ang pintuan ng clinic pagdating Niya pero naharangan siya ni Miss Degrasya bago pa siya makalapit sa kwartong natatakpan ng kulay berdeng kurtina.

"Miss..."

"Anong nangyari kay Kendrick!"

"We were having an activity. I am teaching them how to use a compass when I heard Kendrick's cuss. Balak ko sana siyang pagsabihan dahil sa kaniyang pagmumura sa klase pero nalingunan ko na lang siya na may tumutulong dugo galing sa kaniyang daliri. Natusok daw siya ng lapis."

"Natusok siya sa lapis?"

Nalilito siya dahil Kung tutuusin, hindi naman malaking problema kung natusok lang ng lapis Ang daliri ni Kendrick, pero bakit sila napunta sa clinic. At kita din sa mga mata ng guro ang pag alala sa bata.

"Opo. Pero kung tutuusin, maliit lang po Ang sugat niya pero Hindi tumahan Ang dugong lumalabas sa kaniyang daliri. It's a small cut but then he pale and the bleed won't stop kahit na nilagyan na iyon ng band-aid."

Napansin nilang bumukas ang kurtina at lumabas doon ang isang doctor base sa suot nito.

"The kid is unconscious. Marami-rami din Yung nasayang na dugo. But good thing, the bleeding was controlled. We need to replaced the blood loss of the patient asap."

"Teka, dok. Anu ba talaga Ang nangyari?"

Bumaling sa kaniya ang doctor with those serious expression. Hindi Niya alam kung makakahinga ba siya ng maluwag o ano.

"The patient has Hemophilia. It is a rare, inherited bleeding disorder that can range from mild to severe, depending on how much clotting factor is present in the blood. Hemophilia results from a genetic defect found on the X chromosome. Because blood does not clot properly without enough clotting factor, any cut or injury carries the risk of excessive bleeding. Kaya kahit napakaliit ng sugat ng pasyente, maraming dugo ang lumabas. Meron ba kayong kamag-anak na may ganong rare disorder? Kadalasan kase sa mga case na ito ay inherited through relatives."

"Hindi ko po alam."

Napakagat labi siya. Talagang hindi niya alam. Isa lang naman siyang yaya. Putek. Ano na ang gagawin niya. Natatakot siyang magkaroon ng komplikasyon si Kendrick.

Masyado siyang nafocus sa pag-aalalang lumukob sa kaniyang damdamin. Ni hindi niya namalayan ang pagdating ni Blare sa kaniyang likuran.

Nakatulala lang siya habang si Blare na ang kumausap sa doctor.

"You need to transfer him to the hospital and perform blood transfusion as soon as possible."

"Okay, I'll donate."

Nasa ospital na sila at inaakaso na nila ang kailangang gawin. Agad siyang napatingin kay Blare. Did she heard it right.

"Teka, magdodonate ka ng dugo?"

"Yes, why?" Napakunot pa ito sa noo. Pero nangingibabaw ang pag alala sa kalagayan ng bata.

"Kendrick has RH-null, the rarest type of blood."

"Oh anong meron, I also have RH-null."

Is it just her or talagang naisip Niya Ang posibilidad.

"Less than fifty person has that type of blood."

"Swerte ang tawag don. Pareho kaming may type— Teka are implying na baka kamag-anak ko si Kendrick?"

"Brod, what happened to Kendrick?" The tension was gone. Nabaling ang kanilang atensyon sa kararating na si Xander. Hinihingal pa ito na tila galing pa ito sa isang marathon.

"Kendrick has hemophilia." Maikling tugon ni Blare, bakas pa din dito ang pagkalito sa mukha.

"A what?"

"A bleeding disorder." Napatingin si Xander sa kaniya. "Oh you're here."

Hindi nakatakas sa paningin ni Blare ang munting ngiti na iginawad ni Mikkadaise sa kaibigan bilang pagtugon. There is something built in his body. A tension feeling na nagpakunot sa kaniyang noo. Bakit parang hindi gusto Ang mga ngiting yun para kay Xander like what the fuck siya lang dapat Ang nginingitian nito. He shook his head. What was happening with him.

"Mahihirapan tayong maghanap ng ka match ni Kendrick considering that he has the blood type of—"

"I'll donate."

"You'll what?!"

Napipikon na si Blare sa biglaang pagsigaw ni Xander. Sinamaan niya ito ng tingin dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao sa ospital.

"May problema ba don, a. I have the same blood type as Kendrick."

"Bakit."

"You know what brod, para kang tanga."

"Mukha man akong tanga atleast gwapo pa rin ako. Pero teka sigurado ka bang wala kang nabuntis dati?"

Blare comb his hair with his fingers, talagang masasapak Niya Ang kaibigan pag hindi ito tumigil sa pambubwisit sa kaniya.

"Why the hell would you ask me that?"

"Kase nga dba, less than 50 person lang ang may RH-Null na dugo..."

"Well that's the illogical reason."

Pinapahinga muna si Blare sa doktor pagkatapos nitong kunan Ng dugo para kay Kendrick. It's been nearly 3 hours after the conversation between Xander and him pero hanggang ngayon hindi pa din mawala sa utak niya ang sinasabi nito. It's crazy idea, alam niya iyon. As far as he have remember, he always does protective sex with someone his desire wants. He never forgot to use condom kahit pa minsan ipinagpilitan ng mga babae niya na safe sila.

Hindi sa ayaw niyang maging anak si Kendrick. Is that just the thoughts are really absurd.

Ipinatong niya ang ulo sa bedrest and he's about to close his eyes nang malakas na bumukas ang pintu ng kaniyang kwarto.

It's Xander. Pawis ito at humihingal pa. Kumunot ang kaniyang noo. Ano na naman kaya ang trip nito sa buhay.

"I have the result." Xander said in between his breath. Ipinakita pa nito ang hawak na papel.

"It's positive."

"Pwede ba, magpapahinga ako—"

Then Xander cut him of, bringing the news that shook his world. Did he heard it right? Or was he dreaming? P'ano nangyari? Bakit Wala siyang matandaan.

"Kendrick is your son."

-preciousjean88