= THE ALPHA =
July 17
Sigrid's P.O.V.
"RAON! PAGSISISIHAN MO ANG GINAWA MO!!" Halos mapaos na ang binata sa kasisigaw ngunit tila wala na itong pakialam kahit na maubusan pa siya ng boses. Hindi na niya alam ang gagawin matapos mawala ang nag-iisang babaeng minahal at mamahalin niya ng panghabang-buhay.
Wala sa sariling pinagmasdan niya ang bughaw na langit na nasa kanyang harapan, mababakas ang kalungkutan mula sa mga mata nito. Maging ang kanyang luha ay tila nagtaksil sa kanya dahil hindi na tumigil ang mga ito sa pagbuhos.
Dinig na dinig ang malakas na hampas ng alon sa ilalim ng malaking tipak ng lupa na kanyang tinatapakan. Tila hindi nito alintana ang nakalululang tanawin dahil sa sakit na nararamdaman.
Papalubog na ang haring araw at nananatiling kalmado ang paligid, taliwas sa nararamdaman ng binata.
"Patawarin mo ako... Patawad kung hindi kita... nailigtas," bulong niya sa sarili.
Saglit siyang napangiti matapos masilayan ang tuluyang paglubog ng araw at ang unti-unting pagdilim ng paligid, hudyat na may darating na ulit na panibagong bukas. Isang panibagong araw kung saan wala na ang babaeng naging inspirasyon niya sa nakalipas na siyam na taon, ang mga taon na utang niya sa dalaga.
Bigla ay naalala niya ang pangarap niya noon na mamasdan ang nakabibighaning senaryong ito kasama ang nag-iisang dalaga na kanyang sinisinta. Hindi pa rin tumitigil ang kanyang malakas na paghikbi.
Napatahimik siya at dahan-dahang napayuko matapos makaisip ng isang ideya. Ideyang nagmumula lamang sa isang desperadong tao na katulad niya.
"S-sa palagay ko ay mas m-makabubuti pa para sa akin na..." Tila may bumara sa kanyang lalamunan at hindi na kinaya pang bigkasin ang bagay na nasa kanyang isip.
Dahan-dahan niyang binunot ang kanyang tabak mula sa lagayan nito na nakasukbit sa kanyang tagiliran habang lubos ang panginginig ng kanyang mga palad. Tuluyan na siyang hindi nakapagsalita nang mapagtanto na ito ang tanging alaala ng sinisinta sa kanya.
"Mahal ko, nakatatawang isipin na ang mismong sandata na iyong ibinigay sa akin ang siya ring aking gagamitin upang paslangin ang aking sarili," pahayag niya makaraan ang ilang minuto.
Mapait ang kanyang naging ngiti nang mapansin ang simbolong nakaukit sa talim ng kanyang tabak, isang espada na tila nakatusok sa isang buwan. Malinaw sa kanyang nga mata ang simbolong iyon kahit na lubos pa rin ang panginginig ng kanyang mga kamay. Maging ang kanyang tuhod ay tila nais nang bumagsak senyales na hindi na rin nito nanaisin pang lumaban sa mundo kasama niya.
"Kung hindi na kita makakasama pa..." Hinugot na niya ang natitirang lakas upang sambitin ang nais niyang turan.
"Ika'y akin na lamang susundan... Magkikita na tayo..." Saglit niyang inilibot sa paligid ang mga mata na tila kinakabisado ang mundong minsang kumupkop sa isang ulila na kagaya niya.
Ilang sandali pa ay dahan-dahan na niyang ipinikit ang mga matang babad sa luha at sa huling saglit ay inalala ang mukha ng kanyang minamahal. Buong-buo na ang pasya ng binata kaya't inipon na nito ang lahat ng kanyang lakas upang itarak sa sarili ang sandatang nasa mga kamay. Nawalan ng balanse ang kanyang katawan at bumulusok ito patungo sa nagwawala na ngayong karagatan.
Walang anu-ano'y dumagundong ang kalangitan at bumuhos ang malakas na ulan. Tila sinasabayan nito ang pagdadalamhati ng binata.
Nagdulot ng malakas na pagsaboy ng tubig ang tuluyang pagbagsak ng kanyang katawan sa malamig na tubig ng karagatan. Nang dahil sa labis na gulat ay naimulat ng binata ang kanyang mga mata at naging napakabilis ng tibok ng kanyang puso.
Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng nangyari ay humihinga pa siya. Biglaan ang nangyari, biglaan rin ang naging pagbabago ng kanyang isip.
Hindi pa niya nais na malagutan ng hininga. Kailangan niyang ipagpatuloy ang buhay niya ngayon. Marami pa siyang pangarap. Marami pa siyang magagawa kahit na wala na siya. Kailangan pa niyang ipaghiganti ang kanyang sinisinta.
Ngunit huli na. Tila hindi na kinakaya ng kanyang katawan ang umahon sa kamatayan. Ginusto niya ito. Kailangan niyang panindigan ang ginawa niya.
Tuluyan nang lumubog ang katawan ng binata patungo sa kailaliman ng dagat.
Ipinapangako ko na ipaghihiganti kita aking sinta, iyon ay sa sandaling... isilang akong muli.
Ang katagang iyon na lamang ang itinanim niya sa isipan bago tuluyang tanggapin ang kaniyang kapalaran, ang sandali kung saan tumigil na ang tibok ng kaniyang puso.
Tumigil na ang pagragasa ng kalikasan. Naging payapa na ang laot at tumigil na ang malakas na bugso ng ulan.
Dumanak na ang dugo at namayapa na ang isang nag-aalinlangang kaluluwa. Tapos na. Natapos na ang isang masalimuot na buhay. Ngunit hindi...
Marahil ay tumigil na ang lahat ngunit ang tibok ng puso ng binata ay hindi pa tuluyang natatapos. Bigla itong nagbalik. Mula sa kailaliman ng dagat ay iminulat niya ang kaniyang mga mata.
***
"Impossible!" Bigla na lamang akong napasigaw matapos masaksihan ang sinapit ng binata. Bakit ba malabo na naman ang mukha niya?
Thank God, it's all just a dream. One of those that means nothing.
"Sigrid, mabuti naman at nagising ka na," napatingin ako kay Kyla na busy sa paglalagay ng mga damit sa isang twin-tub na washing machine. Teka...
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid para kumpirmahin ang hinala ko. Great. Just great. Here I am, sitting in a three-legged stool beside the front desk of a laundry shop!
Wait a minute, does that mean... Have I slept here?!
"Sigrid you pabo! Pabo!" Sigaw ko sa sarili dahil sa kahihiyang nagawa ko. Sinubukan ko pang suntukin ang sarili ngunit itinigil ang balak dahil siguradong ako rin naman ang masasaktan sa sarili kong kamao.
(Pabo - Fool)
"Cute na sana, tulog-mantika lang talaga," bulong ng isang lalaki na nakaupo sa isang monobloc chair na nasa 'di kalayuan.
I arched my brows as I examine the dude. He's wearing a black cap and a face mask plus a weird-looking sunglasses. This guy is totally nuts. Sino ba naman ang magsusuot ng black shades gayong makulimlim ang kalangitan?
"At sino ka naman?" Mataray kong tanong sa kanya dahil obvious naman na ako ang pinapatamaan niya. Like duh, tatlo lang naman kami dito at mukhang kalalabas lang ni Kyla mula sa staff room.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya matapos ko siyang tanungin. Papaano ko nakita kung naka-shades siya? Simple lang, lumuwa na sa spectacles ang mata niya. Jokijoki lang. Halata naman ang bawat paggalaw ng mukha niya kahit na may tabon pa ito. "Pilipina ka?"
"SINO KA?" I asked, enunciating every single syllable while crossing my arms. My sudden gesture made him smirk, ultra annoying!
"First of all Miss, hindi ako sinuka. Iniluwal ako! Pangalawa, hindi ako makapaniwala na ang isang pilipina na katulad mo ay tulog-mantika!"
"Ako?! Tulog mantika?!" Itinuro ko pa ang sarili ko para mas may effect pero parang wala lang sa kanya iyon at sa halip ay lalo pa niyang inayos ang pagkakaupo sa silya. Keep calm, Sig. Keep calm.
"Obvious ba? Kasasabi ko lang, 'di ba?"
I shut my eyes trying to suppress my anger. Hindi naman ako pinalaki ni Dad na basagulera or warfreak pero argh! Mukha pa lang ng isang 'to ang sarap ng bugbugin!
"Ano bang gusto mo, away o gulo?" Ipinakita ko pa sa kanya ang kamao ko na handang-handa ng lumanding ng bonggang-bongga sa mukha niya. Hindi talaga ako magpapatalo sa mayabang na 'to.
