Chereads / Secret Agreement / Chapter 4 - Kabanata 2

Chapter 4 - Kabanata 2

•Falisha's POV•

BIYERNES.

Bukod sa sabado't linggo isa ang araw na ito sa inaabangan ng mga estudyante dahil sa araw na to nagtatapos ang isang linggong pagklaklase. Nasa loob ako ng aking kwarto at inaayos ang aking mga dadalahing gamit papuntang paaralan.

Kung ang ibang estudyante ay kadalasang puro palamuti sa mukha ang bitbit ako naman ay mga libro. Talagang hindi ako nakakapasok ng hindi bitbit ang aking mga libro.

Kung sila hindi mabubuhay ng may jowa, ako hindi mabubuhay ng walang libro book is life kumbaga. Wala na yatang makapagpapasaya sa akin kundi ang aking mga libro kahit na tinagurian akong Falisha Lyne Lucerno ang Reyna ng mga Libro ay masaya parin ako.

Dahil sa librong to matataas ang marka ko pwera nalang sa KAHINAAN ko.Walang iba kundi ang aghambilang o mas kilala bilang matematika. Bukod pa don ang aking pamilya, nagsusumikap ako para makauwi na ang Mami ko. Labing-dalawang taon na rin ang nakakalipas simula nung huli ko siyang nakita ng personal.

"Bumaba kana, Isha! Mahuhuli kana sa iyong klase hindi ka pa kumakain!" sigaw ni Papi mula sa baba.

"Opo Pi! Pababa na po!" dali-dali kong kinuha ang aking bakpak at agad na lumabas sa aking kwarto.

Pagkababa ko sa hagdan ay agad akong pumunta sa kusina kung saan nandon ang aking nakababatang kapatid at si Papi.

"Kumain kana, Isha. Mahuhuli na kayo sa klase wag nang pasagal-sagal" sabi niya at umupo.

Umupo ako sa tabi ni Allen at sumandok ng kanin at ulam.

"Nga pala, Pi. Papunta ka bang bakery?" tanong ko pagkatapos lunukin ang pagkaing nasa aking bibig.

"Oo kaya bilisan nyo na 6:45 na anong oras ng time nyo 7:30." sagot naman nito.

"Bagal mo kasi Ate eh" pagmamaktol ni Allen.

"Kumakain ka pa nga tapos ang tagal mo pang kumain. Maigi ba kung tapos kana syaka ka magreklamo." asik ko dito.

"Psh!" singhal niya.

-

Matapos naming kumain ay agad kaming umalis ng bahay at naglakad upang marating ang labasan sa aming subdivision.

Nang makalabas kami ng subdivision ay tumigil muna kami sa may tabi ng kalsada kung at nag-antay ng dyip. Maya-maya pa ay may natanaw akong dyip na may nakalagay sa unahan na BAYAN kaya itinaas ko ang aking kamay na nagpapahiwatig nang pagpara sa dyip.

Tumigil ito sa harap namin, nauna akong sumakay at sumunod naman si Allen sa akin. Puwesto ako sa likuran para hindi makapag-abot ng bayad, tumabi naman sakin si Allen kakaunti palang ang tao dito kaya tahimik pa.

"Oh ito bayad natin." sabi ko at inabot kay Allen ang bente pesos.

"Bayad po" aniya kaya inabot iyon ng babaeng nasa unahan niya.

"Ilan sa bente?" tanong nubg driver at tumingin sa salamin nito kaya nakita ko ang repleksiyon niya.

"Dawala pong Sacred Heart, estudyante" sagot ko.

"Oh sukli! Pakikisuyo sa bata." aniya at inabot sa Ale yung sukli bago iabot kay Allen.

"Ate oh" ibinigay niya sa akin ang sukli kaya kinuha ko naman ang aking pitaka at inilagay doon.

-

"Para po" sabi ko kaya tumigil si Manong.

"Tara na" kuhit ko kay Allen, bumaba na kami at naglakad ng kaunti para marating ang SHC.

Makalipas ang ilang minuto at narating na namin ang gate nito. Bumungad sa amin ang guard kaya inislide ko ang aking ID ganon din si Allen.

"Lyne!" luminga-linga ako sa paligid ng may narinig akong boses na tumatawag sa akin.

