Nagkrus ang landas nila Tanya at Clyde nang gabing mahuli ni Tanya ang kanyang nobyo sa piling ng ibang babae.
Nakisimpatya ang kalangitan sa pagbuhos ng luha ni Tanya, umulan ng malakas at halos hindi na ito alintana ng dalaga. Dahil sa sobrang pighati ng kanyang puso ay bigla nalamang nawalan ng malay si Tanya. Ngunit sa di inaasahang sandali ay bigla may malaking bisig na sumalo sakanya bago siya lumagapak sa lupa.
"Miss,..are you okay??"Miss..??" ito ang huling salita na narinig ni Tanya bago siya tuluyang mawalan ng malay.
Nagising si Tanya dahil sa malamig na hanging dumampi sa kanyang mga pisngi at sa liwanag na hatid ng sikat ng araw na humahalik sa kanyang mga balat. Iminulat niya ang kanyang mga mata at dito niya namalas ang ganda ng silid na kanyang kinaroroonan. Buhat dito ay matatanaw ang ganda ng dagat at dalampasigan. Ang lugar kung saan malilimutan mo ang mga problema,alalahanin at sakit ng kalooban. Isang magarang silid ang kinaroroonan ni Tanya ngunit hindi niya alam kung bakit siya nasa silid na iyon.
"Nasaan na nga ba ako?Ano ang ginagawa ko rito?" mahinang tanong niya sa sarili.
Ang tanging natatandaan na lamang niya ay noong gabing narinig niya ang parang anghel na boses ng isang di kilalang lalaki.
"Sino siya?Saan niya ako dinala?"nag-aalalang tanong ni Tanya sa sarili.