Dalawang paa ni Divid ang nakabitin. Parehong nakabenda at nakasemento mula sa dulo ng mga daliri hanggang sa kalahati ng mga hita. Nakahubad rin ito at maliban sa puting gasa na nakabalot sa kaliwang balikat at sa buong dibdib.
"Kritikal pa rin ang kondisyon ni Mr Divid Madrid, Misis. Pero nakalampas na siya sa krisis. Humupa na ang lagnat niya at humihilom na ang mga sugat niya."
"Bakit wala pa po siyang malay doktor?"
Sumulyap ang doktor sa hawak nitong record tablet.
"Ayon dito sa record niya, magmula kahapo'y ilang beses na siyang nagkamalay pero ilang minuto lang nakakatulog din agad. Dahil sa sside effects marahil na mga painkillers na kailangang iturok sa sistema niya tuwing ikaapat na oras."
"Anu-ano po ba ang mga pinsalang natamo niya?" Nahihiya ako sa sarili ko dahil ngayon lang ako nagkalakas loob na alamin ang pinsalang natamo ni Divid. Ito kasi ang napuruhan nang subra sa kanilang dalawa, dahil niyakap niya ako at pinansangga ang sariling katawan nito.
"Ang tangin galos ko lang ay 'yung sugat sa noo ko at gas-gas sa mga braso.
"Bukod sa mga galos na nilikha ng maga bubog ng salamin, nagkaroon siya ng multiple bone fractures. Isang tadyang sa kaliwa, at ang kanang tuhod. Ganoon din ang kaliwang binti. Hindi pa kami gaanong sigurado, pero meron din yata siya sa kaliwang braso at balikat. Malalaman natin kapag dumating na ang mga x-ray results buhat sa manila, pahayag ng doktor.
"Obvious na hindi lang medical personnels ang kakulangan sa provincial hospital na ito. Maging ang mga modernong kagamitan.
"Kailan po darating ang mga results?" Tanung ko sa doktor na kaharap ko.
"Baka bukas Misis."
"Kailangan po ba siyang operahan?" Umiiyak na tanong ko sa doktor.
Ang tanging magagwa natin sa ngayon Misis ay magdasal. Alam mo bang sa daming pinsala na natamo ni Mr David himalang na buhay pa siya Misis. Ito po ang tanging maipapayo ko saiyo Misis ang mag-dasal.
. "Hindi ko mairerekomenda ang operasyon hanggang hindi gumagaling ang mga sugat niya at bone fractures niya. After a month or two siguro, Misis."
"Ilang porsiyento po ang possibility na makakalakad ang asawa ko?"
"I still can't say. Kailangan mo rin kumuha ng second opinion. Or better yet, a third opinion."
Lumuluha ako sa mga sinabi ng doktor, sana ako na lang ang nakaratay diyan sa hospital, aniya ko sa aking isip.
"Bukas, maaari na siguro siyang ilipat sa private ward, Misis. Under observation pa siya.
"Imiiyak ako ng umalis ang doktor. Bakit ba nangyari ang aksidenteng ito inay, bakit sa amin pa ni Divid nangyari ito, tanong ko sa aking ina.
Anak meron dahilan ang panginoon kaya nangyari itong pag-subok na ito sa inyong mag-asawa, kaya pakatatag ka anak, alam kung makakaya ninyong lampasan ang pag-subok na binigay sa inyo.
"Sana nga ho inay, alam kung pag-nagising si David hindi niya matatangap ang nangyari sa kanya, wika ko.
"Niyakap na lang ako ng aking inay. Magpahinga ka muna anak dahil na bug-bog din ang katawan mo sa aksidente na nangyari sa inyo ni David, wika ng aking ina.
Tumango ako dito. Sana'y makayanan ko ang lahat nang ito.
"Makalipas ang dalawang buwan nakauwi na sa kanilang dreamhouse na nasa Antipolo ang mag-asawang Divid at Hanna. Sa kasalukuyan, sinusubukan ko na pakainin ng almusal si Divid.
"Ayokong kumain." Ibinaling ng lalaki ang ulo sa kabilang direksiyon. Iyon na ang pahiwatig na hindi maganda ang umaga nang magising ito.
Inilapag ko muna ang bowl ng meron lamang sopas sa nightstand. Naupo ako sa gilid ng kama nito at hinagod ko nang aking mga daliri ang kunot na Noo nito.
"Honey, iimon ka na ng mga gamot mo. Sasakit na naman ang tiyan mo kung hindi ka na naman kakain sana'y kahit kaunti lang. Honey masarap ang sopas ako mismo ang nagluto! Malambing na wika ko.
"Narinig ko ang pagbuntonghininga nito bago bumaling sa akin ang mga mata nintong nang-uusig.
