Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

LIST OF QUEENALY’S NOVELS

🇵🇭queenaly_
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.7k
Views
Synopsis
Riley "Valiant" Takahashi, siya ang babaeng nasa pinaka-mataas na posisyon sa Akademiya ng mga Tiranto. Para sakanya ay nabubuhay lamang siya para ipatupad at sundin ang mga batas na kanyang binuo. Lance "Tochi" Tanaka, siya ay isang Elite. hindi man masyadong mataas ang posisyong mayroon siya ay sapat na iyon upang mahuli niya ang puso ng maraming mag-aaral. Their worlds may differ, but their mind and heart do not. Will Riley change Lance? Or, will Lance change Riley? ON GOING || All Rights Reserved 2020
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 01 : First Day

Vivienne Riley's PoV

***

First day of the school year, I think this school year would be great.  Grade 12 na ako ngayon. Last school year ko na sa AOT, it means last year na rin 'to ng paghihirap ko!

Tumayo ako tsaka pumunta sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang uniporme ko. Ang uniporme namin rito ay simple lang. White Blouse na naitutuck-in namin sa Box Pleats Navy Blue skirt namin. Pero sa akin ay gumagamit pa ako ng sweater vest upang mas maging trendy akong tignan.

Kinuha ko na ang hairclip ko at inipit sa buhok kong nakalugay.

Kinuha ko ang bag ko tsaka lumabas sa dormitoryo ko.

Ang dormitoryo naming mga Alpha ay nakahiwalay sa dormitoryo ng mga simpleng tyrants, kaya hindi ka na talaga mawawala pa.

Nakaayon rin ang mga dormitoryo namin sa apelyido namin.

Naglakad na ako papunta sa gymnasium namin, nakaugalian na kasi naming tuwing unang araw ng klase ay pumupunta kami sa gymnasium para sa mga announcements, pagkatapos non ay didiretso naman ang iba sa amin sa unang klase nila o kung hindi ay didiretso sa opisina ng administrasyon para kunin ang tyrant's book. Ang tyrant's book ay ang librong ginagamit namin kada-taon, kada-taon rin itong binabago. Sa librong yun nakaukit ang mga salitang galing sa mga Alpha, Beta at Gamma. Nakasulat rin doon ang mga batas at ang listahan ng mga estudyante at ang mga litrato nito.

Anong meron? Bakit nagkakagulo at nagtitilian ang mga babae at pati ang ibang kalalakihan?! Don't tell me, dahil sa varsity player na si Tochi nanaman?!

At hindi nga ako nagkamali, si Lance "Tochi" Tanaka nga ang sanhi ng kaingayan. Natigil lang sila noong dumaan ako sa harapan nila.

Iba ang epekto sakanila kapag dumadaan ang Highest Majestic Alpha. Hindi na bago yun pero nakakalaki lang ng ulo yun para sa'kin.

Umupo na ako sa upuang pinakamalapit sa harapan, may nakasulat doon sa mga upuan na mga pangalan. Napatitig ako sa dalawang upuang nasa tabi ng upuan ko, ang isa ay para sa basketball team captain at ang isa ay para sa isang elite o isang tagapagmana ng isang malaki rin na kumpanya.

Naupo ako at inalala kung sinong Basketball Team Captain, good thing at hindi ang Tanaka na iyon yun! Dahil kung siya, ay mabwibwisit lang ako.

Nang mapuno na ang mga bakanteng upuan sa likod ay dumating ang Basketball Team Captain. Si Alonzo, Asher King Alonzo. Oh 'di ba? Pangalan palang umiigting panga na!

Yung ngiti ko kanina naging simangot nung makita ko ang nasa likod niya. Si Tochi!

Naupo na si Alonzo sa tabi ko tsaka ako nginitian. At nagulat rin ako nung bigla namang umupo sa tabi ko si Tanaka. Why do I have to forget that he's an elite?! Fudgee Barr!

