Chereads / Lo Siento.Sorry.Gomen nasai. / Chapter 2 - CHAPTER 2

Chapter 2 - CHAPTER 2

5 years later..

Sa isang kilalang restaurant na nagngangalang "Corra Resto". May dumating na babaeng naka sunglasses,naka pulang lipstick siya,naka sandong fitted na may nakapatong na mamahaling jacket na ,naka skinny jeans at nakatakong na pula.Malalaman mo talaga na mayaman siya.Palingon lingon siya,na tila ba may taong hinahanap.Tinawag siya ng isang lalake.

Johnny:Uy,nandito kami! (sabay kaway)

Lumapit ang babae sa table at umupo.

Steve: (nakakalungbaba) Grabe ang tindi ng sikat ng araw hanggang dito sa Resto ha.

Pang aasar ni Steve kay Kathleen.Ngumiti lang si Kathleen.

Kathleen: Nainlove ka na naman sa akin .

Steve: Sana totoo,kaso hindi.

Napangisi si Johnny.

Cindy: Umorder na kami Kath.Tagal mo kase e.

Binigay na ng nagseserve ang mga inorder nilang kanin,bulalo at sisig,mga bagong luto ito at kitang kita na mainit init pa.

Sa kabilang banda,si Katie ay nasa over the counter may kausap sa phone.Siya ay isa sa manager ng Corra Resto.

"MY GOLLY!!!!!" sigaw ng babae

Narinig naman ito ni Katie at napalingon siya.

Waitress: Ma'am pasensya na po

Kathleen: (sumisigaw)Pasensya?I don't need your apology!!!Nasaan yung manager niyo?????!!!

Cindy: Kath,calm down!

Nataranta yung mga server at waitress.

Katie: (sa phone) Yes ma'am makakaasa po kayo,thank you po ulit.Bye. (binaba na yung phone)

"Anong nangyari?" tanong niya sa isang waitress.

Waitress 2: Nasanggi po kase ni Emily yung bulalo,enatapon na nga po halos sa braso niya e,tas nagalit pa yung customer.

Lumapit na si Katie sa sumisigaw na babae.

Binulungan ni Katie si Emily na "Pumasok ka na sa loob gamutin mo na agad yang paso mo,ako na bahala dito"

Emily: Thank you Ma'am.

Kakausapin na sana ni Katie ung babae nagsisigaw pero namukaan niya agad yung babae na si Kathleen.Samantalang si Kthleen ay dakdak ng dakdak.

Kathleen:Masyadong clumsy yang empleyado niyo,ipatanggal....

Katie:Kathleen????

Kathleen: (tinanggal ang kanyang sunglasses)Yes! I am Kathleen,and who!are!!you????

Biglang nakita ni Kathleen ang nametag ni Katie.

Kathleen : (nashock)O. M. G!!!KATIE!!!!!

Natuwa si Katie.

Magyayakapan sana sila.

Katie: Oopss....Nasa work pa pala ako.

Kathleen:MY GOLLY!!! Di kita nakilala..You're so beautiful na!

Katie: (ngumiti) Puberty hits me (sabay tawa) Ikaw wala ka paring kupas.

Kathleen: Well....

Nakatingin sa kanya ang mga kaibigan ni Kathleen.

Kathleen:Oh by the way,mga friends ko nga pala.Si Cindy,si Johnny at si Steve,my future boyfriend (sabay ngiti)

Napakamot na lang ng ulo si Steve.

Ngumiti lang si Katie.Napatulala ng konti si Steve sa ngiti ni Katie.

Steve: A..Hi! I'm Steve.

Inabot ni Steve ang kanyang kamay kay Katie para makipaghandshake.

Nakipagkamayan naman si Katie kay Steve.

Katie: Nice to meet you.

Aalisin na ni Katie ung kamay niya sa pagkakahawak kay Steve pero ayaw bitawan ni Steve ang kamay ni Katie,at napakalagkit ng tingin ni Steve kay Katie.

Katie: A...

Pwersahang inalis ni Katie ang kamay ni Steve.Sa isip isip ni Katie "Nakakatakot naman tong lalakeng ito"

Katie:So...balik tayo sa complain mo Ms. Kathleen...Papalitan nalang po namin ng panibago yung natapong bulalo.

Kathleen : No need na.

Katie: Natapunan po ba kayo Ma'am?

Kathleen:Actually..No!Natalsikan kase yung jacket ko Katie,kakabili ko lang neto,ang mahal mahal pa naman neto.

Nagkatinginan si Katie at ang mga kaibigan ni Kathleen.

Kathleen: Yung jacket ko nalang papalitan mo sa waitress na yan.

Napabuntong hininga nalang si Katie.

Cindy:Tama na yan Kath!Nahihiya ako para sayo.

Kathleen:Bakit?Wala naman akong ginawang masama,yung waitress ung aanga anga!

Katie:(mahinahon na salita) Sorry po Ma'am pero natapunan na po ng kumukulong sabaw ung tauhan namin.

"baka gusto mo din tapunan kita ng kumukulong sabaw" bulong ni Katie kay Kathleen.

