Raven's POV
Weeks passed, and as day passes by araw araw may nagtatalo
Coma si Vlaize
Nag aalaga kami ng bata
Nagluluksa parin si Gio
Injured parin si Zayden
Napakagulo na, hindi ko alam kung kailan matatapos 'to
O ito na ba ang tatapos sa amin
I've been receiving threats everyday
Pero hindi ko sinasabi sa kanila dahil ayaw kong mas mag alala pa sila
Bawat lumilipas rin na araw ay natututunan naming mag alaga ng bata
Nitong mga nakaraang araw rin ay medyo lutang palagi si Zayden
Sa tuwing tatanungin naman ay ayaw magsabi
Pansin ko rin ang pagiging matamlay ni Rye mula nung macoma si Vlaize
Ayoko mang isipin pero sa tingin ko ay may nangyayaring hindi dapat
Kahapon ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kakilala sa underground
At ayon sa kaniya, hinahanap daw kami doon madalas.
May pabalik balik din daw na nagtatanomg tungkol sa amin
Paniguradong ang mga 'yon ang may pakana ng lahat ng gulo sa buhay namin ngayon
" Lalim ng iniisip ah " napalingon ako ng magsalita si Zayden
Naisipan nilang magswimming, siguro ay para makapag relax kahit sandali
" Bakit ka nagsosolo? " tanong niya bago nakilagok sa iniinom ko
" Just thinkin' about some things " simpleng sagot ko
" Alam mo Ven, hindi ka magaling mag sinungaling " he teased at umupo sa tabi ko
I sighed, kilala na naming lahat masyado ang isa't isa
" Sa tingin mo may patutunguhan lahat ng 'to? " tanong ko sa kaniya
" Oo, dalawa lang yan. Kamatayan o tagumpay. Sabi nga nila pure heart always win kaya wag kang mag isip ng hindi maganda " sagot niya at tumingin sa mga kaibigan naming busy sa pool
" Sana nga buo pa tayo pagtapos ng lahat ng 'to " buntong hininga ko
" Hindi ito ang bubuwag sa atin " paninigurado niya
Sana nga ay tama siya
Dahil ayaw kong makitang unti unti kaming babagsak at malulugmok
Hindi dahil natalo kami
Kundi dahil nasira kami dahil sa problemang 'to
Maybe this will challenge us
How long can we keep holding onto each other
And how much we trust each one of us
" Nagkaka ganya ka dahil alam kong may taksil sa atin, pabayaan mo siyang lamunin ng sarili niyang kunsensya " muling salita niya
Konting ebidensya nalang ay macoconfirm ko na sa kanilang lahat kung sino ang taksil sa amin
Hindi magtatagal ay lalabas ang totoo
Alam kong masasaktan sila pero ayaw kong bulagin sila sa katotohanan
" Konti nalang Zay, mapapatunayan na natin " tumingin siya sa akin at ngumiti
" Tama yan Ven, maging positive ka lang " tinapik niya ang balikat ko at bumalik na sa pool area
" Ven oh tulog na 'to " lumapit sa akin ang nanay nanay ko dito at ibinalik sa akin si Ej
Kinarga ko naman siya at umakyat na sa kwarto
Siguro ay japanese tatay nito dahil singkit siya at maputi
Napaayos ko na ang birtcerficate niya at sa akin siya nakapangalan
Pero walang tatay, hindi kailangan non marami naman siyang tito.
Pinanonood lang siyang matulog ng magvibrate ang cellphone ko
Sinong animal nanaman kaya ang nagtext sa akin
" I know you wanna end this shits, call me if you have read this "
Though I was hesitating, tinawagan ko naman
" I knew you'll call "
" Tell me everything I need to hear, I have ko time for your shitty games "
" Chill, I know you want everything to end. Kaya kong ibigay 'yon sa'yo. Pero wala ng libre sa panahon ngayon "
I know what will be the next, hihingi siya ng kapalit
" You have traitor on your side. I know you knew, I'll give you proofs and all you have to do is meet me "
I never go out on a shit like that
" Meet your ass "
" I'll see you tonight. 8:00 pm sharp, just a quick talk. Maghihintay ako "
Sasagot palang ako pero namatay na ang tawag
Walang kupas, tarantado parin mula noon hanggang ngayon.
Nakakasuklam isipin na minsan kong ginusto ang lalaking 'yon nung kabataan ko
Desperada na akong makakuha ng matibay na proof kaya wala akong choice kundi magkipag kita sa isang hayop
Kailangan kong iwanan si Ej sa kanila, hindi ko siya pwedeng isama baka kung ano nanamang kahayupan ang maisip ng lalaking 'yon.
Third Person's POV
When 8:00 pm came, Raven left their house.
Kahit labag sa kalooban niya ay pumunta siya doon
Nang makarating siya ay naroon na ang binata at hinihintay siya
He was smirking at her like he's up to something she wouldn't like
" Late as always " he teased
She just rolled her eyes and sit in front of him with a complete silence
" Time's running " simpleng sabi niya sa binata na napangisi sa inasal niya
" You changed a lot " puno nito sa pananalita at galaw niya
" Well, you don't " she mocked
" Down to business, I have proofs that you need " tinaas nito ang folder na naglalaman ng mga bagay na kailangin ni Raven
" What do you really want in return? " diretsong tanong niya sa binata
" You " he gave her evil smirk
Nagsimula namang mairita si Raven
" I'm not playing around "
" Neither do I "
" What do you need from me? " naiinis niyang tanong
" Sabihin nalang natin na sinisingil lang kita sa mga pangako mo sa akin years ago " he leaned in closer at nagsalita muli
" I can make them stop messing up with your hood, if you'll come back. " dagdag nito
Raven was caught off guard dahil sa mga sinasabi ng binata
" Think about it, maraming atraso ang mga kaibigan mo but you didn't know they did " tinititigan siya nitong maigi habang nagsasalita
She's good in hiding emotions, dahil blangko niya lang na tinitignan ang binata kahit na naguguluhan ang pag iisip niya dahil sa mga sinasabi nito
" Anyway as I promised here it is " iniabot nito sa kaniya ang folder kinuha niya 'yon pero hindi binuksan
Inayos niya ang sarili at tumayo na para umalis pero hindi pa man siya nakaka hakbang ay nagsalita muli ang binata
" Everything is in your hands right now, Raven " Nanatili muna siyang nakatayo bago humakbang
Kasabay ng pag hakbang niya ay ang pag tayo nito sa kinauupuan
Lumapit ito sa kaniya at bumulong kaya nanindig ang balihibo niya
" Pati buhay nila ay nasa mga kamay mo na "
Nilagpasan siya nito pinagmasdan niya itong maglakad palayo
Malaking palaisipan sa kaniya kung anong kinalaman ng binata sa mga nangyayari para makakuha ng mga impormasyong kailangan niya
At pari narin kung ano ang papel ng binata rito dahil tila may awtoridad ito base sa mga sinabi sa kaniya
Naguguluhan siya sa mga nangyayari
Pinagmamasdan ng binata si Raven mula sa loob ng sasakyan hanggang maka alis ito
" Sigurado ka ba sa mga inooffer mo sa kaniya? " tanong ng kaibigan ng binata
" Oo " simpleng sagot nito
" Alam mong madidismaya sila kapag naman nilang tinutulungan at pinoprotektahan mo siya laban sa kanila "
" Wala na akong pakialam sa mararamdaman ng iba, damn "
" You're blinded "