SAKTO alas- otso y media ng umaga ay pumasok na ako sa loob ng classroom namin. Suot ang uniporme ng AMA na inayos ko pa kanina bago pumasok sa loob. Tulad ko ay naroroon din ang ilang mga estudyante na hindi pinagpala ng kayamanan. Well, I'm not rich like others but I can afford to attend this school. OFW kasi ang mama ko but ngayon ay umuwi na sya at tanging dalawa lang kami ng sister ko ang anak nilang dalawa ni papa. Si ate ay nakapag-tapos na ng kolehiyo at nakapag-asawa kaya ako nalang ang ginagastusan nila.
"Pssst. Halika na rito," Angela called me. Umupo ako sa bakanteng upuan malapit sa tabi niya.
"Saan ka ba nagsusuot? Ba't di ka sumunod sa cafeteria?" Angela asked.
"Sumama kasi 'yung tiyan ko kaya tumagal ako sa CR kanina." I lied. Tumango naman siya at tila kino-convinced ang sarili.
"So, kamusta na ang 'TIYAN' mo?" tanong pa niya at in-emphasize ang word na tiyan.
"Ayos na." tipid kong sagot. Jolly akong tao kaya minsan mukha akong tanga at pabaliw-baliw. But once I became serious, makikilala mo ang totoong Arianne Iresh Taguan Rivera. Tsk. Ang OA ko sa part na 'yan.
"Where's Marv?" I asked, calmly. Tinungkod ko ang kanang siko sa tapat ng bintana at nag-face palm.
"Sinamahan yung tatlo sa Dean's office." sagot ni Angela. Dumating naman ang professor namin kaya hindi na ako nagtanong pa. Tsk. As if naman tatanungin ko kung anong ginagawa nila doon. Hindi ko pa nakakalimutan ang insidente sa pagitan namin ni Louwiee kanina, remember. Psh! Ang gulo niya, di ko sya ma-gets.
Our teacher greet us goodmorning and we answered 'goodmorning too' in unison. Wala siyang ginawa kung hindi magbasa at magpaliwanag.
Halos buong klase ay tahimik, may ibang humihikab pa. Napabaling ako ng tingin sa labas. Mukhang maaga ngayong uulan. Argh! Naiwan ko pa naman ang payong ko sa bahay.
We had a short quiz after the discussion and that's all. Pagkasabi pa nga lang ng 'dismiss' nag-unahan na sa paglabas ang iba na parang kanina pa nila hinihintay 'yon. May iba ring naiwan at hawak ang kanilang cell phone para kunan ng pictures ang mga lectures na kinatamaran nilang isulat ngayon.
"Oh, Arianne? Hindi ka sasama sa'kin?" Angela asked.
"Saan ba punta mo?" instead of answering her question, I asked her another question.
"Nag-text sa'kin si Marv na doon nalang daw tayo magkita sa STEM Department. Malamang kasama niya yung tatlo." tumango nalang ako sa sinabi ni Angela. Sasabihin ko na sana'ng huwag nalang akong sumama pero kaagad niya akong hinila pababa ng I.T Building.
"Be gentle, Angela. Hindi 'yong manghihila ka nalang ng walang pasabi, tsk."
"Ohwss, hihi sorry." binitiwan na niya ang kamay ko nang makarating na kami sa Department 'daw kuno'. Psh. Inayos ko pa muna ang blouse na suot ko dahil medyo gumusot ito.
"Hey Marv, anong meron ba't pinapunta mo kami dito?" sigaw ni Angela pagkakita palang kila Marvie.
Lumapit muna si Marv sa kinaroroonan namin saka sinagot si Angela. "Wala lang," ngumisi lang si Marvie ng nakakaloko. Binatukan ko siya dahil sa sinagot niya.
"Ouch!"
"Hinila pa ako ng bruhildang 'to pababa ng I.T Building tapos sasabihin mong wala lang?!" I complained.
"Ano? Bruhilda? Ako?" Hindi makapaniwalang tanong ni Angela.
"Are you deaf?" pang-aasar ko pa sa kanya.
"Me? Bingi? Bakit ano ba sinasabi mo ha?" nanghahamon na saad ni Angela. Langya talaga 'tong babaita na'to. Pfft hahah~
"Chill lang guys, hahaha. Mukha kayong may dalaw na dalawa." singit ni Marv. Sakto namang dumating ang tatlo sa kinaroroonan namin kaya tumahimik na kami ni Angela.
Naunang nakarating si Vixter at nakasunod naman sa likuran niya ang dalawang Fuentes. Blanko lang ang expression ni Jonard samantalang kanina pa ngiti ng ngiti si Vix. Model ba siya ng colgate? Psh!
