Chapter 2 - Beginning

Noela Isabelle San Jose

"Noela, hindi ka ba sasabay sa 'kin? Baka malate ka sa school" sabi ng mama ko. Malapit lang naman ang bahay namin sa school na pinagtatrabahuhan niya at pinapasukan ko, kaya ko naman yun takbuhin.

"Eh, mama, nagpromise po kasi ako kay Jimjam na sabay kaming papasok ngayon" sagot ko.

"Sige na, mahal. Mauna ka na, ako nalang ang maghahatid sa mga bata. Tyaka maaga pa naman" sabi ni papa kaya sumuko nalang si mama at tumango.

Hinalikan nya ko sa noo at hinalikan din nya si papa sa pisngi. "Sige, mag iingat kayo ha" sabi ni mama. Tumango naman kami ni papa at nagpaalam na syang umalis.

Nanuod muna ako ng cartoons habang naghihintay kay Jimjam, yung bff ko. Magkaklase kami mula grade one hanggang ngayong grade four .

Naputol ang panunuod ko ng tom and jerry nung may kumatok sa pintuan. Tumakbo ako agad at pinagbuksan yung kumakatok.

Hingal na hingal si Jimjam habang nakahawak sa dibdib nya.

"Oh, Jimjam, ba't parang pagod na pagod ka?" tanong ni papa na nasa likod ko na pala

"Tinanghali po kasi ako ng gising" pilit nyang sagot kahit hinihingal

"Oh sya, magpahinga ka muna" alok ni papa

"Nako, hindi na po. Baka malate na po kami ni Noela" sagot ni Jimjam

Sumang-ayon naman si papa kaya kinuha na nya yung susi ng motor nya at pinasakay kami.

Isa rin to sa dahilan kung bakit ako nagpaiwan kay mama. Kapag kasi kami lang ni mama ay naglalakad lang kami, para daw makapag exercise ako.

Nang makababa na kami sa gate ng school ay hinalikan ko si papa sa pisngi at kumaway sa kanya nung paalis na sya.

Pagdating namin sa room ay halos lahat ng kaklase namin ay nandun na at may ka yan kanyang pinag uusapan

Magkatabi kami ng upuan ni Jimjam. Habang wala ang teacher namin ay pinag-uusapan namin yung mga pupuntahan naming lugar sa susunod na linggo, dahil field trip namin.

Base sa papel na binigay, mapupuntahan namin ang isang pagawaan ng sikat na tinapay. Napuntahan na rin namin yun nung nakaraang taon, siguradong magbibigay ulit sila ng libreng tinapay.

Nagtatawanan kami ng biglang lumapit samin si John o mas kilala bilang JC at may iniabot kay Jimjam na pulang papel.

"Ano yan?"

"Ano 'to?"

Sabay naming tanong

"Pinabibigay nung taga kabilang section kay Jimjam" sagot ni John. Kinuha naman namin yun at sabay na tinignan

Para syang maliit na envelop na kulay pula. Meron pa itong red rose na sticker para di agad mabuksan yung envelop.

Sa ibaba nung sticker ay may nakasulat na "Smile before you open". Hindi naman yun pinansin ni Jimjam at basta nalang binuksan yung envelop at ito ang nakalagay sa sulat.

To: Benjamin Lyka Cervan

Simula grade 3 crush na kita. Alam kong hindi mo ko kilala at hindi mo rin ako napapansin pero kapag malayo ka ay laging kitang tinititigan. Naging crush kita dahil sa ngiti mo, ang ganda mo kasi kapag ngumingiti ka. Ingat ka lagi crush, muah.

From: L

Buong tanghali kong pinagtatawanan si Jimjam, dahil sa sulat na yun, kaya ito, hindi na nya ko pinapansin ngayon. Kakatapos lang ng recess namin at hinihintay nalang ang susunod na teacher.

"Grade four gumamela." tawag samin ng isang teacher "pwede na daw kayong umuwi, may meeting ang mga teachers"

Lahat kami ay nagsaya dahil doon. Yayayain ko sana si Jimjam na kumain kami ng lugaw sa malapit kaso ay hindi nya pa rin ako pinapansin at nauna na syang umalis.

Malapit na ko sa bahay nang makita kong may babaeng lumabas sa bahay namin. Dahan dahan akong naglakad pauwi at tinawag si papa mula sa labas ng bahay.