"Easy, girl. Ang tapang mo naman pala. Siguro na-full na ang energy bar ng pagka-tulog mantika mo kay-"
KLING! KLING!
Napalingon kami lahat sa kapapasok lang na customer. Bright smiles are visible on their faces as they enter the shop.
"Good afternoon, Ma'am. Welcome to Alpha's Laundry Shop," saad ni Kyla na may matamis na ngiti. Mukhang sanay na sanay na siya sa mga ganitong eksena lalo na at matagal na siyang nagtatrabaho dito sa shop ng tito niya.
"Magandang hapon din, iha," pagbati ng ginang habang iginigiya papasok ang batang kasama niya.
She's a middle aged woman with a thin physique but is gifted with a bright smile. Palagay ko ay natural na sa kanya ang pagngiti dahil kapansin-pansin na ang wrinkles sa gilid ng mga mata niya.
"Nanny, ituloy niyo na po 'yong kwento niyo," pahayag ng batang kasama niya habang ipinupunas ang munting sapatos sa doormat. His Filipino accent isn't good enough but I find it really cute when kids use their Canadian accent while speaking some foreign language.
"Saglit lang Kobe. Palalabhan lang natin ang mga damit na ipinadala sa 'tin ng Mommy mo." Tumango na lamang ang bata at inulit ng inulit ang salitang 'saglit' habang nakangiti. Mukhang masayang-masaya siyang matutunan ang salitang tagalog.
"Psst, hoy!" My head automatically turned to face the absurd guy upon hearing his annoying voice.
"Ano na naman?" Iritadong sambit ko.
"Alam mo ba kung saan dito ang daan papunta sa Von Scottz Villa? I just moved here yesterday so... yeah." Napakunot ang noo ko matapos marinig ang tanong niya. Ano naman kaya ang gagawin niya sa lugar na 'yon?
"At ano naman kung alam ko?"
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago muling nagsalita. "Sa bagay, hindi ka naman mukhang nakatapak na sa isang exclusive villa na katulad noon."
I shut my eyes so hard that my eyelashes almost fell off. This guy is really getting into my nerves.
"GOJO!" Halos dumagundong na sa buong shop ang sigaw ko dahil sa sobrang inis sa lalaking nasa harapan ko. Aish!
(Gojo - Get Lost)
"Nanny!" Maluha-luhang tawag ng bata sa ginang matapos marinig ang sigaw ko. Gosh, nakaka-guilty tuloy.
"Mianhe-uhm, I mean, sorry. Sorry, little kid," I bowed my head numerous times to express my apology.
"'Wag kang mag-alala, binibini. Marahil ay nagulat lamang ang alaga ko," nakangiting sambit ng ginang kaya iniyuko ko pa lalo ang ulo ko. "Kobe, halika na at ikukwento ko na sa 'yo ang alamat na nais mong mapakinggan."
Mabilis pa sa kidlat na lumapit ang paslit sa nanny niya at umupo sa tabi nito. Inihilig niya ang kanyang munting ulo sa braso ng ginang at taimtim na nakinig sa pagsasalaysay nito.
"Noong unang panahon ay may isang batang lalaki na naninirahan sa palasyo. Ang kanyang ama ay nagsisilbi roon bilang pinuno ng mga kawal at masaya silang dalawa sa piling ng isa't-isa kahit na wala na ang nanay ng bata.
Isang araw, bigla na lamang pinaslang ang kanyang ama ng walang dahilan. Ipinahahanap siya ng hari sa buong palasyo upang kuhanin din ang kanyang buhay ngunit hindi sila nagtagumpay dahil iniligtas ng munting prinsesa ang bata," Kobe's reaction is too cute that I can't take my eyes off of him as I listen to her story.
Bigla ko tuloy naalala ang narinig kong kwento noon sa ospital. Fresh na fresh pa sa utak ko 'yon dahil kalalabas ko lang kahapon. Like hell! I'm confined for a week because of a... stupid accident.
Flashback...
"Did you find her?" Humahangos na tanong ni Kuya Roro sa mga bantay ko na aligagang-aligaga na sa paghahanap sa pasaway nilang alaga.
"We can't find her anywhere," magalang na sagot ng head nila.
"Find her no matter what!" Kuya Roro's voice echoed in the hallway. May ilang mga pasyente na nakarinig sa sigaw niya at mukhang nasindak kaya nag-bow si Kuya para humingi ng tawad.
Hinintay ko munang makalayo ang mga yabag nila bago ako lumabas sa bakanteng kwarto na pinagtataguan ko.
