Chapter 1
"Bakit tayo nandito?", nagtatakang tanong ni Maureen. "Basta, may ipapakita ako sa'yo", tugon ni Jack habang hawak-hawak ang kamay ni Maureen. "Ano ba yun? At bakit dito pa sa bahay nyo?", tanung ni Maureen. " Basta nga, o 'lika pasok sa kwarto", sagot ni Jack. "H-ha? Sa kwarto mo? A-ayoko", takot na saad ni Maureen. "O, bakit? 'Wag kang matakot, wala ka bang tiwala sa 'kin? ", tanung ni Jack habang tinitignan ang maamong mukha ni Maureen. "M-meron. Ano ba kasi yun?", tanung niya na agad din namang hinila ni Jack papasok sa kwarto. "Ang aking pagmamahal", pabulong na sagot ni Jack at agad na sinakmal ng halik ang malakulay rosas na labi ng dalaga,na dahil sa pagkabigla ay natulak neto si Jack. "Te-teka", naguguluhang saad niya. "O, bakit? Akala ko ba mahal mo 'ko", bulong ni Jack sa kanya. "Oo, p-pero-" , bago pa niya matapos ang sasabihin ay pinatahimik na siya ni Jack sa pamamagitan ng paghalik muli neto.
"S-sandali, hindi pa 'ko handa, tsaka mga bata pa tayo", biglang pagtutol ni Maureen na kinagalit naman ni Jack. "Hahahaha", sarcastic na tawa neto. "Pinagsasabi mo? May anak ka na nga tapos hindi ka pa handa? 'Wag mo kasi ako artehan", dismayadong tugon neto kay Maureen. At akmang hahalikan na muli neto si Maureen ng napansin niyang naluluha ang dalaga. "Wala kang alam. Hindi mo pa ako lubusang kilala kaya huwag mo akong husgahan",nanginginig ang boses na sabi neto hanggang sa tuluyan na ngang tumulo ang kanyang mga luha. Nagtatatakbo paalis si Maureen,naiwan siyang nakatulala. Hindi niya mawari ang nararamdaman niya. Nasasaktan siya nung nakitang umiiyak si Maureen dahil sa kanya. Totoo na kayang umiibig na siya?
"O, ano pre? Succes ba?", nakangising tanung ni Jake na kabarkada niya, na sya ding may-ari ng bahay na kunwari sa kanya. "Hindi, wala, walang nagawa yan", sabat naman ni Patrik. Hindi na nya namalayan na pumasok na pala ang mga eto. "Syempre, ako pa! Edi succes!", nakangiting pagmamayabang niya sa mga eto. "O, akin na pera nyo", nakangising tugon niya. Napakamot na lang ng ulo ang dalawa. "Mananagot ako kay erpat neto, o sya, ihuhulog ko na lang yung 10k sa account mo", ani Patrik na napakamot pa din sa ulo. "O, eto yung akin, cash yan ah, pangsnack ko sana yan eh", tugon naman ni Jake habang inaabot ang pera. "O, s'an tayo mamaya?", tanong ni Jack. "Syempre, 'san pa? Edi sa bar namin na unli drinks na, may chikas pa hahahaha", sagot naman ni Patrik at nagsipagtawanan silang tatlo.
Habang si Maureen naman ay panay ang takbo habang umiiyak. Wala na siyang pakialam kung saan siya mapadpad basta ang alam niya ay gusto nyang mapalayo kay Jack. "Pinagkatiwalaan ko siya, akala ko matino siya", sa isip ni Maureen na walang humpay ang agos ng luha habang inaalala ang pinagsamahan nila ni Jack. Hindi niya lubos maisip na nagagawang sabihin 'yun ni Jack, ang buong akala niya ay naiintindihan siya nito. "Wag ko siyang artehan? Dahil may anak na ako? Hahahaha, ganun ba kababaw ang tingin niya sa 'kin? Ano ba 'ko para sa kanya? Hahahaha...", bulong niya sa sarili na tumatawa pero panay ang buhos ng luha.
