Chereads / FALL IN LOVE WITH AN IDOL / Chapter 22 - Chapter 20 (1st Love went wrong)

Chapter 22 - Chapter 20 (1st Love went wrong)

(Ting!)

Tunog ng nagbukas na elevator, agad namang lumabas si Czarina at hindi pinatapos ang sasabihin ni Josh. Natawa na lang si Elise sa inaasta ng kaibigan nito sa tuwing magkakasalubong o makakasabay man lang nila si Josh.

Elise: Ahh Josh, pagpasensyahan mo na yun, pagod lang. Sige una na kami ha.

Josh: Hmm, ayos lang, sanay na ako. Sige, see you at school grounds.

Elise: Hmm.

Nang magsara na ang elevator ay agad niya ng sinundan ang kaibigan na ngayon ay nasa tapat na ng kanilang room at pumipindot ng code to enter their room.

Eli: Huy Gaga!

Cza: Ano.

Sabay kuha ng gamit at pasok sa loob ng walang lingon lingon sa kaibigan.

Eli: Ano yun?

Cza: Anong ano yun?

Tugon ni Czarina habang abala sa paghahanap ng pambahay na damit.

Eli: Ako Czarina wag mo kong inookray ha. Alam mo kung ano pinaggagagawa mo kanina.

Cza: Tsk.

Eli: Bat until now ganun ka pa rin sa kaniya. Ambait bait Kaya ni Josh, pogi pa.

Cza: Manahimik ka nga.

Sabay puntang banyo para makapagpalit, sinundan naman siya ni Elise hanggang sa pintuan.

Eli: Ay hindi, sobrang tagal na nating kilala yung tao bakit ganun ka pa rin sa kaniya.

Cza: Dahil nakakairita siya, tapos.

Eli: Nangangamusta lang naman yung tao kanina nairita kana. Siguro may feelings kana for him no.

Sabay bukas ng pinto at nilagpasan lang nito ang madaldal niyang kaibigan.

Cza: Hindi ko siya gusto ok! At never yun mangyayari.

Eli: Haha bakit naman, nasa kaniya na kaya ang lahat, matangkad, gwapo, mayaman, matalino. Girl opportunity na yun.

Cza: Tigil tigilan mo ko Elise pagod ako.

Eli: Maaga pa para matulog. Usap muna tayo.

Cza: Tantanan mo ko.

Eli: Sabihin mo muna sa akin kung bakit hanggang ngsyon ayaw mo pa rin sa kaniya.

Cza: Shut up.

Eli: Sige na, promise pagsinabi mo titigil na ako.

Hindi naman agad sumagot si Czarina at humarap lang ito sa Laptop niya.

Eli: Hey ano na.

Cza: Hyst. Gusto mo ba talagang malaman.

Eli: Oo naman.

Cza: His family don't like.

Eli: What?! Paano namang nangyari yun. Did you already meet his parents?

Cza: Aha.

Eli: why? When? Where?

Cza: Basta it just happened. Nung nalaman ng mother niya na nililigawan ako ng anak niya, she texted me. Sabi gusto niya raw ako kausapin.

Eli: Ok, what happened next?

Cza: Ayun nakipagkita ako, akala ko gusto niya ako para sa anak niya. Akala ko lang pala yun.

Eli: hmm.

Cza: She told me to stop on dreaming na magugustuhan ako ng anak niya. She even told me na hindi magkalevel ang pamilya namin. Noon ko nalaman na naghire siya ng private investigator para sa background check sa akin and even my family too.

At sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lang tumulo ang luha nito ng maalala niya lahat ng nangyari noon. Ayaw niya man sabihin sa kaibigan nito dahil ayaw niyang mag-aalala pa ito para sa kaniya. Siguro ito na rin yun tamang pagkakataon para malaman sa kaibigan niya ang totoong nangyari.

Si Elise naman ay seryosong nakatitig sa kaibigan at naghihintay na sabihin nito ang sunod na nangyari. Kaya naman agad niyang pinagpatuloy ang kaniyang kwento kahit na umiiyak siya. Kahit na nahihiya ito dahil bihira lang siya makita ng kaibigan na umiyak ng ganito.

