I Become The Villainess Of My Own Story

🇵🇭blveoxeann
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 11.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

Alas dos na nang umaga pero tutok na tutok pa rin si Dam sa kanyang nobelang sinusulat. Ilang years na siyang sumusulat pero ni isa ay wala siyang matapos-tapos hanggang sa na inspired siya sa isang komiks na nabasa niya sa internet kaya't napagpasyahan niyang seryosohin ang mga gagawin niya. Ang nobelang sinusulat niya ay pinamagatang "Make Me Yours" kung saan ang babaeng bida ay anak nang mayaman at ganoon rin ang lalaking bida.

Nakatitig lang si Dam sa cellphone niya dahil wala siyang ma-isip na eksena para sa nobela niya. At ina-antok na rin siya pero pinipigilan niya ito. Maka-ilang beses niyang pinagsasampal ang mukha niya hanggang sa mamula ito. At kinalaunan lang ay nakatulog siyang bukas ang cellphone niya.

Kinabukasan, nagising si Dam dahil sa isang tinig na para bang ginigising siya. Iminulat niya ang kanyang mata at napatangin sa kisaming hindi pamilyar.

"Miss, nakahanda na po ang paligoan mo" aniya nang babaeng nasa tabi niya. Naka-suot ito nang pang-maid na kasuotan at mukhang mas bata pa sa kanya.

"Sino ka? " ang tanong ni Dam rito.

"Ako ho si Emely Makilis, Miss" ang sagot naman ng babae.

Unti-unting bumangon si Dam at kinusot ang mata niya. Pumunta siya sa bathroom at naghilamos nang mukha. Tumingin siya sa salamin at laking gulat niya na iba na ang kaniyang mukha!

Napasigaw naman si Dam dahilan para dali-dali siyang puntahan ng kanyang personal maid.

"Miss, okay ka lang ba? " ang tanong ni Emily.

"Sagutin mo ako, sino ako? " ang tanong ni Dam kay Emily habang nakaturo sa sarili.

Kunot-noo naman siyang tinignan ni Emily bago sumagot.

"Ikaw po si Cassandra Daniel, ang nag-iisang anak na babae ng mga Daniel" sagot ni Emily na ikinagulat ni Dam.

'Cassandra Daniel?! Seryoso?! ', ang sigaw niya sa isip niya.

Ulit siyang tumingin sa salamin at inobserbahan ang features nang babae.

Mapupulang buhok. Mahahabang pilik-mata. Pinkish na labi. Kulay asul na mata. Parehong-pareho sa kontrabida ng nobela niya.

'Did I just went in to my story? Did I just become the villainess of my own story? '