Chereads / Si Lolo Melicio / Chapter 1 - Pagsapit Ng Dilim

Si Lolo Melicio

Simply_Bea_93
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Pagsapit Ng Dilim

Bata pa lang ako, madami nang kuwento ang tatay ko tungkol sa aming lolo sa tuhod, si Lolo Melicio. Hindi ko na siya inabutang buhay, sapagkat malaon na siyang pumanaw bago pa man ako isinilang. Hindi lang siguro 40 taon na siyang pumanaw, ngunit ang mga kuwento ng mga kababalaghan na kanyang naranasan ay hindi ko malilimutan.

1940's, Bayan ng Infanta, Quezon Province.

Binata pa noon ang makisig na lolo namin, si Lolo Melicio. Isang gabi, pauwi na siya sa bahay, galing sa bahay ng kaniyang nililigawan. Noong unang mga araw, ang mga lalake sa Quezon Province ay laging may sakbat na gulok o itak na nakatali sa kanilang baywang dahil pagsasaka ang isa sa mga kabuhayan ng mga tao sa aming probinsya kaya't ang pagsasakbat o pagdadala ng gulok o itak ay ordinaryo na sa mga tagarito. Ginabi na siya nang mga oras na iyon. Wala pang kuryente noong mga panhon na iyon. Gasera lang ang nagbibigay liwanag sa mga iilan lang na mga kabahayan na malalayo ang pagitan. Ang lugar sa amin noon ay madamo, magubat, maraming puno. Talagang magubat pa. Sa kanyang madadaanan pauwi sa kanilang bahay ay mga palayan o taniman ng mga palay, mga madadamong lugar , at mga taniman. Naglalakad lamang siya noon dahil hindi pa uso at kakaunti pa ang may karitela o kaya'y paragos na hila-hila ng kalabaw ang transportasyon noong panahon na iyon.

Mag-isa niyang binabagtas ang madamong lugar pauwi. Bahagyang sumilip ang malamlam na buwan. Alerto ang Lolo Melicio dahil marami ding mga ahas at bayawak sa lugar kaya't siya'y nag-iingat na mainam.

Patuloy siya sa kaniyang paglalakad nang may matanaw siyang makakasalubong niya. Babatiin sana niya ang mga ito (magagalang ang mga tao noong unang panahon at halos magkakakilala ang mga tao doon), ngunit habang papalapit si Lolo Melicio sa kaniyang makakalubong ay bahagya niyang sinisipat ang kanyang kasalubong.

Habang papalapit nang papalapit si Lolo, unti unti rin niyang hinuhugot ang kanyang itak sa nakatali sa kanyang baywang! Nagulantang siya nang makita niyang isang lumulutang na puting kabaong ang kanyang kasalubong !! Hilakbot ang bumalot sa pagkatao ng aking Lolo, ngunit pinanaig niya ang lakas ng loob at walang habas niyang pinagtataga ang kabaong na iyon! Taga siya nang taga, walang habas na pagwasiwas ng itak sa kabaong habang siya'y tumatakbo pagkat siya'y hinahabol ng puting kabaong.!

Binilisan pa niya ang kanyang pagtakbo at sa pakiwari niya ay hindi na sumasayad ang kanyang mga paa sa lupa sa sobrang magkahalong kaba at takot na kanyang nadadama nang oras na iyon. Hindi na din niya matandaan kung paano siya nakauwi sa kanilang bahay.

Umaga.

Nagkakagulo ang mga tao at ang kabesa ng baranggay, sapagkat ang taniman ng puno ng papaya ng isang magbubukid ay halos walang natirang nakatindig na papaya ,dahil sa isang hindi pa nakikilalang salarin ang walang habas na nanaga at tumabas sa mga ito..

-fin-