Napapikit ako ng mariin tsaka ngumiti ng peke sa harapan. Kung pupwede lang na gamitin ang kapangyarihan para labanan ang ibang estudyante dito, ginawa ko na!

"Good morning, students! Did you sleep well? I am Mrs. Anghelita D. Castillejo, your Guidance Councilor. Welcome to Academy of Tyrants, tyrants!"saad ng emcee, si Mrs. Castillejo.

"Don't you find it boring, Ms. Takahashi?" tanong ni Alonzo sa akin.

Hindi ko nalang siya pinansin lalo na't alam ko na ang pakulong 'to! They want me to use my power to stop them from having this welcome shit.

"Una sa lahat, I want you all to be aware of the rules and regulations inside the Academy. So, may I request Mr. Lance Tanaka to announce it to all of you together with Ms. Vivienne Riley Takahashi. Please come to the stage now." saad ni Ms. GC.

Ugh! Nakakainis naman! Ba't kailangang kasama pa ako?!

"Shall we, Ms. Takahashi?" tanong ni Tanaka sa akin na ngayo'y nakatayo na at inaabot ang kamay sa akin.

Tinabig ko ang kamay niya tsaka tumayo at naglakad papunta sa entablado. Sumunod naman sa akin si Tanaka.

"Memoryado niyo naman ang rules and regulations, hindi ba? Or... maybe not." sabi ni GC sa amin ng makarating kami sa entablado. Kinuha ko ang kopya sa kamay niya tsaka siya tinalikuran at pumunta sa gitna.

"Before we start, I wish y'all a blessed and happy day. Don't forget to smile." saad ni Tanaka tsaka sila nginitian at kinindatan.

Nabalot ang buong gymnasium ng hiyawan.

"Woohoo! Ikaw palang malaking blessing na, Lance!"

"Crush kita, Lance!"

"Anakan mo 'ko, Lance!"

"What the fudge?" bulong ko nung marinig yun.

"Shall we begin, Ms. Takahashi?" tanong nito sa akin.

Ngumiti siya.

NGUMITI SA AKIN SI TANAKA?!

"I know y'all know that in our academy we follow four rules and regulations, and four do's and don'ts. Alam ko na halos lahat kayo ay alam na ang mga rules and regulations, at do's and don'ts. Pero dahil nga mayroon ring mga freshmen's, we'll still tackle it." sabi niya.

"You heard him, right? Okay, so let's start with the rules and regulations. First on the line is, 'All students are expected to show courteous behavior toward each other.'" saad ko naman, hays first rule palang labag na labag na.

"Second rule, 'Gadgets or any electronic devices are strictly prohibited inside the academy'" sabi naman ni Tanaka.

"Third rule, 'Cutting classes won't be tolerated except for fencing, taekwondo, and other self defense classes.'" sabi ko.

"Last yet deadliest rule. 'Everyone needs to be present on The Day of Assassination.' For those who doesn't know TDOA, listen up." saad ni Tanaka.

"The Day of Assassination o TDOA, yun ang araw wherein killing people is legal. But when we say killing people, we mean killing co-tyrants. In this day, hindi natin kikilalanin ang mga posisyon. Maging Alpha, Beta, Gamma, Elite, Legends or whatever your target's position is, hindi yun kikilalanin." saad ko naman.

"That's why we need to learn how to defend ourselves. And! Ang TDOA ay walang exact day, ready or not, you need to fight. Malalaman lang natin kung kailan ang TDOA kapag naipaskil na ito sa board o kapag gumawa ng announcement ang mga officials." saad ni Tanaka.

Magsasalita na sana ulit ako nung biglang may nagtaas ng kamay. "Hm? Yes miss?" tanong ni Tanaka.

Bumaba pa si Tanaka para alalayan ang bruha na umakyat sa entablado.

"So? What's your question, miss?" tanong ni Tanaka.

"Yashmine. Yashi, if you want." sabi netong maarteng bruha na ginawang crop top ang blouse namin.

"Freshman?" tanong ko.

