Chereads / Falling Into Him / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

"Why don't you try me first? Pagnatalo niyo ako sa inyo na siya. Pero pag ako nanalo okay lang ba na basagin ko yang mga mukha niyo?" Halos mamangha ako sa sinabi nitong lalaking to. Di nga? Kaya niyang talunin yan? Waaaaaaaaaahhh!! Enebe! Bakit ako kinikilig. Yieeeeeeee..

Narinig ko na naman muli yung pagtawa ng lalaki. Aish! Sarap talagang bangasan.

"Hahaha! Seryoso ka bata? Sige pumapayag kami." Confident na confident na sabi ng lalaki. At nagsimula na nga silang mag form ng formation na parang lalaban nga.

"Bitaw," napaangat ako ng tingin ng sabihin niya yon. Waaaaaahhh!! Bakit ba ang gwapo gwapo niya.

"Huh?" Tanong ko sa kanya. Shite! Parang bigla akong nawala sa katinuan.

"Sabi ko bitaw," malamig na sabi niya sa akin. Doon lang ako natauhan kaya naman automatic na napabitaw ako sa damit niya.

Nagulat nalang ako nung sabay sabay na sumugod yung mga asungot sa kanya. Urgh! Naalala ko yung sinabi niya kanina. Subukan niya lang na magpatalo talagang tatadyakan ko siya! Kasura! Bakit ko pa kasi dinamay ang lalaking 'to dito?

My eyes become widened nung mapatumba niya yung lima ng walang kahirap-hirap. Woah! In just a minute ganon niya yun kadaling mapatumba? Astig! Maya-maya ay hindi ko na namalayan na lahat na pala ng asungot ay kanya-kanya ng nakatulog at ang iba naman ay nagsipag-takbuhan na. Nagulat ako dahil dun.

"Ang galing! Paano mo nagawa yun? Astig nun ah!" Manghang sabi ko sa kanya. Fun ako ng mga action movie. Ang astig kaya ng ginawa niya kanina. Sayang dapat pala tumulong ako. Astig yun eh! Hindi niya ako pinansin at tinalikuran nalang niya ako saka nagsimulang maglakad. Dali-dali naman akong sumunod sa kanya pagkatapos.

"Uy, salamat ah. Akala ko talaga ibibigay mo ako sa mga asungot na yun." Masayang sabi ko sa kanya habang pilit ko siyang sinasabayan sa paglalakad. Ang bilis niya maglakad eh! Huta!

"Hindi ko yun ginawa para sayo." Masungit na sabi niya sa akin habang patuloy din sa paglalakad.

"Ganon? Okay. Pero salamat pa din. Nga pala ano nga palang pangala---" napatigil ako sa pagsasalita ng humarap ito sa akin at masamang tumingin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Problema nito?

"Wag mo nga akong sundan!" Inis na sabi niya sa akin saka nagpatuloy ulit sa paglalakad. Tss ang sungit. Pasalamat s'ya crush ko s'ya. Yiiiiiieeee.. Puso kalma. Hindi ko padin siya pinakinggan at nagpatuloy pa din ako sa pagsunod sa kanya.

"Okay,okay. Hindi ko na tatanungin. Pero may cellphone ka ba?" Tanong ko sa kanya habang sinasabayan ko pa din sya sa paglalakad. AnakngPitongPo'tPutingTupa! Di ko na nakuha cellphone ko sa mga asungot kanina eh.

"Wala." Maikli nitong sagot sakin. Psh! Sungit.

"Okay. Pero saan ka nakatira---" naputol na naman ako sa pagsasalita nung masama na naman niya akong tiningnan.

"Ba't ba ang dami mong tanong? Tss. Umalis kana." Inis niyang sabi sa akin bago pumasok sa loob ng kulay green na gate. O___O!!! T-teka? Ito yung bahay nila Marvie ah.

"Oh my goodness Arianne! What happen to you? Saan ka ba nanggaling? Jusmiyo, pinag-alala mo kami!" Rinig kong sigaw ni Marvie mula sa loob. Napahinto naman agad sya nang mapansin nya yung kakapasok lang na lalaki.

