Chereads / In A Dream / Chapter 3 - Chapter 2: Two Hearts Found One

Chapter 3 - Chapter 2: Two Hearts Found One

Paul's POV

Lunch break namin ngayon at kasama ko si Ben papuntang Cafeteria. Hindi ko nga alam kung ano ang kakainin ko. Di naman kasi ako gutom, gusto ko lang maglibot. Namiss ko din kasi itong school.

Hinayaan ko nang si Ben ang bumili ng kakainin namin. Nakakabagot kasing pumili ng kakainin kaya siya na lang. Di naman ako maarte sa pagkain. Kahit ano naman kaya kong kainin. Habang naghihintay ako kay Ben ay naglibot-libot muna ang aking mata upang makita ang iba-ibang taong na sa loob ng cafeteria. Actually, di naman ganoon karami ang mga tao rito kasi umuuwi kasi sila pag lunch break. Ang iba pumupunta ng mall para doon na kumain at mamasyal. Hindi naman ako mahilig doon at palagi naman akong nakakulong sa school or sa bahay. Sakto namang nahagilap ng aking mata ang mukha ni Jacob na dala ang kaniyang tray at papunta ito sa kinauupuan ko.

"Paul, may kasama ka ba? Pwede bang makiupo". Nakangiting tanong sa akin ni Jacob. Ang tamis ng ngiti niya. Nakakakilig pero hindi ko pinahahalata. Sa loob-loob ko sobrang kilig ko parang gusto ko na siyang i-kiss. Charot.

"Sige ba, upo ka na. Kasama ko si Ben kumuha lang siya ng kakainin namin. Madali na yun makabalik." Tugon ko naman. Umupo siya sa harapan ko na aking kinakilig. Minsan ko lang kasing makatabi si Jacob. Para tuloy kaming nagde-date pero wala akong pagkain.

"Uhh, Paul. Mamaya palang 4 ah. Punta ka rito uli usap tayong dalawa lang. Wag ka na magsama ng iba pa. Gusto ko kasi tayo lang. Lalo na si Ben, Sagabal lang yun sa sasabihin ko." Hindi ko na narining ang huling sentence na sinabi niya dahil hininaan niya yung boses niya.

"Oo Jacob. Di ko nalilimutan. Pero bakit mamaya pa eh magkaharap naman tayo ngayon. Pwede naman na ngayon na pero kung gusto mo na mamaya na ok lang naman, hehehe". Nakayuko kong tugon sa kaniya. Nakakahiya. Ayokong magmukhang demanding pero nasabi ko na eh. There's no turning back.

"Mamaya na lang Paul. Promise magugulat ka."

"Wow! May pa surprise. G ako diyan!"

Di ko alam kung maeexcite ba ako sa sasabihin ni Jacob at baka alukin niya lang ako na nagrun bilang officer ng Student Counsil o magpapatulong ba siya sa papeles. Hay nako, kung di ko lang to crush di na ako sisipot pero kailangan para dagdag papansin points. HAHAHAHA para akong tanga.

Dumating naman si Ben na may dalang 2 Steak, 1 Softdrink, 1 juice at tsaka 2 cups ng rice. Ilinagay niya ang pagkain isa-isa sa mesa bago umupo sa tabi ko. At tinignan ko si Jacob na parang masama ang tingin kay Ben pero feel ko lang. Napaka assumera ko naman ngayon.

Kahit kailan, hindi naging magkasundo si Ben at Jacob. Ang alam ko lang palagi silang nagaagawan sa lahat. Mapababae, kasikatan at katayuan sa school. Pareho silang habulin ng babae at mga bakla. At naalala ko noon nung eleksyon sa Student Counsil ay muntikan na silang magtie ng boto pero lamang lang ng 3 puntos noon si Jacob kaya siya ang nanalo.

"Kain ka na Paul. Baka lumamig ang pagkain." Alok sa akin ni Ben. At kinuka ko naman ito agad at kinain. Masarap naman kahit papano ang steak sa school kaso lang sawa na ako.