"Lyne dito!" napatingin naman ako sa kaliwa ko at dun ko nakita ang aking dalawang matalik na kaibigan.

"Ate una na ako" biglang sabi ni Allen.

"Sige. Mag-ingat ka umuwi ng maaga." bilin ko rito.

"Lyne!" muling sigaw ni Paisley. Paisley Harper Tarrayo. "Ang tagal mo kanina pa kami dito" bungad nito sa akin.

"Oo nga boi! Ang tagal mo ang kupad mo talaga kahit kailan" sang-ayon naman ni Kriston.

"Hoy! Kriston Duche Soledad mahiya ka nga anong makupad hindi kaya!" nakataas na kilay na sabi ko.

"Tara na nga malalate na tayo." aya ni Paisley "Baka magising mo pa ang dragon niyan eh" natatawang biro nito.

"Grabe naman kayo sakin!" pagmamaktol ko at ngumuso ng pagkahaba-haba.

"HAHAHAHAHAHAHA" pero tinawanan lang ako ng mga bakulaw na to!

"Tara na nga mahuhuli pa tayo sa Fundamentals of Accountancy, Business and Management 2" sabi naman ni Kris.

"Bakit boi ano bang meron?" kunot noong tanong ko.

"Boi? Nakikinig kaba?" naguguluhang tumingin sya sa akin.

"Tangi ka sis may quiz tayo ngayon!" literal na nanlaki ang aking mga mata dahil sa mga katagang kanyang sinabi.

"WEH!? TOTOO!?" malakas na sigaw ko.

Napatigil kaming tatlo at sabay-sabay na inilibot ang aming paningin sa paligid. At nasa amin lahat ng kanilang mga mata at pinagbubulungan na kami!.

"Pocha naman! Kung minamalas ka nga naman tara na!" tila na babaliw na saad ni Kris.

Dali-dali kaming pumunta sa aming building dahil na rin sa kahihiyan.

Sh*t lang hindi ako nakapagreview terror pa naman yung teacher namin dun! Patay talaga ako nito! Bakit ba ang makakalimutin ko!?

Bahala na si Sir!

•MAKALIPAS ANG SIYAM NA ORAS•

HAY! Ang hirap! paniguradong bagsak nanaman ako nito. Sa susunod nga magrereview hindi ako magrereview. Tinatamad ako! Pero bat sa ibang subject naman mataas grade ko? Talagang sa Fundamentals of Accountancy, Business and Management 2 ako bumabagsak eh. Malas kasi si Sir may balat ata sa pwet yun eh.

"Lyne! Uuwi kana?" halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang sigaw ni Paisley sa tabi ko.

At talagang sa tainga ko pa ha!?

"Ay hindi papasok uli ako! Try mo kaya masaya yun." pabalang na sagot ko at nagsimulang lumakad.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Gagi ang ibig kong sabihin kung uuwi kana? Ang layo mo kasi sa gate malay ko ba kung uuwi kana?" aniya.

"Malamang uuwi na ako." sagot ko. "Hindi mo naman ako kagaya na layas kebata bata pa eh may kasintahan na" natatawa ko pang dugtong.

"Hoy! Anong bata ha!? Eh labing-walong taon na ako." dipensya niya at lumapit ang kaunti sa akin. "Hindi naman ako kagaya nung mga labing-tatlong taong mga bata dyan na may jowa-jowa na." bulong niya sa akin.

"Ah basta bahala ka. Nasan nga pala si Kris?" takang tanong ko.

"Ayun nauna na. Pareho kayong mapait sa sobrang pait kulang pa ang ampalaya para maglarawan sa inyo." Aba may saltik ata to! Ako mapait? Sa bango kong to nahiya nga ako sa amoy nya amp!

"Ako?" turo ko sa sarili ko "Mapait? Nahiya naman ako sayo eh ano?" sarkastikong saad ko.

"HAHAHAHA" tawa niya. "Sige mauna na ako may date pa si Meh" paalam nito at humiwalay sa akin ng direksyon.

Napailing nalang ako dahil sa ikinikilos niya.

Iba talaga kapag may kasintahan na tsk. Hay! Wala namang poreber!

