gaano nga ba kahalaga ang buhay
gaano nga ba ito kasarap o gaano nga ba ito kapait.. paano mo ba masasabi na ang buhay na meron ka ay may kabuluhanan at maari mong masabing magandang buhay.
anu nga ba ang nag papaganda sa buhay..
sa ugali bang meron ka o sa lahat ng pinagdaanan mo habang naririto ka sa mundo o kung ano ang mga nagawa mo na syang nagdudulot sayo ng napakaraming ala ala.
mula sa isang lalaking lumaki sa kabisayaan na umapak at nakipagsapalaran sa kamaynilaan at sa isang babaing naging tahanan ang bahay ampunan ay mabubuo ang isang nilalang na tatawagin nating PONG. sa ika pito ng gabi araw ng sabado buwan ng april taong siyamnapu't walong siyam sa isang pampublikong ospital sa kamaynilaan ay isinilang si pong. ang huling anak ng kanyang mga magulang..ang bunso sa limang magkakapatid na biglang naging anim dahil may inampon ang kanyang mga magulang.
ang batang marahil ay nagkaroon ng di ordinaryong karanasann habang sya ang lumalaki. marahil marami saatin ang hirap nang alalahanin ang mga panahon lalo na nung ikaw ay bata pa. mga ala ala na kung hindi ka mayaman o may kaya sa buhay at wala kang pambili ng mga litrato o kamera upang kumuha ng mga video ay sa tanging pagpikit mo na lamang ng iyong mga mata mababalikan ang lahat. mga ala ala na di mo man ilagay sa iyong mga bulsa ay habang buhay mo naman itong binabaon at dinadala.
Sa pier ng malalaking barko magsisimula ang lahat.... doon ay sariwa pa sa ala ala ko kung papaano ko inaabangan ang aking papa na galing sa kanilang probinsya... doon ay agad nya akong nakita at kinarda at hinalikan ako sa aking pisngi at mula sa kanyang mga mata ay nakita ko ang kanyang pananabik nang ako ay muli nya nakita.
naalala ko rin ng may isang gabi umuulan noon.. kumakain kami ng papa ko ng sardinas na nilagyan ng toyo. at nang minsan nung naliligo kami ay hinila nya ang mahabang bolate mula saaking pwetan. hindi ko na maalala ang aking edad ng mga panahong iyon.. lumaki ako sa isang pabrika ng sorbetes na pag mamayari ng isang babae na nag ngangalang "misis" kung saan nagtatrabaho ang aking papa. naroon din ang aming mga kapit bahay na kapwa sulbetro ng sorbetes na katulad ng aking papa. masaya ang lugar na iyon. isang malaking paupahan na para lamang sa pamilya ng mga solberterong naroroon. isang lugar kung saan nagsimula ang aking mga ala ala isang lugar na na saksi saking pagkabata.
tuwing umaga sa saliw ng mga musikang patungkol sa diyos madalas akong gumigising. agad akong lumalabas at doon ay makikita ko ang aking mama na nag luluto ng sinangag na kanin na noon ay inakala kong sya lamang ang marunong gumawa noon. naroon din ang aking papa na gagawa ng ice cream at tatawagin nya ako at aamuhin at lalambingin..katulad ng ginagawa ng mama ko saakin. di ko narin malala kung ilang mikropono na nga ba ang nasira ko sa kakakanta ng paulit uli ng kantang " si hesus si hesus ng aking pastol" ang unang kantang aking kinanta. mula doon ay maglalayag ang isip ko sa isang malaking barko ang cebuprincess ang barkong aming sinakyan patungo sa aming probinsya. malawak ang lupain na meron ang aking lolo duming sa aming probinsya sa canangga leyte. nalala ko pa habang lumalangoy kami sa sapa kasabay ng mga kalabaw na may mga linta sa pwetan. Doon ay ginagawa rin naming bangka ang puno ng saging habang binabato kami ng kamote ng mga nasa itaas. at mula doon ay makikilala mo si jesus ang anak ng kalabaw ng aking lolo. isa sa hindi ko makakalimutan ay ang sumakay kaming mag kakapatid sa isang malaking kalabaw at sabay sabay rin kaming nahulog roon. naalala ko rin kung papaano kami kami nang huhuli ng alitaptap sa gabi at ilalagay namin sa garapon. kasabay noon ay naalala ko rin ang aking lola caridad habang kami ay papunta sa san isitdro habang nakasakay sa bubong ng bus. Maganda ang San isidro at hindi ko talaga iyon malilimutan Nakakatawa nga noon naalala ko. sa twing wala ang aking lola ay patago kong kinakain ang mga asukal at sa maliit ng siwang ng bintana sa kusina ay maingat akong nakabantay at tinitignan kung sya nga ba ay pabalik na. Napakadaming alala ang saakin ng cananga leyte... iyon man ang una at huli kung punta sa aming probinsya ay hindi ko iyon malilimutan.. ang sariwang halimuyak ng parang, ang sapa na aming pinaliliguan, ang aroma ng tabako ng aking lolo at lola , ang isang lata ng mga tinapay na laging pasalubong ng namin sa kanila, at ang isang maliit na tuta na aming baon pauwe ng aming tahanan sa maynila si queeny.
