Chereads / Seductive Red / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Chapter Two.

Isang napakalakas na tawa ang sinalubong sa akin ni Andrea pag kapasok ko sa VIP room.

I gave her my deadliest glare. "Napakasaya mo ata." I said sarcastically.

She just laughed at me again. "Girl, hahaha!"

Nag lakad ako palapit sa sofa at naupo bago pinanood si Andrea na hanggang ngayon ay tumatawa pa din.

"Ano ka ngayon? Akala mo siguro tatalab yang charisma mo no? Sinabi ko naman sa'yo na ayaw nun sa babae." Natatawang sabi niya pa.

Ininom ko muna ang vodka na sinalin ko sa baso bago tumingin kay Andrea.

"Hindi pa naman ako tapos. Makikita mo, babagsak din siya sa mga kamay ko."

Napa 'O' ang kanyang labi sa sinabi ko. "Oh?"

"H'wag ka ng kumontra pa."

She laughed and nodded. "Okay, okay." Itinaas niya pa ang kanyang mga kamay.

Bitbit ang baso na may lamang vodka, nag lakad ulit ako papunta sa salamin kung saan makikita ko ang mga tao sa baba.

Agad dumeretso ang tingin ko kay Kaizer na, mariin ang pag kakatingin sa mga taong nag sasayawan sa dance floor.

Habang pinag mamasdan ko siya, mas nadagdagan ang kagustuhan kong mapalapit sa kanya. Nais ko ding malaman ang kanyang dahilan kung bakit ayaw niya sa mga babae.

Maybe, broken siya?

Pero hindi naman halata.

Mukhang mas malalim pa doon ang kanyang dahilan.

Mukhang naramdaman na naman ni Kaizer ang mga titig ko dahil tumingala siya kaya nag tama ang tingin naming dalawa.

Matapang kong nilabanan ang kanyang tingin.

Wala ni isang emosyon akong makita sa kanyang mga mata.

"Hindi kaya parehas kayong matunaw nyan?"

Napairap ako ng mag salita sa tabi ko si Andrea.

Nag iwas na ako ng tingin at tumalikod na. Nag lakad na din ako pabalik sa sofa. Naramdaman ko naman ang pag sunod sa akin ni Andrea.

"Kung mag katitigan kayo, akala mo naman may namumuo ng feelings."

"Shut up."

Tinawanan lang ako ni Andrea. Isang nakakalokong ngisi ang pinakawalan niya ng maupo siya sa upuang nasa tapat ko.

"Uwi na tayo?" Maya maya ay tanong niya.

I raised my eyebrow. "Mauna kana."

"What?! No. Sabay na tayo. Anong oras na oh!"

"Maaga pa." I said boredly. Tsaka balak ko pang mag pakalasing kahit ngayong gabi lang.

"Pero Red. Hindi kita pwedeng iwan dito mag-isa." She said worriedly. Lumipat siya ng upuan kaya ngayon nasa tabi ko na siya.

"Halika na, uwi na tayo!" Pangungulit niya habang nakasabit ang kanyang dalawang kamay sa braso ko.

"Red.. Let's go."

Nang lingunin ko siya, nag puppy eyes siya habang naka pout. Pambihirang isip batang 'to!

I sighed heavily. "Fine. Let's go!"

"Yes!" Napatili pa si Andrea na ikinangiwi ko.

Tuluyan na akong nag pahila sakanya paalis ng VIP room. Hanggang sa makababa kami ni Andrea ay hila hila niya ako.

Nakita kong nanlaki ang mata ni Albert ng makita akong bumaba.

"Red!"

"Hi." Tipid ko siyang nginitian.

Nang tignan ko si Kaizer, nakatingin na din ito sa akin. I smiled and winked at him.

Mahina akong natawa ng makitang walang nag bago sa expresyon niya.

"Andrea?"

Agad akong napatingin sa lalaking tumawag kay Andrea. Ang lalaking iyon ay isa sa kaibigan ni Kaizer.

"M-Melvin."

Napakunot ang noo ko ng marinig ang pag kautal sa boses ni Andrea.

"What are you doing here?" Hindi makapaniwalang tanong nito habang pinag mamasdan si Andrea na nasa tabi ko.

Napangiwi ako ng makaramdam ng sakit dahil sa pag higpit ng pag kakakapit ni Andrea sa braso ko.

"Oh, Andrea. Nag pupunta ka din pala dito." Si Albert.

Nag salubong ang kilay ko dahil sa kaguluhan.

Wait, mag kakakilala sila?

"Alam ba ito ng Kuya mo?" Tanong ulit ni Melvin. Kita ko sa expresyon niya na hindi niya nagustuhang makita si Andrea sa ganitong lugar.

