Chereads / Paper Airplanes (on-going) / Chapter 1 - PROLOGUE

Paper Airplanes (on-going)

Fortem_stories
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 5.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - PROLOGUE

Hindi ako makapaniwalang pinagmamasdan ang lalaking nasa harapan ko ngayon, he's wearing a black polo and then a white jean ang kanang kamay niyang may hawak na maleta at ang kaliwang kamay niya na nakapasok sa bulsa ng pantalon niya.

Hindi ko alam kung bakit siya andito? Kung tama nga ang hinala ko, hindi paba siya pagod? At ako ang napapagod sa kaniya! Hindi naman siya seryoso!

Alright, it makes sense na dito siya lilipat at magiging kapit-bahay ko na siya, pero ang hindi ko maipaliwanag ay kung bakit... bakit dito siya titira? Kung kayang kaya naman niyang maka-afford bumili ng bahay. Ayaw niya talagang mag-paawat, ano? Inis akong tumingin sa kaniya pero tanging ngisi lang ang ibinigay niya sa'kin.

Bumaling ako sa silver vios niya na nakaparking sa gilid. Mukang mamahali iyon. Bakit hindi nalang niya ibenta? At pipili pa siya ng mas cheap na apartment. Malaki ang ngiti ni Mama nang makita niya si Kai. Kaya naman wala siyang pasabing hinila ako rito sa ibaba, para lang i-welcome ang putragis na lalaking nasa harapan ko.

"So, this is Kai our new neighbor..." pag papakilala ni Mama. "Kai, this is Regina, my daughter."

The guy... Kai offer his hand at me pero wala akong ibang ginawa kundi ang titigan lamang 'yon. "I know her, Madame," Kai said.

"Talaga?" tanong ni Mama at nagpabalik balik ng tingin sa aming dalawa. Habang ako ay nag-baba ng tingin sa kamay niyang hindi ko padin tinatanggap. "Totoo ba ang sinasabe ni Kai, Regina?" tanong ni Mama.

"Uhh, Oo," tumikhim ako at nag-angat ng tingin kay Kai.

"Paano?" pang-uusisa ni Mama.

Pareho kaming nagkatinginan ni Kai at hindi nakasagot, mukang nahalata naman ni Mama kaya ay tumawa na lamang siya saka ay kunyaring hindi siya nag-tanong. Pero paniguradong mamaya ay papaulanan niya ako ng mga tanong, hindi titigilan hanggat hindi siya nakakakuha ng sagot.

Hindi padin inaalis ang titig sa'kin ng putragis na nasa harapan ko. The way he looked at to me is the same how he look at when I first saw him. His features were stoic; his beautiful brown eyes, the color of the sun when it kisses to him, his coal hair is quite messy.

"Hindi mo ba tatanggapin? Anak?" tanong ni Mama at nag-baba ng tingin sa kamay niyang naka-angat padin hinihintay na mag-tagpo ang kamay naming dalawa.

Hindi sana at hahayaan kong mangawit ang kamay niya. I don't want to be rude so... I accepted his hand, and then smiled at him, fake. "Kai Olivares," pag papakilala niya. Parang hindi ko siya kilala, ah. Palihim akong napairap saka ay agad ding bumitaw sa pagkakahawak niya.

"Regina," saad ko saka ay narinig ko ang palakpak ni Mama parang may kung ano seremonyas ang naganap. Napatingin naman ako sa kaniya at pinanlakihan ng mata nang makita ko siyang kumindat sa'kin. My mom and her ship, alam ko na agad ang ibig sabihin neto.

"Masaya ako dahil may kapit-bahay na kasing edad itong si Regina! Puro kasi matatanda alam mo na malapit ang hospital at parke at mas mapuno ang lugar na ito," paliwanag ni mama habang umaakyat kami at nililibot si Kai sa kabuuan ng apartment building.

