Chereads / My unforgettable disaster / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

ASHLYN

Nagising ako dahil sa napakalakas na sigaw ng prof. ko

"MS.SMITH!"kaya ayon napabalikwas ako

"Po?"sabi ko

"Sinong nagsabi sa iyo na pwede kang matulog sa klase ko?!"medyo may pagtitimpi na sabi niya kaya hindi ako agad nakasagot,sasagot na sana ako ng magsalita ang katabi kong masungit

"Prof. Why don't we continue?this girl is just a waste of time"malamig na sabi niya

G*g* to a!akala mo hindi nag chat!sarap sapakin!nangangati na ang kamay ko!

"Okay"pagsuko ng prof. Namin

Ako naman ay tahimik lang hanggang sa natapos ang klase namin hindi ko alam kung iniligtas niya ba ako o iniinsulto?ay bahala na!nandito ako ngayon sa tambayan ko kapag hindi ko feel ang mayroong kasama nagulat ako ng may tumabi sa akin

"Ay palakang ipinaglihi sa kabayo!"malakas na pagkakasabi ko dahil sa gulat ngunit itinikom ko naman ito pabalik nong mapagtanto ko na ang tumabi sa akin ay walang iba kundi si caspian ace mico fvcking montefalco kaya ayon parang tinahi ang bibig ko,walang nag salita sa amin siya naman ay nagbabasa ng libro ako naman ay nag cecelphone nagulat ako ng may tumawag si diego pala siya ang baklita kong bestfriend

"Hi babe!"tama ang pagkakarinig niyo BABE ang tawag namin sa isa't isa short for baboy dahil nong bata pa kami medyo malusog kami kaya ayon

"Hi babe!"bati niya rin

"Kumusta na?"sabi ko

"Ito maganda parin"sabi niya napairap nalang ako sa kahanginan nito

"Ang hangin mo babe!alam nating dalawa na maganda ako-"naputol ang sasabihin ko nang padabog na sinira at ibinaba ni mico ang libro niya at umalis na,ano kaya problema no'n?binaliwala ko nalang ito

"Maganda ako kesa sayo"sabi ko at tumawa siya naman ay tumawa rin ngunit tumigil na naipagtaka ko

"Babe!!!sino yun?!"sabi niya

"Ikaw ha!may boyfriend ka na?"sabi pa niya

"Wala!katabi ko lang mukhang may pinagdadaanan lang sa buhay"sabi ko na natatawa dahil sa sinasabi ko sigurado ako na kapag narinig niya iyon ay ililibing niya ako ng buhay

"Sige na babe!nandyan na honeypie ko!"sabi niya na nagpairap ulit sa akin tama kayo may boyfriend si bakla talo ang beauty ko!

"O siya bye babe!"sabi ko sabay patay ng tawag