"Shems! Oh my gosh insan. Bakit ngayon ka lang?!" Hyper na tanong ni Marv sa lalaking I-don't-know-who-he-is. Imbes na sagutin nya ito, tinignan niya lang ito ng pagkabagot at walang sabing pumasok na sa loob. Napakunot na naman ang noo ni Marvie. Pabalik balik ang tingin niya sa akin at sa lalaking naglalakad papasok. Tsk! Ang sungit talaga ng lalaking yon. Paano ba sya naging pinsan ni Marv? 

Nagkibit balikat nalang ako.

"Waaaaaaaaaaaaaaahh! Mga beshy!" Pagtitili ni Angela mula sa loob patakbo sa kinaroroonan namin.

"Ang gwapo at hot talaga ng pinsan mo Marv. Hihi" naghuhugis heart na naman ang mga mata ni Angela. Sige lang unahin mo yung lalaking yun kaysa sakin.

Binatukan naman ni Marvie si Angela. "Sa pinsan ko updated ka, pero kay Arianne wala mo nang concern sermon? Paano nalang kaya kung makita mo pa ang kuya ng ugok na'yun? Baka mabaliw ka, Angela." Taas kilay na sabi ni Marvie.

"Ayts! Hihih. Sorry mga beshy. Na overwhelmed lang sa charm niya." Nakangising saad nito saka nag peace sign sa amin.

Kinuwento ko narin sa kanila lahat ng nangyari kanina.

"Oh my gosh! Talaga?" Gulat na tanong ni Marvie.

"Ssssshh! Ang ingay mo." napalakas kasi yung boses niya.

"I wanna die. Huhuhu. Ang swerte mo beshy. May Prince charming kang nagligtas sayo. Sana ako rin kahit yung kuya nalang." Madramang sabat ni Angela. Binatukan ko ang loka. "Tss. Wag kang O.A." saad ko. "Ouch! Grabi ha! Kutang kuta na ko sa pambabatok nyo sakin." Maarteng sagot nito.

"Ikaw naman kasi." Walang ganang sabat ni Marvie.

"Pero infairness masungit sya. Dagdag points sa kagwapuhan nya. Yieeeee!" Kinikilig na naman ang gaga. Sino pa ba? Si Angela lang naman, nagde-daydream 'ata to eh. Kahit ako medyo kinilig din. Unang kita ko palang sa kanya masungit sya and I found it interesting. Hmmmp! Just wait, malalaman ko din ang pangalan mo Mr. Sungit!

"Tama na ang chika girls, lets go for dinner." Marvie said, winked.

Lumabas na kami sa kwarto ni Marvie at bumaba na sa kusina. Bumungad sa amin ang iba't-ibang putahi ng pagkain. Shite! Nagutom ako bigla.

"Nakakagutom agad, Marv." ani Angela habang nakahawak sa tiyan.

"Kakakain mo lang kanina ng meryenda nagutom kana agad? Tss. Iba din storage ng tyan mo Gela." may halong pang-aasar na saad ni Marvie.

"Eh sa gutom ako e. Paki mo ba?" sagot ni Angela. Psh! Akala ko ako lang matakaw dito, may pumapangalawa pa pala. Hihi. Peace lang.

Ilang sandali pa ay bumaba sa hagdan ang isang lalaking naka-topless. Napatulala ako dahil sa sobrang — h-hot?! Arghh! Iniwas ko ang tingin at tumingin kay Angela. Putek! Yung mata ng loka halos lumabas na ata. Mabilis kong tinakpan ang mata ni Angela ng tumikhim si Marv.

"Hey Louwiee, magdamit ka nga!" pagpapayo ni Marv. Payo ba yun o ano? Psh! Ewan ko.

"Wala kang paki." boses ng isang lalaki na kabababa lang rin sa hagdan. Arrgh! Si sungit.

"Oh suotin mo na yan kuya, baka maglaway pa sila." dagdag ni sungit. Tsk! Anong akala nya samin? Patay gutom sa pandesal? Arggh! Bwesit!

Sinuot naman nung kuya n'ya daw kuno 'yong damit. Psh, gwapo sana kaya lang dinaig pa kami kapag meron. Ganyan ba yan palagi? Poker face lang ganun?

