Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Ang Malupet Na Sining Ng Pag-ibig

šŸ‡µšŸ‡­Nyayyyyy
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.9k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue: Ang Kawawang Bida

"Bakit ba ayaw mo akong pansinin???" Ang sabi ni Jaymar na may pilit at mapait na ngiti.

Lahat na lang ng uri ng pagpapapansin ay ginawa ni Jaymar para naman kahit papaano ay mapansin siya ng babaeng pinakamamahal niya na hindi naman siya mahal, si Alyssa.

Kahit wala sa tono, pinilit ni Jaymar kumanta. Enjoy na enjoy pa nga niya sa totoo lang. Nilagay nya lahat ng feelings niya doon. As in 100% talaga. Pero sa huli, pinagtawanan lang siya ng babaeng pinakamamahal niya na hindi naman siya mahal. Ang masama pa noon, naadwa pa si Alyssa sa kanya. Pinipilit na lang tumawa ni Jaymar at ngumiti pero ang sa totoo lang, yung ngiti niya'y gusto nang ngumiwit kasi iyak na iyak na talaga siya noong mga sandali na iyon. Tsk tsk kahit si author hindi alam kung tatawa o iiyak sa nakaka-awang kalagayan ni Jaymar.

Sinubukan din ni Jaymar tumula at magpanggap na isang makata kasi feeling niya baka dito siya mas may chance para mapansin siya ng pinakamamahal niya na hindi naman siya mahal. Pero sa huli, hindi niya man lamang namataan kung nakinig man lamang ba ang kanyang mahal. O siguro nga hindi talaga. Hays.

Ginugulo din ni Jaymar si Alyssa sa chat para makausap man lang kahit papaano pero parang lumalabas na kahit seen, hindi man lamang niya maranasan. At bukod pa doon, may hinala siya, at malaki ang posibilidad na siya ay naka-ignore chat na.

Nakaka-awang Jaymar.

Nakaka-awa talaga.

Sang-ayon ba kayo?

Lahat na lang ng alam niyang uri ng pagpapapansin (maliban sa pagsayaw) ay ginawa niya. Nagbigay na siya ng regalo noong araw ng mga puso. Bulaklak na lang at tsokalate ang kulang. Pero sa kabila noon, wala paring siyang puwang sa puso ni Alyssa. At parang lumalabas na mas lumiliit ang tingin ni Alyssa kay Jaymar.

Kaya ngayon, nasa mahirap na kalagayan itong si Jaymar. Desperado siya sa madaling sabi. Hindi naman niya kayang kalimutan na lang si Alyssa na pinakamamahal niya kasi siya ang nag iisang 'tao' na tumulong sa kanya na bumangon sa pinakamadilim na parte ng kanyang buhay. At iyon ang naging dahilan kung bakit mas lalo pang lumalim ang nararamdaman niya kay Alyssa.

At ngayon, tumititig si Jaymar sa mga mata ni Alyssa gamit ang mga matang katulad ng mapagpaawang tuta. Tumitig siya sa mga matang puno ng lamig, at pagwawalang-bahala. Na para bang sobrang hirap ibigay para sa kabilang panig ang sumulyap kay Jaymar kahit saglit lang.

Gustong-gusto malaman ni Jaymar ang dahilan kung bakit nga ba talaga ayaw siyang pansinin ng kanyang pinakamamahal, na hindi naman siya mahal. Kahit masaktan siya, handa niya iyon tanggapin.

Kaya't matapos ang ilang saglit na malamig na pagtitig, binuka din sa wakas ni Alyssa ang kanyang mga bibig. Mga labi niyang malalambot at nakaka halina ang namataan ni Jaymar na agad ng nag patibok ng kanyang puso. Mga tibok ng takot at pangamba.

Dahil alam niya na sa kabila ng mapang-akit na labi, ay ang malamig na boses na pupuksa sa apoy ng pag-asa.

At ganon na nga, katulad ng tubig na pumupuksa ng apoy, isang mapanugpong boses ang umalingawngaw sa tenga ni Jaymar, "Busy ako."

Busy saan? Ang tanong ni Jaymar sa kanyang sarili. Oo, alam niyang nag-aaral siya ng mabuti at priority niya iyon, pero ang hindi niya maintindihan ay bakit meron siyang time sa iba. Busy siya sa iba? Iyon ba ang gusto niyang iparating?