Malayo ang agwat namin pero hindi iyon hadlang para hindi ko maramdaman ang presensya niya. Ang pag-gulong ng kaniyang maleta ay naririnig ko habang ininilibot siya ni Mama sa ikalawang palapag ng apartment na pag-mamayari rin namin. Habang ako ay kunyaring nakikinig kay Mama. Pasimple naman siyang tumingin sa'kin, nag-taas ako ng kilay but he only gave me an amused smile. Maliban sa tunog ng maleta ay ang boses lang din ni Mama ang nag-e-echo sa hallway ng apartment, tahimik kasi rito at ang mga kapit-bahay namin ay paniguradong tulog pa. Alasais palang ng umaga.

"So, what do you think? Kai?" tanong ni Mama. "Pasensya kana at hindi gaanong kagarbo ang apartment na 'to. Pero madami namang may gustong umupa dahil malapit ang parke, hospital, palengke, at daycare rito."

"Its fine, gusto ko po ang ganitong apartment, tahimik," si Kai.

Maingay si Mama she loves to talk kaya naman pag wala siyang nakakausap ay nag-vivideoke siya. Kabaligtaran naman sila ni Papa, mana ata ako kay Papa. My features came from my Mom while my attitude came from my dad. Pero pag nagsama silang dalawa ay nagiging madaldal si Papa.

Binalingan ko ang lalaking nasa gilid ko ngayon at matiim na pinapakinggan ang bawat na sinasabe ni Mama. Nakikitawa pag may sinasabing nakakatuwa at sumasabat pag may tanong. Parang aso, huh? Hindi naman siya ganiyan ng magkakilala kami. Umiling nalang ako at binalingan si Mama na ngayon ay hawak ang paso na natabingi inayos niya 'yon at binitawan ng dahan dahan.

"So... the only available is upstairs kung saan din kami nakatira," si Mama saka ay dumiretso kami sa gilid para makaayat sa ikatlong palapag. Lima ang kuwarto kada palapag, ah? Impossible namang ma occupy lahat nang 'yon?

"Available pa ata ang nasa 4th floor, Mama," singit ko.

Lumingon si Mama sa akin saka ay binigyan ako ng tingin. "Remember, Kinuha na ni Lola Torres mo ang 4th floor ang ang isa namang kuwarto ay under renovation dahil isa 'yon sa muntik nang masunog."

Anim na palapag ang apartment na ito. The color of brown and a little a bit of touch of light orange ang tema ng apartment sa labas habang sa loob naman ay nakadipende na sa titira kung anong disenyo ang gusto nila. Ang ikaanim na palapag ay rooftop lamang habang ang unang palapag ay nagsisilbing garahe para sa mga taong may sasakyan.

"Oh? Wala rin namang available na apartment sa ikatlong palapag," paliwanag ko. Pinipilit na huwag maging katabi ng kuwarto ang lalaking nasa gilid ko.

"Meron pa... 'yung nasa tabi natin," sambit ni Mama. "Pero kung si Kai, siya pipili kung saan niya gustong umupa, 'di ba? hijo?"

Nakita ko ang pag-kamot ng batok ni Kai. "Uhh, kung saan po, ayos lang po sa'kin," kunyaring nahihiya niyang ani, tinalikuran kami ni Mama kung saan naman dumapo ang tingin ng lalaki sa'kin saka ay bahagyang lumapit at bumulong.

"We're getting closer and close? So what do you think? Mas maganda siguro na mag-katabi lang tayo ng kuwarto? Ano? Hmm?" he asked.

Umirap ako. Edi sa katabing apartment nga namin! Kunyari ka pang lalaki ka! Malaman lang talaga ni Mama kung anong tunay mong ugali, baka siya pa mismo ang mag-palayas sa'yo!

Umakyat na kami saka ay dumiretso sa katabing apartment na kung saan ay doon na maninirahan si Kai. He dropped his luggage and binuksan ang bag na nakasabit sa kaniyang balikat at may inabot doon na sobre hindi na 'ko mag tatanong. Bayad niya 'yon ng upa. Pero ang kapal naman?

"Advance payment for 6 months po..." magalang niyang ani.

