Chereads / I'm She not He (Tagalog ) / Chapter 8 - Chapter 7 : First Meet

Chapter 8 - Chapter 7 : First Meet

Habang papunta ako sa loob ng gubat ay nakaamoy ako ng dugo

"Mukang may mga halimaw agad sa paligid, kailangan kong mag-ingat" sabi ko habang tumitingin sa paligid

Habang papasok ako ay mas lumakas ang amoy ng dugo kaya sinundan ko iyun at pagtingin ko ay naparaming halimaw ang nakapaligid na sa gitna ay isang nakahandusay na lalaking sugatan ng biglang aatakihin na siya ng isang halimaw ay agad akong bumuga ng apoy kaya lumuyo sila at tumalon ako papunt dun sa lalaki.

"Hoy!!, gumising ka!!! Wag kang matutulog!!" Sigaw ko ng biglang may isang may isang tubig ang bumuga sakin kaya gumamit ako ng apoy para gawin itong pangharang at laking gulat ko na yung tubig ay dumikit sa puno na ikinalusaw naman nito

"Huh?, asido??, mukang delikado ha"

DING!! DING!

WARNING!! WARNING!! LEVEL E MONSTER

"So what" sabi ko at ginamit ko ang kamao ko na may apoy at sinutok ko ang halimaw ng buong lakas ko na ikinatalsik niya.

Biglang umatake sakin ang ibang halimaw kaya inilabas ko ang espada na dala ko at nilagyan ko iyun ng QI ko

"Heh, It's Hunting time" bigkas ko at sumugod ako sa kanila gumamit apoy sa kabila kong kamay dahil may yelong halimaw akong kalaban.

Habang inaatake ko ang iba ay biglang may isang galamay na umatake sakin na ikinatalsik ko

"Arghhh, grabe bakit di ko iyun napansin" sambit ko habang dahan dahang tumatayo

DING!! DING!!

WARNING!! WARNING!! LEVEL D MONSTER, NAPAKALAKAS SURVIVAL RATE IS 5% ONLY

"Kung ganun ito ang Level D monster " saad ko dahil nararamdaman ko ang lakas ng enerhiya mg halimaw na ito itsurang pusit siya na octupos na sobrang laki

Aatake na sana ako ng biglang nakita ko yung lalaki na nakahandusay ay pilit na tumatayo

"Tu....tumakas kana " mahinang sabi nito habang pinipilit niyang tumayo

"Pasensiya na Manong pero hindi ako narito para iligtas ka nandito ako para pumatay ng halimaw" sabi ko sabay lumapit ako sa kanya ng makita ko ang muka niya ay nagulat ko dahil ang kabila niyang muka ay may mga marka or parang tattoo na chinese letter sa muka niya na hanggang leeg,pero kahit na ganun makikita mo parin ang kagwapuhan niya, pulang labi, matangos na ilong at black na black na buhok niya.

"Kung ganun isa kang Master Beast" bigkas niya

"Hmm, parang ganun nga" sabi ko naman

At nagulat kami dahil biglang nagbuga ng ink ang halimaw na pusit kaya napaattras kaming dalawa, nakaramdam ako ng hilo at panghihina na ikinahina ng tuhod ko kaya napaluhod ako

"Huwag kang humingi isa yang lason!!" Sigaw naman ng lalaking kasama ko

"Shit, lason na naman" saad ko kaya tumalon ako ng mataas at ng mawala na ang hilo sakin ay nagulat ako dahil biglang hinampas ako ng galamay at tumalsik ako sa mga puno

"Arghhhh, sakit sobra sh*t nabalian yata ako sa likod ko" isip ko kaya agad akong gumamit mg apoy sinunod ako ang isa niyang galamay na naging abo

"Hmmp, ano ka ngayun!!" Isip ko at ginamit ko ang espada ko at kinontrol ko ito gamit ang QI ko upang tirahin abg mismong mata at sumugod rin ako ng masugatan ko ang mata niya

"Chances na ito" isip ko at gumawa ako ng napakalaking apoy at tumalon ako ng mataas papunta sa halimaw at dun ko itinira ang malaking bolang apoy sa kanya kaya ginamit ng halimaw ang mga galamay niya para pigilan ito

"Sh*t, pero di ako susuko" isip ko ng biglang makita kong hiniwa ng lalaki ang mga galamay ng halimaw kaya

Itulak ko ang apoy gamit ang kamay ko at gumamit ako ng QI  para sa ganun mas malakas ang impact nito at biglang sumabog ng napakalakas kaya napapikit ako pagmulat ko ay nakita kong nakahiga ako sa lupa at pagtayo ko ang halimaw ay sunog na sunog na

"Ha,ha,ha wow ang galing sobra ako ba talaga may gawa nito" sabi ko sabay lumapit ako sa halimaw at kinuha oo mismo ang pinaka core ng halimaw pagkuha ko ay bigla na lang ito naging abo.

