(Reminder: Some of you might be confused but some of them are talking in Korean/Filipino)
---
8:30 PM
Incheon Airport
[Taeyang's POV]
"Mom, kailangan ba talagang sumama ako sayo sa Pilipinas? Mabbored lang ako doon." Umingit ako na parang bata.
"Kung hindi ka sasama sa akin, ano naman ang gagawin mo dito? Magdadala ng babae sa bahay?" Sabi ni mommy.
"Mom, parang hindi mo naman kami kilala ni Jaebum, hindi kami mahilig mambabae."
"Nako, 'wag ka nang magdahilan at tsaka andito ka na sa airport."
"Fine." Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya dahil alam 'kong hindi naman ako mananalo.
"We're here!" Sabi ni mommy nang makalrating na kami sa Boracay. "What do you think?"
"Too hot for me." Sabi ko habang pinapaypayan ang sarili ko gamit ang kamay ko.
"Ganito talaga dito, kaya masanay ka na." Sabi nya na parang Pilipino talaga sya. "Let's go. Naghihintay sa atin si Athena at yung anak nya."
Tumango ako at sinundan si mommy dahil naman ako pamilyar sa paligid. Inikot ko ang mga mata ko at masasabi ko na maganda nga ang tanawin dito gaya ng sabi ni mommy nung bata palang ako. Bata palang ako ay gustong gusto 'kong makita ang itsura ng Pilipinas ng personal.
"Athena!" Sigaw ni mommy pagkarating namin sa bahay ng kaibigan ni mommy.
"Mia!" Sigaw din ng babaeng mukhang kasing edad lang ni mommy at sya siguro yung 'Athena' na kahapon pa na-eexcite na makita.
'Mia' mom's english name.
"Ito na ba ang anak mo? Nako, ang laki mo na." Sabi nung babae which is i don't understand.
"Oo. Si Taeyang, my only son. He's also 18 like Dominic." Sabi ni mommy.
Kung nagtataka kayo kung bakit naiintindihan ni mommy yung babae, ay dahil tumira si mommy dito sa Pilipinas kasama sila lola at lolo noong bata palang sya at dahil doon ay nakilala nya ang bestfriend nya at iyon ang babaeng kausap nya ngayon.
'Dominic'?
"Talaga? Sandali lang tatawagin ko lang si Dominic. Maupo muna kayo dito sa loob."
"Sige."
Umakyat yung babae sa taas at umupo kami ni mom sa sofa at nilibot ko ang mga mata ko sa buong bahay. The house looks so classy. It may look old but it looks so beautiful at sobrang laki ng bahay na ito na parang mansyon na maraming gamit na hindi mo dapat hawakan dahil mas mahal pa iyon sayo.
"Mom, anong sinabi nya?" Bulong ko kay mommy.
"Tinawag nya yung anak nya na si Dominic. Magkasing-edad lang kayong dalawa at gwapong bata din sya." Pabalik nyang bulong sa akin at ngumisi sa akin.
Why is my mom so weird? Can someone answer me?
"Dominic, meet your tita Mia at ang anak nya na si Taeyang." Sabi nung babae pagkababa nya at kasama nya ang lalaki na mukhang mas bata sa akin kahit na magkasing-edad lang kami.
"Ang laki mo na nga, Dominic. By the way, Dominic, meet my son Taeyang. Taeyang, meet Dominic." Pagpapakilala ni mommy sa aming dalawa.
"Nice to meet you." Inalok nya ang kamay nya para makipag-kamayan sa akin pero tinitigan ko lang 'yun habang tahimik na pinapanood kami ni tita Athena at mommy. "Um... Handshake?" Sinubukan nya ulit na makipag-kamayan sa akin pero lumayo ako ng tingin.
"Um... okay." Sumuko na sya at binaba ang kamay nya.
"Pasensya ka na kay Taeyang, Dominic. Introvert kasi yan at hindi mahilig lumabas ng bahay."
"Ayos lang po 'yun, Tita Mia."
"Oo nga pala. Mia, may ipapakita ako sayo, ayos lang ba na si Dominic nalang ang magdala kay Taeyang sa kwarto nya?"
"Ayos lang ba daw na si Dominic ang magdala sayo sa kwarto mo?" Tanong ni mommy sakin.
"I don't care. I just want to sleep." Sagot ko at nilagay yung isang earphone sa taenga ko.
"Okay. Then ikaw na Dominic ang bahalang ipakita ang buong bahay kay Taeyang." Sabi ni tita Athena nang tumango sa kanya si mommy.
"Opo." Sagot ni Dominic.
"Then, sundan mo ako Mia marami akong ipapakita sayo na malamang ay ikakatuwa mo." Sabi ni tita Athena at para silang bumalik sa pagka-bata at lumabas sila ng bahay.
"Uh... Do you want me to tour you around or straight to your room?" Tanong nya.
"Room." Simple 'kong sagot.
"Okay. Then, follow me."
Kinuha ko ang luggage ko at sinundan sya papunta sa taas.
Pagkarating namin sa kwarto ay binato ko agad ang sarili ko sa kama at pinikit ang mga mata ko.
"Maiwan na kita dito."
Di ko sya pinansin at hinintay na lumabas sa kwarto. Pagkalabas nya sa kwarto ay tumayo ako at dumungaw sa bintana.
"I can't believe i'll be stuck here for the rest of the summer." Sabi ko sa sarili ko at bumuga ng malalim na hininga.