Chereads / Minahal mo ba ako kahit konti? / Chapter 1 - Chapter One

Minahal mo ba ako kahit konti?

🇵🇭Erica_Imnida
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter One

"Bakit kailngan pa nating masaktan? Bakit hindi na lang tayo maging masaya at makuntento sa kung anong meron tayo? Bakit ang malas malas ko sa pagibig?". Hagulhol niya habang umiinom ng beer.

"Syonga ka kasi, alam mo kung bakit?para ka kasing hinahabol ng isang libong kabayo kung makapagmadali ka feeling mo lagi may forever na kayo, na sya na lng ung natitirang lalaki sa mundo". Basag ni miah at may pagkainis na sabi nito.

"Ano ba! Panira ka naman sa moment ko." Naiinis na sagot naman niya habang pinupunas ang nangingilid na luha. " Bakit ba eh, yun lagi ko nararamdaman at nakikita sa kanila. Anong gagawin ko kung masyado akong marupok." Humahagolhol na sagot pa niya habang tinatapik ang dibdib na para bang nahihirapan sa paghinga.

" Alam mo ang drama mo,ikaw na ang best actress. Artistang ngumangalngal pero wala naman luha." Nakasigaw na banat ni miah sa kanya.

"Ano ba!" Natatawang hinampas sa braso si miah." Alam mo kahit kelan talaga panira ka ng moment. Di mo na lang ako suportahan sa nararamdaman ko." Akmang hihikbi ulit siya ng biglang naramdaman niyang may pumasok na daliri sa ilong niya. "Aray naman" daing niya na natatawa sabay hampas ulit sa braso ni miah.

" Nakakabwisit ka kasi" daing nito. " Yak, may sipon sipon pa" natatawa habang winiwisik wisik ung daliri.

" Hoy, malinis pa yan kesa sayo, kita mo naman very clear." Sabay humagalpak.

"Edi meow!! Kadiri ka!" Sabay punas sa damit." Alam mo maganda mong gawin? Tumayo ka na diyan at tara na kasi uulan na." Pag aaya nito s kanya.

" Tingnan mo nga mas sinusuportahan pa ako ng weather kesa sayo. Nalulungkot din siya dahil nasasaktan ako" banat ulit niya na parang kawawang kawawa siya.

Kinuha ni miah ang bimpong hawak nito at inihampas ng paulit ulit sa kanya nito.

" Tantanan mo ako ng kadramahan mo,tumayo kana diyan, tayo!tayo!" Singhal nito sa kanya.

" Oo na tatayo na,eto na nga oh! Dika na mabiro" nagkukumahos na tayo naman niya.

" Napaka drama mo kasi hindi naman bagay sayo" natatawa na lait nito sa kanya.

"Edi wow! Ikaw na magaling at ikw na may forever. Maghihiwalay din kayo!" Pamamatol nito sa pangaasar sa kanya.

" Talaga! Remember ninang kana sa darating naming kasal, unlike you until now single parin." Sabay tawang mapangasar.

"Edi kayo na, remember din na walang forever. May together pero walang forever" nakapamaywangan na sagot niya sabay tumawa ng malakas.

"At least ikakasal kesa naman sayo hindi man lang umaabot sa engage" sabay tumawa ng super lakas.

"Oy! Kaw ha, nakakahalata na ako namemersonal ka na ha." Gigil niya.

Huminto sa pagtawa si miah at inakbayan sabay yakap at hinalikan siya sa pisngi." Ano ka ba,dika na mabiro. Kahit kelan talga asar talo ka eh noh!" Sabay tawa ulet. " Tara na at dumidilim na ang langit baka pati ako magdilim narin paningin sayo baka di kita matansta" hinila nito ang kamay nya habang natatawa sa sarili.

"Bestfriend ba talaga kita?" Nagtatanong na pabiro niya habang sinusundan si miah.

" Hindi, best enemy mo ako" pangaasar parin nito sa kanya.

" I hate you na best" natatawang sagot niya.

" talaga ba? sige hindi ko na lang sasabihin yung good news ko. " pangiinis parin ni miah.

" ano yun? ano yun?" bigla siyang nabuhayan at niyogyog ang balikan ni miah.

natatawa naman si miah sa biglang reaksyon niya. " nabuhayan bigla eh, noh?" di nya na napigilan na matawa ng tuluyan habang sinasaway siya sa pagyuyoyog ng balikat nito.

" sabihin mo na kasi, ano ba yon?". na eexcite na pamimilita niya ky miah.

" tigilan moko sa kakayogyog uupakan na kita eh." saway nito sa kanya at akmang manunontok.

" sorry naman, excited lang kasi. istura!" sagot niya at tumigil na siya sa pagyoyogyog s balikat ni miah. " o ayan na, siguraduhin mo lang na magandang balita yan ha, kung hindi sasakalin talaga kita. make sure na mapapatalon ako sa good news na yan ha." pananaray niya dito.

" di ka lang mapapatalon, baka himatayin ka pa." pagyayabang nito habang naka pamaywang at ngumiti na para ililibing siya ng buhay.