DING!! DING!!

CONGRATULATION YOU KILLED LEVEL D MONSTER YOU GAIN 20 POINTS, YOU NEED TO SLAY 15 MORE MONSTER TO COMPLETE THE TASK

"EHH, 20 points lang iyun grabe tapos may 15 pa akong papatayin, grabe ka naman system " sabi ko ng bigla kong naalala yung lalaki kaya lumapit ako

"Maraming salamat sa tulong mo" wika ko

"Hindi ako dapat ang magpasalamt kung hindi sayo siguradong pinagpipyestahan na ako ng mga halimaw na iyun" sabi niya

"Ah, ganun ba"sabi ko ng biglang natumba siya sakin na ikinabaksak naming dalawa sa lupa

"Ah, ayus ka lang ba" tanong ko habang  tinutulak ko siya palayo sakin at umupo ako habang nasa hita ko siya ng tinignan ko ang pulso niya unting unting humihina

"System, can you scan this man now" tanong ko habang tinitignan ko kung ano problema niya

SYSTEM BODY SCANNING INITIALIZING, WAIT FOR 5 MINUTES

"Huh 5 minutes pa, sigurado akong mamatay ang lalaking ito pag wala akong ginawa " sabi ko kaya dinala ko siya malapit sa isang puno at dun ko siya inihiga at dahan dahan kong tinanggal ang damit niya

"Kyaaahh!!!, first time tong mangyayari sakin , grabe kinakabahan ako" isip ko habang namumula na ang muka ko

Ng natanggal ko na ay bumungad sakin ang abs niya na 6 packs na katawan na puro sugat

"OMG!,a...ang hot niya first time ako makakita nito sa totoo kasi puro picture lang ako but now totoo na at mahahawakan ko pa" sabi ko habang nakatingin ng maigi sa katawan niya nagulat na lang ako ng biglang lumitaw si system

SCANNING THE BODY COMPLETE

Pagkasabi niya nun ay may lumbas sa katawan niya mga information about sa sugat niya kasama rin ang mark sa muka niya na hangang leeg na niya.

"Hmm, meron siya bale sa kabilang binte niya, may malalim na sugat siya sa tagiliran niya, at may lason pa sa buong niyang katawam kasama na rin ng mga sugat niya sa ibat ibang parte ng katawan niya" basa ko

"Himala at buhay ka pa" wika ko

"System may First Aid Kit kaba?" Tanong ko

MERON, 50 POINTS ONLY

"OK, I buy it" pagkasabi ko nun ay lumabas sakin ang isang box at pagkita ko nandun na lahat ng kailangan ko

"Hmm, wala ako masyadong alam sa medicine kaya ito lang ang magagawa ko" wika ko sa isip ko kaya agad kong ginamot ang mga sugat niya sa abot ng makakaya ko.

"Hindi ko alam kung papaano ko gagamutin ang lason" saad ko kaya dahil gabi na rin kaya kumuha ako ng kahoy at gumawa ng bon fire at hinubad ko ang pinaka unang layer ng damit ko at nilagay ko ito sa kanya dhil nakita ko siya nanginginig

"Nakakaawa siya, Pero ang muka niya ang pinaka malala gamutin" bigkas ko

Sapagkat ang nasa muka niya ay isang curse mark na kung saan walang gamot dito para tanggalin, at habang tumatagal ay mas lalo siya papahirapan nito, ang curse mark sa katawan dadami at lalamunin ang buo niyang katawan at pag mangyari nun ay maaring ikamatay niya iyun

"System papaano ko ba tatanggaling ang lason sa katawan niya?" Tanong ko habang pinupunasan ang muka niya dahil nilalagnat na siya

