Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

EKA "The God Inside Me"

🇵🇭mixhinita
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.5k
Views
Synopsis
Mga panaginip.. Iyan lamang ang naalala ni Eka nang bigla siyang nagising sa isang laboratoryo. Nakagapos ang mga kamay at paa niya, marami rin nakatusok sakanya na kanyang pinagtataka. Kalaunan, isang kalagim lagim na usapan ang kanyang narinig mula sa mga tao sa paligid niya, kaya naman bumuhos ang galit niya at dahas niyang pinuksa ang mga ito. Ngunit habang nakikipaglaban bigla nalang siya nakakaranas nang kakaibang lakas, lakas na hindi pangkaraniwan taglay ng isang tao. At doon na niya kinuwestyon kung sino at ano siya.
VIEW MORE

Chapter 1 - Kabanata 1 "My Name"

Eka

"Eka, Ericka.."

"Anak halika na.. Eka?"

"Anak kakain na tayo, wag kana magpahabol.."

"Ericka anak.."

Tinig ng isang babae.

Malambing, napakalambing.. Ang lamig sa tenga nang boses niya. Sapag tawag palang niya ng pangalang Eka, mabubusog na ang puso mo nang pagmamahal.

Teka

Eka??

Ericka??

Sino ba si Eka?

Ako ba? Si Eka?

Bakit napakaliwanag ng paligid.. Halos hindi ko maaninag ang mukha ng babaeng humahabol sakin.

"Habulin mo ko mama." aniko.. Pero bakit ang liit ng boses ko? Para akong limang taon lang.

"Anak halika na.. Hulika!" masaya niyang sabi sabay hablot sa aking kamay.

"Mama!!!" sigaw ko sabay dilat ng aking mga mata.

N-Nasan ako? Bakit hindi ako makagalaw?

Nagpalingon lingon ako sa paligid at nakita ko ang mga kagamitan na pang ospital at isang aparato na sobrang liwanag sa harap ko.

Gumalaw ako nang kaunti at nakita ko ang aking mga kamay na nakagapos. Maraming nakatusok sakin na mga kurdon. Ano ba ang mga ito, may sakit ba ako? Ospital ba ito??

Hindi.. Hindi ito ospital. Nasan ba ako? At ano ang mga bagay na ito??

Maya maya naman ay may narinig akong mga yapak nang parang tatlong tao.

Kinabahan ako nang sobra. Na tipong halos hindi ako makahinga.

Teka ba't ako nakakaramdam nang ganito?

Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?!

Kaya naman pumikit na muna ako.. Dahil hindi ko alam ang maari nilang gawin kapag nakita nila akong gising.

Bumukas ang pinto. "Ahh.. Pero ang ganda nung isang dumating no? Para siyang manika." giit ng isang lalaki.

"Kaya nga eh, ang alam ko pwede naman natin galawin, tutal wala naman na nakakasurvive sa gagawin sa kanila.. Sayang naman." ani ng isa pa.

Ano? Anong mga sinasabi nila?? Anong galawin?

Teka wag niyong sabihing?

"Oo pwede, nakita ko si Corporal, hiniram niya yung isa kagabi. Ang ganda rin nun.. Sobrang sexy." kinikilig na sabi ng pangatlong nagsalita.

Halos manginig ang kalamnan ko sa mga narinig ko. Panoo ako? Anong gagawin nila sakin? Ganun din ba? Ayoko.. Ayoko!!

"Eh kamusta yung ginalaw ni Corporal?" tanong ng isa..

"As usual wala na." nanghihinyang na tugon.

"Haays.. Kawawang mga bata.. Mamaya hiramin ko na yung maganda na iyon. Para bago siya mamatay diba." banat ng isa sabay tawa, naghagikgikan sila na tila mga baliw.

Mga demonyo!!! Mga hayop kayo!! Bakit hindi makakasurvive? Ano bang mga ginagawa niyo!!

"Ang saya naman magtrabaho sa test lab na to.. Busog na busog mga mata ko." gigil na pagkakasabi nito.

Tsk!!! Anong gagawin ko, baka ganun din gawin sakin.. Kaya ba nakagapos na ko?

Anong gagawin ko hindi ako makagalaw..

"Tignan mo ang isang ito." ani ng isang lalaki, natigilan ako dahil ang lapit na pala nila sakin.

"Ano kaya kung galawin na natin, tutal hindi narin naman ata to magigising.. Tignan mo naghahabol na ng hininga."

"Pero hindi pwedeng galawin yan tanga.. Baka madali tayo."