Nang hindi umiimik si papa ay maingat akong pumasok. Wala sya dito sa kusina at wala rin sya sa garahe.

Tinignan ko kung bukas ang pinto ng kwarto nila ni mama at nakita ko doon si papa na walang suot na damit pang itaas at natutulog.

Sinara ko nalang ang pinto at pumunta sa kwarto ko. Nagbihis lang ako at lumabas na ulit ng bahay. Parang gusto kong makausap si Jimjam.

Nang makarating ako sa kanila ay pinagbuksan ako ng tita nya. Pinapasok nya ko at tinawag si Jimjam.

"Oh ano? Mang aasar ka nanaman?" masungit na sabi nya sakin.

"Hindi, sorry" walang kabuhay buhay na sagot ko

Huminga naman sya ng malalim at tumabi sakin. "Ba't parang  malungkot ka?" tanong nya

"May babae kasing-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil narinig ko ang tita ni Jimjam na may kausap sa cellphone

"Hay nako! Dapat talaga sinasampal yang mga kabit na yan, mare! Nang magising naman sa katotohanang…" hindi ko na narinig pa ang sasabihin nya dahil lumayo na sya samin

"Huy! Noela, ano bang nangyayari sayo" nakakunot ang noon a tanong ni Jimjam

"Jimjam, ano yung kabit?" tanong ko sa kanya

"Kabit? Ang sabi sakin ni tita, yun daw yung mga taong naninira ng relasyon. Yung tipong paghihiwalayin daw yung mag asawa. Basta ganun yun, di ko naman yun maintindihan. Bakit mo ba natanong?" ika nya

"Nung umuwi kasi ako kanina, nakita kong may lumabas na babae sa bahay. Tapos nung tinignan ko kung nasaan si papa, nandun sya sa kwarto nila ni mama at natutulog" sagot go

"Hmm? Kilala mo ba kung sino yung babae?" tanong nya sakin

Umiling naman ako.

Posible kaya? Kabit kaya yun ni papa?

Pano si mama?

Umuwi ako samin na punong puno ng pagtatanong ang nasa isipan. Alam kong mahal kami ni papa, baka naman hindi nya yun kabit.

"Oh, Noela, saan ka ba nagpunta? Anong oras ka umuwi?" bungad sakin ni papa na nasa labas ng bahay namin

"Ahh, kanina pa po akong tanghali umuwi, pumunta lang po ako kina Jimjam" matamlay na sagot ko

Hinawakan nya ang noo at leeg ko "May masakit ba sayo? Ba't parang matamlay ang prinsesa ko?" at binuhat ako ni papa

Tama nga ako, hindi nya yun kabit. Walang kabit si papa, sigurado ako.

Ngumiti ako sa kanya at umiling "Napagod lang po ata ako sa pakikipaglaro kay Jimjam"

"Ahh, sige pumasok na tayo at lulutuan kita ng pancit canton at orange juice. Gusto mo ba yun?" tanong sakin ni papa

Masigla naman akong tumango at pumasok na kami sa loob

"Ano 'to, Noli? Bakit may panty ng babae sa bag mo?" rinig ko ang malakas na boses ni mama mula sa labas

Nag aaway ba sila?

"Ma, Pa." tawag ko sa kanila nang makapasok ako.

Pareho silang nasa salas at agad na tumalikod sakin si mama. Agad na lumapit sakin si papa at bahagyang umupo para magpantay kami.

"May cake dun sa ref, anak. May chocolate drink din dyan. Mag uusap lang kami ni mama mo sa kwarto ha" nakangiting sambit sakin ni papa.

"Wag nyo po sasaktan si mama ha" naiiyak na sambit ko

Pansin ko ang paglunok ni papa "Oo naman. H-hindi ko sasaktan si mama mo"

Pumasok na sila sa kwarto at ako naman ay pumunta sa kusina para kumuha ng cake. Napansin kong may nakasulat sa cake na happy anniversary.

Anniversary nila ngayon? Ano bang araw ngayon?

Tumingin ako sa kalendaryo

August 11.