"Excuse me? Uh... yes." maarteng sabi nito sa akin.

"So, what's your question Ms. Yashmine?" Tanong ni Tanaka.

"Kasali ba ang mga freshmens sa TDOA?" tanong nito.

"That's a great question for a freshman like you, Miss. So, the answer is unidentified pa. Last school year kasi hindi isinama ang mga freshmen sa TDOA because that's what the owner's child wanted. But, this year I don't know." sambit ni Tanaka tsaka tumingin sa akin. "Are they included?" tanong nito sa'kin.

"The higher officials and the SSG officers will have a meeting about it soon. Therefore, on our first TDOA this school year to be fair and square the decision will be on the freshmens. Kung sinong gustong sumali, at kung sinong may ayaw, edi yun na yun." tamad na paliwanag ko.

After I answered, I glanced at this maldita-girl here who's now glaring at me.  I arched my brow as she snob me.

Tss.

Pagkatapos ng announcements, dumiretso na ako sa cafeteria. I promised them that I'll help them kasi, kaya ayon.

"Oh, ayan ka na pala! Viv!" sigaw ni Manang Elma, ang head cook sa cafeteria.

"Nanay! Ano pong maitutulong ko?" tanong ko.

"Ah, eto! Tulungan mo kaming mag-prito nitong manok. Kaya mo naman hindi ba?" sabi ni Manang Elma.

"Syempre naman, Nay!" sabi ko.

Habang naghuhugas ako ng kamay ay dumating na ang kaibigan ko, si Seraphine.

"Nanay Elma! Vivienne! I'm here!" sigaw ni Sera.

"Oh, Seraphine! Halika na't tulungan mo si Viv magprito ng manok!" sabi ni Nanay.

Tumakbo naman si Sera sa akin tsaka naghugas rin ng kamay.

"Saan ka nanggaling? Hindi kita nakita sa gym kanina ah?" sabi ko habang nagpupunas ng kamay.

"Obvious ba? Syempre umagang-umaga pinapunta ako sa guidance office. At alam mo ba ang pinagawa doon sa akin? Pinaghintay lang naman ako ng tatlong oras mahigit! Tapos pagkarating pa ni Madame GC, sasabihin niyang 'You may now leave.'" saad nito na nakangiwi.

I laughed. "Bakit ka naman kasi napa-guidance ng napaka-aga?" tanong ko.

"Ayun na nga! Nabangga ko lang naman yung freshman na kulang sa aruga pero sumobra sa kolorete, eh, pinapunta na ako agad sa Guidance Office! Grabe, kakaiba!" singhal niya.

Tumawa nalang ako. Pagkatapos niyang maghugas ay nagsimula na kaming maglagay ng cooking oil sa pan. Nung uminit na ay naglagay na kami ng manok.

"ARAAAAAY!" sigaw ni Sera nung matalsikan siya ng mantika.

"Anak ka ng mantika!" singhal ko nang matalsikan rin ako.

"Hahaha! Hinaan niyo lang kasi ang apoy, Viv, Sera." natatawang sabi ni Manang Elma.

Pagkalipas ng dalawang oras...

12NN na, at nagsisidatingan na ang mga students dito sa cafeteria. Tumulong na din kami ni Sera sa pagkuha ng mga order nila.

"Kunin niyo nalang yung order niyo sakanya." sabi ko sa tatlong estudyante habang tinuturo si Sera.

Pagkatapos ng mahaba-habang pila ay sa wakas pang-huli na... yata?

"What's your order, miss?" tanong ko sa babae tsaka Siya tinignan. Ang mataray na freshman. "Yashmine, right? Can I get your order?" dagdag ko pa.

"Oh my gosh. Look girls, isn't she the girl with daddy Lance kanina? The girl who announced the rules and regulations keneme?" maarteng sabi netong Yashmine.

"Oo nga! Baka naman she's just a waitress or whatsoever here?" maarteng sabi ng isang alipores niya, si kolorete one.