"Ssshhhh.. Di yan maya maya yan pustahan pa tayo wala naring hininga yan.. Susunugin nalang din."

"Tara sayang naman."

Bastos na mga lalaking to!!

Anong gagawin ko? Nakakatakot ang mga tawa nila.. Dinig na dinig ko na sobrang papalapit na sila sakin.

Maya maya naman ay naramdaman ko ang paghaplos ng isang kamay sa aking kanang paa.

Lalong kumabog ang dibdib ko ng humawak ang isa sa aking binti..

Hindi! Hindi to maaari! Utang na loob wag!!

At maya maya naman ay naramdaman ko ang isang kamay sa aking tiyan at dahan dahang bumaba papalapit sa aking pagkababae kaya naman napadilat ako na kinagulat nila.

Tinitigan ko sila nang masama at bigla silang nagsibitaw sa akin. Nakasuot sila ng laboratory gown.

Habang nakatitig sakanila'y nakaramdam ako nang isang mainit na enerhiya na tila dumadaloy sa lahat ng ugat ko.

Napasigaw ako nang sobrang lakas sabay baklas lahat ng mga nakakabit sakin. Sinira ko maging ang aparatong nasa harapan ko.

Sobrang galit na galit ako.. Gusto kong wasakin lahat!! Sirain lahat nang nasa paligid ko!!!!

Nagsitakbo naman ang tatlong lalaki, mga takot na takot sila...

Mga hayop kayo magsibalik kayo dito!! Papatayin ko kayo!!!

Bago ko habulin ang tatlo nayon.. Dinurog ko muna nang pino ang lahat nang makita kong aparato sa kwarto. Gusto kong siguraduhin na wala na silang mabibiktima.

Nang matapos ako, tumakbo na ako palabas para hanapin ang tatlo.

Di niyo ko maiisahan!! Di kayo makakatakas!!!

Mga susunugin ko rin kayo!! Susunugin ko kayo!!!!

Maya maya naman ay tumunog ang isang alarm at nagpula ang paligid.. Mukang naireport na ako.

"Hoy!! Hanggang diyan ka nalang!!" hiyaw ng isang lalaki sa aking likuran, akin naman narinig ang pagkasa niya ng baril. Sobrang linaw nito sa aking pandinig. Sobra linaw na tipong alam ko kung kailan niya papuputukin ito.

"Dapa!!" Muli niyang hiyaw ngunit hindi lang ako kumilos.. Wala akong paki, ang gusto ko lang gawin ay sirain ang buong lugar na ito para matigil na ang kahibangan nila.

"DAPA!!!" mas malakas niyang sigaw kaya naman humarap ako sakanya na kinagulat niya.

Pinaputok niya ang baril..

Huh??

Bakit parang ang bagal nang pagpunta sa akin ng bala?

Totoo ba itong nakikita ko??

Kitang kita ko ang hangin na umiikot sa bala na pinakawalan niya.

Shhhhh.. Wala na akong paki, mabuti narin tong nakikita ko para makaiwas ako.

Natulala siya nang iniwasan ko lang ang mabilis na bala, tila siya nakakita ng multo.

Ito lang ang masasabi ko.. "ISA KANG HANGAL!!" sigaw ko sabay sugod sa lalaki at suntok sakanya nang napakalakas.

Humahis siya sa malayo at hindi na nagawang makabangon pa. Nawalan nalang ito ng malay at napangiti ako.

"Yan ang nababagay sayo!" aniko sabay takbo muli..

Maya maya naman ay narinig ko ang maraming tao na papunta sakin.. Naririnig ko ang mga armas nila..

Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin pero mas mabuti na ito para makatakas ako at mailigtas ko ang iba pang biktima.

Nakarating ako sa isang malaking hall. Ang daming gamit dito. Sandamakmak ang malalaking kahon, ano kaya ang laman nang mga ito?

Bigla naman ako napalibutan ng sampung katao, lahat sila may armas na nakatutok sa akin.

"Hindi ka na makakatakas.. Ang mabuti pa sumuko ka nalang." ngitngit ng isang mama na nakabihis na pang sundalo.

Teka ano bang ibig sabihin nito? Bakit may mga sundalo sa lugar na ito..

Shhhh.. Kanina mga doctor ngayon naman mga sundalo.. Ahh naalala ko na Corporal!

Iyon ang sabi kanina ng isa sa mga doctor. Ngayon naiintindihan ko na..

Ibig sabihin kayo ang mga kalaban namin.. Pwes di kayo magwawagi!!

Humanda ka sa akin Corporal ka!!

