Chereads / Locked Into You / Chapter 1 - PROLOGUE

Locked Into You

portiacalista00_
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 8.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - PROLOGUE

--

"She's not responding bud" Kulang ang salitang gulat at kaba para ilarawan ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, pero sa totoo lang ay di ko na alam ang gagawin ko.

"We tried checking if she had damage on her brain but wala naman kaming nakitang injuries or kahit na hemorrhage. Sa madaling salita ay walang naging direktang epekto sa utak niya ang nangyaring aksidente." Patuloy sa pagpapaliwanag sa harap ko ang doktor niya. Marami akong gustong itanong. Maraming paliwanag ang kailangan ko. Pero sa sitwasyong ito ay tila ako kandilang nauupos sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng doktor sa harapan ko.

"So, the l-lost of my ba-by is the main reason? Why's she like that now?" Hirap na hirap akong ibuka ang bibig ko na para bang ayaw lumabas ang mga salitang pinakawalan. Matagal bago sumagot sa akin ang kaibigan ko na habanh tumatagal ay lalong bumibigat ang pakiramdam ko.

Kanina pang namimigat ang mga mata ko. Kanina pang gustong lumabas ng mga luha na alam kong hindi sapat para ilabas ang nararamdaman ko sa sitwasyong ito.

"Yes. Hindi nakaapekto ang aksidente pero ang emotional stress at trauma na dala ng nangyari ang reason kung bakit.. pinili nyang takasan ang realidad" Takasan? Paano na ako? Paano ang panganay namin? Excited pa naman si Adler na makita ang kapatid niya. Kulang na lang ay hilahin nya ang kapatid para lumabas na sa tiyan ng mommy nya.

"May gamot naman siguro o therapy para sa case nya diba bud?" Puno nang pag-asang sambit ko.

"I'm afraid to tell you that this kind of case is really peculiar which means medications also isn't that easy to have but you know you and her means a lot to me. Don't worry I'll contact my colleagues abroad to discuss this. She can make it." Kahit na dapat ay gumaan ang loob ko ay tila ba mas bumigat pa ang kalooban ko.

Mabigat ang paang tumungo ako sa silid niya. Wala pang tao dahil papunta pa lang si Mommy kasama si Adler.

Pagtapak ko sa harap ng pinto ay nakita kong may dalawang nurse na nag-aasikaso sa kaniya.

Tulala

Walang emosyon

Ang dating kislap ng nga mata niya ay wala na.

Ang dating sigla ng mukha niya ay naglaho na.

Hinintay kong lumabas ang dalawang nurse bago ako umambang pumasok sa silid. Nakita kong nagulat ang mga nurse nang makitang nakaabang ako sa labas. Kitang kita ko rin sa mga mata nila ang awa dahil sa sitwasyong ito.

"Sir, nang magising po siya kanina kahit walang emosyon ay humahagulgol po siya. Parang gusto niyang magsalita pero wala pong lumalabas sa bibig niya. Gusto niya ring igalaw ang kamay niya pero di niya maigalaw po" Halatang halata ang mabigat na pakiramdam niya habang nagsasalita. Ang kaninang pakiramdam na diko maintindihan ay patuloy na nabagsakan ng karagdagang bigat.

"Ganun ba? ... Thank you for taking care of my wife. Thank you also for your care" Ngumiti ang dalawang nurse at sinabi pang sana ay maging maayos na siya agad-agad. Sana nga.

Nang makaalis sila ay bumaling na ako sa pinto ng silid niya. Hindi pa ba sapat ang bigat na nararamdaman ko? Lalo itong nadadagdagan, natatakot ako. Natatakot ako sa kung anong makikita ko sa kabila ng pintong ito. Pinihit ko na ang seradura ng pinto at inihanda ang sarili sa kakaharapin.

She's there. Sitting near the window. Emotionless.

Hindi niya ako binalingan nang tingin kahit na tinawag ko ang pangalan niya. Mas masakit pa pala ngayong ako na ang nakakasaksi sa ikinuwento ng doktor niya kanina. Inulit kong sambitin ang pangalan niya pero bigo pa rin akong makuha ang atensyon nya.

Dahan-dahan akong lumapit sa wheelchair niya. Sinuri ko munang mabuti kung ano kaya ang reaksyon niya kapag lumapit ako.

"P-Portia .. Mahal" Ang kaninang emosyong pilit kong ikinukubli ay nagmistulang tubig na umaapaw. Ang kaninang luhang gustong gusto kong kimkimin ay tuluyan nang bumuhos.

"Mahal, nandito na ako. Nandito kami ni Addie wag naman ganito" Nanginginig na hinawakan ko ang mga kamay niya. Bakit ang sakit sakit? Ang sakit na makita siyang nasasaktan kahit na wala naman siyang kibo.

Pinagsalikop ko ang kamay naming dalawa at hinagkan. Ramdam kong gusto nyang kumawala sa hawak ko ngunit di ko siya hinayaan. Ito nalang ang nagbabawas sa nararamdaman ko. Ang kaninang luha ay patuloy pa rin sa pag-agos.

Inangat ko ang tingin sa kaniyang mga mata. "Wag naman ganito Portia. Malulungkot ang panganay natin kapag nakita ka niyang ganito." Mas gugustuhin ko pa yatang makita siyang lumuluha kaysa ganitong walang emosyon. Bigo pa rin akong makuha ang atensyon niya. Nakatitig sa kawalan at tila nagpapatangay lang sa agos.

Sumalampak ako sa harapan niya na patuloy pa rin ang kaguluhan sa utak. Pagod ko siyang tinignan. Ano nang mangyayari sa amin? Kung hindi ako umalis ay hindi magiging ganito ang sitwasyon.

Biglang bumukas ang pinto at inabutan nilang ganito nang sitwasyon namin.

"Mommy!" Patakbong niyakap ng anak ko ang Mommy niya. Malapad ang ngiti ng anak ko nang lapitan ang nanay niya. Hindi pa niya alam ang nangyari at natatakot akong malaman na niya. Ang bata bata pa ng anak namin para sa sakit na ito. Kung pwedeng kunin ko ang lahat ay aakuin ko ito.

Hinaplos ako ni Mommy sa likod. "Nasaan na po baby sister ko Mommy? Cute po ba siya? Malapit ko na mabili po yung baby dress na gusto ko for her!" Ni lingon ay hindi ginawa ni Portia. Umiiyak na si mommy pati na rin ang kapatid ko sa isang gilid.

Ang ngiti sa labi at kislap sa mata ng anak ko ay unti-unting naglaho. Dahan dahan siyang lumingon sa amin at nagtataka ang mga mata.

"D-dada??!" Tinakbo ko na ang anak ko at niyakap nang mahigpit. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Ang sakit sakit lang. Sa dami nang kamalian ko ay ito na ba nag kapalit?

"Baby Anikka is now ang angel kuya. She'll guide us from above" Tuluyan nang bumuhos ang luha sa bilugang mata ni Addie. Sila mommy ay may mga kinakausap nang tao sa labas ng silid.

"Love kayo ni Dada ha. Kayo ni mommy pati ni baby Anikka" Yayakapin ko sana siya nang takbuhin niya ang mommy niya at niyakap. Katulad kanina ay wala pa rin siyang emosyon.

"M-mommy! Love love mo pa po ba ako? Aalagaan ka namin ni Dada" Nilapitan ko sila at ibinalot sa isang mahigpit na yakap.

Kailangan kong maging matatag para sa mag-ina ko. Baby Anikka please guide us baby angel. Mahal ka ni Dada.

------

How is it? Please tell me your insights :)

I will update tomorrow. Thanks!