"Hahaha! What does a poor girl do ba kaya sila nakakapasok sa ganitong for Class A na academy? Working to pay the tuition fee that they can't afford naman talaga?" dagdag pa nung isa niyang alipores, si kolorete two.

"Tell us, how do you pay your tuition fee here ba?" tanong netong Yashmine na 'to.

"Sorry? I believe I don't have to tell you those." saad ko. "Just give me your order so I can also take the other students' order." dagdag ko pa nang nakangiti.

"Well, you know what? You should call my dad, tell him you need money para sa tuition fees mo and other stuffs. He can help you, besides he's a senator." mayabang na sabi ni Yashmine.

"Ms. Yashmine Gokongwei, I am here to take your orders and not to hear out your shits. So, I will repeat my question again. What is your order?" madiin na sabi ko.

"Whatever. That, that and that." saad niya.

And finally! Tapos na ako sa pagkuha ng orders!

Nang matapos kami ni Sera ay bumili na din kami ng lunch namin tsaka pumunta sa table na reserved para sa amin. At sa kamalas-malasan pa, sa tabi pa talaga iyon ng table na napili ni Yashmine at nung dalawa niyang alipores.

"Nakikita mo ba yung nasa tabi nating table, Vivienne? Yan! Yan yung dahilan ng pagpunta ko sa Guidance Office ng kay-aga-aga!" pabulong na singhal ni Seraphine.

"Shush." saad ko tsaka kumain.

"What's up, people of the world?!" sigaw ng pamilyar na boses sa amin.

"Omg! Ang-gwapo ni Papa Khallister!"

"Is he single or is he taken?"

"Sana he's single! He's so gwapo pa man din!"

"He can be my papa de asukal!"

Tsk. Tsk. Tsk. Khallister Zamora, ang pinaka-hot 'kuno' sa buong academy.

"Hey, Seranggola! Viv! Hello sainyo!" Khallister said with his usual energetic voice.

"Kuya? Stop calling me Seranggola!" mahinang singhal ni Sera.

Yes yuff, they're sibs but only few people knows it.

"Yeah, whatever." sagot nito tsaka umupo sa tabi ko.

"Aba, Khallister! Lumayo-layo kang hinayupak ka!" singhal ko habang dinuduro-duro siya.

"Kaya hindi kayo umuunlad pareho eh. Hindi niyo alam kung paano dumikit sa mga gwapo, tulad ko." mahanging sabi niya.

"Wooh! Ramdam mo ba, Sera? Hindi naman maulan at hindi din naman naka-high ang aircon pero napaka-hangin!" parinig na singhal ko.

"Tss, sinabi mo pa!" sabi naman ni Sera.

"Omg, is he dating Seraphine and Vivienne?"

"No way! They're childhood friends lang hindi ba?"

"Huy! Huwag nga kayong nagsasalita sa likuran nila, kung gusto niyo harap-harapan! Mga plastik!"

Nilingon ko yung mga babaeng nag-uusap tsaka sila tumahimik.

"Gago ka talaga, kuya. Tignan mo, kung ano-anong kagaguhan nanaman pinagsasasabi nila!" sabi ni Sera kay Khallister tsaka siya binatukan.

"Aray! Mapanakit ang li'l sis ko ha!" singhal niya.

Inilingan ko nalang sila.

"Khallister, pare."

Nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses na yun, naiinis nanaman ako! Si Tanaka.

"Oh, Lance! Hi!" sabi ni Sera.

"Hi, Seraphine." saad naman nitong hangal na Tanaka.

"Tara na pare feel ko anytime bubuga na ng apoy si Takahashi." saad ni Khallister na nakangising nakatingin sa akin.

"Khallister Zamora?!" singhal ko.

"Easy, best friend. I was just joking. Tara na, Lance." sabi niya habang nakangising tumayo paalis.

"Gwapo talaga yung Lance 'no? Pero mas gwapo si Oliver-my-crush." sabi ni Sera.

"Wow. My crush nalang ngayon? Hindi na my love? Well, that's a change." sarkastikong sabi ko.