"Akala ko ba magbabago ka na, Noli, pero nagkikita pa rin pala kayo!" nagising ako dahil sa boses ni mama.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto na sana ay hindi ko nalang pala ginawa

"Elaine, hinaan mo naman yung boses mo. Baka magising si Noela" narinig kong sabi ni papa

"Bakit? Natatakot ka bang marinig nya na may kabit ka? Bakit ba hindi mo sya kayang tantanan?" sabi ni mama

"Elaine…" tumigil sa pagsasalita si papa "Elaine, buntis si Francine"

Biglang tumahimik, akala ko ay tapos na pero narinig kong humagulhol si mama

Mula sa labas ay rinig ko ang hagulhol nya. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at doon umiyak. Hindi ko man gaanong naiintindihan ang sitwasyon, alam kong nasasaktan si mama

"Sa wakas, Noela! Bakasyon na ulit! Saan mo balak mag bakasyon? Gusto mo ulit sumama sa probinsya namin?" tanong sakin ni Jimjam. Pauwi na kami ngayon galing sa recognition party sa room

"Magpapaalam muna ako kay mama at papa. Sasabihan nalang kita pag pumayag sila." natutuwang sambit ko

"Ipag papaalam kita sa kanila. Tara!" hila hila nya ko papunta sa bahay.

Binuksan ko ang pinto at nadatnang buhay ang tv. Sila yung may sabi sakin na wag iiwanan ang tv na bukas tapos ganun din sila.

Pagkapatay ko ng tv ay hinanap ko na si mama at papa, habang si Jimjam ay nasa kusina at kumakain ng biscuit

Wala si mama sa garden namin at sa iba pang parte ng bahay kaya napagdesisyonan kong pumunta sa kwarto nila ni papa.

Kumatok muna ako, at dahil walang sumasagot ay pinihit ko na ang door knob.

Napasigaw ako nang makita si mama na may tali sa leeg at nakalambitin sa kisame.

"Noela, baki- AAAHHH!!!" tumakbo si Jimjam palabas at naiwan ako doong nakatingala kay mama

Iyak ako ng iyak at hindi ko namalayan na marami na palang tao sa bahay. Nakarinig na rin ako ng serena ng ambulansya at may biglang bumuhat sakin.

"Noela, hija, tinawagan na namin ang papa mo. Papunta na daw sya" sabi sakin ni Tita Nea, ang mama ni Jimjam

Pangalawang araw ng burol ni mama ngayon dito sa Ishael Memorial Park. Nakatingin lang ako sa kabaong nya nang biglang may pumasok dito sa room nya na nag iingay

"Noli, sakin sasama si Noela sa ayaw at sa gusto mo!" galit na galit na saad ni Tita Mila at pinipigilan syang pumasok ni papa

"Hindi sya sasama sayo! Akin ang anak ko" galit din na sabi ni papa

Nakalapit na sila sakin at hinila ako ni papa para itago sa likod nya.

Tatlong araw ng nakakalipas nang ilibing namin si mama, laging nandito si Jimjam sa bahay. Madalas wala si papa dahil sa baby nila ni Tita Francine daw.

Pinakilala nya sakin si Tita Francine kahapon kasama yung anak nila na baby.

"Noela" tawag sakin ni Jimjam habang parehas kaming nakahiga sa kama ko at may iniabot sya saking silver na kwintas na nakalagay ang pangalan nya.

"Bakit binibigay mo sakin yung sayo?" naguguluhang tanong ko

"Dahil yung pangalan mo naman ang nasa akin. Magpapalit tayo ng kwintas pag dito ka na ulit titira" malungkot na sabi nya

"Hindi pa naman ako sigurado kung sasama ako kay Tita Mila sa America" sabi ko at kinuha ang kwintas

"Basta, ano man ang mangyari, saan ka man pumunta, best friends parin tayo ha?" sabi nya at ipinakita sakin ang hinliliit nya

"Oo naman" at nangako kami sa isa't isa

Dalawang linggo ang nakakaraan ay pinili kong sumama kay Tita Mila

"Bye, Noela. Mamimiss kita" umiiyak na saad ni Jimjam at agad akong niyakap

Nasa labas na kami ng bahay ngayon dahil papunta na kami ni Tita Mila sa airport

Niyakap ko sya pabalik "Wag ka mag alala, magpapalitan pa tayo ng kwintas" sagot ko at parehas kaming natawa

"Oo nga" natatawang sagot nya kahit patuloy parin sa pag iyak

At yun ang huli naming pagkikita