"Aigoo~ Bakit ba kasi ang higpit ng securities nila ngayon," sumasakit na talaga ang ulo ko sa kakaisip ng mga idea para makatakas sa kanila. All I wanted to do is to get some fresh air!
My eyes wandered through the hallway. Hmm. Saan kaya ang daan papuntang rooftop dito?
"There you are!"
"OMO!" Sa sobrang gulat ay naipilipit ko ang braso ng kung sino mang humawak sa balikat ko.
"Riri! Aray!" O.o
"Kuya Roro! Goodness! Mianhe!" Binitawan ko agad ang kamay ni Kuya matapos malaman na siya ang nanggulat sa 'kin.
***
"Mga bata, gusto niyo bang ituloy ko na ang alamat na ikinukwento ko sa inyo kahapon?" Dinig na dinig ko ang boses ng nurse sa kabilang kwarto habang nakaupo ako sa hospital bed.
Sanay na sanay na ako sa mga boses nila dahil palagi na lang umiiyak ang mga bata sa kabilang room. Sa pagkakaalam ko ay magpipinsan ang mga batang iyon na nasangkot sa isang major accident bago pa man sila makabalik sa Pilipinas.
"O siya, umupo na kayo." Tumahimik na ang paligid at sa tingin ko ay nag-behave na ang mga bata. Napatingin ulit ako sa labas dahil ipinaiwan kong nakabukas ang pinto ng kwarto ko kanina.
"At iyon nga, iniligtas ng prinsesa ang bata. Dahil sa sobrang gulat ay hindi na niya ito napasalamatan. Naging inspirasyon siya ng bata hanggang sa maging binatilyo na ito. Alam niya sa sarili na mahal na niya ang babae pero hindi niya pa rin ito nakikita ulit. Ang corny, di ba?" Nagsigawan ang mga bata dahil sa naging comment ni Miss Morena sa sariling kwento.
"Fine, fine. Isang araw ay nakilala na ulit niya ang prinsesa sa pangalawang pagkakataon at tuluyan ng naging kaibigan ito ngunit..." Nagulat ako sa sobrang lakas ng pagsinghap ng mga bata sa kabila. Feeling ko tuloy nasinghot nila ang lahat ng mga alikabok sa buong ward nang dahil lang sa gulat.
"Namatay ang dalaga. Hindi na alam ng binata ang gagawin niya kaya sinundan niya ito sa kamatayan. Isinumpa niya na ipaghihiganti niya ang pagkamatay ng kanyang minamahal sa susunod na buhay. Pero... Hindi na siya nagkaroon pa ng pangalawang buhay at iyon ay dahil nakatakda siyang mabuhay ng isang libong taon upang muling makasama ang minamahal niya," natahimik ang lahat sa kabilang silid dahil sa epic na kwento ng prinsesa at binata. Seriously, a thousand years? Is he a vampire or what?
"Ano pong nangyari sa kanila?" Tanong ng boses ng isang batang babae.
"Makalipas ang isang libong taon ay napunta sa katawan ng isang lalaki ang kaluluwa ng prinsesa kaya na-bakla sa kanya ang binatang nabuhay ng napakatagal. Wakas."
Pfffttt-Wahaha! Laugh trip naman pala ang kwento ni Miss Morena! May pa-makabayan effect pa siya habang nagkukwento tapo—
"Tsk. Tsk. Tsk. Mali naman ang kwento mo, Miss!" At sa hindi maiiwasang pagkakataon, may bigla na lang may nakiepal sa kanila. Same as yesterday.
"Mr. Pills, ano na naman bang problema mo?" Iritadong sambit ng nurse kaya natawa ako sa tono niya. Akala ko ba ay isa siyang anghel kapag nasa harapan ng Kuya Roro ko? Anyare?
"The true ending is: Naging aso ang dalaga at pinakasalan ng binata ang asong iyon. Sumikat sila sa buong mundo kaya naging worth-it ang paghihintay ng binata dahil isipin mo nga naman, napasali ka sa book of world recor-"
My eyes saw a silhouette of a guy running away from the room next to mine. At first, I thought it's strange pero nang makita ko ang isang doll shoe na lumilipad patungo sa direksyon na pinagtakbuhan ng lalaki, nuggets na.
End of Flashback...
"At doon na nagwakas ang kwento ng binata at dalaga," nakangiting sabi ng ginang habang hinahaplos ang ulo ng munting bata.
