Pagkatapos ko magayos, bumaba na ako at nagpaalam kay mama na aalis na ako. Napansin ko rin na nag-iisa nalang si mama. Umuwi na siguro si tita marga. Nagtataka nga ako kay mama nandito yata siya ngayon sa bahay. Palagi kasi silang wala ni papa dito sa bahay pag umuuwi ako. Si papa kasi busy sa restaurant na pag-aari niya. Isa kasing chef si papa. Tapos si mama naman pag tinatanong ko kung saan pumupunta ang sinasabi lang niya sa akin ay galing daw siya kanila kuya, namimiss niya raw kasi ang mga apo niya, kahit naman ako namimiss ko din sila kaso may work e hindi makadalaw palagi kanila micko at rachelle. Next weekend pupuntahan ko talaga sila, miss ko ng asarin ang mga pamangkin ko. Hahahaha.
After a few minutes na paglalakad nakarating na ako sa bahay nila ly, nakita ko rin na naglalaro si Athena sa may garden nila, mababa lang kasi yung fence nila hanggang bewang ko lang kaya kita agad sa labas kung may tao sa may garden nila, may kalaro siyang lalaking nakatalikod sa akin. Ito na siguro yung kuya ni ly.
"Baby bubwit!" tawag ko kay athena. Agad naman siyang napatingin sa akin. Actually, dalawa pala silang napatingin sa akin. Hindi ko lang masyadong makita itsura nung lalaki, malabo kasi mata ko e. Nakalimutan kong suoting yung eye glasses ko pero macho macho ang datingan niya.
"Tita!" sigaw ni athena pagkakita niya sa akin. Tumakbo agad siya papunta sa akin habang yung lalaki naman nakasunod sa kanya. Pagkalapit nila binuksan agad nung lalaki yung gate, habang si athena naman tumatalon talon habang naghihintay mabuksan yung gate, nung mabuksan na agad siyang yumakap sa akin.
"Tita miss ka na athena! Bakit tagal mo pumunta dito? Sabi mo play play tayo lagi." sabi sa akin ni athena habang nakayap pa rin sa akin. Kinalas ko ang yakap niya sa akin at binuhat siya para pumasok na sa loob ng bahay nila. Paniguradong nanonood nanaman ang nanay nitong si ly ng mga movie or series.
"Sorry na baby bubwit ko, busy kasi si tita e. Alam mo naman nag teach si tita diba?" sagot ko agad sa kanya. Teka! Parang may nakalimutan ako ah. Ay shit, yung lalaki pala hindi man lang ako nakapag hi. Napahinto tuloy ako at humarap dun sa lalaki. Nakasunod din pala siya sa amin, napahinto din siya nung huminto ako. Si Athena naman nilalaro na yung may kahabaan kong buhok. Hanggang bewang kasi ang buhok ko, hindi kasi ako nagpapagupit.
"Uh.. Hi?" bati ko dun sa lalaki. Ano ba yan puro ako lalaki, lalaki. Hahaha. Nakatingin lang siya sa akin.
"Ako nga pala si Misha Jane Bernardo. Ikaw ba yung kuya ni ly? Ano name mo pala?" pagpakilala ko sa sarili ko.
"Lyrico Asher Villarosa." sagot niya sa akin saka nauna ng lumakad. Ano yorn koya? Walkout ganern? Ayos din yung name nila ha, Lyrico Asher. Si ly naman ay Lyrica Ashie. Sumunod na rin ako sakanya, nakita ko naman na nanonood si ly sa may sala habang may kinakain. Sinilip ko yung kinakain niya. Eww pickles!
"Pickles nanaman kinakain mo!" sabi ko sa kanya sabay upo. Napansin kong wala yung kuya niya dun sa may sala. Ang bilis mawala a. Ano yorn nag teleport? Hahaha. Inupo ko naman sa may kandungan ko si athena. Inaayos ko yung nagulo niyang buhok.
"Alam mo naman te na nag ccrave ako sa pickles ngayon e." sagot niya habang hindi inaalis ang tingin sa pinapanood. Mamaya biglang umupo sa tabi ko yung kuya niya, may dalang paper bag. Napansin siguro siya ni ly.
"Oo nga pala te, si kuya lyrico. Kuya siya yung sinasabi ko sayo si misha." pagpapakilala niya sa amin ng kuya niya.
"Ah oo, nagkakakilala na kami ng kuya mo kanina. Kasama niya kasi si bubwit sa labas." sagot ko sa kanya. Tango lang sinagot ni ly sa akin at tinignan niya si athena na nasa kandungan ko at kinuha sa akin.
"Baby, amoy pawis ka na, kanina ka pa naglalaro a. Tara akyat muna tayo sa taas bihis ka muna." sabi ni ly sa anak niya.
"Akyat muna kami te, kuya ha. Palitan ko lang damit nito." tumayo na agad ito at iniwan kami ng kuya niya. Hindi man lang ako niyayang sumama, ang awkward tuloy. Ang tahimik namin parang may dumaang angel. Hindi pa naman ako sanay na tahimik. Pinanood ko nalang yung pinapanood niyang movie. The notebook nanaman. Ilang beses na niya tong napanood ah.
