Chereads / FALL IN LOVE WITH AN IDOL / Chapter 24 - Chapter 22 (Back to Work)

Chapter 24 - Chapter 22 (Back to Work)

Dahil sa liwanag na bumalot sa buong paligid na nagmumula sa sikat ng araw ay napagdesisyunan na nina Czarina at Josh na pumasok na sa loob.

Ngayon ay araw na ng lunes at simula na naman ng pagpasok sa trabaho mula noong makapagbakasyon sila ng kaibigan niya.

Nang makabalik si Czarina sa kwarto ay tulog na tulog pa rin ang kaibigan nito, nang tingnan ang orasan ay past 6:30 am at 7:15 am ang start ng kanilang pagtuturo.

Cza: Huy! Gaga, gising na. Gusto mo bang malate tayo sa pagbalik natin sa work. Bumangon kana dyan aba.

Eli: Hyst, ang ingay mo naman, aga aga pa ohh.

Cza: Maaga pa sayo ang 6:00 am! Baka nakakalimutan mo 7:30 am ang call time natin.

Eli: Hyst, oo na, ito na oh, babangon na. Oh! Nakaligo kana agad.

Cza: Oo ang tagal tagal mong magising eh. Iiwan na sana kita.

Matapos makapaghanda ng dalawa ay agad na silang tumungo sa University. Agad naman silang binati ng mga students. Dumiretso naman agad silang dalawa sa office at agad na binati ang mga co-teachers nila.

Eli: Good morning.

Teacher 1: Aba, ngayon pala ang balik ng mga bakasyunista. Ano kamusta?

Eli: Ayos naman po, nag-enjoy po kami kahit papaano. Maganda din ang weather.

Teacher 2: Wala bang pasalubong dyan?

Teacher 3: Haha oo nga.

Eli: Naku, makakalimutan ba namin kayo. Syempre meron. Ito oh.

Teacher 1: Nice..

Agad naman pinagkagupuhan ang dala dalang pasalubong nina Czarina at Elise. Habang nagkakagulo ang lahat, si Czarina naman ay agad ng dumiretso sa table niya upang simulan ang trabaho.

After 30 minutes

(Cring, cring, cring)

Pagkatulog ng bell ay agad ng pumunta sa kaniya kaniya nilang mga classroom ang mga students at maging ang mga teachers.

Eli: Kita na lang tayo mamayang lunch Cza, ok.

Cza: Hmm.

Sa paglalakad niya ay biglang nakisabay si Josh na siya namang ikinagulat nito.

Josh: Good morning, Ma'am Czarina.

Cza: Ay butiki!.

Josh: Haha mukha na ba akong butiki ngayon? Sa gwapo kong to.

Cza: Ba't ka ba kasi nanggugulat.

Josh: Haha hindi naman Kita ginulat, sadyang malalim lang yang iniisip mo. Ano ba yun?

Cza: Chismoso kana pala ngayon.

Josh: Hindi naman, kala ko ba friends na tayo?

Cza: Happy ka naman. Ba't ba sinusundan mo ko.

Josh: May  amnesia na ba ang isang Czarina at nakalimutang magkatabi lang ang classroom natin.

Cza: Hyst.....

Josh: Haha Oh, hanggang dito na lang ako.

Cza: Hmm.

Josh: Huwag mo ng isipan kung ano man yang nasa utak mo, baka kung Saan ka makapunta. Hahaha.

Cza: Baliw ka talaga.

Tumatawang iniwan ni Czarina si Josh na parang baliw. Sa katunayan kanina pa talaga siya may iniisip dahil nakareceive siya ng text mula sa mama niya at ang sabi ay naka admit sa hospital ang papa niya dahil sa sakit nito sa baga. Sinabi rin ng mama niya na wag ng mag-alala dahil hindi naman daw malubha ang lagay nito. Pero hindi mawala sa isip niya ang nangyari.

Cza: Hyst....

Matapos pakawalan ang isang bunting hininga ay agad siyang pumasok sa room ng may ngiti sa mga labi.

Cza: Good morning students.

Bigla namang na excite ang mga studyante nito dahil sa tagal niyang nawala.

Student 1: Ommo, miss your back.

