Yna's POV
Nandito ako ngayon sa waiting shed...nagaantay kase ako ng masasakyang jeep
Need ko pa palang sumakay para makapunta din...one ride lang naman kaya ok lang din...
"Antagal naman" palinga-linga ako,umaasang may makitang jeep...kanina pa kase ako dito ,nangangalay na ako oh T_T
Sino bang hindi mangangalay,eh 20 minutos na akong nakatayo dito para mag antay...wala pading humihinto, may ilang dadaan pero sobrang puno na...
May huminto na tinted na van sa harapan ko,bumaba yung ilan sa kanila....
"Miss" tawag ng isa sa akin..
Bago pa ako nakapag salita tinakpan nung isa ng panyo ang bibig at ilong ko..
Ang tapang ng Amoy...kemical toh
Kailangan kong pigilan ang panghinga ko...
Sinubukan kong kumawala may na sipa ako at nasuntok akong ilan...pero di ko na talaga kaya
Nagsisimula bang manlabo ang paningin ko...
"Pag kailangan mo ng tulong pindutin mo lang toh..."
Bigla Kong naalala yung binigay ni dwine... Kaya kaagad ko itong pinindot
Sana dumating siya...kailangan ko ng tulong...
Pagsipa ko dun sa lalaking kaharap ko...Pero di ko na talaga kaya...nanghihina na ako
Ramdam ko nalang na natumba ako bigla...
And everything went dark...
**********
Rey's POV
"Uy! Siya yun!" Sabi ko sabay sunod dun sa babaeng nakita ko dati nung paggising ko
Kailangan ko siya...
Para saan? Kase nasa parte siya ng alaala ko,na lagi kong na papaginipan
Actually alam ko na ang lahat...na namatay na ako,at muli lamang akong bumalik...si ma'am marantal ang nagsabi sa akin
Sa katunayan sa kanila ako natuloy ngayon..at nag t-trabaho naman ako sa isang cafe dito
Makakalapit na sana ako...pero...
May mga lalaki na bumuhat na sa kanya...wala na siya ng malay,at agad nila siyang pinasok sa van
Masama ang kutob ko dito...masasamang tao sila
Agad akong bumalik sa motor at pinaharurot ito at sinundan sila...
Oh!Shoot! Bakit ko ba sila sinusundan...di ko malaman kung bakit ganito yung nararamdaman ko...nag-aalala ako sa kanya!
Sa mga panaginip ko...siya lagi ang nanduon,ka ano-ano ko ba siya?
Hindi naman totalling lahat pero kadalasan siya...kaya baka may nalalaman siya sa akin,baka kilala niya yung pamilya ko o kung sino at ano ba talaga ako...
Himinto sila sa tapat ng isang lumang building...
Binuhat nila siya at nilabas ng van...pero ang akala ko papasok sila dun sa building na tinapatan nila,pero akala ko lang yun...pumasok kase sila sa isa pang building na abandunado sa tapat lamang ng tinigilan nila
That trick! I knew that! Gusto nilang lituhin kung sino man ang sumusunod sa kanila...at ako yun,pero di nila ako maloloko
Sinundan ko sila...kunsaan saan pa sila umikot...putik!
Sino ba talaga sila?
Tinali nila yung babae sa isang upuan...
"Oh! Pwede ba nating kainin yan?" Tanong nung isa...
T*ng*na! Mga walang hiya toh!
Gusto ko silang pagsusuntukin,kaso baka lalong maging alanganin...
"Gagi pre..baka pagalitan tayo ni boss" sabi naman nung isa
Boss?
"Di naman niya sinabi na bawal...at sabi niya tayo na ang bahala, ano ako muna?"
"Sige" sabat naman nung isa
Hahawakan na sana nung isa yung legs niya ng bigla itong nag salita...
"Anong balak niyong gawin?"
*********
Dwine's POV
Nandito ako ngayon..pinapaharurot ang sasakyan ko...
Curse them! Damn that f*cking organization!
Bakit si Yna pa!?
Before they send me the threat,I already knew about it...it's because of this helpful gadget...this high-tech bracelet...Yna made it, yes she is...dati bago siya namatay she really love inventing ...di ko alam na magagamit pala talaga yun
GPS tracker kase yung nasa akin, kung saan makikita ko kung nasaan yung isang bracelet..that's a brilliant idea!
Natatanaw ko na yung van na ginamit nila...Nasa tapat ng isang building pero nasa kabilang building si Yna...kala niyo maloloko nyo ko?
Subukan lang nila paglapatan ng kamay si Yna,kundi di ako madadalawang isip na patayin silang lahat...
**********
Yna's POV
Unti-unti akong nakakarinig ng mga salita...
Mga walang hiya !
Gusto daw akong kainin? Ano toh? Trip nilang manguha ng tao tapos ano? Kakainin nila? Cannibal ata tong mga to eh....Ayoko nga makain,di ako pagkain noh! Tao ako!...Baka adobohin ako ng mga toh,maaga pa akong ma tegi T_T
Hinawakan nung isa yung legs ko..
Di pwede toh!!!!
"Anong balak niyong gawin?" Matapang kong sabi
Syempre para matakot ang mga cannibal at mag bago ang isip nila at hindi na ako kainin
"Ay sayang gising na...painumin niyo!" Sumenyas siya dun sa isa na ka-agad ding sumunod
Buti may awa sila at naisipang painumin ako....na uuhaw din kaya ako!
"Sino ba kayo huh!?" Sigaw ko sa kanila....anuba naman kase, isasama ako tapos di nag papakilala...mga naka mask pa akala mo naman ka gagwapo
Ayy oo nga pala para di makita yung panget nilang mukha...
"Manahimik ka!" Bulyaw niya sa akin
"Huwag mo nga ako sigawan di ako bingi! Ikaw nga tong tinatanong anlayo ng sagot,Tanga ka ba?" Sigaw ko ulit...kalerki toh! Ayaw mag pakilala, makikipag friends lang naman ako ih
After kong sabihin yon nakatanggap ako ng malakas na sampal...
Ansakit! Mabibingi ata ako eh
Di na din ako nagsalita pang muli...yoko masampal noh!
Parang antagal naman nung tubig
Speaking of...andito na...at hindi siya tubig...WINE!!! Yipeee!^o^
Sosyal sila ah!
"Oh inom!"
Agad ko itong ininom...uhaw na talaga ako ih
Ka-agad ko iyong ininom...pero dapat di ko nalang ginawa...
Belladonna...