Habang nag-aabang ako ng Domoit na dyip ay kinuha ko ang aking telepono at tinignan kung ano ang oras. 4:55 na pala ng hapon ang bilis ng oras kung kanina ay maaga kaming pinalabas tapos mag-aalasingko na pala.

May tumigil na Domoit sa aking harapan may nagpara na pala. Kaya sumakay na ako sa loob halos siksikan na kami dahil sa damo ng mga pasaherong nakasakay, puro estudyante ng iba't ibang paaralan ng nakikita ko dito bukod pa dun ay may mga iba pang mga namalengke.

"Makikisuyo po ng bayad." sabi ko at inabot ang siyam na bilang ng barya. "Calmar lang po."

-

"Para po!" sabi ko.

Tumigil ang dyip sa tabi at bumaba naman ako at nag antay na maubos ang mga dumadaang mga sasakyan. Nang malayo pa ang iba ay kaagad akong tumawid sa kabilang kalye.

Ilang minuto akong naglakad at sa wakas narating ko na rin ang bahay namin. Binuksan ko yung gate at pumasok sa loob at umakyat sa terrace, wala pa ako sa pinakaloob ng aming bahay ngunit dinig ko na mula dito sa labas ang boses ni Papi kaya nagmadali akong pumasok sa loob.

Nang makapasok ako ay nadatnan ko itong nasa salas at nakaupo sa sofa habang nakatapat sa mukha nito ang kanyang telepono. Sigurado akong may camera iyon kaya ganon ang kanyang posisyon.

"Talaga uuwi kana?" muntik na akong matumba sa aking pagkakatayo at agad akong napahawak sa aking kaliwang dibdib at sobrang bilis ng tibok ng puso ko!

"Magkakasakit ako sa puso ng wala sa oras." bulong ko sa sarili.

"Pi! Ano ba wag ka ngang sumigaw! Magkakasakit ako sa puso sayo eh!" bulyaw ko rito ngunit hindi manlang ako binigyan ng pansin at tanging sa telepono lang ito nakatingin.

"Ano ba yan?" dahil sa may pagkausisa ako ay lumapit ako sa kanya at tinignan kung sino ang kausap nito sa telepono.

Laking gulat ko ng makita ko ang mukha ni Mami doon at nakangiting nakatingin kay Papi. Agad kong hinablot sa kamay niya ang telepono kaya nabitawan niya ito at napunta sa akin.

"Isha, ano ba kausap ko ang Mami mo" inis na saad nito.

"Ako naman kanina ka pa eh!" reklamo ko. "Mami ko! Miss na kita kailan ka uuwi?" at ngumiti ng tila isang milya ang lapad nito.

"Nandito na kami sa airport ng canada" nakangiting sagot niya. Dahil sa sobrang saya ko ay nagtatalon ako na parang hangal. "Bukas ng umaga nandyan na kami" dugtong pa nito.

Wait! Sinong kami? tanong ko sa aking isip. Baka naman namali lang sya dahil sa pagkasabik haha.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa aking narinig. "Talaga!?" hindi makapaniwalang tanong ko at humawak pa sa bibig ko. "Hihihi excited na ako magbukas!!" malakas kong sigaw.

"Ate, bat ba ang ingay mo hanggang labas dinig yang boses mo. Para kang tang*ng ewan" tsk! Papel!

"Yung Mami mo kasi uuwi na" si Papi ang sumagot.

Kyahh! Hindi talaga ako makapaniwala! Ang tagal nyang hindi umuwi!

"Talaga?" tanong nito at biglang hinablot sa akin ang telepono.

"Hoy akin na yan!!" sigaw ko.

"Ako naman kanina ka pa eh"

"Anong kanina ngayon nga lang"

"Grabe ka naman Ate ako naman" pagmamakaawa nito.

"Tsk! Sige na nga, Pi magbibihis muna ako" paalam ko at tumango naman ito.

Dali-dali akong umakyat sa taas upang magbinis ng pangbahay. Matapos kong magbihis ay agad akong bumaba halos magkinda hulog-hulog na ako dahil sa pagmamadali kong bumaba sa hagdan. Natanaw ko silang magkatabing nakaupo sa mahabang sofa.