So, mag-tatagal pa siya rito?! Nag-init ang ulo ko ng bahagya. May chance talagang makakasalamuha ko ang putragis na taong 'to! Akala ko ay hindi lang siya sa school mangungulit! Pero nag kamali ako aabot din pala hanggang dito. Bakasyon na bakasyon!

Nagningning naman ang mata ni Mama at hindi nag-dalawang isip na tanggapin iyon. Maliban sa pagiging sous chef ni Papa ay ang tanging pinagkakakitaan nila ang apartment na pinagmanahan pa sa magulang ni Papa. I crossed my arms and tilted my head nang tanggapin ni Kai ang susi saka ay binuksan 'yon dapat na aalis ako pero si Mama mukang excited bilangin ang pera.

"Regina! Ikaw na muna ang bahala kay Kai saglit, at kakausapin ko muna ang Papa mo," excited niyang sabi saka ay pumasok sa katabi lang naming pinto.

At ano? Maiiwan ako sa putragis na lalaking 'to? Hindi nalang ako sumagot pa dahil mas mabilis pa si Mama kay flash at wala na si Mama sa paningin ko hindi ko nalang pinansin sa halip lumingon ako kay Kai na ngayon ay malaya na 'kong sinusuri, you're not that dog after all? Nag-taas ako ng kilay saka ay inismiran siya.

I am very aware that my clothes are very shorts, it's not my fault, hindi ko alam na dadating siya besides hanggang tingin lang naman siya.

"You can do it on your own, papasok na 'ko na sa'yo naman ang susi," masungit kong saad at dapat na aalis ng hinila niya ang braso ko.

He gave me a smirked kung sa'n mas lalo kong nakita ang pagkakadepina ng kaniyang panga. Isa lang ang napansin ko mas lalo siyang gumgwapo, totoo ba ang ganito? Habang tumatagal gumagwapo?

Masyado mo na siya pinupuri! Regina!

"Scared at me? Eh?"

"Why would I?" pabalik kong tanong saka ay matalim siyang tinignan.

"Alam mona... baka ma fall ka uli."

Padabog kong kinalas ang pag kakahawak niya sa'kin. I crossed my arms like I didn't bother of what happened at the past. "Ang taas naman talaga ng tingin sa sarili mo? Ano?"

Nakita kong binuksan niya ang pinto saka ay humakbang papasok doon. Pinatong niya ang kaniyang siko sa gilid ng pinto kaya naman nakita ko kung anong pinagbago ng kaniyang katawan sa nagdaang araw, but it's still not changed the fact he just played on me, ngayon mukang nasiyahan siya kaya ay uulitin niya pero hindi nako magpapautong muli! I swear to myself that, with my right hand lifted and saying all the promises that I can promise to myself.

"Regina, alam kong matalino ka. Alam mo naman siguro kung bakit ako andito 'di ba?" he asked.

"I know... pag nalaman ito ni Mama siya na mismo ang mag-papalis sa'yo!" I said gritted teeth.

Bumuntonghininga siya. "Let's start over again," he said like it was a statement.

"Ayoko," I said in finality. Nakita kong umiling siya.

"Wrong answer, babe," he said.

"You can't decide on your own, Kai, remember, ikaw ang nangloko!"

He licked his lower lips. "I did not," he said.

Liar! Mariin na lamang akong napapikit saka ay bumuntonghininga ng marahas. "Leave, Kai please," I plead. "You want closure? I'll give you close. But after that you'll leave!"

He only gives me a devilish smile. "Hindi ko kailangan 'yan, Regina alam mo 'yan," mariin niyang sabi, he's breathing become heavy pinipigilan ang galit niya. Gusto kong matawa dahil siya pa ang may ganang magalit? Siya ang nag loko? Hindi ba?

Dapat na sasagot ako pero pinangunahan niya ako. He says something that I know it can lose my mind. Pero hindi na... hindi na 'ko papadala sa mga salita niya. I know that I am more than this.

"You know what I need, and that is you," he shut the door in front of me. Naiwan akong tulala at hindi alam kung paano siya papaalisin.