Alas 5 na nang umaga ay nagising na si Paul para maghanda sa nalalapit ng pasukan. Nauuna pang magising si Paul sa kanilang kasambahay. Sanay na rin ang lahat ng katulong kay Paul dahil sa sobrang sipag nito. Kahit anak mayaman ay hindi pa rin pinapabayaan ni Paul na tanging kasambahay lamang nila ang umasikaso sa lahat ng gawaing bahay. Nais niya ring matuto dahil alam niya balang araw ay magkakaroon din siya ng pamilya. Mabuti nang mayroon alam sa gawaing bahay.
Iniligpit ni Paul ang kaniyang higaan saka pumunta sa kaniyang CR upang maghilamos at magsipilyo. Bago pa man magising ang lahat ay bumaba siya at dumiretso sa kusina upang maghanda ng almusal para sa kaniyang mama at papa. Simpleng pritong itlog at bacon ang kaniyang niluto. Nagtoast rin siya ng ilang sliced bread. Habang hinahanda ni Paul ang hapag kainan ay nakita niyang lumabas sa pinto ang kanilang kasambahay na si Manang Risa.
"Good Morning Nanay Risa!" Masiglang bati ni Paul habang nagaayos ng mesa.
"Naku anak! Bakit ikaw pa nagluto nang almusal ninyo?" "Sana hinintay mo na lang akong magising at ako na lang ang naghanda ng lahat ng iyan!" Mabilisang inagaw ni Manang Risa ang mga kubyertos.
"Ano ka ba naman po Nay, sa tagal ko na pong ginagawa ito ay hindi pa kayo nasanay" Paul.
"Eh, first day of school mo ngayon baka mapagod ka niyan bago ka pumasok. Dapat hinintay mo na lang ako" Manang Risa.
"Hindi po ako Nay mapapagod na gawin lahat ng ito, napakasimple lang naman po ng lahat ng ito eh" Paul.
"Oh siya sige kumain ka na at makapag asikaso ka na sa pagpasok mo sa school, excited ka na ba?" Manang Risa.
"Oo naman po! Matagal na rin noong huli kong makita ang mga kaibigan ko lalo na si Ben" Paul.
Habang kumakain si Paul ay sabay na pumasok sa hapag kainan ang kaniyang mama at papa.
"Good Morning po Mama, Papa" Paul.
"Good Morning din anak" Sabi ng kaniyang mama at umupo. Wala namang imik ang kaniyang ama na parang wala lang si Paul sa paligid. Ipinagtimpla niya ito ng kape na palagi naman nitong ginagawa tuwing umaga.
Patapos na silang lahat kumain at mag aalas 6 na ng umaga. Tahimik at wala man lang usapang pamilyang naganap. Ayaw ito ng kaniyang ama.
8:30 a.m. pa naman ang pasok ni Paul sa University. Kaya't minabuti niyang bumalik na muna sa kaniyang silid at naghanda para sa pagpasok sa paaralan.
"Paul, sumabay ka na sa amin nang papa mo papuntang paaralan dahil pupuntahan pa namin ang principal ninyo para sa dapat pang asikasuhin" Mom Marjorie.
"Yes Mom, Hintayin ko na lang po kayo sa loob ng kotse. Sige po mom maliligo na po ako at magbibihis" Paul. Tumango naman ang kaniyang Inay.
Paul's POV
Hay naku! Pasukan na naman! Stress na naman ang utak ko! HAHAHAHA. Hindi naman kasi nakakamiss talaga ang pagaaral. Ang nakakamiss yung mga kaibigan ko doon sa school. Kulitan, iyakan, damayan. Buti pa nga doon sa school mas naipapakita ko kung ano ako hindi tulad sa bahay na hindi man lang mapagpahalagahan ang mga gunagawa ko para sa kanila. Anyways, wag na nating isipin yun. Ang importante makakatakas na naman ako sa mga problema ko dito sa bahay.
Grade 10 na ako ngayong pasukan! Nakaka-excite pero nakakalungkot din kasi matatapos na ang aming pagiging Junior High. Aabante na kami sa mas nakakastress pang hakbang ng aming pagiging estudyante. Pero kahit pahirap ng pahirap ang pagaaral, may inspiration naman ako. Si Jacob ng buhay ko. Ang baduy ko noh? Pero para sa kaniya magpapakabaduy na ako para mapansin niya lang. Mahal na mahal ko yun eh. Pero mukhang langit siya at lupa ako. Well, pareho naman kaming mayaman pero hindi naman iyon ang basehan kung mamahalin niya rin ako.
-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na rin ako ng aking uniporme at pumunta sa aming garahe upang hintayin sina mama. Sasabay daw ako sa kanila dahil may tatapusin din silang papeles sa paaralan. Hindi ko alam kung ano yun at wala na akong pakialam dun.
