Siya ay bumuntong hininga
"Sorry! Yan sana ang gusto kong sabihin sayo,pero di ko nagawa"
Sabi ng babaeng nakaupo na nakabelong itim na nakaupo sa may damuhan.
13 years ago.
Naglalakad si Katie mag isa,tulala,tila ba ang lalim ng iniisip.Di niya namalayan nadulas siya.
Nagulat si Katie.
May napatingin naman na babae.Nagsitawanan ang mga ibang nakakita,samantalang nahiya naman siya.Lumapit ang isang babae.
Kathleen: Ok kalang ba?
Katie: Sino ka?
Kathleen: Ako si Kathleen,ikaw...anong pangalan mo?
Natulala si Katie kay Kathleen,sa loob loob ni Katie "ang ganda niya"
Katie: A...hm magandang pangalan! (sabay ngiti) Ako si Katie!
Kinuha ni Kathleen ang kamay ni Katie,para tumayo na.Parang matutumba ulit si Katie.
Kathleen: O,dahan dahan lang.
Papilit na ngumiti si Katie.
Kathleen: Bakit parang papilit ka ngumiti?
Sa isip ni Katie "Feeling close,si ate mo girl"
"Nung una naiinis ako sa kanya dahil kinakausap niya ako ng kinakausap,di naman kami close.Sinabi ko narin na ayaw ko sakanaya pero lapit parin siya ng lapit,masyado siyang matigas ang ulo."
Katie: Wag ka nga dikit ng dikit sa akin!!!Baka pagkamalan pa akong muchacha mo!!!! (galit na galit na sinabi kay Kathleen)
Tahimik lang si Kathleen.
"Magkaiba kami ng mundo na ginagalawan ni Kath literal na magkaiba,mayaman siya ako mahirap,matalino siya ako may talino naman ng onti.Talented siya,matalino,magaling sa larangan ng sining at sports.Masasabi na ngang nasa kanya na ang lahat,perfect ideal girl exist kung tawagin nga nila.Samantalang ako...
Kathleen: Ikaw talaga Katie,ang sungit sungit mo (natawa nalang siya) maaga ka niyan tatanda!(humalakhak)
"Pero inaamin ko na namangha ako sa kanya,di lang sa kanyang panlabas na anyo kundi sa kanyang panloob.Nung panahon na pinagtatawanan ako ng ibang tao,nandyan siya sa tabi ko.Nung mga panahon nag iisa ako, nalulungkot ako nandyan parin siya.Yung dating inis ko sakanya di ko namamalayan unti unti na palang nawawala."
Nagmumukmok si Katie
Kathleen: O,bakit malungkot ka?
Bumuntong hininga si Katie.
Kathleen: Sorry.Sige aalis na lang ako.
Katie: T-Teka!
Kathleen: Huh?
"Simula non,tinuring ko ng kaibigan si Kath"
Katie: Nalulungkot ako kase...
Nag aantay ng sagot si Kath.
Kathleen: Ok lang kahit di mo sabihin,sabihin mo na kapag handa ka na.
Katie: Birthday ko kase ngayon...
"Ito ang first time ko na mag open sa kanya"
Katie: Nakakalungkot kase na parang walang nagmamahal sa akin.
Kathleen: Happy birthday!!!
May kinuha si Kath sa bag niya na cupcake.Binuksan niya ito at linagyan ng kandila.
Kathleen: Blow the candle na.
Katie: Niloloko mo ba ako wala naman akong i b.blow!
Kathleen: Safety precaution yan,sira (sabay tawa)
Mangiyakngiyak si Katie.
Nataranta si Kath.
Kathleen: O bakit ka umiiyak?
Katie:(napatulo ang luha) Alam mo bang ikaw lang ang bumati sa akin ng ganyan.
Kathleen: Wag ka ng umiyak,iiyak din ako (napapaluha)
Katie:Thank you!
Ngumiti si Kath.
Kathleen: Alam mo bang birthday ko din ngayon.
Katie:Huh?
Kathleen: Alam mo din bang parehas din tayo ng edad.
Katie: ....
Kathleen: Kaya pag birthday mo wag ka na malungkot dahil di mo alam may taong masaya na kasabay mo na gusto mag celebrate....kasama ka.
"Simula non,lagi na kaming nagkikita pagkatapos ng eskwela,hindi kami parehas ng school na pinapasukan kaya pag uwian madaling madali ako para makipaglaro kay Kathleen,dumami na rin ang mga kaibigan ko,natuto ako makipag socialize.Namotivate ako mag aral,nagpapataasan pa kami ng grades,nagpapagalingan pa kami,pero in a good way.Hiniling ko na sana di na matapos ang lahat...ang kasiyahan,biruan namin at ka okrayan namin sa isat isa..sana....."
Katie:Bakit di ka na namamansin?????
Walang imik si Kathleen.
Katie: May problema ba?
Di parin sumasagot si Kath.
Katie: Sige aalis na lang ako.
Kathleen: TEKAAAAA!!
Napangiti si Katie.