"The guy must be really really happy." I guess I spaced out for so long that I didn't even finished the story.
At dahil nakakahiya naman kung itatanong ko pa kay Ate 'yung naging ending ng kwento niya ay nanahimik na lang ako sa aking pwesto at itinuon ang atensyon sa sarili kong buhay. Malamang sa malamang ay mabubuko ang pagiging chismosa ko kung nagkataon.
Lahat kami ay napalingon sa iisang direksyon nang may tumunog na parang sa headline ng mga news show.
"A world-famous superstar is reported as missing yesterday. Majority of his fans are worried because they might lose the chance of seeing him tomorrow at his concert. Blah blah blah..."
World-famous? Ano siya fries ng KFC? Napatingin ako sa radio ni Zhass na siyang nag-iingay ngayon sa shop. Speaking of my dear old friend Zhass...
"Kyla, nasaan na daw ba si Zhass? Bakit hindi pa siya bumabalik?"
"How many times do I have to tell you na hindi ko nga alam. May date pa kami ng jowa ko mamaya tapos hindi pa ako nakakapag-ayos tapos-argh! Nasaan na ba ang babaeng 'yon?" Pa-english-english pa tapos magtatagalog din naman pala.
Parang ang tagal naman yata ni Zhass? Saan na kaya nagsusuot ang isang 'yon? Ang sabi niya sa 'kin kagabi magkita daw kami ngayon tapos siya naman itong wala.
KLING! KLING!
"Hindi pa ba kayo aalis ng lalaking 'yan? Dumadami na ang customers tapos makikisiksik pa kayo," iritadong sabi ni Kyla kaya napadako ang tingin ko sa lalaking nasa tabi ko. Busy pa ang mokong sa phone niya. Kaya naman pala biglang tumahimik.
"Nagpalusot pa nga ako kay Dad na magpapalaba lang ako ng damit para payagan niya akong lumabas ng bahay kaya hindi ako aalis. Customer kaya ako," proud kong sabi at binuhat na ang plastic bag na dala-dala ko para masimulan na itong labhan.
Aktong bubuksan ko pa lang sana ang takip ng twin-tub nang biglang nagsisigaw si Kyla. Ano na naman kaya ang problema ng isang 'yon?
O.o Oh my, my, my! Oh my, my, my! My plastic bag! "Anong ginagawa mo sa bag ko?!"
Natigilan ang baliw na lalaki nang mapansin na nakita ko na pala siya na binubuksan ang plastic bag na naglalaman ng iba ko pang damit. Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanya at binigyan siya ng isang tumataginting na uppercut. Well, I'm not a Von Scottz for nothing.
"Anong ginagawa mo?" Naha-highblood na talaga ako sa isang 'to. Nakakairita na talaga.
Nalaglag ang cap niya nang dahil sa suntok ko at napa-upo siya sa sahig. Mabilis pa sa alas-kwatro na pinulot niya ito at hinimas ang mukha niya.
KLING! KLING!
"SIGRID CANARY VON SCOTTZ!!"
"Uh-oh. I'm doomed."
"Be positive about it," bulong ng katabi kong ubod ng sakit sa tenga kapag sumisigaw.
"W-well. I am positive that I'm doomed," sagot ko habang inihahanda ang sarili.
Nakatayo na sa pinto ng shop ang isang napakagwapong lalaki na naka-all black habang may ID ng isang detective na nakasabit sa leeg niya.
"Hehe. Annyeong, Kuya Roro. Hehehe," I tried to wave my hand but it's still trembling. x-x
(Annyeong - Hello)
***
"So you caught him rummaging through your bag?" Tanong ng ka-team ni Kuya Roro habang ibinibigay ko ang statement ko.
"Ne, I mean, yes. I just find it weird considering that it's filled with dirty clothes."
Sunod naman niyang kinuha ang pahayag ng baliw na nasa harapan ko para ma-settle na ang problema namin.
Nandito kami ngayon sa precinct kung saan nagtatrabaho si Kuya Roro bilang isang detective. Nawala na din ang takot ko kanina nang mahuli niya ako sa laundry shop because it turned out na hindi naman pala siya nandoon para pagalitan ako. Masyado lang napatagal ang pag-stay ko sa labas kaya nag-alala na sila na baka kung napaano na ulit ako, considering the accident last week. Napaka-caring talaga ng family ko. Nakaka-touch grabe.