Habang naghihintay sa loob ng kotse ay binuksan niya ang kaniyang Cellphone at tinignan kung anong oras na, 7:30. Sakto lang at 20 minutes drive lang naman ang papuntang school.
Binuksan ko muna ang aking Messenger. 5 new messages, tatlong GC at sina Ben at Jacob. Una kong binuksan ang message ni Ben.
Good morning paul. Malapit ka na ba sa school? Bilisan mo ha, hinihintay kita kasi dito sa cafeteria. Usap muna tayo bago pumasok sa room. Ben
Ano naman kayang pag uusapan namin ni Ben. Baka importante kasi pwede naman kaming magusap sa messenger. Kinakabahan tuloy ako. Hindi naman kasi ganito magchat si Ben. Puro lang kasi ito kalokohan at pangungumusta o kaya magpapatulong ng assignment at projects.
Oh sige. Paalis pa lang kami sa bahay. Wag kang umalis diyan hah. Tsaka, ano naman pala paguusapan natin? Balik na mensahe ko kay Ben.
Wag ka nang palatanong! Basta bilisan mo!
Hindi ko na siya rineplyan pa. Pumasok na rin kasi sa loob ng kotse sina mama at papa. Mabilis kong tinago ang aking phone dahil ayaw ni papa na makikita niya akong hawak ang aking phone.
Tahimik na nagdrive si papa sa kalsada. Wala man lang kibuan. Hindi ko alam kung bakit buong buhay ko galit sa akin sina mama at papa. Wala naman akong ginawa sa kanila. Mula pagkabata ko kontrolado nila ang galaw ko. Ayaw nila na hindi ko sila sinusunod dahil kapag hindi ko ginawa ang gusto nila ay sinasaktan nila ako.
Labing-lima ako noong narinig ko ng aksidente ang paguusap tungkol kasunduan ng aking ngani magulang at sina Mr. and Mrs. Hidalgo na ipakasal ako sa kanilang anak na si Michelle Hidalgo. Nagulat ako sa aking narinig ngunit wala akong lakas na loob na pigilin sila sa kanilang balak. Kilala ko si Michelle at kahit papano ay may interaction naman na naganap sa amin. Pero 'di naman kami magkaibigan. Kahit kailan man ay hindi ako mamahalin ni Michelle at hindi ko rin siya kayang mahalin. Dahil Bakla ako at Tomboy si Michelle. Natatakot tuloy ako na baka alam nila na Bakla talaga ako. Tatlong taon na rin ang nakalipas noong marinig ko ang usapang iyon. At balak nilang ganapin ito pag pareho na kaming 21 ni Michelle. Gusto kong tumakas. Nakakatakot
Pagdating namin sa school ay pinagtinginan kami ng lahat ng estudyante. Dire-diretso lamang sina Mama papuntang Principal's office at iniwan nila ako nang hindi man lang nagsasabi.
Pumunta agad ako sa Cafeteria na bilin sa akin ni Ben. Sakto naman pagkapasok ko ay nakita ko siyang nagse-cellphone sa pwesto namin palagi. Sa parteng gilid ng pwesto namin ay may mga babaeng kumukuha ng litrato ni Ben. Gwapo naman talaga kasi si Ben pero mapanakit sa babae. Kahit kailan, wala siyang naging seryosong relasyon. Naalala ko noon every month may iba-iba siyang babaeng ipinapakilala sa aking na girlfriend niya raw. Pagkatapos break after ng isang buwan. Todo iyak naman lahat ng ex-girlfriends niya. Nagmamakaawa na balikan pero di niya naman pinapansin.
"Huy! Ben!" Tawag ko kay Ben habang ngumingiti. Humarap ito sa kinaroroonan ko at kumaway. Umupo ako sa tabi niya.
"Good Morning Baby Paul, may gusto sana akong sabihin sa iyo. Pwede ba?" Tanong ni Ben sa akin na parang sobrang saya niya. May topak siguro to.
"Wag mo nga akong tawaging Baby. 'di mo naman ako jowa. At tsaka ano naman yang tanong mo at napaaga?"
"Kasi may crush ako ngayon, gusto ko sanang ligawan. Pwede bang makahingi ako ng tips sayo kunwari ikaw yun tapos anong gusto mo? Chocolates ba? Flowers? Stuffed toys? Any tips makatulong lang?" Ben
"Woahh! Ben ikaw ba yan?! Si Mr. Ben Pattinson a.k.a. Mr. Heartbreaker nanghihingi ng tips sa akin sa pangliligaw?! Timang ka na ba? Alam mo naman na Bakla ako at hindi babae. Papano naman kita matutulungan niyan?"