"Try mo tong Chicken Fillet, Paul. Masarap." Alok din sa aking ni Jacob at biglang sumama ang tingin ni Ben sa kaniya.

"Ok, let me try. Uhm, masarap nga! Saan mo to nabili? Ang sarap." Ang sarap talaga lalo na pag may sour cream. Nakakaadik.

"Talaga masarap? Di ko yan binili. Ako mismo nagluto nito. I'm glad you liked it. Thank you." Nakangiti ito sa akin. Di ko alam na marunong pala si Jacob magluto. Lalo pa akong nagkaroon ng interest sa kaniya. Nakakakilig.

"Really! Ikaw talaga nagluto? Marunong ka pala? Sana maturuan mo ako balang araw, hehehe." Namumula ata ako sa sinabi ko.

"Of course, we can meet this saturday. I'm free sa bahay ko. Ako lang magisa. Willing akong turuan ka." Sagot nito sa akin. Namula na talaga ako dahil sa kilig. Nahahalata naman siguro ito ni Ben dahil alam nito sa crush ko itong si Jacob.

"Ano ka ba Jacob. Nagbibiro lang naman ako."

"I insist, pumunta ka na sa amin. Susunduin pa kita if you want." Nagulat ako sa sinabi niya. Nakakaexcite. I see Ben clenched his jaw. Di ko alam kung bakit.

"Hindi pwede si Paul sa sabado. Aalis kami. Mamamasyal. Nauna na akong magyaya sa kaniya. Kaya next week ka na lang." Seryosong sagot ni Ben kay Jacob. Wala naman kaming planong ganoon ni Ben. Ewan ko ba sa taong to. Magsasalita sana ako nag takpan ni Ben ang bibig ko.

"Ah, ganoon ba? Sige Paul, next week na lang. Promise me. Pag hindi ka pumayag pupunta pa rin ako sa bahay ninyo." Sabi naman sa akin ni Jacob. Hindi ko pa rin inaalis ni Ben ang kamay niya sa bibig ko nang magring na ang bell. Hudyat na magsisimula na ang afternoon class. Hawak-hawak ni Ben ang bibig ko at dinala niya ako sa locker at saka ako binitawan.

"Bakit mo tinatakpan bibig ko? Tsaka ba't ka nagsinungaling kay Jacob na aalis tayo eh wala namang ganong plano?" Naiirita kong tanong kay Ben. Nakakainis makakasama ko na sana si Jacob sa sabado namove pa nang next saturday. Si Ben kasi. Pektusan ko to.

"Baka reypin ka lang ni Jacob. Basta wag kang sumama sa kaniya. Wala akong tiwala sa mokong na yun." Sagot naman ni Ben sa akin.

"Ano ka ba Ben. Nagmamaganda lang ng loob ang tao. Pagbigyan ko na yun. Magtuturo lang naman ng pagluto rape agad. Bobo ka na ba?" Inis na sagot ko sa kaniya.

"Ba't ka nagkakaganyan. Dati naman hinahayaan mo ako na sumama sa kaniya pero ngayon todo pigil ka!"

"Basta Paul. Wag ka sumama sa kaniya. I feel something na hindi maganda sa kaniya."

"Bakit nga! Sabihin mo!" Sigaw ko sa kaniya. Nakakalito na siya.

"Kasi gusto na kita! Ikaw yung tinutukoy kong liligawan ko! Don't you get it? Binabakuran lang kita sa mokong na iyon dahil baka unahan niya pa ako sayo." Nagulat ako sa rebelasyong ito. Wala man lang akong clue kung ako ba yung liligawan niya kasi straight si Ben. Hindi kapanipaniwala. Wala akong masabi sa kaniya.