On the other hand, nag-insist pa talaga ang weird na lalaki kanina na isama namin siya dito sa presinto matapos kong hilahin ang shades niya. Weird? Weird.
"Baby Riri, are you okay?" He asked while placing a cup of coffee in front of me.
"A-OK," binigyan ko pa siya ng isang matamis na ngiti para ipakitang okay lang talaga ako.
"Mr. Suarez, I think it's all just a misunderstanding. You see, Mr...?"
"Thorn," tipid na sagot ng baliw na lalaki na kaharap namin. Naka-shades, cap at face mask pa din siya at mukhang walang balak hubadin ang mga ito. Thorn pala, bagay na bagay sa kanya dahil mukha siyang isda, isdang may tinik!
"Mr. Thorn dropped something inside that bag of yours, Miss Von Scottz. If-"
"She's a Von Scottz?!" Pasigaw na tanong ng estrangherong mukhang holdaper.
"If you're asking if she's the one and only daughter of Lord Vernon Von Scottz, yes she is." The strange dude's eyes dilated after hearing Kuya Cinco's words.
I arched my brows while crossing my arms and gave him a 'got-a-problem-with-that' look.
"Nothing."
"If we'll look for his phone in your bag then maybe we can sort of, settle this out." Kanina pang kalmado sina Kuya Cinco at Kuya Roro habang hindi na ako makapaghintay na umalis sa lugar na ito. Hanggang ngayon kasi ay naiirita pa din ako sa baliw.
"Mr. Thorn, right?" Tumango ang weird na lalaki. "You are hiding something. Unveil your mask, kiddo."
"I'm not a ki-" Hindi pa niya natatapos ang nais niyang sabihin pero natagtag na ni Kuya Roro ang panakip niya sa mukha.
"Do I know you?" Tanong ko dahil pamilyar ang pagmumukha niya sa mga mata ko. Teka... O.o Natutop ko ang sariling bibig matapos maalala kung saan ko siya nakita.
"Mr. World-Famous, Kaizo Thoren. Ilang araw ka din naming hinanap," nakangising sabi ni Kuya Roro matapos tuluyang mabunyag ang mukha ng lalaking nasa harapan namin. What a fool for introducing his self as Thorn. Hindi naman gaanong obvious, right? Right.
"You're awesome, Riri." Nag-thumbs up na lang ako kay Kuya habang nakangiti dahil nahanap na nila ang sikat na pilyong artista na 'yon. That explains the sudden persistent when we're about to leave earlier. Problem solved dahil nahanap na namin ang phone niya sa bag ko. I just hope na hindi na kami magkita ulit.
"Let's call your restless manager, she's damn worried about you." And with that, kinaladkad na ni Kuya Roro si Kaizo palabas ng silid.
Bumalik na ang nakakalokong ngiti ni Kuya Cinco at nakipag-up here sa 'kin. Marahil ay napagod din siyang umakto na matapang at intimidating dahil iyon ang trabaho niya.
"You're too awesome for a kid, little Sigrid."
"I'm no ki-"
I've been reading books of old
The legends and the myths
Dali-dali kong kinuha ang phone na nasa bulsa ko para tingnan kung sino ang tumatawag sa 'kin. For the ninth time this day, my mouth gaped open and my eyes diluted.
Achilles and his gold
Hercules and his gifts
Nalunok ko ang sariling laway nang mapagtanto kung kaninong pangalan ang nasa caller's name. Napakunot ang noo ni Kuya Cinco kaya iniharap ko sa kanya ang screen ng phone ko kaya maging siya ay speechless. 'You're screwed,' he mouthed me.
Spiderman's control
And Batman with his fists
And clearly I don't see myself upon that list
I gathered every last bit of my strength before pressing the 'answer' button.
"Uhm. Hi, Dad." Medyo nanginginig na ang kamay ko dahil sunod-sunod na ang pagpapasaway ko sa buong linggo.
"Sweetie, where are you? Are you safe? Are you with Qero? What took you so long to pick up?"
Nailayo ko ng bahagya sa kaliwang tainga ko ang phone dahil sa lakas ng boses ni Dad. It's another change of tune. Weird.
"Dad, hinay-hinay lang po. Kasama ko po si Kuya dito sa precinct at opo, ligtas naman po ako. Wala pong mangyayaring masama sa 'kin, malakas po kaya ako," and the accident last week? "Jokijoki lang po pala, exclude na lang po natin 'yung last week. Hehe." Napakamot pa ako ng ulo dahil sa isa na namang kabaliwan.
