Kailan ba ito nagsimula lahat? Noong nabalitaan ko ang pagkamatay ng nag-iisang taong nag-alaga sa akin simula noong ako'y bata pa lamang?
---
"BREAKING NEWS: The Clemonte Industries' Chairman, Claude Elvis Clemonte, died at the age of 102 due to Cardiac Arrest at exactly 2:45 AM..."
---
O 'di kaya 'yung araw na nalaman kong ikakasal na ang unang lalaking nagpatibok sa puso ko?
---
"Emma, have you heard? Nagpropose na si Oscar kay Klynn."
"Ano? Oscar never told me anything about proposing to Klynn."
"You're his best friend and yet he never told you about it? That's odd."
---
Kung wala ang sagot sa dalawang pagpipilian, baka ang tamang sagot ay...
... 'yung araw na napalitan ng kadiliman ang langit at ito ang sanhi ng aking kamatayan.
---
"Emmanuel Marie Clemonte, TIME OF DEATH: 2:45 AM, CAUSE OF DEATH: Excessive Bleeding due to a car accident."
---
Oo, tama. Namatay ako nang dahil sa aksidente. Hindi ko kilala kung sino ang salarin sa aking kamatayan ngunit hindi naman ito mahalaga para sa akin.
Sino ba ang luluha at madismaya sa aking pagkamatay? Ang aking pinsang kasing-edad ko lang? Kahit minsan ay hindi niya ako tinuri bilang isang pamilya dahil ang tingin niya sa akin ay isa akong kalaban o balakid para sa pagmamana sa Clemonte Industries.
Ang aking kaibigan na si Oscar? Hindi ko alam kung luluksa siya sa aking kamatayan dahil ilang buwan din kaming hindi nagkita. Sa isang iglap, nabalitaan kong ikakasal na siya sa babaeng umaapi sa akin simula noong hayskul kami hanggang ngayon.
Bukod sa kanilang dalawa, wala na akong maisip na ibang tao. Naisip ko, magiging maayos ba lahat kung maglaho ako sa kanilang buhay?
Hindi ko inaasahang sa oras na binuksan ko ang aking mga mata ay may bagong mundong naghihintay sa akin.
Sa mundong ito, may mga bagay na umiiral na lampas sa pag-unawa ng tao.
At sa mundong ito, hindi Emmanuel Maria Clemonte ang aking pangalan kundi...
La Adelaide Irvine Bonavich.