Agad naman nagsi-ayos ng upo ang lahat. At tumayo ang president ng classroom upang e-greet ang teacher nila na siya ng nakagawian ng mga ito.

Class Pres: Good morning Miss.

All: Good morning Miss.

Cza: Good morning, you may take your sit.

Kung nagtataka kayo kung bakit miss ang tawag sa kaniya, yun ay dahil yun ang sinabi niyang itawag ng mga ito sa kaniya. Mas prepare niyang tawagin siya ng Miss kaysa teacher o madam.

Cza: How's your week without me, isn't fun?

All: No.

Cza: Haha why?. I give you all a chance to relax for a week.

Student 2: Nah, it's not a relaxing week. Andami niyong iniwan na gawain.

Student 3: Oo nga,

Cza: Haha.

Student 4: How about you miss, how's your vacation?

Cza: Ahm, it's fun, I guess.

Student 5: Gusto ko rin magtravel dun. Napuntahan niyo po ba yung mga magagandang places doon?

Cza: Hmm, I guess yung ilan. Hindi na namin nalibot lahat kasi kulang na sa time pero nag enjoy kami. Lalo na yung kasama ko.

Student 6: Miss, may nakita po ba kayong K-pop idol. I'm a fan po kasi.

Naalala naman niya lahat ng nangyari sa Seoul South Korea at agad siyang napangiti.

Cza: Hmmmmm...

Student 7: Yahhh! You meet one of them? Ommo...

Cza: Haha, oo. Ok back to business. Let's start the class....

Dahil sa hindi siya mahilig magshare sa kaniyang students ay bigla niyang binago ang usapan na siya namang react ng kaniyang students.

Students: Missssssss... Awwwwwww.....

Student 8: Miss share mo naman sa amin, we are all dying because of curiosity.

Cza: Haha okay, so this is what happen.

At dahil hindi niya mahindian ang mga students niyanay nagsimula na siyang magkwento. Mahaba-haba naman ang kanilang naging kwentuhan Kaya naman hindi nila namalayan na inabot na sila ng bell.

(Cring, Cring, Cring)

Students: Awwwwwww....

Cza: I'm sorry guys naubos natin yung time na hindi nakapagklase. Hindi ko namalayan ang oras ang dami ko na sigurong nakwento. So, we will resume the class tomorrow, so be prepared and study the previous lesson, we will be having a recitation.

Students: Miss.... Awwww....

Cza: Okay, good bye class.

Students: Goodbye miss....

Nagpatuloy ang buong klase hanggang lunch at habang inaayos ni Czarina ang mga dala dala niya ay bigla naman pumasok si Elise.

Eli: Cza, what do you want for lunch?

Cza: Bakit? May balak ka bang lumabas ng campus para maglunch? How about sa cafeteria?

Eli: Sabi ko nga sa cafeteria tayo kakain. Bilisan mo na dyan, gutom na ako.

Cza: Hmm..

Eli: Btw, bago ko makalimutan ang lahat, can you share me what happened earlier, that rumor thing.

Cza: Ang alin?

Eli: Wow, playing safe. The students and even our co-teachers saw you and Josh walking together at the corridor this morning, whats the meaning of those? Are you two in good terms now? Meron na naman ba akong na missed? Ikaw ha. Magkwento ka naman.

Cza: The rumors spread that fast ha.

Eli: So totoo nga.

Cza: Diba nagugutom kana. Tara sa cafeteria.

Eli: Ayy oo nga pala, let's go.

Cza: Hmm....

Eli: Ehhh! Czarina naman eh.. Binabago mo yung usapan, kwento na kasi.

Cza: Ang ingay mo, hinaan mo nga boses mo.

Bigla naman silang sinalubong ni Josh na kani-kanina lang ay pinag-uusapan nila.

Josh: Uyy, Czarina and Elise, papunta ba kayong cafeteria? Pwede ba akong sumabay maglunch?

Cza: Hmm, sure.

Nagulat naman si Elise sa bilis ng pagpayag nito.

Eli: Uy, sure ka?

Bulong nito sa kaibigan.

Cza: Hmm, let's go.

Dahil kasama nila si Josh kumain ay walang nagawa si Elise kundi ang pansamantalang manahimik. Naging masaya naman ang pagsasama nilang iyon...