Isa si Asian Arguelles sa maswerteng tao na naisilang na may gintong kutsara sa kanyang bibig. May dugong bughaw ito kaya't maraming naiinggit dito pero para sa kanya normal lang ang buhay nya. Katulad lamang rin ng ordinaryong tao na humihinga. Nasasaktan rin sya, minsan ay nasusugatan pa dahil sya ay literal na lampa pero madalas ay talagang hinahangaan sya ng mga tao.
Sa kanyang taglay na ganda at pagiging mahinhin. Kung titingnan ay talagang hindi sya makababasag pinggan pero ang totoo ay araw-araw nakababasag sya ng literal na pinggan, plato at baso. Iyon nga lang lagi syang napapagalitan ng kaniyang ama dapat kasi ay kilos prinsesa ang ipakita nya pero kahit ganoon ay mahal naman sya nito.
Ngunit ang isang prinsesa ay may responsibilidad. Isa roon ay ang magkaroon ng mapapangasawa na magiging katulong niya sa pagpapatakbo at pagpapalago ng kanilang kaharian.
Hindi nya alam kung sino ang pipiliin sa suhestiyon ng kaniyang magulang. Ang ina niya kasi ay gusto si Marius Epimo na isang prinsipe iyon nga lang ayaw nya rito sapagkat nang minsang dumalaw silang pamilya sa kaharian ng mga ito ay nakita niya itong humihithit ng sigarilyo sa isang pasilya roon. At iyon ay isa sa pinakaayaw nya sa lalaki, ang may bisyo.
Ang ama naman niya ay nais na ipakasal siya kay Feno Mostre isa ring prinsipe, gwapo naman ito iyon nga lang ayaw nya rin dito hindi dahil may bisyo ito kundi dahil isa itong napakakulit na lalaki. Aakalain mong laging nakahithit ng droga sa sobrang hyper, kinabog pa ang pagiging madaldal niya ng prinsipe na ito. Gulong-gulo na siya. Hindi nya alam kung sino ba ang dapat asawahin. Hayaan nalang natin siyang magdesisyon. Balakadyan Asian!