"Ano nasan na?" agad na bungad ko pagkababa ma pagkababa ko.

"Nasa eroplano na sila, tatawag nalang daw sya mamaya" sagot na Allen.

Napanguso naman ako. Sayang hindi manlang ako nakapagpaalam.

"Anong mukha yan Ate?" tumingin ako kay Allen. "Mukhang kang nabagsakan ng langit at lupa, syaka yang nguso mo halos maabot na ang sahig." Aba siraulong bata to ah!

"Nakikita mo to?" sabi ko at itinaas ang nakayukom kong kamao.

Tumango naman sya.

"Isa pang imik mo matitikman mo to!" nanginginig ang ngiping saad ko rito.

"Alam mo ate mukha kang Aswang haha" aba!!

"Kayong dawala! Tama na yan dadating na ang Mami nyo ganan pa rin kayo" pag-aawat ni Papi.

"Eh itong anak nyong to eh bully na pangit pa" at dinuro-duro pa si Allen.

"Wow Ate hiyang-hiya naman sayo" sarkastikong sabi nya. "Ewan ko ba kung bakit ka nagustuhan ni Kuya--hmm!" hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng biglang takpan ni Papi ang bibig nito.

"Huh? Sinong Kuya yun ha at akong magtatanong?" nanghahamon na saad ko.

"W-wala yun nagloloko lang tong kapatid mo hehe" nauutal na saad ni Papi.

Meron ba akong hindi alam?

"Weh? Ano yun ha? Meron ba akong hindi alam?" seryosong wika ko.

Labis na nanlaki ang mga mata nila at tila hindi ito mga mapakali sa kanilang pinagkakaupuan.

"A-ahh! Wala pa pala akong luto, magluluto muna ako" sabi ni Papi at nanginginig pa ang mga kamay nito.

Napataas nalang ang kilay ko dahil sa kanyang mga ikinikilos.

"Ikaw? Sino ba yun ha?" baling ko kay Allen

"M-may ga-gagawin p-pa nga p-pala a-ako" aniya at dali-daling umalis.

"H-hoy! Sandali hindi nyo sinasabi kung sino yun!" ngunit parang hindi ako nito narinig at tuloy-tuloy pa rin sa paglakad.

"Hayy! Sino ba yun!?" mahinang sabi ko at ginulo ang aking buhok.

"Pag yon nalaman ko kung sino!" tumigil ako. "Yari kayong dalawa sakin" at sumigaw sa abot ng aking makakaya.

Pero wala pa rin akong natanggap na sagot mula sa kanila kaya napairap nalang ako at umakyat sa taas papunta sa aking kwarto.

BLAG!

Patalbag kong pinara ang pinto na naggawa ng isang malakas na ingay.

"Sinong Kuya yun?" nalilisik ang matang tanong ko sa sarili ko. "Walang may karapatang magkagusto sakin!" gigil ko pang saad.

Wala! Wala! Wala!

Pag nalaman ako kung sino yun talagang babalatan ko yun ng buhay! Syempre biro lang baka makulong ako.

Ah basta bawal magkagusto sakin! Tapos ano pag naging kami sasaktan ako tapos lolokohin tapos iiwan naku!! Wag nalang okay na ako OKAY na ako!

'Nabibitter ka nanaman' sabi ng isang parte ng utak ko.

"Anong bitter totoo naman eh!" inis na asik ko."Para akong tanga kinakausap ang sarili."

Pero may parte sakin na sinasabing Sana gwapo ay ewan ang landi ko! Kasalanan to ni Paisley eh nahahawa na ako sa kalandian ng babaeng yun.

Hay! Makapag-aral na nga lang mahawa pa ako sa kalandian ng mga tao dito lalong-lalo na ni Allen ang landi bata-bata pa nanliligaw na agad. Aba labing-amin na taon palang nanliligaw na ako nga nung nasa edad nya ako pagkain lang nasa utak ko tapos sya JOWA!? Ibang klase din naman eh tinalo pa ako.

"Isha! Bumaba kana kakain na!" natigil ako sa pagmuni-muni ng marinig ko ang sigaw ni Papi mula sa baba.

"Opo baba na!" balik kong sigaw.

Ah basta! WALANG POREBER!