mula sya probinsya ay umuwe na nga kami ng maynila doon ay lagi akong binabantayan ng aking ate lourdes na aming ampon ngunit mahal na mahal ko sya. dahil maliban sa aking mama sya ang nagtyagang nagturo saakin na mag sulat mag basa at gumuhit at maraminpang iba. ate loldet, ate loldet yan ang madalas kong tawag sya kanya ng ako ay bata pa. kamusmusang tila nagiba ang timpla.. pagkatao na dahan dahang nag iiba, napakaraming alala ang namumutawi sa aking isip. ngunit alam ko mula pa noong nagkaisip ako.. mula pa nang bata ako....alam ko na kung ano talaga ako.. bakla.. yan lang ang pinakamadaling salita para ihanbing ko ang aking sarili . ngunit isang salita na mahirap matanggap ng iba lalo ng ng akin papa. minsan naalala ko ilang beses ko sinubukan na lumunok ng maliit na bato at sumigaw ng "darna" nakakatawa nang mga panahong iyon ay naniniwala talaga ako na mag iibang anyo ako sa katauhan ni darna .
Naalala ko noon..mga bandang alas otso ng gabi Karga ako ng papa ko at tuwang tuwang sya.. Hindi ko alam nangyayari ng mga oras na iyon.. hanggang narinig ko na tumama raw ako sa ending.. ang totoo nyan hindi ko nga maalala ng mga oras na iyon kung tumaya nga ba ako o kung papaano ako tumaya sa ending..
Si marlyn.. oo tama.. sya ung kababata ko.. sa kanya raw ako tumaya ng ending noong tumama ako....Kensi pesos.. tama.. kensi pesos ang tinamaan ko ng gabing iyon.. at hindi ko na rin maalala kong saan na iyon na punta..
Isa rin sa hindi ko makakalimutan ay ung sayang nararamdaman ko kapag sinasama ako ng mama ko sa pamamalenke sa san juan, qmark at Murphy. Tandang tanda ko pa noon at hinding hindi ko makakalimutan ang mga sulok ng palengke ng san juan Murphy at Qmark na laging kong enuupuan upang mag antay kay mama.
Doon ay walang takot akong iniiwan ni mama at sasabihin nya lang saakin na doon lamang ako at wag akong aalis sa parehas na lugar kung saan nya ako laging iniiwan.. bagay na sinusunod.. dahil nang mga panahong iyon ang tanging nasa isip ko lamang ay sumunod sa mama ko nang saganon ay hindi sya mag sawang isama ako ng isama sa palengke... Dahil nung mga panahong ding iyon iniisip ko. kung ako ang lagi nyang makakasama. mas lumalaki ang tyansang bilhin ni mama ung mga laruang gusto ko... Kaya kahit matagal sya ay inaantay ko talaga sya sa sulok kung saan nya ko iniiwan..
Hanggang ngayon sariwa parin sanakin isipan..ang masarap na palabok ni aling banang ng agora san juan market. ang kanilang halo halo na liglig sa sangkap.. doon nakikita ko ang sarili ko na kumakain sa ilalim ng palenke ng agora sanjuan habang naaliw ako sa upuang bilog na aking kinauupuan..
Naamoy ko parin mula sa loob ng mga plastik ang mga biko kuntsinta mga ibat ibang uri ng kakanina na binibili ni mama sa qmart mga prutas gaya ng manga singkamas melon kaimito.. na gustong gusto kong kainin ngunit hindi pupwede dahit iyon ay paninda ni mama..
Grabe naalala ko dati natatakot ako na matumba ang lamesang pinagpapatungan ni mama ng mga paninda.. iniisip ko noon paano pag nabasag ung mga garapong pinaglalagyan ni mama ng mangga singkamas pinya.. natatawa ako kase iniisip ko pa lang ay naiiyak na ko sa awa sa mama ko kung sakaling mag yari iyon.