SYSTEM INFORMATION ERROR

"Huh? Na naman" sabi ko kaya

"Kung ganun gusto kong hanapan mo ako ng doctor" sabi ko at nagready na ako para umalis

ROGER

Pagkasabi niya ay biglang may isang MAP na lumabas

"Hoy!, hintayin mo ako diyan ka lang" sabi ko sa kanya, aalis na sana ako ng biglang hinawakan niya ang damit ko

"Hu...huwag... wag mo akong iwan... parang-awa mo na.... ma...magiging masunurin na ako ...." he said in a weak voice kaya lumapit ako sa kanya

"Hmm,nananaginip kaya siya"

"Shhh, aalis lang ako sandali babalik rin ako" sabi ko kaya binitawan niya ma ang damit ko pero di pa rin ako mapalagay kaya

"Tsk, pahirap" isip ko kaya binuhat ko siya sa likod ko at dahan dahan lang ako tumakbo

Ng makarating na ako sa pinaka harapan ng klinika ay kumatok ako

"TULONG!!! TULUNGAN NIYO KAMI ANG KAPATID KO,PARANG AWA NIYO NA!!" sigaw ko habang kumakatok ng napakalakas

Maya maya ay biglang bumukas na ang pinto at may bumungad sakin isang lalaking nakasuot ng puting kimono

"Tu.....tulong parang awa mo na ang kapatid ko may sugat siya at nilalagnat" sabi ko ng may kaba saking boses

"Huminahon ka, mas mabuti kung ipasok mo na siya sa loob para magamot ko" sabi niya kaya pumasok na ako sa pinakanloob ng klinika niya pagpasok ko ay na amoy ko ang napakabangong hangin na bumabalot sa buong kwarto at inilapag ko na siyabsa isang malinis na higaan

"Saglit lang tatawagin ko lang si Master Chen" pagkasabi niya nun ay umalis siya kaagad

DING!! DING!!

CONGRATULATION YOU MEET 3 CHARACTER

Pagkasabi niya nun ay biglang may lumabas na info sa lalaking dinala ko.

"Name : Li Jie Sheng, 14 years old, element all, stage 2 Zhuji , 5th prince and danger level unknown" basa ko

"A....ano isa siyang prince,mukang nakahanap ako ng jackpot" isip ko habang nakatingin ng mabuti sa lalaki

Biglang dumating ang napakagwapong lalaki na napakahaba ng buhok niya

Kasama na rin yung lalaki na nagpapasok samin

"Shifu, yan po malala ang sugat ng lalaki" bigkas naman niya ng may lumabas na info tungkol sa kanya

"Name : shaolin, 17 years old , disciple of master feng lin , elements earth , stage 2 cultivator, high risk "  basa ko

"Kung ganun isa siyang estudyante"

"Ako na ang bahala, kumuha ka ng maligamgam na tubig pati na rin ng gamot sa lason " sabi ng gwapong lalaki

na may info ulit na lumabas

"Name: Feng Lin, Master of pills and famous doctor , stage 9 cultivator, elements air, very dangerous " basa ko

"Wow, grabe mukang bigatin lahat ng tao dito sa paligid ko" sabi ko

Ng biglang makarinig ako ng ubo

"Kuya!!, ayus lang ba siya ha?" Arte na Nagaalala na sabi ko

"Huwag kang mag-alala pagnatanggal ko ang lason sa katawan niya ay ayus na " sabi ni Master Feng ng biglang may mga karayom siya nilipag at bigla na lang ito kusang gulamaw at tumusok  ito sa buong katawan ni Lie jie

"Ngayun ay napagilan ko na ang pagkalat ng lason, kailangan ko na lang tanggalan, shaolin kunin ang pills" pagkasabi niya nun ay umalis kaagad yung lalaki at pag balik at dala dala ang isang kahon na puno ng pills

"Ito na po shifu" sabi ni shaolin sabay abot ng kahon kay master feng lin na agad naman niya pinainom kay Li Jie sheng pagkatapos  ay gumamit siya ng Qi upang mailabas niya ang lason na nasa katawan at ng maipasok niya ang Qi ay umubo si Li Jie ng dugo senyales na lumabas na ang lason

"Ngayun ay ok na siya, ang pinakaproblema na lang ay yung  sumpa na marka na nasa muka niya" malungkot na sabi ni Master Feng