"It's a tiring day, pwedeng huwag muna pumasok sa next sub? Nakakatamad." reklamo ni Vixter. Sinapo naman ni Jonard ang ulo ni Vix. "Mang-chi-chix ka lang, alam ko na'yan." ani Jonard. Imbes na bigyang pansin ang pag-uusap nila ay nasa-likod nila ang atensyon ko.
Napatitig ako kay Louwiee dahil sa usual poker face expression niya. Ilang segundo ko pa syang tinitigan pero bigla ko rin iyon iniwas nang mahuli niya akong tumitingin sa kanya. Ewan ko, pero meron sa loob ko na gusto kong malaman kung bakit ganyan sya. Tsaka 'di ko talaga gets yung sinabi niya. Hindi naman sa bobo ako ah, nakakaintindi ako ng english guys pero di ko lang ma gets kung bakit ganun nalang ang gusto niyang layuan ko sila ng kapatid niya. Pwede naman kasing sabihin na 'Stay away from us Arianne because I can't help myself to fall in love with you' Heller! Hindi ako si madam Auring para manghula. Pero sympre charoot lang 'yon guys. Nyahahahaha.
"Uulan pa ata," ani Angela habang nakatingala. Mmn. Mukha ngang uulan. Kanina pa dumidilim ang langit.
"Wrong timing naman, paano na'yan?" reklamo ni Vix. Kunot noo ko siyang tiningnan.
"Maybe next time nalang natin ituloy ang pag to-tour guide namin sa inyo boys, uulan na 'ata e." Marv said. So 'yun pala ang reason kung bakit kami pinapunta dito ni Marvie. Arghh! This girl is so—so... Psh. Whatever.
"If that so, then let's go in our room. The next class will be start soon." Louwiee said, blankly. Arrghh! Isa pa 'tong hinayupak na'to. Kung hindi blanko at cold ang boses eh tipid pang mag salita minsan. Putspa! Kahit sino atang tao kakausap dito papanisan ng laway.
"Okay, fine." Angela added. Nauna na silang maglakad pabalik ng I.T Buil— wait... Don't tell me ka—kaklase namin ang mga hinayupak na ugok na'to?!
"We're in the same direction, don't be stupid." Louwiee blurted. Natural na napanganga na naman ako dahil sa sinabi niya. How did he know what I'm thinking? Is he a mind reader? What the hell!
"It's all because your expression is so obvious." dugtong ni Jonard. Sumang-ayon naman ang tatlo pa naming kasama. Like duh, ganun ako ka-obvious?
"It's okay beshy. Mukha ka lang timang, haha!" Angela said. Binatukan naman siya ni Marvie.
"Tama na satsat guys, magsisimula na ang klase natin." Marv said kaya umakyat na kami sa second floor at pumasok na sa classroom.
As usual pagpasok pa lang namin ay ang mga nag-iingay na students. Some are busy for other stuff and some are busy for their unimportant chitchat.
Bigla lang silang tumahimik ng mapalingon sila sa gawi namin. Okay anong meron? After a couple of seconds ay mas lalong umingay sa loob ng classroom. Sh*t! Kasama pala namin ang tatlong ugok.
"Kyaaaaaaaaaaaaahhh!!" pagtitili ng mga girls. Ang landi amputs.
Almost five minutes pa ang itinagal dahil sa mga pagtili ng mga kaklase naming babae. Like duh, ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo? Arghh! Feeling ko de javu yung line na'yun.
Dumating na ang prof namin kaya almost five minutes lang ang ingay kanina. Si sir Maldrid yung teacher namin at masyado itong strict kaya pag dumating sya, akala mo binuhusan kami ng malamig na tubig at naging tupang maamo bigla.
"I guess we have a newbie here, please introduce yourself in front." Sir Maldrid said kaya tumayo na ang tatlo.
"I'm Vixter Sylvan Montereal, but you can call me Vix. Nice to meet you all." Vixter said then winked. Nagsipag-tiliam naman ang mga girls. Psh! Playboy ang dating ng hinayupak. Umalis na siya sa harap at umupo sa bakanteng upuan sa bandang gilid.
"I'm Jonard Cardona Fuentes, just take care of me." Jonard said saka nakapamulsang naglakad at umupo sa tabi ni Vix. Nagtilian ulit yung mga babae na akala mo'y may nakita silang sikat na artisa. Tss. Gwapo din naman si Vixter at Jonard infairness.
"Louwiee Cardona Fuentes," tipid niyang saad. Kung anong tili ang pinakawalan nila kanina ay mas dumoble pa iyon. Nakapamulsang naglakad si Louwiee at umupo sa tapat nila Vixter.
"Quiet class," saad ni sir Maldrid kaya authomatic namang nagsipag-tahimikan ang lahat. Tss.