Nang hindi na ako makapagsalita pa ay tahimik lang kaming pumunta sa classroom namin. Mabuti na lang at hindi na kami nahuli sa klase. Baka pagalitan naman kami.  Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Ben. Hindi naman sa ayoko sa kaniya pero ayaw ko rin namanng masira ang friendship namin dahil sa feelings niya para sa akin. Buong hapon akong tulala sa klase kakaisip kung ano na ang susunod na mga mangyayari sa amin ni Ben. Habang tulala ako ay nagdismiss na pala ang klase at nagsilabasan na ang lahat ng estudyante at tsaka tinapik ako ni Ben.

"Aahh, Paul. Hindi ko intensyon na gulatin ka kanina. Pero sana payagan mo akong ligawan ka. Ngayon ko pa lang kasi naranasan to. Iba yung tibok ng puso ko kapag nakikita kita at nakakasama. I never felt like this kahit kanino mang babaeng naging shota ko. You are the only exception. Kaya please, payagan mo ako na ligawan ka." Sobrang sincere nang pagkakasabi ni Ben sa akin noon. Kita ko ang ningning at pagpupursige sa kaniyang mata. Mukhang wala na akong magagawa pa kundi payagan siya.

"Ben, never in my life I encounter a scene like this. I dreamed of someone who'll confess his love to me but never I expected it would be you. My best friend. Sobra pa to sa mga expectations ko. Wala na akong magagawa kundi pahintulutan ka. Pero sana, hindi masira ang pagkakaibigan natin dahil dito." Saad ko kay Ben. Sobrang importante niya sa aking dahil halos siya lang ang malalapitan ko buong buhay ko. Kaya't ganon na lamang ang kagustuhan kong wag mawala ang pagkakaibigan namin.

I see Ben's bright smile. I smile too.

"Paul, salamat talaga! Di mo pagsisisihan na pinayagan mo akong manligaw sa'yo. Maraming panahon kong nagipon ng lakas ng loob para sabihin sa'yo ang nararamdaman ko." Sobrang saya niya ngayon at ayaw ko nang bawiin ang lahat ng sinabi ko. Di ko naman pinagsisihan. Tumango na lang ako.

"Tomorrow Paul. Get ready, I'll start courting you. I'll do everything for you." Kinakabahan na ako para bukas. Ano naman kaya ang gagawin nito? Ngumiti na lang ako sa kaniya dahil wala na akong masabi pa.

Habang plabas kami ng Ben ng classroom ay hindi mawawala ang ngiti sa kaniyang mukha. Mukhang totoo nga ang sinasabi niyang gusto niya ako. Nakakaloka. Naglalakad kami sa Hallway nang maalala ko na pupuntahan ko pala si Jacob sa cafeteria.

Nagpaalam ako kay Ben na pupuntahan ko si Jacob at nawala ang ngiti niya. Agad itong promotesta.

"Ba't ka pa pupunta sa mokong na yun! Baka saktan ka nun, i-hostage o kaya reypin. Mahirap pagkatiwalaan ang lalaking yun!" Naiinis na sabi sa akin ni Ben. Ngumiti na lang ako.

"Ano ka ba Ben. Manliligaw ka pa nga lang sobrang seloso mo na. Nagpromise kasi ako kay Jacob kaya hayaan mo na ako. At tsaka wag mo nga akong pagbawalan sa mga ginagawa ko! Di kita jowa!" Sabi ko naman kay Ben habang natatawa.

"Hindi PA! Pero magiging jowa naman kita soon. Kaya mas mabuti nang advance magisip kaysa hayaan kang ahasin ni Jacob." Pilyong salita ni Ben. Umiling na lang ako at nagpaalam sa isa't-isa.

"Umuwi ka na! Baka hanapin ka na ng mga jowa mo Ben. Saktan pa ako ng lahat ng jowa mo. Tsupe, uwi na." Pagpapaalam ko kay Ben. Ngumiti naman ito.

