Mapaglarong Pag-ibig (Meniza Cousins Series #1)

Jin_skyblue
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1: Bully

Late na akong bumangon nang dahil narin sa antok.

Katabi ko ngayon ang pinsan kong half baliw half matino. Siya si Katnis Shania Gremory, the one and only daughter of Mr. and Mrs. Gremory.

Kalilipat lang din niyan bale nag exchange kami ng papasukan dahil sawa na daw siya sa pambubully ng mga schoolmates niya.

Nagtataka rin ako kung bakit siya lilipat ng ganun ganun lang?

Kaya nakipag deal sya sa akin para maka higante sa 'tukmol' na tinutukoy niya. Kami lang ang nakakaalam nito,ang tanging dinahilan namin ay gusto kong makapasok sa school niya, and that's it!

Dito siya nag stay sa amin for two weeks para makapagbonding rin kami kahit papaano.

Flashback...

Nakita kong umiiyak ang cousin ko. Syempre mabait akong pinsan kaya tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak.

Every night ko siyang nakikitang umiiyak and then I asked her.

"Kat,may problema ba?" I asked her and she just nodded.

Alam kong kailangan niyang may masasandalan, pano ba naman kasi wala man lang siyang kapatid at ang parents din niya always busy sa businesses nila.

" He bullied me.*snif*"Sabi niya at sabay punas ng luha sa mukha.

"Sino?"tanong ko sa kanya.

Ikinuwento niya lahat sa akin ang nangyari sa kanya sa school. Palagi nalang daw siyang pinagtritripan ng 'tukmol' na'yon, wala siyang binanggit na pangalan kung sino man 'yon.

Naisipan kong tulungan siya. Di pa daw siya nakaganti sa tukmol na iyon, kilala ko ang pinsan ko mahinhin siya at pinapabayaan lang niya ang sino mang mambully sa kanya. Mayaman at sikat daw ang nambully sa kanya. May clue na rin ako kung sino ang tinutukoy niya,matangkad daw, maputi, matangos ang ilong, mapupungay ang mata, bad boy ang dating, at sikat raw sa school. Luh ang gwapo naman niya para mambully!

" Sure ka ba kat?"tanong ko.

"Maaga siyang pumapasok para mang-asar,may mga barkada din yan. Mahilig siyang mag basa ng libro sa tuwing umaga. Ah basta ikaw na ang bahala sa kanya, siguraduhin mong mapapahiya siya sa harap ng maraming tao." Sabi niya.

Tumango nalang ako at sinunod ang utos niya. Lumipat na rin siya ng school para lumayo don sa tukmol na iyon.

End of flashback.

Nasa kwarto ako ngayon, naghihintay ng ka chat sa fb.

Tok~tok~tok~

"Sino yan?!" Pasigaw na tanong ko.

"It's me! I'm Heidi! Can I come in?"

" OK," tipid kong sagot.

"Ba't naparito ka?" Tanong ko sa kanya.

" Nothing. I just wanted to visit you," sabi niya habang nakangiti.

"Pasukan na pala next week, anong plano mo?"

'Anong plano ang tinutukoy niya?'

"Huh?" kunot noo kong tanong.

" I mean, mag mall muna tayo. May bibilhin lang ako sa mall," sabi niya .

"Sige wait, magbibihis muna ako,"

Nagbihis ako ng v-neck shirt at jeans.

After kong magbihis dumiretso na ako kaagad sa garage para sumakay at buti nalang nandito si kuya driver hehe.

" Ma'am Leigh mag seatbelt po kayo," sabi ni kuya driver at sinunod ko naman ang sinabi niya.

**************************

Matagal kaming nakapili ng T-shirt dahil choosy 'tong si Heidi Claire.

"Waaahhhhh!!!!....."

Nanlaki ang mata ko sa reaksyon ni Heidi muntik na magkagulo lahat ng tao sa mall dahil sa sigaw ni Heidi.

"Hoy ba't ka sumigaw" tanong ko rito. Nagsikinang ang mata niya sa t-shirt na napili niya,akala ko may daga sa mall. Di pala.