"Bakit ba nagtitiyaga ka pang alagaan ako? Marami akong makukuhang private nurse. May pampabayd ako Hanna. Hindi ko kailangan ang tulong mo. galit na wika nito sa akin.
Nasaktang ako sa mga binitawan salita nito pero hindi ako nagpahalata.
"Gusto kitang alagaan Honey dahil asawa mo ako Divid.
"Hindi kita asawa Hanna, galit na wika ni Divid.
Pinakasalan mo ako two months and ten days ago Divid. Remember?"
Nagtagis ang mga bagang at dumilim ang anyo nito na tumingin sa akin,. "Yes! I remember," pakli nito.
"Iyon ang araw na labis kung pinagsisihang mangyari!
Parang sinampal ang mukha ko sa mga binitawang salita ni Divid sa akin. Pero nag-kunwari akong hindi na sasaktan sa mga sinabi nito.
Kumain ka na kahit tatlong kutsara lang upang makainom kana nang gamot mo.
"Bingi ka ba?" Nabingi ka ba noong maaksidente tayo? Sinabi nang ayaw kung kumain, hiyaw niya sa akin.
Ano bang gusto mong gawin ko para kumain ka na Divid?"
Gagawin mo ba kung anong gusto ko Hanna?"
Nag-alinlangan akong tumango dito.
"Gusto kong umalis ka sa harapan ko Hanna!" Alis! naniningkit ang mga mata nitong tumingin sa akin. Para lang nagpapaalis ng isang Aso. Hindi ko na kayang sikmuraing makita ka! Turan niya sa'kin.
Tinibayan ko ang aking dibdib sa mga masasakit na salita na binitawan ni Divid.
Aalis lang ako dito kapag nakita kong kumain ka na at uminom ng gamot, pagayag ko rito.
Bakit ba hindi ko agad na pansing makapal ang balat mo. Matagal na kitang pinalalayas nandito ka pa rin!" Masakit na salita niya.
Napatitig ako sa mga kamay nitong nakakuyom, kahit saktan ako nito ng pisikal, hindi na ako matatakot dahil matagal nang tad-tad nang sakit ang puso ko sa mga masasakit na mga sinasabi niya sa akin.
Bakit nakatitig ka sa mga kamay ko?" Tanong nito.
Suntukin mo ako Divid," sambit ko rito.
"Napamaang ang lalaki sa sinabi ko. "Anong sabi mo?" Tanong ulit niya sa'kin.
Ang sabi ko suntukin mo ako.
"B-bakit?" Kunot noo na tanong ni Divid.
Payag akong masaktan-kung 'yon ang makakalutong para mailabas ang mga frustrations mo."Seryosong wika ko rito.
''Aba't---sira na pala ang ulo mo, ano?" Asik sa akin ni Divid.
"Oo sira na ang ulo ko Divid, kaya nag aaksaya ka lang nang panahon at pagod hindi mo ako mapapaalis dito sa bahay mo..
Anong gusto mo Hanna?" Sabihin mo, ibibigay ko sayo agad. Gusto mo ba ng kalahati ng mga ari-arian ko?" Upang umalis ka na dito sa pamamhay ko.
''Hindi ako intresado sa mga kayamanan mo, asik ko rito. Kinuha ko ulit ang bowl na may lamang sopas at sinubukang subuan si Divid. Gusto kung gumaling ka Divid.
"Magaling na ako."
Nang bumuka ang bibig nito upang mag-salita mabilis kong sinubo rito ang kutsarang meron lamang sopas.
Masamang tingin ang binigay nito sa akin bago lunukin ang pagkaing sinubo ko.
Gusto kong bumalik ang dating katawan mo Divid.
"Bakit?" Tanong nito.
"Dahil iyon ang goal ko."
"At kapag naibalik mo na?" Tanong nito.
"E di, healthy ka na, tugon ko.
Patuloy ko lang itong sinusubuan ng sopas, wala itong nagagawa kapag naisubo ko na ulit ang kutsa na meron lamang sopas.
Kapag Healthy na ba ako--aalis ka na?" Tanong nito.
"Saan ako pupunta?" Tanong ko.
Papayag ka nang ma-annul ang kasal natin?"
Annulment?" Muntik ko nang mabitawan ang bowl na hawak ko sa binitawang salita nito
Bakit?" tanong ko rito.
Dahil ayaw ko nang matali saiyo kaya gusto ko nang ipawalang bisa ang ating kasal Hanna. Nagsisi ako nang subra ng pinakasalan kita. Ngayon ko lang nalaman na hindi pala kita totoong mahal, masakit na pahayag ni Divid.
Parang mga kutsiyo ang mga binitawang salita niya sa akin.
Kung makikita kitang magaling na at ayos ang iyong Katawan, papayag ako sa gusto mong Annulment.
Pero kung nakikita kung walang pag-babago sa kalagayan mo, walang annulment na mangyayari.
*LUHA*