"Huh? Bakit di mo po ba kayang gamutin yung sumpa niya?" Malungkot kong sabi

"Hmm, hindi dahil isa yang sumpa ng langit para sa kanya, kaya tamging langit lang ang may kakayahang tanggalin yan" sabi niya na magpatahimik sa paligid namin

"Pero.. maraming salamat na rin at iniligtas mo siya" sabi ko at tumango lang siya

"Siya nga pala, ang lalaki niyan ay di mo talagang kapatid diba?" sabi habang paalis na

"Ah, ehh" sabi ko ng kinakabahan ako

"Hmmm, kung ganun mag-ingat ka na lang " pagkasabi niya nun ay sabay siyang umalis

"Grabe,mahirap magsinungaling sa stage 9  na cultivator" sabi ko

"Mas mabuti kung magpahinga kana lang rin sigurado akong bukas ay ayus na siya" sabi naman ni shaolin

"Hindi, aalis na kayo na sana bahala sa kanya" sabi ko aalis na sana ako ng biglang magsalita si shaolin

"Kung ganun isang tanong lang, ano ang iyong pangalan para sa ganun masabi ko sa kanya kung sino ang nagligtas sa kanya" sabi naman ni shaolin

"Hmm, Ryuu " sabi ko at tumango naman siya kaya umalis na ako ng klinika

DING!! DING!!

CONGRATULATION YOU COMPLETE A HIDDEN TASK, YOU GAIN 50 POINTS, IPAGPATULOY MO LANG ANG GINAGAWA MO

"Yup, yup" sabi ko sabay bumalik sa forest para gawin ko ang points ko

MASTER WANG POV

"Nakakainis kailan pa natuto ang batang iyan at papano niya nalaman yung kasunduan na ginawa ng babaeng iyun" isip ko habang umiinom ng tsaa

"Master Wang mas mabuti kung iligpit mo na tung batang iyun, sigurado akong siya ang sisira sa mga plano natin para kay kiddra" sabi ni Meng habang nakakapit sa braso ko

"Oo, nga tatay sigurado akong mapapahamak si kuya kiddra " sabi ni nuying

"Hmm, hindi muna pwede ngayun na kumilos tayo, tsaka na pagusapan na namin ni lolo ang gagawin sa kanya" sabi ko

Flashback

"Lolo, ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha? Akala ko ba hindi mo siya tatanggapin bilang isang apo mo, tsaka maaaring masira ang mga plano natin para kay kiddra at ang pangalan ng pamilya natin!" Sigaw ko

"Tahimik!, alam ko kung ano ang ginagawa ko" sambit niya habang nagngingitngit sa galit

"Hindi mo ba nakita kung ano ang ginawa niya, maruno na siya ng martial arts, at alam na niya ang QI " dagdag niya

"Oo, nga pero imposible naman na malaman niya.." bigla akong natigilan

"Oo, tama ka sigurado akong mag nagtuturo sa kanya," sabi ni lolo

"Ang hayop na yun!!, kung ganun aalimn ko kung sino ang nagtuturo sa kanya" pagkasabi ko ay tinawag ko ang Yingzi Shouwei

"Master" sabay na sambit ng dalawa

"Gusto kong manmanan niyo ang lahat ng kilos na gagawin ni ryuu" pagkasabi ko ay umalis na agad sila

"Kung ganun lolo anong gagawin natin?"

"Mas mabuti kung maghintay tayo ng konting panahon at sa oras na naging kampante na siya sa lagay niya ngayun ay tsaka tayo kikilos, kaya mas mabuti kung tratuhin niyo siya ng maayus" sabi ni lolo

"En " pagkasabi ko ay umalis na ako papunta sa bahay ni meng

End of flashback

"Kung ganun hahayaan muna natin siya ngayun" sabi ni nuying

"Pfft, sigurado akong masayang masaya yun ngayun, tama ka mas mabuti junf hahayaan natin ang kuneho na malunog sa bitag hanggang sa hindi na siya makaaahon at tuluyan ng malunog" sabi ni meng habang oinaglalaruan ang tsaa niya

*********************

Authors Pov

Guys, maraming salamat sa pagbabasa ng story ko, hope you like it. and pls.. to motivate my self just give me one star and I will be very happy thanks guysss...

Yingzi Shouwei = shadow guard

En = yes