"Umuwi ka na. I have something to tell you."
"Okay po, hihintayin ko lang po si Kuya Roro," sinilip ko sina Kuya ngunit mukhang matatagalan pa bago sila lumabas doon.
"Mhm and Sweetie, Liam will be here soon. We'll have a family dinner." Omo.
"Jinjja? Sige po, Dad. Uuwi na po ako. I love you po. Bye," nagmamadali kong sabi at lumapit na sa pinto kung saan pumasok sina Kuya.
(Jinjja? - Really?)
***
"It's nice to see you again, amigo." Tahimik lang ako habang nakaupo sa harap ni Kuya Roro habang kumakain sa parihabang lamesa.
The Lopez' are here to join us for dinner. 'Yun nga lang, medyo naiilang ako sa kanila dahil sa mga kabaliwan na pinaggagawa ko these past few days. We used to treat each other like a family. A great strong bond between the Lopez and Von Scottz.
"Hoy, nawala lang ako saglit nagpasaway ka na," bulong ni Liam na nasa kanan ko. Kung wala lang kami sa harap nina Dad ay nasapak ko na ang isang 'to.
"Sinong pasaway sa 'ting dalawa? Ako ba na tumakas sa kanila o ikaw na girlfriend ang heiress ng rival clan niyo?" His mischievous smile faded as my lips curved into one.
"What's with the whisper?" Nagulat kaming dalawa dahil sa biglaang tanong ni Lolo Mac, ang grandpa ni Liam. Nakaupo rin siya sa kabisera ng lamesa kagaya ni Dad.
"Ah, wala po. Nagkukumustahan lang po kami ni Sigrid," pinagpapawisan na sabi ni Liam.
"Oo nga pala, kailan niyo ba balak magpakasal? Pansin ko na magkadikit na yata ang mga bituka niyong dalawa."
COUGH! COUGH!
"Riri, are you okay?" Napa-peace sign na lang ako sa kanila dahil sa biro ni Tito Conner.
Alam kong nagbibiro lang si Tito pero parang masusuka na ako sa sinabi niya. "Mag-utol lang po kami nitong si Sigrid kaya po wala sa isip namin ang mga ganyan."
"Sigurado na ba talaga kayo?" Nagkatinginan muna kami ni Liam ng ilang segundo bago napangiwi at marahas na tumango sa tanong ni Kuya Qero.
And again, tumawa na naman sila sa sudden gesture namin kaya nakitawa na lang din kami ni Liam. Palagi na lang ganito ang eksena kapag nagkakasama kaming anim. Laging kami ni Liam ang napagdidiskitahan. Aigoo~
"Matanong ko lang Sigrid, nakapaghanda ka na ba para sa flight niyo ni Liam bukas?" Napakunot ang noo ko sa tanong ni Lolo Mac. Hanudaw?
"Flight po?"
"Ah, hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol d'yan." I gave Dad a questioning look but he just smiled at me.
Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan tungkol sa business world. Nanahimik na lang ako dahil wala naman yatang balak magpaliwanag sina Kuya at Liam. Tanging pagngiti lang ang naging sagot nila sa nagtataka kong mga mata.
***
I mustered all of my strength residing inside me before knocking at Dad's office door. I badly need to ask him.
KNOCK! KNOCK! KNOCK!
"Come in." Pinihit ko ang doorknob ng isa sa dalawang pinto ng office at itinulak ito paloob.
"Good evening, Sweetie." Mukhang busy pa si Dad sa work dahil maraming nakatambak na papeles sa table niya. Bahagya niyang inangat ang kanyang paningin at itinabi ang papel na hawak niya.
"Good evening, Dad. Uhm..." Napayuko muna ako saglit bago siya tuluyang tiningnan ng diretso sa mga mata. "What's with the flight?"
Ibinaba niya ang suot niyang reading glasses at naglakad patungo sa direksyon ko. "Sweetie, it's for the best. Sorry kung nagdesisyon ako kahit na hindi ko pa tinatanong ang opinyon mo pero..."
"Ipapatapon niyo po ako sa Pilipinas?" Alam kong 'yan ang gusto niyang sabihin pero inunahan ko na dahil lalo lang akong masasaktan kung kay Dad ko pa mismo maririnig.
"It's not like that..." He averted his gaze, a sign that he's guilty. "You're not caught up in an accident. It was planned. Kaya sa tingin ko ay mas makabubuti sa 'yo kung sa Pilipinas ka muna. We have less competitors there than here in Canada. Besides, hindi ba't gusto mo rin namang tumira doon?"