Nagpupumilit umandap ang naghihingalong pag-asa ni Jaymar noong mga sandaling iyon. Talaga bang hindi na siya magkakaroon ng puwang sa puso ng mahal niyang hindi naman siya mahal?

Kaya't dahan-dahang binuka ni Jaymar ang kanyang bibig at sinabi sa mababang boses, "Pero may tima ka sa iba..."

"Pfft..." Ang mapangutyang tinig ang agad na humuni at sumagot matapos sabihin ni Jaymar ang mga bagay na iyon. Nagpapatawa ka ba? Hindi mo parin ba naiintindihan hanggang sa ngayon? Matapos ang saglit na sandali, na puno ng pait at paglait, sinagot na din sa wakas ni Alyssa si Jaymar ng diretsahan, "Haysss.... Hanggang sa ngayon ba hindi mo parin naiintindihan? Excuse lang ang pagiging busy ko para tigilan mo na ako! Akala ko ba matalino ka? Bakit hindi mo maintindihan ang simpleng bagay? Gamitin mo naman yang utak mo. Ayaw ko sayo! Kailangan ko pa bang sabihin iyon ng diretsahan? Sinasayang mo lang boses ko! Kaya kung pede lang, tigilan mo na ako.

"Kung hindi mo kayang maawa sa sarili mo, maawa ka sa akin na nagmamakawang dumistansya sayo. Gumaya ka sa akin, walang pakiramdam! Walang paki-alam! Pero syempre, sayo lang."

Halos mapino ang puso ni Jaymar na matagal ng durog noong marinig niya ang mga salita na iyon. Hindi niya alam ang gagawin. Iiyak ba siya? Sa harap ng babaeng pinakamamahal niya? Siyempre hindi!!!

Kaya't noong mga sandaling iyon, para bang naging superstar si Jaymar at pinakita niya ang pinakamalupet niyang akto. Ngumiti siya ng napakalaki at sinabi niya ng may pag-asa, "Akala mo ba susukuan kita dahil lang sa ayaw mo sa akin?! Pwes nagkakamali ka! Ikaw na lang ang natitirang babae sa puso ko! Kahit sabihin pa natin na maraming babae sa mundo, nag iisa lang ang ikaw!

"Kaya kahit pagtabuyan mo ako, pilit parin kitang mamahalin kahit may iba ka ng mahal! Kahit magpakasal ka pa sa iba, hihintayin kitang mabyuda para ako naman!!!!"

Para bang tumakbo si Jaymar ng ilang milya at siya'y agad na humapo matapos niyang sabihin ang mga salita na iyon. Ang hirap talagang mag mahal ng hindi ka naman mahal!

"Hmph." Noong mga sandali na iyon, napangiti si Alyssa. Pero alam ni Jaymar na ang ngiti na ito ay puno ng pangungutya na nagsasabing, nasisiran ka na ng bait! Pero wala ng paki-alam si Jaymar doon. Matagal nang nasira ang bait niya sa totoo lang.

Sa kabilang banda, nawalan na ng gana si Alyssa na kausapin pa itong siraulo na ito kaya tumalikod siya at nagmamadaling humakbang papalayo. Na para bang ikakamatay niya kung mananatili pa siya sa lugar na iyon kahit kaunting sandali lang.

Walang magawa si Jaymar kundi pagmasdan ang papaliit at papalayong likod ni Alyssa. Pumungay ang kanyang mga mata noong mga sandaling iyon. Kaya dahil wala na din siyang magawa, tumalikod din siya at nagsimulang humakbang papalayo.

Nang makarating siya sa isang puno, siya ay naupo sa ilalim nito at nagmuni-muni. "Lord, talaga bang wala na akong pag-asa sa anak mo..."

Noong mga sandaling iyon, walang magawa si Jaymar kundi mangamba kung may pag-asa pa nga ba talaga siya. Pumapatak na lang ang kanyang mga luha ng hindi niya namamalayan. At sa totoo lang, pati mga uhog niya, hindi niya namamalayan na ito'y pumapasok na pala sa kanyang bibig.

Kaya noong akala nya ay tumutulo na ang kanyang laway, walang pag-aalinlangang nilunok ni Jaymar ang kanyang uhog sabay sabing, "Grabeng pait. Kasing pait ng pag-ibig."

Subalit gaano man kapait ang pag-ibig, handa itong tanggapin ni Jaymar gaya ng pag lunok nya sa kanyang uhog.

Haysss... Ang hirap talaga ng buhay. Pero mas mahirap ang kalagayan ng Kawawa Nating Bida.