***
Kasalukuyan akong nasa kwarto ko. Hindi ko alam kung itetext ko ba sya o kung huwag nalang. Eer di pwede baka ma-misundertood niya ako at isipin niyang crush ko sya kapag ako ang unang nag-text, diba?
(Eh pano kung wala naman syang gusto sayo? 'wag asumera pwede?)
Aurgh! Bahala na. I was about to sleep nalang kaya lang biglang nag beep yung cellphone ko. Yeah , may bago na akong cellphone. Hindi ko na nakuha 'yung vivo ko sa mga asungot na'yun.
Binuksan ko naman yung message.
From: Jonard <3
Hi!
Authomatic na naglakihan ang mga mata ko. Waaaaah nagtext sya. Okay, kalma lang Iresh. Kyaaaaaahh! ( 'Di halata na may gusto ako sa kanya nuh? May heart heart kasi yung nakalagay na name niya sa phonebook ko.) Tingin mo 'yan ang sasabihin ko? Letche talaga 'yung hinayupak na'yon. Siya naglagay nyan sa cell phone ko.
"Arianne! Lumabas ka nga d'yan sa lungga mo! Kanina pa kita inuutusan!" Oh my! Yong armalight na naman ni inay. Huhuhu.
"Isa! Hindi ka parin ba lalabas?!"
"Ito na po. Ito na!" Sigaw ko din.. Kahit ganyan kami ni inay lab na lab ako nyan. Hihi.
Binuksan ko na ang pintuan at bumaba, "May ghad anak, bilhan mo na nga ako ng sibuyas at bawang magluluto pa ako." Medyo stress na sabi ni mama.
Agad kong kinuha ang pera na iniabot niya sa akin bago tumakbo palabas ng bahay. Gosh! Bahala na walang suklay suklay. Naka-suot lang din ako ng malaking T-shirt at short-boxer and then nakapaa lang. Hahaha wala ng ayos ayos baka mapalo na ko ng sandok ni mama kapag di pa ako bumili.
Nakarating na ako sa tindahan. Hindi naman malayo yung tindahan sa bahay kaya mabilis lang. Pagdating ko
may batang kumatok at nag-tao po sa tindahan, lumabas na din yung tindira.
"Ate, may colgate po ba kayo na happie?" Tanong ng bata. Pfft! Halos matawa ako gagi! colgate na nga happie pa! Hahaha.
"Wala na gang, yung mismong Colgate nalang talaga." Sagot ni ateng tindira. P*ta! Tangi din 'to. Hahaha.
"Ah okey po, pabili nalang po ng magic sarap," sabi pa nung bata. Shite! Natatawa talaga ako sa bata. Hahaha.
"May coolang sa height. Hindi ko sasabihin. Llalalala. May coolang sa height hindi ko sasabihin." Napalingon ako sa kumanta non. Nanlaki ang mata ko ng makita kong si Jonard pala yun. Waaaaaaaah! Bakit nandito sya? Kakahiya itsura ko dis! Tumingin sya sa akin.
"Zipper mo bukas," mahinang sabi niya pero nababasa ko dahil sa pagbuka ng bibig niya. Automatic namang napayuko ako at napatingin sa short ko. Halos matampal ko na ang noo ko kasi wala naman pala akong zipper. Naka boxer short lang nga pala ako. Bumalik ang tingin ko sa kanya at ang gago! Ang laki ng tawa niya. Bwesit!
Dahil sa kabwesitan at kahihiyan ko sa ugok na'to ay agad akong bumili ng pinabibili ni mama at walang sabing tumakbo paalis. Narinig ko pa na tinatawag niya ang pangalan ko pero nagkunwari akong hindi ko narinig at tumakbo na.
Paliko na ako ng kanto nang mapatumba na naman ako dahil sa lakas ng impact. 'Ouch! Gagi talaga' .
"Ano ba hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan?!!" Singhal ko habang nakayuko parin at pinagpagan ang sariling damit. Pagpag parin ako ng pagpag at dahil sa hindi naman nagsasalita 'yung taong nakabangga sa'kin ay iniangat ko na ang ulo ko.
"Tanga kaba o Gago la—" nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng white shirt. Medyo sweat iyon kaya bakat na bakat ang mga muscle nya sa katawan. Arggh!
"Stupid," gulat akong napatitig sa kanya. Gagi, si — si Louwiee?
"Ikaw itong tumatakbo kaya imposibleng hindi mo ako nakita, ikaw ang tanga." blankong saad nito. Natuod ako sa kinatatayuan ko ng nilagpasan niya ako habang nakayuko at nakatingin sa kanyang cell phone. Argghh!! Pisti kang hinayupak ka.