"Naiintindihan ko naman po ang concern niyo but Dad-"
"No buts, missy. I-I'm just afraid about your M-mom's..." I saw tears glisten from his often-smiling face.
"Mom... I miss her. I badly do." Naramdaman ko na lamang na umiiyak na rin pala ako.
Basta kapag si Mom na ang topic, naiiyak na kami ni Dad. Ilang taon na ba? Nine years. Darn it. Bogo shipeo, eomma...
(Bogo Shipeo - I Miss You)
(Eomma - Mom)
***
"Goodnight, my little Sigrid," Dad said while standing at my door.
"Goodnight, Dad." Dahan-dahan niyang isinara ang pinto ng kwarto ko. I could still imagine his smile, I'm gonna miss it.
We talked it through. Pumayag na akong manirahan sa Pilipinas ngunit sa isang kondisyon, kailangan ni Dad na alagaan ang sarili niya habang wala ako. No skipping of meals and no staying up super late at night.
Same goes for me. Susunod daw si Kuya Roro para mabantayan ako doon. Hindi pa yata nakuntento na kasama ko na si Liam at ipapasunod pa si Kuya. Plus may sinabi pa siya about sa isang star. Hays, that's my Dad.
How I wish that Mom's here. Oh wait, she is.
Kinalkal ko agad ang regalo sa 'kin ni Mom noong seventh birthday ko. It's a cute mini-briefcase with my name engraved on it. Ito na ang huling regalong natanggap ko sa kanya bago siya—well, uhm... umalis.
Maituturing ko ang sarili ko na malas dahil sa mismong birthday ko pa umalis si Mom. How I wish na napigilan ko siya noon and at the same time, mag-fast forward ang oras at maging seventeen na agad ako. Kabilinbilinan kasi ni Mom, bubuksan ko lang daw ang gift niya sa 'kin kapag eighteen na ako pero dahil sobrang excited ko noon ay ginawa na lang ni Mom na seventeen. That's our last pinky promise and I'm gonna keep that promise no matter what.
Naalala ko bigla ang routine ko noong bata pa ako. Kapag may big event sa buhay ko o may umaway sa 'kin, isinusulat ko 'yon sa isang papel at isinisilid sa loob ng briefcase. Binutasan ko kasi ito noon para sana silipin ang laman sa loob kaso naisip ko na sundin na lang ang promise ko kay Mom.
I started writing stuff in a piece of paper and slid it through the inch-sized hole before placing it inside my suitcase. I badly wish you can reply Mom.
Since nakahanda na ang lahat ng gagamitin ko para bukas ay naghanda na ako para matulog. It's gonna be a long day tomorrow. Nag-dive ako papunta sa kama at binalot ang sarili ng mga stuffed toys. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang may mapansin akong isang piraso ng papel sa sahig. What's that?
Nang pulutin ko ito ay saka ko lang na-realize na isa pala itong picture. Saan naman kaya ito nanggaling?
Binaliktad ko ito para makita ang imaheng nasa larawan at hindi ko na napigilang maiyak matapos makita si Mom. Sa tingin ko ay nasa high school pa lang sina Mom and Dad dito kasama ang isa pang babae at lalaki. Simple lang ang pananamit nila ngunit agad kong napansin ang suot na singsing ng lalaki sa larawan dahil parang kumikinang ito sa pagtama ng ilaw.
Siguro ay childhood friends na sila noon pa dahil kitang-kita sa picture na close na close silang lahat. Napangiti ako nang maalala ang mga utol ko. Pero bakit parang wala namang nababanggit sina Mom and Dad tungkol dito?
I placed the picture in my favorite book and slid it inside my suitcase. Habang isinasarado ang zipper ay naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko. Tila naghahabulan ang mga ito at nag-uunahan sa pagbagsak sa sahig.
Oo na, miss na miss ko na si Mom at walang araw na hindi ko ipinagdarasal na bumalik na siya. Sana bumalik na sila ni Kean. All these years, pakiramdam ko may kulang sa buhay ko, sa buhay namin at sila 'yon.
Sana bumalik na ang nag-iisang Solstice Von Scottz at sana bumalik na ang isa ko pang kaibigan, si Kean Jackson Lopez.
Sana kahit ngayon lang ay matupad na ang hiling ko tuwing birthday ko.
_____TheTaleOfAstro_____