"Oh para sayo yan." abot sa akin ni asher ng dala niyang paper bag. Kinuha ko naman ito.
"Ano naman to asher?" tanong ko sa kanya
"Asher?" kunot noong tanong niya sa akin.
"Oo, diba second name mo yun? Ayaw mo bang tinatawag kang asher?" tanong ko sa kanya. Mamaya ayaw niya palang tinatawag siyang asher. Masapak pa ako. Hahaha.
" Sila mama lang tumatawag sa aking Asher. Yung mga friends ko, lyrico tawag sa akin."
"Hala! Ang feeling close ko naman pala! Sige lyrico nalang itatawag ko sayo." sagot ko. Nakakaramdam ako ng familiarity sa kanya, hindi ko alam kung bakit e alam ko naman kakakilala palang namin ngayon. Saka halata naman sa kilos niya na ngayon lang kami nagkita e.
"It's okay. You can call me Asher." sabi niya saka tipid na ngumiti. Nginitian ko nalang siya at nag thank you sa binigay niya. Mga pasalubong siguro to. Excited na akong silipin anong laman nitong paper bag kaso nakakahiya lang kay asher.
"You can take a look what's inside that paper box, you know. I think your excited to see what's inside that box." biglang sabi niya.
"Hala! How did you know na excited akong tignan?! Sinabi ba ng kapatid mo sayo?"
"Don't worry, hindi niya sinabi sa akin." sabi niya habang nanonood siya nung the notebook.
"Eh. How did you know?" naka taas kilay kong tanong sa kanya kahit hindi naman niya nakikita.
"I just know." sabay tingin niya sa akin at ngumiti. Infairness, ang pogi niya ha. Black hair, pointed nose, gray eyes, halata ding alagang gym yung pangangatawan niya saka mas matangkad din siya sa akin. 5"8 lang ako pero hanggang balikat niya lang ako. Medyo may hawig nga siya kay Jamie Dornan ng Fifty Shades of Grey eh. Hindi namin napansin na nakababa na pala sila ly at athena. Nakatingin din kasi siya sa akin e.
"Ehem. Ehem! Kailan niyo balak tumigil sa staring contest niyo ha?" sabi ni ly. Natauhan naman ako kaya nagiwas ako ng tingin kay asher at tumingin na kay ly. Pagtingin ko sa kanya nakita ko siyang naka smirk sa akin. Napa roll eyes nalang tuloy ako.
"Mommy what's staring contest? Can I join that contest?" inosenteng tanong ni athena sa baliw niyang nanay.
"Baby, of course pwede kang sumali sa contest together with your tita misha and tito asher. The loser will kiss the winner!" sagot ni ly sa anak niya. Baliw talaga to kung ano anong tinuturo sa anak.
"Really mommy?! Yehey! Heard that tita, tito. I can join to that staring contest with you two!" sigaw ni athena sa amin ng tito niya. Sabay takbo papunta sa tito niya at nagpakandong at yumakap sa tito niya. Ang sweet sweet talaga ng batang to. Ang sarap ampunin, saka nakakagigil.
"Te, Kuya punta muna akong kitchen magluluto lang ako ng pananghalian natin." sabi ni ly sa amin.
"Tulungan na kita ly." alok ko sa kanya ang awkward kaya. Maiiwan nanaman kami ng kuya niya.
"Hindi na te, Kaya ko na to." sagot niya saka naglakad papuntang kitchen. Umupo nalang ulit ako ng maayos saka tinignan si athena na nakayakap pa rin sa tito niya at nilalaro ang buhok nito. Nang mapatingin sa akin si asher, tumingin agad ako sa tv para manood kesa tignan si athena. Mamaya sabihin pa ni asher siya tinitignan ko.
"Tita lapit ka sa akin. Hug din kita." biglang sabi ni athena.
"Naku, athena naka yakap ka pa kay tito mo e. Tara dito ka. Hug kita." pag tap ko sa kandungan ko para lumipat siya sa akin. Nakita ko na binulungan niya tito niya. Ano kaya binubinulong nitong bubwit na to? Pag katapos niya bulungan tito niya nagulat nalang ako ng nag deep sigh si asher at biglang humarap sa akin. Nasa kandungan pa rin niya si athena saka siya nag lean forward papunta sa akin. Napasandal tuloy ako bigla sa may arm rest nung sofa nung lumapit sila sa akin, tapos biglang niyakap ako ni athena palapit sa kanila ng tito niya. Nanlalaking matang napatingin agad ako kay asher nung naramdaman kong napahalik siya sa pisngi ko nung bigla akong niyakap ni athena. Nakita ko rin na nagulat siya sa nangyari. Napahiwalay tuloy agad ako sa yakap ni athena at umayos ng upo. Shems! Athena! Anong ginawa mong bata ka! Umayos na rin siya ng upo ng magpababa si athena para pumuntang kitchen.
Awkward.
----------------------
1483 words