"Ikaw lang bebe ko promise! Wag kang maniwala sa mga sinasabi nila! Magingat ka Baby! Mamahalin pa kita!" Sabi naman ni Ben na ikinamula ko. Sumigaw kasi siya. Rinig lahat ng taong natira sa campus. Nagsitinginan naman sila sa amin at nagbulungan. Pinandilatan ko na lang ng mata si Ben. At pilyo naman siyang ngumiti. Gago tong Ben na to. Pinasubo pa ako sa mga estudyante rito. Hay kainis!

Habang naglalakad ako papuntang Hallway ay may nakuta akong pusang gala. Ngayon ko lang ito nakita rito. Malinis ito na parang may nagmamay-ari pero bakit magisa ito rito? Nasaan kaya amo nito. Hinawakan ko ito at hindi naman siya mailap. Kulay puti ito na parang nyebe at mabango. Halatang hindi ito pusang gala. Nagulat na lang ako at may nagsalita sa likuran ko.

"Kasing cute ko ba yung pusa ko?" Kilala ko ang boses na ito. Si Jacob. Wala nang iba. Humarap naman ako sa kaniya at ngumiti hawak ang pusa.

"Sa'yo pala tong cute na pusa. Anong name niya pala?" Sobrang cute talaga nito. Parang gusto ko nang iuwi. Kung pwede lang pero nandito yung amo eh. Baka ako na lang sana iuwi niya. Charot.

"Ice, yun yung pangalan niya. Siya yung nabili kong pusa noong last year. Anti-stress ko siya. Halika na punta tayo sa loob. Usap na tayo. Dalhin mo na rin si Ice." Sabi nito sa akin. At pumasok naman kami agad sa loob ng cafeteria habang dala ko ang pusa sa loob.

Buti na lang hindi dito ban sa school ang pagpasok ng pets. Naniniwala din kasi ang facility na Anti-stress natin ang mga pets kaya pinayagan sila ditong makapasok. Except sa loob ng classroom habang naglelesson.

Umupo kami ni Jacob sa pinaka gilid ng cafeteria at umorder muna siya ng drinks. Tinanong niya naman ako kung ano yung gusto ko at sabi ko naman juice. Di kasi ako mahilig sa softdrinks.

Habang ibinibigay sa akin ni Jacob ang drinks namin ay tinanong ko na siya kung ano yung pakay niya.

"Ah, Jacob. Bakit pala tayo maguusap ngayon?" Sabi ko habang iniinom niya naman ang kaniyang inumin.

"Paul, inipon ko na lahat ng lakas ng loob ko para sabihin to sayo and i think this is the right time." Kinakabahan na ako sa gusto niyang sabihin.

"Ano naman iyon Jacob? Kinakabahan ako sayo! HAHAHAHA." Pilit kong tawa. Sobrang kaba ko na at nanginginig na ata ako.

"Paul, This past years I found myself falling for you. Gusto ko lang sanang ligawan ka. Promise I'll do my best to make you love me too! Just let me court you." Nagulat ako at napatayo sa sinabi ni Jacob.

What!? First day of school pa lang tapos ganito agad yung maeencounter ko?! Yung Bestfriend ko may gusto sa akin tapos yung Ultimate crush ko naman may gusto rin sa akin?! This can't be happening!?

"Ahh.. eh, J-j-Jacob, ah, eh. P-pwede mo n-naman a-akong ligawan p-pero." Pinutol niya naman ang pagsasalita ko. Sobrang nanginginig na ako.

"Paul, you don't need to worry. Just let me love you. Bukas na bukas magsisimula na ako. Baka kasi may bumakod pang iba sa'yo mahirap na." Nakita ko rin sa kaniyang mata ang nakita ko rin kay Ben kanina. Mukhang totoo rin talaga ang sinasabi nilang dalawa. Naloloka na ako.

Tumayo na lang ako sa kinauupuan ko at tumakbo palayo. Tinawag naman ako ni Jacob pero di ko na ito hinarap. Sobra na ang naranasan ko ngayong araw. Tama na please!