Cristine's POV
Hayss mabubuhay na nga lang sa mundo bakit may asungot pang dumating sa buhay ko hindi ko naman gusto na-
"Bakit ganan ka makatingin saken?."
kalmadong pagkakasabi niya sa akin.
Tinitingnan ko lang naman kung saang banda ba yung sinasabi mong gwapo ka pero wala talaga baka naiwan pa sa bundok.
"Hoy!hoy!nene!tigilan mo ko hah ayaw kitang masaktan kung dadagdag ka pa sa listahan ko, pero hayaan mo kung gusto mo naman sige ililista kita ahihi!."
tuwang-tuwa na pagkakasabi nya.ampotek kala mo naman gugustuhin kita ugok ka ayaw ko sayo no,che!.
"Toto bat ganan muka mo muk-."
"Gwapo ba?ano ka ba ne ako lang to!hihi."putol niya sa sasabihin ko, gago talaga.
"Mukang baboy toto sobra ang panget."
mahinahon kong pagkakasabi,haha! panigurado maiinis to.
"Alam mo ikaw!ang sama ng ugali mo panget karen naman pero hindi ko sinasabi sayo!."
bwisit na to!kingna hindi daw sinasabi pero kung makapagsalita!
"Tanga!sabi nga nila wag kang papatalo kaya toto tanggapin mo na."
sige pumalag ka pa lechugas ka.
"Gago!bahala ka na nga jan alis nako kokopya pako assignment ayaw mo kasi ako pakopyahin!."
inis na sabi niya sabay alis si kinauupuan namin kanina.
Gago talaga kala mo naman hindi pinakopya ampotek halos lahat ng sagot sinend ko sa kumag nato tas hindi niya pala kokopyahin sa notes magdusa ka hahahahha
Naapi ka na nagantihan ka pa!
Haysst mamaya pa naman pasukan tambay tambay muna sa court malapit lang naman room ko dito kesa kay toto...
May nakalimutan pala ko sa inyo eher-rm ako nga pala si Cristine A. Cali isang mabuting estudyante grade 12 graduating at maraming pangarap sa sarili kahit mahirap kinaya parin ng papa ko na pag-aralin kame swerte ko sa papa ko hihi kahit na-
(kringggggg! kringgggggg!)
Oras na para pumasok saka ko nalang ituloy babushh sana goods lang ngayong araw hihi..
"Ms.Cali!you are late!."
Eto na naman yung line niya kahit 1minute lang late kala mo magtuturo agad eh wala naman kami natututunan sa kanya puro sermon ampucha,school pa ba to?
"Goodmorning ren maam."
walang gana kong sabi sabay tingin kay bestfriend zest at sa upuan ko...na nasa dulo
...Nasa dulo?!.
"Maam Sanchez bakit po nasa dulo upuan ko wala naman po akong ginawa hindi maganda ah!."wala nga ba kong ginawang masama?mabait parin naman tingin ko sa sarili ko ewan ko lang sa kanila hehe.
May rules na ginawa si maam na ililipat ang mismong upuan ng estudyante pag nakitang may ginawang masama.at ang maglilipat lang non ay ang pinagkakatiwalaan ni maam yun ay si Daryl.
"Hahaha nagtanong ka pa Cristine baka nakakalimutan mo ginawa mo kahapon tinakasan mo kami tamad mo talaga paglilinis nalang ng room."may pang-aasar na pagkakasabi niya.
"Lilibre nalang kita cristine wag ka na magalit baka sumabog ka pa jan hahahha."sabi ni josh na feeling pogi.hindi naman."
Pero libre hihi..
Sabihin ko kaya gusto ko mochi ice cream saka pizza saka-
"Cristine wala yang pera asa ka jan impakto yan dami na ngang naging babae ni piso walang natanggap buti pa ko...
May sampu bigay ko sayo umupo ka nalang sa dulo."
Salamat nalang sa lahat mga gago.