"Muntik na akong himatayin sa'yo!"

" Bakit ba?" Hay naku nagtanong pa!

"Kung makasigaw ka wagas eh. Alam mo namang maraming tao ang matatakot sa sigaw mo!" saway ko sa kanya.

"It's OK my bes, ako lang naman ang nagmamay-ari sa mall na ito," pagmamayabang niya. Totoo na sa kanila 'tong mall na ito kaya feel free siyang sumigaw kahit ano mang oras niyang gustuhin.

"Ano? Tapos ka na ba dyan?" tanong ko.

Naiinip na ako sa kakaantay sa kanya.

"Wait, may pipiliin pa ako yung mababagay sayo kasi sa tingin ko walang ka taste taste yung style ng damit mo puro lusyang," sabi niya sabay pigil ng tawa.

" Tsskk," singhal ko.

Since birth pa, di ko talaga bet ang magsuot ng fashionable dress and so on.

"Oh ito!" sabay abot niya sa'kin ng loose dress.

"Hoy...magmumukha ako nitong namang!" sigaw ko sa kanya. Tinawanan lang niya ako.

"Di ba mga loose naman ang gusto mo?" Pilyang sabi niya.

"Eh kung batukan kita d'yan?" banta ko sa kanya.

"Kung kaya mo?" mapang-asar na sabi niya.

"Kaya ko ngang manuntok batok pa kaya?" seryosong sabi ko.

Nakapout siyang nakatingin sa'kin.

" Ang sama mo naman bes," nanlulumong wika niya.

'Tsk.masama talaga ugali ko 'pag pinagtripan ako lalo na't pinapakialaman nila ang mga sinusuot ko.

"Bilisan no na nga dyan. Gutom na ako," maktol ko.

Binalot na ng cashier ang mga binili namin, I mean kinuha pala ohhh wait mali ninakaw ni Heidi.

" kain muna tayo?" tanong niya. Di na ako sumagot at patuloy lang sa paglakad.

"Bes galit ka parin ba?"

" Hindi, kelan naman naging magkapareho ang gutom, sa galit?"sarkastikong tanong ko. Ngumisi lang siya at kinaladkad ako papuntang 'Korean Resto?!'

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya. Sinamaan lang niya ako ng tingin.

" Akala ko ba gutom kana?"

"Oo nga!" Sagot ko.

" Malamang kakain tayo," pagtataray niya.

"Ganun ba? 'kala ko kasi mga kambing lang ang pumapasok dito," sabi ko at sabay tingin sa picture ng mga dishes nila.

" Pfftttt HAHAHAHAHAHAHA," tawa lang ng tawa si Heidi habang nakatingin sa'kin.

"Nagpapatawa kaba? Syempre mas healthy yan kainin, noh! HAHAHAHAH!"

'TSS..baliw!'

Saan naman ang healthy dyan? eh puro damo lang yan.

" Try mong kumain bes baka magustuhan mo," sabi niya at sabay hila sa'kin paloob.

Umupo kami sa left side sa pinaka dulong bahagi. Sa wakas narito narin ang waitress.

"Hello po sa inyo ma'am. Ano po order niyo?" tanong ng waitress.

Blahh blahh blahh blahh.....

" Here's your order ma'am."

"Thanks."

Ano to?!

" Kain na!"

Inorserbahan ko ang mga pagkain na nasa harapan ko. Parang masarap naman 'tong isang pagkain. So, kakain na ako.

"Masarap ba?" tanong niya. Tumango lang ako.

Panay ang subo ko sa fried chicken na iyon. Halos mabilaukan ako sa nakita ko ngayon.

'Siya?!

"Oi!"

Binalewala ko lang ang nakita ko.

Walang kaenjoy-enjoy 'tong lakad namin.

" Bes salamat sa libre ko hah?" biro ko. Sinamaan na naman niya ako ng tingin.

"Tsk... ako ang nanlibre! Ako!" OA naman nito.

Tss...di mabiro.

" OK kalma lang!"pagpapakalma ko sa kanya.

Kumalma naman siya at panay subo sa cake na binili niya.