At alam ko na isa sa sanhin ng takot ko na iyon ay dahil sa isang babaeng nag ngangalang lita.. o mas kilala sa tawag na lita lasingera..
Madalas kase syang dumadaan kung saan malapit naka pwesto si mama.. at nagaalala nga ako na baka matabig o mabangga nyan ang mga paninda ni mama...
Hanggang ngayon ay naamoy ko parin ang mabangong sunog na monggo na niloloto ni mama at ginagawang ginatang monggo.. para itinda sa meryenda.. napakadami noon..ginataang mais..halo halo bilo bilo.. bananaque kamote que palamig.. grabe.. iniisip ko palang ang nagugutom na ako..
Hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang galak sa akin puso kapag naaalala ko ang mga pag kakataong nakikita ko ang napakadaming laruan na nakasabit sa Murphy.. ilang beses kong tinangkang magsabi kay mama na " mama gusto ko po iyon bilhan mo po ako" ngunit di ko ginawa.. sa takot na baka mainis sakin si mama at hindi nya na ako ulit isama. Kaya natuto akong makuntito ng mga panahong iyon.. ayos na ako na makita nalamang sila..dahil bilang bata napakasarap sa pakiramdam na makita iyon..
Ngunit di naman likas na madamot si mama..
may mga pag kakataong kahit di ko sabihin ay binibilhan nya ako ng laruan.. bagay na lalong nag papasaya saakin..
Hanggang ngayon nalulula parin ako sa nagtataasang kisame ng Uniwide.. sa tuwing pupunta kami ni mama sa libis para pag grocery sa kanyang tindahan..
Doon ay di na ko umaasang bibilihan nya ko ng laruang paulit ulit kong nakikita sa paulit ulit naming mag punta Doon ..dahil alam kong sa itsura pa lamang ng laruan iyon ay may kamahalan na iyon.. kaya paulit ulit ko nalang pinangarap at sinasabi sa sarili ko na sana balang araw magkaroon ako ng ganoong klase ng laruan.
Ngunit saaking pag laki.. may kakaibang katauhan ang namumuo saaking sarili..
Alam ko at alam kong di ako nalilito..
Ayon ako.. may iba saakin...
Nag simula iyon sa magiging mahilig ko sa mga laruan pambabae mga paper doll na palihim kong binibili at palihim kong itinatago.. tulad ng kung ano ako... Naalala ko pa.. gustong gusto kong sinasayaw ang mga kanta ng aqua.. tulad ng Barbie girl candy men at marami pang iba.. ang macarena.. ang sha lala na minsan sinayaw ko sa aming field demo..mga sayaw na lalo pang nag papasibol ng kung ano ako..
Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang kaba.. sa tuwing iikutin ko ang twalya sa aking ulo at iniisip kong ito ay aking mahabang buhol. Ang mga kumot na minsang ginawakong bistida..at nag lakad na tila modelo..
Lahat ng iyon ay nagagawa kong ng palihim at nag darasal na sana ay walang makakita saakin.
Di ko makakalimutan ang pangalan ng tao unank kong naging gusto.. di panchi.. ang batang lalaking may kemping buhok na unang nag patikbok ng puso ko.. at mula nga doon napatunayan ko sa sarili ko na ako nga ay may pusong babae.. pero hindi doon umikot ang aking mundo. Inakala ko ng mga panahong iyon at dala lamang iyon ng aking pagkabata.. gayon paman tinuon ko ang aking sarili sa mga bagay na mas may kabululuhan at sinulit na lamang ang aking pagkabata..
Crame bloody merry
Bahay ni tarsan ang loob ng campo crame
Granstand yosi kadiri
Camera
Pormaham ni mama at papa
Nag kakabit c mams ng xmastree
Papa alk sugal( nag aaway )
Nag aaral ng kinder( quada)
Lion king field trip
Tape record
Nagsisimba sa leto.. lingo lingo
Nag pupunta sa cubao feista carnaval
Takot sa clown. Luneta manila zoo wildlife
1996 gradute ng kender
Barbigir fiesta( marlyn at marisol)
Grade 1 Pag pinagbabasa ayaw
Grade 2 rumakas lahat kami ng walang teacher
O pumupunta sa ate ko pag walang teacher
Minsan tinatamad pumasok at uuwe
Dun ko nakilala si totoo james
At nasagasaan ako
Adamson
Manggahan( vsh titanic)
Toto..