"Cris kahit anong pagsasalita mo jan sa dulo ka parin uupo hahaha
Takas pa kasi maglilinis lang eh hhahah wag kang mag-alala ililibre nalang kita mamaya promise yan basta may kiss."
kadiri lumabas sa bunganga netong dark na to sabay kindat kindat pa ang hangin talaga ng mga tao sa room na to bat dito bako napunta.
"Hayaan mo na bestfriend!upo ka na dito ayaw mo non tabi tayo parehas tayong tukmol na tumakas kahapon ahihi."
tuwang tuwang pa amputs pasalamat ka bestfriend kita pero may mali bat hindi nasama tong iba sila rin naman ah!
"Teka!kapal ng face niyo parang hi-"pagputol ni maam sa sasabihin ko sa mga depunggol.
"Enough!just go to your seat Ms.Cali i'm sorry but that's the rule no one will break the rule or else-"
"Kung sino sa isang isang estudyante ang hindi sumunod may ibibigay na task yun ay ang pagtuturo sa isa sa mga estudyante sa loob ng room na ito at pagtututor ng one week sa bahay o kahit sa school."
pagtutuloy ko sa sasabihin ni maam nakakaboring talaga eh hindi ako masyado maalam sa english english pero tuwing inuulit niya yung mangyayari pag sinuway ang rules naiintindihan ko na pageenglish niya galing ko talaga matalins to!pag wala mga depunggol.hehe
"That's good to hear saulo mo na sinasabi ko sa inyo."
Tamo to si maam marunong naman palang magtagalog paduguin pa daw ba mga ilong namin buti nalang nadala agad isa sa classmate namin sa clinic utak kasi ni maam puro english nasa pilipinas lang naman siya tsst.
Umupo nalang ako sa tabi ni zest habang nang-aasar pa mga walang hiya kong kaklase wala naman na choice kesa magbunganga pako sayang sa laway no nilulunok lunok na nga lang paulit-ulit kaya iwas na muna sa pagsasalita ng marami para tipid .
"Bestfriend!wahh!buti nalang tumakas ka kung hindi wala akong kasama dito sa likod saya saya ko ahihi!ayy sya nga pala bestfriend sama ka mamaya hah kaen tayo sa unli wings pagkatapos ng klase bestfriend."
Salamat naman may nagyaya ng matino pinagkakatiwalaan ko tong bestfriend ko na to siya kasi una kong naging mas close na close na close simuala dati pa.
"Sige bestfriend ng mawala tong bwisit ko kung bakit hindi nadamay tong iba na to ilaglag daw ba ko eh pati rin naman sila!teka bat pati ikaw tumakas tinuro ko ba sayo yun ha?!."
Napakamot ulo siya bago magsalita ulit
"Kasi bestfriend taeng tae nako eh napakaarte ng cr dito bawal daw tumae baka mangamoy,may tae bang mabango mga tao talaga dito mga natakwil utak eh haysst buti yung utak ko ayos pa."
Hindi ren bestfriend tumakas narin utak mo simula ng napasama ka sa mga depunggol na to hindi na nakayanan eh sowiee brain pagpasensyahan mo na bestfriend ko you may rest..
woh taray english yan!
Hay nako makinig na nga lang nabubwisit parin ako!
"Once you all didn't follow that important rule you all know what is the punishment!ok now! let's start open your bo-"
May kung sinong hayop na pumutol sa sasabihin ni maam amputarages naman kung kelan gustong gusto ko makinig at iwasan tong madaldal kong katabing.
"Sorry i'm late."
nagtinginan lahat sa loob ng room sa kung sino ang nagsalita ampucha ba naman ang gwapo!
"Excuse me?I'm Ms. Sanchez, and you are?."
"Kalie Sarto."
sagot ni pogi shet lalim ng boses saka gandang pangalan taray pati apelyido susko bigay mo saken yang apelyido mo pwedeng pwede!bilisan mo maunahan ka pa!char hehe.
"Oh new student you are probably Mr.Sarto's son.."
"I am."
shet huhu sana magkagusto ka saken pero wag mo ko anakan bad yon ganto lang ugali ko pero bad yon pero soon gawa tayo hihi.
"Alright!you can seat here."