Katie: E ano ba kase problema at nag iinarte ka?
Kathleen: ...
Katie: Sumagot ka naman girl!
Kathleen: (pinipigilan na di maluha) Baka sa ibang university na ako pumasok pag college.
Katie: (tumawa) So... meaning may penalty ka!
T/N NAGKASUNDO KASE SILA NA SA ISANG UNIVERSITY SILA MAG AARAL,ANG DI TUMUPAD SA USAPAN MAY PENALTY KUNO
Kathleen: ...
Katie: Hmmm...ano kayang magandang penalty..
Kathleen: Katie....Nalulungkot ako.
Katie: Pwes ako natutuwa.(tumatawa)
Kathleen: Mag ma-migrate na kami next week sa America,sa America na ako mag co.college Katie.(naluha)
Speechless si Katie.
Di malaman ni Katie kung matutuwa siya o malulungkot.
Katie: w-woow!
Kathleen: .....
Katie: ....
Kathleen: Sorry. (umiiyak)
Katie: Kailangan ko na palang umuwi.(sabay takbo)
Kathleen: (umiiyak) Katieeeee!
Iniwan ni Katie si Kathleen mag isa.
Isang linggo na ang lumipas,aalis na si Kathleen.
Mama ni Katie:Aalis na yung bestfriend mo ngayon ha,di mo ba siya pupuntahan?
Katie: ......
Sa bahay nila Kathleen.
Chris (kuya ni kathleen) : ilang oras nalang pupunta na tayong airport,wag ka na magmukmok.
Kathleen: Hindi ako nagmumukmok kuya,naiinis ako!tinagurian kong bestfriend ni hindi man lang magpapaalam sa akin bago ako umalis.
Chris : Para namang di mo kilala yung bestfriend mo,hindi mahilig sa drama yun tulad mo.(ngumisi)
Kathleen: Kuyaaaaa!!!!
Biglang may mag doorbell.
Chris: O ayan na sila mama,ilalabas ko na yung mga gamit.
Nalungkot si Kathleen,wala na siyang magagawa kaya bubuksan nalang ni Kath ang gate.
Pagbukas niya. Nagulat siya. Si Katie ang nakita niya.Bigla niya itong yinakap.
Kathleen: (nakayakap kay Katie)Namiss kita!!
Katie: (naiiyak) Sorry ngayon lang ako nagpakita.Alam mo namang ayaw ko umiyak sa harap mo.
Kathleen: (umiiyak na) Pero alam mo namang mamimiss kita e...
Katie: (umiyak na din)
Nagyakapan na sila,ng biglang may bumusinang kotse.
Katie: Thank you kath! (may binigay na papel)
Kathleen: (umiiyak) Ang iyakin mo talaga Katie!
Tatay ni Kathleen: Tara na Kath!
Napalingon si Kathleen,linagay niya sa jacket niya yung papel na binigay ni Katie.
Lumabas na si Chris at linagay ang mga gamit sa kotse.
Tatay ni Kathleen: Pagbutihan mo mag aral Kath!
Nanay ni Kathleen: Wala munang boyfriend iha.
Napangiti nalang si Katie.
Katie: Opo!
Nanay ni Kathleen: Wag na kayo malungkot,may social media naman e,mag keepin touch nalang kayo.
Kathleen:(nagpunas ng luha) Napaka iyakin mo talaga Katie!
Katie: Sino kaya ang iyakin?
Katie's POV
Nagtawanan nalang kaming lahat,di ko namalayan na umalis na pala sila.Napakabilis ng pangyayari parang nung kailan lang itinataboy ko siya,ngayon umalis na talaga siya.
Ang daming oras,araw na nakasama ko siya,para na nga kaming magkapatid,magpamilya kung tutuusin.Isa siyang magandang regalo na ipinagkaloob sa akin.Kaya gagawin ko ang lahat para ma maintain ang pagkakaibigan namin,kahit malayo pa siya.
Ilang oras palang nagmessage na ako sakanya sa isang social media "kamusta ang byahe?" sabi ko sakanya.Ilang days pa siya bago mag reply. "sorry ngayon lang ako nakapagbukas,masyado kase akong nag eenjoy dito e hehe" yun ang message niya sa akin.Nagkachat kami ng saglitan hanggang tinanong ko sakanya kung nabasa na ba niya yung sulat ko para sa kanya.Bigla siyang nag offline.Iniisip ko na baka busy lang siya.Nakalipas na rin ang ilang buwan,nag aaral na ako ng college,nagke-keep in touch parin naman kami ng onti ni Kathleen pero habang tumatagal,nawawala na."uy,ano na balita sayo dyan?send ka naman ulit ng pic mo at nung mga nanliligaw sayo"message ko sakanya.Nagsesend kame sa isat isa ng picture at mga update sa mga nangyayari sa amin,para na nga kaming mag boyfriend girlfriend (tumawa)pero bestfriend talaga kami.Hanggang sa di na talaga siya nagreply at di na nagseen.At di na nagparamdam pa.
End of Katie's POV
End of Chapter 1