Kathleen:K-Katieeee!!!

Katie: Yes?(ngiting pang asar)

Nagbigay ng ballpen si Katie kay Kath,at kumuha ng papel sa bulsa niya,pero bago yon pinagtrabaho na niya muna ang mga usisero usiserang crew.

Bumalik na rin si Katie,upang magtrabaho.

Napangiti si Steve

Mga ilang oras na nakalipas...

Nagchichismisan ang mga crew sa kanilang crew room.

Chismosa 1:Akalain mo yun nagkaroon pa ng commendation letter si Emily.

Chismosa 2:Kaibigan ata kase ni Mam yung nagcomplain.

Chismosa 3: Galit na galit magcomplain,e natalsikan lang naman daw ung jacket.

Chismosa 2:Ay we??

Chismosa 3:E mamahalin daw kase yung jacket.

Chismosa 2: Sus ginoo!

Chismosa 2: Gusto pa ata ipabayad yung jacket.

Chismosa 4:Kawawa naman pala si Emily.

Chismosa 1:Pero atleast may commendation letter siya.Boom pakak! Ang kauna unahang complain at commendation letter.

Chismosa 3: Pero napansin niyo ba ung dalawang lalake,kasama nung nag iskandalo ang po pogi! (kinikilig na sinabi)

Nagkagulo ang limang chismosang crew sa crew room.

Gabi na...

Uuwi na si Katie.Lumabas na siya ng Resto.

Emily: Ma'am!

Katie: O,Emily!

Emily:Thank you po sa kanina ha.

Katie: Wala yun,dapat naman talaga niya gawin yun,halos magiskandalo na siya sa kakasigaw.Baka trumending pa tayo pag nagkataon(napatawa)

Emily:Pero grabe po siya,natalsikan lang po ung jacket niya,halos parang gusto na niya ako ipakulong.Kaibigan niyo po ba talaga yun?

Katie:Best friend ko yun nung elementary days,sobrang bait nun.

Nag make face nalang si Emily.

Biglang may tumigil sa harap niya na motor.Nakahelmet yung nakasakay.Tinanggal nung guy yung helmet.

Steve: Hi!

Emily: Sige Ma'am una na ako.

Dali daling umalis si Emily.

Steve: Saan ka?Hatid na kita.

Katie: Steve,tama? Thank you nalang may dadaanan pa ako.

Naglakad na si Katie.Sumusunod sa kanya si Steve.

Steve:Gabi na,baka mapano ka.

Katie: Hindi na ako bata,matanda na ako.Saka baka ano isipin ni Kath.

Steve : Oo nga pala,may atraso ka pa daw kay Kath.

Napahinto sa paglalakad si Katie,ganun din si Steve.

Katie: May number ka ba ni Kath?Baka pwede mo naman sa akin ibigay?

Steve: Sure.why not? sa isang kondisyon.

Katie:Sige na,wag nalang.

Steve: Wait!

At binigay nga ni Steve ang number ni Kath.Kinontak agad ni Katie si Kath.

Sa bahay naman ni Kath....

Nagpapatuyo ng buhok si Kath sa electricfan,kumakanta kanta siya,katabi niya ang kanyang aso na japanese spitz na si Kenji.Ng biglang nagring ang phone niya.

Hindi niya ito kilala pero sinagot niya pa rin.

Kathleen: "Hello..."

Katie: "Kathleeeeeen"

Nagtaka si Kath.

Kathleen : "Katie? Paano mo nalaman ang number ko?"

Katie: "Binigay ng boyfriend mong si Steve"

"Magkasama kayo ni Steve?" pag aalalang tanong ni Katie.

Katie: Oo,kinukulit nga ako.Boyfriend mo ba talaga to?

Biglang nabalisa si Kathleen.

Kathleen's POV

Nakaramdam ako ng onting selos ng malaman kong magkasama si Katie at Steve,kaya bigla ko nalang nasambit na "Nasaan kayo?Anong ginagawa niyo??"

Ayoko na magkaroon sila ng moment,kaya dali dali ko na tinanong "baka gusto niyong dumalaw dito Katie?" tuwang tuwa naman si Katie,sino nga bang di matutuwa dahil halos 8 years na kaming di nagkikita at nagbo-bonding at ngayon marami na kaming ma a update sa isa't isa…Pero mas natutuwa ako na pupunta si Steve para…

dalawin ako.

End of Kathleen's POV

Nakaangkas sa motor si Katie,binibilsan magmaneho ni Steve.

(T/N nakahelmet si Katie.Saan nakuha yung helmet?Dala iyon ni Steve.)

Steve:Baka mahulog ka,kapit ka lang sa akin.

Nagpoker face lang si Katie.

Lalong binilisan ni Steve mag maneho.Kumapit lang ng mahigpit si Katie sa hinahawakan niya malapit sa inuupuan niya.

Steve: Pwede ka naman yumakap sa akin kung gusto mo.

Walang imik lang si Katie,at naiinis lang siya kay Steve.

End of Chapter 2