"Dapa!!" hiyaw sakin ng sundalo.

Tsk bakit ba ang hilig niyo magpadapa??

Pwes matitikman niyo ang nangyari sa isa niyong kasama!!

Tumalon ako nang mataas kaya naman sabay sabay sila nagpaputok ng baril.

Hah!! Malas niyo lang kitang kita ko ang mga bala niyo na napakadaling iwasan mga hangal!!

Sumigaw ako nang napakalakas sabay balik sa lupa at sipa, suntok, hagis, sampal!!! Lahat nang pwedeng gawin sa mga hayop na ito ginawa ko!! Bilang ganti sa mga ginawa niyo sa mga katulad ko!!

"MGA HAYOP KAYO!!" naghihinagpis kong sigaw sabay hagis lahat nang makita ko sakanila.. Wala silang nagawa, ni hindi manlang sila nakakasa nang isa pa.

"Sob..sobrang bilis nya." bulong ng isang sundalo na nanghihina na.

Kalaunan ay may narinig akong mas marami pa sa sampung katao.

Agad kong kinuha ang baril at kutsilyo ng isang sundalo sabay talon at tago sa mga gamit sa itaas. Mabuti nalamang at may parang budega dito sa itaas na ito. Makakapag tago ako..

"Anong nangyari dito?" Giit ng isang lalaki na nakabihis na pang opisyal na sundalo.. Mukang mataas ang rank nito ahh.. Hmmnn.. Sino naman kaya ang kasama niyang nakabihis pang doctor?

"Amo..." Ani ng isang sundalo na nakahandusay sa sahig, sabay tingin sa isang doctor na gulat na gulat din sa tumambad sakanya.

"Jefferson anong nangyari dito?" Tanong nang doctor at lapit sa sundalo.

"Amo si.. si Eka." Huling salita ng lalaki dahil nalagutan na ito ng hininga.

Amo?? Ikaw? Ikaw ang amo nila??

Hayop ka!! So ikaw ang may pakana nito?!!!

Humanda ka sakin sisiguraduhin kong di kana makakalabas ng buhay dito!!

Kaya naman sinumulan ko ng magtutok ng baril.. Pero di muna kita uunahin AMO!!

Agad kong sinimulan mambaril ng mga sundalo.. Sinigurado kong lahat sa ulo ang tama.

Nakalima agad ako at lahat sila natakot.

"Sa itaas!!" Sigaw ng isang lalaki kaya naman pinaputukan nila bawat sulok ng lugar ko.

Malas niyo lang kitang kita ko saan papunta lahat ng bala nyo. MGA HANGAL!!

Kaya naman nagmadali na kong ubusin sila. Ngunit sa hindi inaasahan ay naubos na ang bala ko..

Tsk may isa pang nakatayo.. Shhh.

Agad nalang kong tumalon pababa sabay hagis ng kutsilyo sa natirang sundalo.

Napasigaw si Amo sabay upo sa sobrang takot. Ni hindi na niya alam kung saan siya babaling.

"Hi amo." Sabi ko sabay tingin sa mga mata nya.

"E...Ericka?" Aniya sabay iyak.

"So alam mo pala kung sino ko." Seryoso kong sabi sabay hakbang papalapit sakanya.

Napaatras siya nang kaunti.. Nanlalaki ang mga mata niya sa gulat at takot habang umiiyak.

"Hindi ko alam kung ano iniiyak iyak mo Amo." Giit ko sabay lapit sa kanya, naupo ako at aking kinuha ang baril ng sundalo sa tabi nya.

"Kung ako sayo amo hindi kayo dapat gumagawa ng ganito. Test?? Samin? Huh?!! At pagsasamantalahan niyo kami!!" Sigaw ko nang galit na galit kaya naman nagulat sya.

"Ano?! Teka hindi mo ata naiintindihan!!" nagsusumamo niyang usal, narindi ako kaya naman sinalaksak ko sa bunganga niya ang baril.

"GAGO!! NAIINTINDIHAN KO! HINDI AKO TANGA!! MGA HAYOP KAYO!! Mga walang hiya kayo!!" Naghuhumiyaw kong sabi habang umiiyak.

"A... ak, E... Ka." Nabubulunan niyang sabi.

"Katapusan mo na amo." bulong ko ng mahinahon sa tenga niya.

Kaya naman nagpumiglas siya, hinawakan ko siya nang mahigpit sabay paputok ng baril.

Nalagutan ng hininga si Amo sa aking bisig, humawak pa siya sa aking pisngi at haplos rito.

Paalam amo....