"Uy, si Maureen yun ah", sambit ni Stacey(bespren ni Maureen) ng makita si Maureen na nagtatatakbo patawid sa kalsada. "Hoy, Mauweee!", tawag niya sa kaibigan. "Magpapakamatay ka ba? Umalis ka dyan! Hoyyyyy!", sigaw niya pero animo'y walang naririnig si Maureen. "N-nako!May humaharurot na sasakyan, Maureeennnnnn! ", sa wakas ay narinig siya ni Maureen at lumingon eto sa kanya at ngumiti, pero--------
"Hays, salamat sa Diyos at ayus ka lang", ani ng isang mukhang mayaman na ali sa akin. "Si-sino po kayo?", nahihiyang tanong ko. "Hijo, ako 'to si Mommy Stella mo,nako, ano ba kasing pinag-gagawa mo? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa'yo?", nag-aalalang tanong neto. (M-mommy? May nanay ako? Sa pagkakaalam ko, lumaki lang ako sa lola ko, teka? Nananaginip ba ako? Te-teka? Hi-Hijo?) Napabalikwas ako bigla sa hinihigaan ko. "My God! Hijo! Don't move yet, we're not yet sure if you're fully ok", sambit uli ng ali, bakas sa boses neto ang pag-aalala. "Ahm, ayus lang po ako, wala naman pong masakit sa 'kin", mahinang tugon ko. "Ahm gusto ko po sanang mapag-isa", saad ko sa ali. "Are you sure? Nako anak, hindi ka pa magaling", saad ng ali sa akin. "A-anak?", agad na sambit ko. "Oh my baby, hindi ba nabaguk ang ulo mo ha? Hindi ba masakit ang ulo mo?", pag-aalalang saad niya habang hinahaplos ang ulo ko. ("Mukhang sasakit pa lang po! Jusko day, hindi talaga kita kilala eh") "Ahm ok lang po ako, promise, gusto ko lang po talaga mapag-isa", sabi ko sa kanya. "Alright, just call me if you want anything,ok? ", ani neto (hayss ang tagal naman umalis) "Ahm, yes po", maikling sagot ko. Pangiti-ngiti pa 'to sa'kin bago tuluyang umalis. (Parang ewan naman yun si madam).
Tumayo si Maureen at nilibot ng tingin ang buong silid. ("Ang gara, kwarto ko 'to? Parang isang buong bahay na 'to sa laki ah. Ang lawak, tsaka ang gaganda ng mga gamit oh, mukhang mamahalin"), sa isip ni Maureen. "Pero, teka-teka yung ale kanina tinawag akong anak? Ahahahha.... tsaka tinawag akong hijo eh kababae kong tao hahahha.... ", ani niya na halos gumulong na sa kakatawa. "Pero teka, kanina, muntik na 'kong mabangga ng kotse eh, hindi kaya.... patay na ako? huhuhuhu jusko Lord 'wag po muna, paano na yung lola ko, tsaka yung anak ko huhuhu...", ani niya na humahagugol naman ng iyak. "Aray! Putik na lamok ka!", saad niya na napakamot sa braso niya na kinagat ng lamok. "Hala, kinagat ako ng lamok? hahahhahaha..... kinagat ako ng lamok? hahaha.... ", ani niya na parang baliw na nagtatatalon sa tuwa. "So, ibig sabihin, buhay ako? Hahahaha..... buhay ako, hahahaha.... I love you lamok! Hahahaha....",nakangising tugon niya habang nagtatatalon pa din sa tuwa. ("Teka, naiihi ako, 'san ba cr dito?") sa isip niya habang hinahanap ang cr. Uupo na sana siya ng biglang-- nagulat siya sa nakita niya pagbaba niya ng pantalon niya. "Waaaaahhhhhh....", sigaw niya na para bang natakot sa nakita. "Jusko Lord, anu 'yun? Sa-salamin, asan 'yung salamin?" Paglabas niya ng cr ay andun ang isang full-body mirror. "Waaahhhhhh..... ", abot Mars na tili niya.