" abah! abah! talga lang ha, eh ano ba yon dami mong checheburetche sabihin mo na kasi, pabebe karin eh noh!" sagot niya na may pagtataray.

" dumating na ang visa natin papuntang korea " mabilis na pagsabi ng good news dahilan para ma blanko ang isip niya.

" ha? ano yun?" para siyang nabingi sa paglahad nito sa kanya pero alam ng isip niya kung ano ung sinabi sa kanya. lumapit siya at hinawakan niya ang mga kamay ni miah.

" a~alis na tayo? m~may visa na tayo?" nanginginig ang boses nya na parang paos at hindi niya maipaliwanag ang excited at kasiyahan na nararamdaman nya.

"yep,yep" tumango tango na sagot nito sa kanya.

dahil sa kagalakan at sa hindi mapaliwanag na kasiyahan napa tili siya ng ubod ng lakas habang nagtatatalon sa tuwa.

"OMG!! my goodness! tinatawagan ko lahat ng mga santo,,, thank you ng sobrang dami" mangiyak ngiyak na sigaw niya at pinagdaop niya ang mga palad niya at hinalikan at inilagay sa noo at napaiyak siya. " ngayon alam ko na kung bakit nangyari sakin toh, may reason si god at eto na yun. new journey! promise diko sasayangin toh, hindi ako uuwing luhaan katulad ng ibang mga ofw na umuwi ng nganga. promise magiging practical na ako sa buhay." sambit niya na tagos hanggang buto niya ang pangangako sa sarili.

" besh, hindi tayo uuwing luhaan tiwala lang at kylngan lang natin is maging strong tayo, maging matatag dahil homesick ang magiging kalaban natin pag nasa ibang bansa na tayo." pagpapalakas ng loob nito sa kanya.

" besh, sanay ako magisa at kaya kong labanan ang homesick. siguro ang tinatamaan lang ng homesick is yung mga may asawa at anak na maiiwan muna dito s bansa natin. pero ako isang napakalaking opurtunidad na eto na hindi ko dapat palampasin." matapang na sagot naman niya.

" tama ka jan at saka dika naman nagiisa magkasama tayo. kung wala kang forever sa mga lalaking minahal mo, meron ka namang bestfriend forever. " masayang sambit nito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

" ahh! ang sweet naman ng bestfriend ko." niyakap niya ng mahigpit ito. " nga pala pano si josh? diba ikakasal kayo?" nagaalalang tanong niya.

" nong tinawagan ako ni sir kenneth about sa visa natin kinausap ko siya agad at nagusap kami ng masinsinan at nagkasundo kami na magpapakasal kami pag pareho na kaming nakauwi or nakabalik na dito." nakangiying sagot nito s kanya.

" you mean tinanggap niya ulet ung work sa dubai?" gulat na napaisip siya.

" yes, kesa namn mag antay siya dito sa akin tanggapin nya na lang ulet yung work tutal pinababalik siya ng dati niyang amo. isa pa para parehas kaming may ipon, nagplano narin kami na bumili ng sariling bahay at magipon para sa pang nigosyo,para pag ikinasal na kami naka settle na ang lahat." makikita sa mukha ni miah ang kasiyahan.

" wow ha! pinaghahandaan talaga ang future nila." masaya siya para sa kaibigan niya, kahit na nakakaramdam siya ng inggit pero ok lang dahil darating din yung time na makikilala nya rin ang future husband niya sa tamang panahon.

" kelan nga pala ang alis natin?" excited na tanong niya.

" meron pa tayong isang buwan. next month second week tayo aalis" sagot nito.

" mabilis lang ang isang buwan, kaylngan nakaprepare na ang lahat ng mga dadalhin ko bago dumating ang second week. at ikaw naman i enjoy nyo na ang mga nalalabing araw nyo ng jowa mo kasi maghihiwalay na kayo next month". pangaasar niya sabay tawa ng malakas.

" nemen! nakaplano na nga mga pupuntahan namin. eh ikaw may plano ka ba? oppss! wala ka nga palang jowa." pangiinggit at pangaasar nito sa kanya sabay tawa din ng malakas.

napabaliktad nguso siya sabay taas ng kilay. " bakit,pwede naman ako sumama sainyo ah para may audience kau." sabay irap niya.

" oy, oy, it's a big no. moment namin yun noh! hanap ka na lang jan na majojowa hanggang next month tutal no lasting relationship ka naman eh, mangontra ka muna. " pangaasar nito ulit sa kanya at humagalpak ng malakas.

" ay!! ay!! namemersonal ka nanaman ha!" panduduro niya habang pinandidilatan nya ng mata. " hindi sana kayo matuloy sa paroroonan nyo". pahabol na sagot nya sabay irap.

" sorry ka, hanggang kamatayan magkasama parin kami. " pahabol din nito habang tumatawa.

pinan dilaan nya na lamang ito sabay pataray na hinawi ang buhok at nagsimula ng maglakad. akma na niyang iiwanan ito ng biglang tumakbo ito papalapit sa kanya at inakbayan siya habang tumatawa. wala narin siyang nagawa kundi matawa na lang din.