"A-Ahmm ano kasi-"

"Niyaya ko siya dahil gusto kong mag pasama. Nakapag paalam na siya kaya naman hinayaan na siyang makapasok dito lalo na't sila naman ang may-ari." Pag tatanggol ko kay Andrea bago pa siya mahusgahan ni Melvin.

Ramdam ko kasing hindi magugustuhan ni Andrea pag hininusgahan siya nito.

I smell something fishy kasi eh.

Tumango naman si Melvin ngunit ang kanyang tingin ay na kay Andrea pa din.

"Pauwi na ba kayo?" Tanong naman ni Albert sa akin.

I smiled and nodded. "Yes. Kung gusto mo," Tumigil ako sa pag sasalita at tumingin kay Melvin na, nakatingin na din sa akin ngayon. "Ikaw na ang mag hatid pauwi sa kanya para makasiguro kang uuwi na talaga siya."

Muli kong naramdaman ang pag higpit ng pag kakakapit ni Andrea sa braso ko.

"Red.." Mahinang usal niya.

"Sure. Halika na, Andrea. Ako na ang mag hahatid sa'yo."

"Pero, Red.."

"Sige na, sumama kana kay Melvin. Don't worry, uuwi na din ako."

Walang nagawa si Andrea kundi ang pumayag.

Ngunit bago sila makaalis ni Melvin, binulungan ko muna siya. "Marami kang ipapaliwanag sa akin."

Nakasimangot siyang tumango.

"Bye!" I said and waved my hand.

Sinundan ko lang ng tingin si Andrea at Melvin hanggang sa mawala sila sa paningin ko.

Napasinghap ako ng pag lingon ko, parehas na, nakatingin sa akin ang dalawa.

"What are you still doing here?!" Ang baritong boses ni Kaizer ang nag patayo sa mga balahibo ko.

Idagdag mo pa ang malamig niyang boses.

"Umuwi kana din, Red." Si Albert.

I sighed heavily and nodded. "Sige, mauna na ako."

Muli ko pang sinulyapan si Kaizer na nasa ibang direksyon na nakatingin, bago ako tuluyang umalis.

Napaamang ang labi ko ng makitang, naroon pa din pala sa parking lot si Melvin at Andrea.

Mukhang nag tatalo ang dalawa kaya naman nag tago ako para hindi nila ako makita.

"Ito na ang huling beses na pupunta ka dito." Mariin ang pag kakasabi ni Melvin kay Andrea.

"Wala naman akong ginagawang masama kahit tanungin mo pa kay Red!"

"Kahit na! Paano kung may bastos na lalaking lumapit sa'yo?!"

Well, Melvin. Hinding hindi ko hahayaang mang-yari 'yon sa best friend ko. Dadaan muna sila sa mga kamay ko bago mahawakan si Andrea.

"H-Hindi naman mang-yayari 'yon eh. Nasa loob lang din naman ako ng VIP room."

Malalim na napabuntong hininga si Melvin at hindi na nakipag talo pa. "Sumakay kana, ihahatid na kita."

Agad namang sumunod si Andrea.

Nang tuluyang makaalis ang sasakyan nila, tsaka lang ako lumabas sa pinag tataguan ko.

Napangisi na lang ako dahil sa napanood.

Mukhang marami ngang ikwekwento sa akin ang kaibigan ko.

Inayos ko pa muna saglit ang damit ko bago tumalikod-Agad akong napasinghap ng si Kaizer agad ang nakita ko, pag talikod na pag talikod ko. He is standing in front of me.

My heart boomed loudly.

"A-Anong ginagawa niya mo dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

His serious eyes remained on me. It's makinge so uneasy and nervous.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Napaatras ako ng humakbang siya palapit sa akin.

Oh my gosh!

"Scared?" He asked coldly.

Napangisi ako sa tanong niya. Kaya naman imbis na, humakbang ulit ako paatras, humakbang na ako palapit sa kanya.

"Of course, not."

Agad kong isinabit ang dalawang kamay ko sakanyang leeg ng tuluyang makalapit ako sa kanya.

Oh, God! He smells so damn good!

Unti unti kong inilapit ang aking mukha sa kanyang leeg.

Nang mailapat ko ang aking labi sa kanyang leeg, naramdaman kong natigilan siya.

I smirked. "First time?"

Dahan dahan kong hinalikan ang kanyang leeg pataas sa kanyang panga.

Nang nasa ilalim na ako ng kanyang labi, tumigil ako at nag angat ng tingin sa kanya.

Nang mag tama ang tingin namin, isang mapang akit na ngiti ang pinakawalan ko sa aking labi.

"Bye, Mr. Villafuente."