"Ewan ko, basta alam ko lang matutulungan mo ako. Please?" Pagpapacute nito. Buti na lang at kaibigan talaga si Ben. Kung hindi nasapok ko na ito.
"Ben, kahit ano pwede mong gawin basta know your limit. Nakadepende yan sa taong liligawan mo kung ano ang gusto niya. Basta't tunay at puro ang ipakita mong pagmamahal sa kaniya ay hindi ka mabibigo. Kaya mo na yan Ben. Noon nga lapitan mo pa lang sila nagiging shota mo na. Eh ngayon pa ba? HAHAHAHA".
"Hoy grabe ka naman sa lapitan ko pa lang nagiging jowa ko na. Kasi may sex pa yun bago in a relationship" Sabay pukpok ko sa ulo nito.
"Shet ka rin Ben! Ang bastos mo"
"Aray! Bastos, pogi naman. Saan ka pa?" Hinawakan nito ang kaniyang ulo dahil sa sakit.
"Sige, sige. Salamat talaga Paul ha. Number 1 idol talaga kita! Hayaan mo pagbubutihan ko ang pangliligaw sa kaniya"
"Ben, sino pala tong gusto mong ligawan?" Tanong ko kay Ben. Napaka misteryoso naman kasi nitong taong ito dahil sa tagal nang nagkakaroon ng shota si Ben ay ngayon pa oang ito nagkaroon ng interest na manligaw. As in, ngayon pa lang. Lahat kasi ng naging jowa niya ay easy to get lang. Espesyal ang taong ito.
"Gusto mo ba talagang malaman?" Ben
"Syempre, para naman makilatis ko na rin. Eh, ngayon ka lang manliligaw sa buong buhay mo. Dapat alam ko". Sagot ko rito.
"Uhhhhh- hhmmm--" Parang nagdadalawang isip to kung sasabihin niya huh. Napaka damot ng mokong na to.
"Dali na kasi magta-time na!" Inis kong sabi kay Ben. Grabe pa kasing pakipot.
"Ikwyunpulmhlkta" Sakto namang sumabay ang ring sa pagsalita ni Ben kaya hindi ko na ito naintindihan pa.
"Huh? Ben, pakiulit naman. Di ko kasi narinig, nasapawan ka ng ring"
"Alis na tayo Paul. Time na baka mapagalitan pa tayo ng adviser natin. First day pa naman" Pag iwas nito sa tanong ko. Hay nako, pektusan ko na kaya to para magtanda.
Tumango na lang ako at di na pinilit siya. Dahil sa paguusap namin ni Ben ay nalimutan ko nang basahin ang mensahe ni Jacob. Baka magpapatulong na naman iyon sa School Government. Magkaklase palagi kami ni Ben since 7th grade namin dito sa University. Akala ko nga suplado to. Napaka kalog pala. Pero sobrang libog naman. Pagkapasok namin sa room ay nagtinginan ang lahat sa amin kabilang na si Mrs. Santos.
"Look what we have. The Handsome and Cute. Mr. Pattinson and Mr. Bradshaw. Please take your seat. I don't really accept tardy students in my class. However, since it's first day. I'll give a little consideration." Malumanay na salita nito.
Hindi naman terror teacher si Mrs. Santos. Sa katunayan sobrang kalog nito kaso hate niya talaga ang mga late na estudyante.
Naghanap kami ni Ben ng bakanteng upuan. Sakto naman na nasa parteng likod yung bakante. Hindi kasi ako sanay umupo sa parteng harap. Palagi akong natatawag ng teacher. Well, hindi naman ako mahina sa klase at hindi naman ako sobrang talino. Pero kahit ganon kasama pa rin ako sa mga With Honors.
Habang nagsasalita sa harapan si Mrs. Santos ay naisipan kong pasikretong tignan ang messenger ko dahil naalala ko na nag message sa akin si Jacob.
Hi Paul, good morning. Pwede bang magkita tayo mamayang uwian? Something important lang na paguusapan. Nothing new. Ganito naman palagi ang message sa akin ni Jacob pero excited na akong makita ulit siya after months.
Sige, hihintayin kita sa cafeteria. 4 ha! Sorry late reply~ may nangyari kasi kanina. Sagot na mensahe ko kay Jacob. Saka balik ng aking cellphone sa bag.
Buong klase sakop ni Jacob ang utak ko. Minsan nga tinatapik na ako ni Ben dahil tulala daw ako. Iniisip ko kasi kung ano na ba ang itsura ni Jacob nganyon at ano naman kaya ang sasabihin niya. Gusto ko na siyang puntahan pero maaga pa. Napaka atat ko naman ata na makita siya. Sino ba naman ang hindi magiging atat na makita ang crush nila after two months?