Turo ni maam sa upuang nasa harap niya bwisit na to pumila ka maam malamang madaming nagkakagusto jan kahit baguhan matatalas mga mata ng mga babae sa school na to eh pag pogi talaga d porket teacher hmp!depunggol kadin maam eh!
"Can I seat in the back?i'm not comfortable if I seat in front."
Shabi ni poging kalie hehe hulog pente wele gerter eh.
"Woy bestfriend!bakit parang nasisiraan ka ng ulo baliw ka no?tawa ka ng tawa jan kani--aray!."
Batukan ko nga tong bwiset na to kahit pabulong lang niya sinabi parang naririnig ng iba eh saka hindi ako baliw hindi ba pwedeng kinikilig lang tongek talaga neto pasalamat talaga siya bestfriend ko siya.
"Bonak!alam mo ikaw nawala na talaga yang utak mo pasalamat ka hindi ko sinasabing bobo ka."
Nahawa na ata ako kay toto ah.
"Katangahan mo ren cristine! parang sinabihan mo narin ako nang bobo tsst ayusin mo nga sinasabi mo nagiging bobo ka eh hindi kita ilibre jan eh."
Napagbintangan pa ngang bobo hayss tatanggapin ko na nga lang nang matapos na
Pero yung hindi ilibre?!wwaggg!
"Sige na ampucha tumigil ka na nga jan sa kakasalita mo nagiging bobo ako lalo,pepektusan kita pag hindi mo ililibre mamaya sinasabi ko sayo uuwi ka pang may panot may basag din yang muka mo pati yang dalawa bilog sa gitna mo bibiyakin ko."
Matakot ka bestfriend seryoso ako para sa libre to.
"Gago bestfriend!hindi ka naman mabiro hihi nakakatakot kang ilibre isipin mo nalang kung babasagin mo tong eggsssss ko edi wala na mabubuong baby sa mga magiging asawa ko."
Ampucha mga eh kala mo kagwapuhan muka namang pinagsisihan isilang ni tita at tito tong bestfriend ko na to eh kung nandon lang ako sa pagtatalik ng dalawa hindi ko papakita tong pagmumuka ng bestfriend ko na to sa kanila para wag lang gawin yung muka ngayon ni zest.
"Zest!stan-"
Putol sa sasabihin ni maam ng kung sino lagi nalang putol sinasabi eh nakakaconfuse kase.
"Maam!si cristine po may sabi jinojokjok ko lang po na hindi siya ililibre pero parang kabaong na maghihintay sakin tas yung eggss ko daw babasagin huhu maam tulong!."
ay tanga talaga bestfriend!mabuti nalang tinakasan ka na ng utak mo eh pareho tayong mapapahamak sa ginagawa mo eh!.
"What?!."
Sigaw ng sasabog naming teacher.
Bigla naman nagtawanan ang iba..
;HAHAHHAHA tangna delikado pala to.
;Hoy gago pre takasan nalang natin si cristine mamaya ayaw ko pa mamatay.
;Pre ikaw na bahala sa pamilya ko pagnagkataon man.
;Nabili ko na pala yung sampu ko.
;Mga chicks ko nalang lilibre ko.
;Magiging baog na tayo pre.
;Kadiri kababaeng tao bakit kasi napasama pa siya sating mga babae dapat lalaki ka na eww!.
;Your right!yuck!
;That's a nightmare for all boys here.
;Humayghod kaloka ka girl aylabet
Sorey hindi ako marunong magenglish hehe.
"Enough!Ms.Cristine Cali get out of my class!now!."
"Maam bakit ako lang?si ze-"
"Get out!."
Patay ka saken!
Nalintikan na susko masyadong oa tong maam na to hindi naman siya yung sinabihan nagagalit.
Deretso nakong tumayo at lumabas nakasalubong ko pa si pogi hehe sherep pero bago pako makalabas ng tuluyan may narinig pa 'kong nagsalita.
"Mr.kalie doon ka na sa upuan ni Ms.Cali ako nang bahala maglipat ng ibang pwesto sa kanya."
"No,I will not sit until she is next to me in the chair."
Ano daw?