Nag chachat kami ngayon ni Ymar. Ang tamlay niya
"Do you have a problem?" diko kayang kausap siya ng ganito. Yung cold. Lagi kase kaming nag tatawanan pag nah chachat kami
"Wala na." What does he mean? "Anong wala na?" I asked him. "Wala na. The only girl I courted just rejected me"Ahh so may niligawan pala siya. I thought wala kase answeet Niya saken. Parang kung may anong kumirot sa dibdib ko. I took a deep breath "Baket daw?"
"Ayaw na niya kase long distance daw kame" he said with sad emoji. "She rejected you for that reason? Ambabaw naman. Kung talagang mahal ka niya, dapat kahit long distance kayo, ok lang. Kung mahal ka dapat handa siyang mag invest at tumaya di yung gusto niya is pa easy easy lang" sabi ko. "Ewan ko ba. Siguro ayaw niya talaga sakin"
May part saken na masaket. Ewan ko, masakit pala yung cinocomfort mo yung taong gusto mo na nasasaktan dahil sa taong gusto niya.
"Don't say that. Just forget her. Move on. Marami oang babae diyan na magmamahal sayo ng totoo." andito lang ako. choss.."someone who will be always make you feel loved kahit komplikado na ang lahat"
Kinomfort ko lang siya hanggang sa tumahan na. Kahit chat lang ramdam kong nasasaktan siya. Grabe pinatigil ko yung manliligaw ko tas pinatigil rin siya nung nililigawan niya? I bet we're meant together.. charrot
Di ko pa nabanggit kay Ymar na pinatigil ko na si Kim. I remember noong nililigawan ako ni Kim. He always asked me if kamusta na ba kami ni Kim, kung nanliligaw pa ba siya. Meron ding times na nagkwekwentuhan kami about travelling other countries in the future. He asked me "Sino gusto mong makasama magtravel?" then I said "There's only one person. The one I really love. It's kim" then suddenly naging cold na siya. All his replying is "Ahh" "ok" tas biglang nagpaalam na mag out. I assumed that day na baka gusto niya ako but look he's courting someone else pala
"Btw, kamusta na kayo ni Kim" Ymar asked. Speaking hahah "Well pinatigil ko na siya panliligaw. Nung monday pa" I thought he's gonna comfort me like the way I did but after saying that, agad agad siyang nagpaalam na mag offline "Ahh. Sige off na ako". Tf, Akala ko icocomfort niya ako but He really don't care at all. Hirap palang umasa tang ina