Tumingin ako sa paligid at may nakita akong maliit na bato. Agad ko itong kinuha at ibinato sa kanya. BOOM! SAPUL SA ULO AMPUTS! Pfft~ Bwahahahahahaha. Lumingon siya sa'kin at halatang nanglilisik ang mga mata. Mabilis akong tumakbo pauwi dahil baka ano pang magawa niya sa'kin kung tatagal pa ako doon. Anyway, he deserves it.
Pagpasok ko sa bahay ay binigay ko agad kay mama yung pinapabili niya at mabilis na umakyat ng kwarto at pasalampak na humiga sa kama. Bwesit! Nakakahiya.. Nakakainis talaga, nakakainis lang! Sarap ihampas 'tong electricfan sa pagmumukha nilang dalawa lalo na sa Louwiee na'yun. Argghh!! Nakaka-frustrate. Nagpa-gulong gulong ako sa kama dahil sa sobrang kahihiyan at inis. Napahinto ako sa ginawa kong paggulong gulong dahil sa bilis at lakas ng pagkabog ng dibdib ko.
Bakit kahit ganun bumibilis tibok ng puso ko? Crush ko ba ang hinayupak na Jonard na'yun o yung ugok na Louwiee? Shit! Napapangiti ako. No! Di pwede dapat magalit ako. Shit! Shit! Shit!. 'Wag ka ngang OA Iresh, tumakbo ka ng mabilis kaya natural ganyan kabilis pagpintig ng puso mo. 'Yun na yun. Wala ng ibang meaning pa. Bumangon nalang ako at ini-on ko nalang yung audio player ko. Kailangan maibaling ko sa iba ang atensyon ng pag-iisip ko. Mababaliw na yata ako.
[ now playing : Hey Crush by: Joshua Garcia]
🎶Hey crush
Ba't di ka maharap
Pinangungunahan ng kaba
At ng red flash
Hey crush
Wag ka sanang maharas
Kung patago ka mahalin
ng wagas...
Isang araw ay naglakas ng loob
Dala ang rosas sayo'y inabot
Kamay nagdaplis, puso'y kay bilis
Parang ayaw ng umalis
Sa tabi ng magandang miss
Oh ang bilis, di ko matiis
Na sabihin sayong akin ka
Sayo ako oohhh...🎶
Waaaaaah! Bakit nagpapatama 'tong kanta na to? Inaano ko ba si Joshua Garcia bakit pinatatamaan ako? Tsaka ako? Crush yung ugok na'yun? Argghh! Oo aminado akong gwapo at maganda katawan nya pero ang magka-crush? Putspa!! Kyaaaaaaaahh! Mababaliw na ako. Bumalik ako sa suhesyon ng biglang nag beep yung cellphone ko.
From: Jonard <3
Ang cute mo pala pag naaasar :)
I like it my loves
(Waaaaaaahh! Cute daw ako?)
Akala nyo yan sasabihin ko? Eehh ang sagwa nga ng itsura ko kanina. Nakakahiya. At anong sabi niya? My loves? As in L-O-V-E-S? Kyaaaaaaaaaah ! Nagpagulong gulong ako sa kama dahil sa inis.
Hinagis ko yung cellphone ko sa kama at hindi na nagreply pa.
🎶 Hey crush
May pag-asa ba tayo
Ngayong alam mo kung sino ako
Pwede ba...
Hey loves! Ang itawag sayo
Pwede naman chickkita
Fan ako
🎶Isang araw ay naglakas ng loob
Dala ang rosas sayo'y inabot
Kamay nagdaplis, puso'y kay bilis
Parang ayaw ng umalis
Sa tabi ng magandang miss
Oh ang bilis, di ko matiis
Na sabihin sayong akin ka
Sayo ako oohhh...🎶
Nag beep ulit cellphone ko. Pisti talagang Jonard 'to. Arghh! Pahiga kong kinuha ulit yung cell phone ko at ini-open ang text message.
From: +63907545*****
Stupid
"Aray!" Nabitawan ko ang hawak na cellphone dahil sa gulat. Sh*t sumakto pa talaga sa mukha ko. Pisti.
I composed myself to text back.
To: +6397545*****
Who the hell are you?
Sent ✔
Ilang minuto pa akong naghintay na mag reply yung unknown number sa'kin pero halos tubuan na ako ng lumot sa pwet dahil hindi parin ito nagre-reply. Bumangon nalang ako at pumasok ng CR para maligo.
After fixing myself, bumalik na ako ng kwarto para gawin ang mga assignment. Kinuha ko ang mga libro at notes ko sa study table at dinala ito sa kama para doon gawin. Nang umupo na ako sa kama ay sakto namang nag-beep ang cellphone ko doon kaya kinuha ko agad at tiningnan. Hindi naman ako masyadong excited, ano?
From: +6397545*****
LF, stupid.
Naguguluhan kong basa. Pisti! Anong LF? Loloy Fierre? Layla Fantastic o LuciFer? Arghh!