"Eh kasi naman, I've been calling him my love for almost three years Tapos hanggang ngayon friend pa rin turing niya sa'kin. Masakit kaya!" sabi niya.

"Why give your attention to him when you can give your attention to your studies? You have a deal with your dad, Sera. You have to be part of any of the three highest ranks so you can pick or choose your desired course. Tandaan mo 'yan." madiing saad ko.

"Yes, I know right? Don't worry, before the sscond semester starts I'll be part of that. Si Kuya nga eh, last year lang din naging Alpha." sabi niya.

"Well you know, he used his audience kaya siya naging Alpha. Oh shit! It's running late! 12:50 na, ten minutes before my Art Class starts!" saad ko tsaka nagmamadaling kinain ang pizza.

"Hala oo nga! Tara na, tutal parehas tayo ng class!" saad ni Sera tsaka tumayo.

Tumayo na rin ako tsaka tumakbo papunta sa klase ko.

Art Room, Class A

Pumasok na kami sa classroom at nandoon na ang ibang students, umupo nalang kami ni Sera sa dalawang bakanteng upuan sa gitna. Ilang minuto pa ay dumating na si Mrs. Ramos, ang art class teacher namin.

"Okay, class? Good afternoon. This is the first day of our first semester, I hope everyone's present. So, attendance tayo, I'll state your surnames then please stand up magpakilala kayo. Understood?" sabi ni ma'am.

"Yes, ma'am." saad naming lahat.

"Okay, fifteen lang kayo dito sa class A. I hope you're all present." sabi ni Ma'am tsaka kinuha ang folder at binuksan 'to.

"Okay, let's start. Alcantara?" saad ulit ni Ma'am.

"Present. Oliver Alcantara, Basketball player. Gamma." saad ni Oli.

"Kaya pala kinikilig ka, ha." mahinang asar ko kay Sera na sobrang pula na ng mukha.

"Alonzo?" saad ni Ma'am.

"Present, ma'am. Good afternoon, Class A. I am Asher King Alonzo, Basketball Team Captain. Beta." saad niya.

Kaklase ko pala siya, tss.

"Hm. Next, Bautista."

"Present, miss. I am Shyrell Bautista, tyrant." sabi ni kolorete one este Shyrell.

"Next, Caldez."

"Present. Hans Jackson Caldez, baseball team captain. Elite." saad netong si Hans.

"Alright, next. Gokongwei?"

"Present. Yashmine Gokongwei, tyrant." saad ni Yashmine, kaklase ko siya?! Tumingin siya sa 'kin tsaka ako nginisihan at inirapan.

"Welcome to AOT, Gokongwei. Next, Gonzalez."

"Present. Rayver Gonzalez, baseball player. Elite." saad niya.

"Next, Jimenez?"

"Present. Sike Wenzell Jimenez, baseball player. Tyrant." saad nito.

"Next, Sy."

"Present! Ava Guinette Sy, Ace of Legend."

"Next. Miss Takahashi."

I stand up. "Present, Mrs. Ramos. I am Vivienne Riley Takahashi, Highest Majestic Alpha, running Summa Cum Laude." saad ko.

"Next, Tan."

"H-huh?" gulat na tanong ni kolorete two.

"Are you even with us? State your name please."

"Uh, present. I am Charlotte Ann Tan, t-tyrant."

Shyrell, Yashmine, Charlotte. Hmmm....

"Tanaka."

"Present, miss. Lance Vernon Tanaka, Legendary Elite. Running Magna Cum Laude."

KAKLASE KO SIYA?!

"Next, Zamora."

Which Zamora? Tch, si Khallister muna.

"Khallister Shane Zamora, basketball player. Alpha."

"Next, Zamora ulit."

"Seraphine Keith Zamora, Legend and the President of Class A."

"Okay, lastly. Zachary?"

"Althea Vee Zachary, Beta." saad nito.

"Great! We're all set." sabi ni Mrs. Ramos na nakangiti.