Cza: Tinakot niya ako, sinabi niya sa akin na pahihirapan niya ang pamilya ko kapag sinagot ko si Josh. Ayoko naman mangyari yun. She also offer me a money layuan ko lang anak niya.

Eli: OMG! Czarina, ba't ngayon mo Lang sinasabi to sa akin. Ganun na pala ang nangyayari sayo, bakit nanatili kang tahimik.

Cza: Dahil ayoko ng gulo!, Kilala ang pamilya nila bilang maimpluwensyang tao at ayaw ko na masangkot ako sa anumang gulo. Kaya pinili ko na lang na lumayo at manahimik.

Eli: Kaya ba bigla mo na lang siyang iniwasan?

Cza: Hmm..

Eli: Cza, tell me. Do you like him? Be honest to me this time.

Cza: Sinong hindi mahuhulog sa kaniya.

Eli: I knew it! I knew it!

Cza: Napakabait niya sa akin, siya ang unang lalaki na nagpakita sa akin ng mga ganoong mutibo, lagi niya akong tinutulungan, lagi niya akong pinapatawa, lagi siyang nandyan kahit hindi ko gustohin, he even shift his course maging kaklase niya lang ako.

Mas lumakas pa ang pag-iyak niya dahil dun. Hindi naman mapigilan na yakapin ito para e-comfort dahil sa ngayon yun lang ang naiisip niyang paraan para mapagaan ang loob nito.

Eli: Czarina.....

Cza: Isip-isip ko napaka-swerte ko kasi finally nakilala ko na yung taong sa tingin ko is makakasama ko hanggang sa pagtanda ko but I'm wrong. I fall for him and I was about to accept his love for me but something's suddenly happened..

Eli: Cza....

Nakiiyak na rin ito.

Cza: I lost my first love ng ganun ganun lang, hindi ko man lang siya naipaglaban, napaka walang silbi ko.

Eli: Shhhh, don't said that, tama lang ang ginawa mo. As long as walang ginagawang masama ang family niya sayo, ok na yun. Stop crying na. Pinapaiyak mo rin ako eh.

Cza: I can't help it.

Eli: Shhhh.... Wag mo ng isipin yun, from now on don't ever lie to me ok, I'm willing to help and comfort you anytime, just please trust me ok.

Cza: Hmmm....

Eli: You can always used my shoulder to cry on. Don't worry I will help you to forget that bad things that happened to you, ok. Wag mo ng isipin yun. Matagal na yun.

Cza: Pero sa tuwing nakikita ko siya, nasasaktan pa rin ako, naaalala ko pa rin ang lahat.

Eli: Gusto mo bang lumipat tayo ng apartment o ng school na tinutuluyan natin.

Cza: Don't bother, I'm ok..

Eli: ok?! Haha Cza kilala Kita, your not ok! Your not!

Naiyak naman ulit si Czarina.

Eli: Sssshhhhh stop crying. Don't worry, bukas na bukas lilipat na tayo.

Cza: Wag na, I'm in the part of healing naman na eh. Ang gusto ko lang ay lumayo sa gulo hanggat maari. Hindi na kailangan gawin ang mga bagay na yan.

Eli: Are you sure?

Cza: Hmmm....

Tugon nito habang yakap yakap ito at umiiyak pa rin.

Eli: Sssshhhhh...

Ginagawa naman lahat ni Elise upang patahanin ang kaibigan.

Mabilis na lumipas ang ilang minuto at napansin niyang tumigil na ito sa pag-iyak at hindi na umiimik, kaya naman agad niya itong tiningnan.

Eli: Cza... Czarina... Be.... Are you ok...

Napansin niyang nakatulog na ito sa balikat niya. Upang hindi magising ay dahan dahan niya itong inalalayang ihiga sa kama nito.

Habang inaayos nito sa pagkakahiga ang kaibigan ay napatitig ito dito.

Eli: Don't worry Cza, I will help para makalimot ka sa nightmare na nangyari sayo ok, remember I'm your partner in crime, hindi kita iiwan.

Bago iwan ang kaibigan ay kinumutan niya na muna ito at hinayaang makatulog at makapagpahinga ng maayos.