Umupo na sila at ganun rin kami. Oh, I almost forgot wala nga pala rito ang parents ni Marv dahil sa isang business trip sa ibang lugar. Magkatabi kami ni Angela at katabi niya si Marv. Kaharap naman ni Angela si sungit at kung minamalas nga naman ako kaharap ko yung louwiee. Arghh! Bakit ang gwapo ng mga nilalang na'to? Masyado silang masakit sa mata na any moment mababaliw na yung katabi ko. Tss. Sige lang Angela, ngiti pa. Ewan ko lang sayo kung makangiti ka pa ng ganyan kung susungitan ka ng bongga.

Nagsimula na silang kumain at ganun din sina Marv. Masyadong tahimik, gosh may anghel ba na dumaan?

"Hey Lou, Where's tita Xian?" pagbabasag ni Marv sa katahimikan.

"Out of the country," tipid na sagot nung louwiee. Ghaaaaadd!! Ang ganda ng boses niya. Waaaaaah! Kakainggit.

Tumango-tango naman si Marv. Si Angela nakatitig na ngayon kay Louwiee. Para syang timang sa itsura niya, promise.

"How 'bout you Jon? Musta ang school?" ghaad Marvie para kang nanay sa asal mo na yan. Itinuloy ko ang pagkain habang nakikinig lang sa kanila.

"School parin, Marv." pfft~ muntik ko ng mabuga ang kinakain ko. Gosh!

"Staring is a rude." rinig kong saad ni Louwiee. Napa-angat ako ng ulo. Eeh? Si Angela ba sinasabihan niya?

"I'm full." tumayo na si louwiee saka umakyat sa taas. Psh. Kung ano ang kasungitan ni Jon whatever , mas triple yung dating ng sa kay louwiee.

"Psh. You look stupid," ani ni sungit kay Angela. Maging ako rin ay parang yun narin ang sasabihin ko. Paano ba naman kasi, nasungitan na lahat lahat e halos mag hugis puso parin ang mga mata niya. Si Marv naman ay iiling iling nalang dahil sa ka-korneyhan ni Angela. Hahaha. Baliw talaga

After eating our dinner ay nasa kwarto na ako ni Marv. Si Angela naman ay nangungulit kay Marv na yayain daw ang dalawang kumag na mag movie marathon. Psh. Childish.

"Waaaaaahh!! Marvieeeeee, mala-anghel yung mga pinsan moooo." napatakip ako ng tainga dahil sa lakas ng tili ni Angela.

"Demonyong Anghel ang sabihin mo," saad ko saka nagsimulang magsuklay ng buhok.

"Psh. Ang cool nga nila eh. Sige na Marv, pleaseeeeeeeeeee." nag-puppy eyes pa ang lukaret.

"Magpinsan nga talaga kayo, masusungit tapos nakiki—" naputol ni Angela ang sasabihin dahil sa pagsalita ni Marvie.

"Hey Stop. Tama na pangungulit mo, ito na yayayain na. Pisti ka." walang nagawa si Marv dahil ganyan talaga si Angela. Hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto.

Akala ko nga ay joke lang ni Marv yun na pumayag. Pero letche plan! Totoo ngang magmo-movie marathon kami. At ang mas nakakagulat pa ay kasama namin ngayon ang dalawang magkapatid.

"Akala ko ba masungit ang mga yan, ba't pumayag?" bulong ko kay Marv.

"Blackmail, ganern." tumawa siya ng mahina dahil sa sagot niya. Kaya pala.

"Okay guys, mamunuod tayo ng movie. Any suggestion kung ano gusto niyong panuorin?" pagtatanong ni Marv.

"Ahmm--- Maleficent II," excited na suggest ni Angela. Hmmm. Maganda nga 'yun. Ilang segundo pang naghintay si Marv na mag suggest yung iba pero wala na. Ayos na din siguro sa kanila yung sinuggest ni Angela.

Nakaupo na kami ngayon sa sofa. Dalawa ang sofa na naririto ngayon sa sala. Sa gitna nito ay isang maliit na table glass at sa harap nun ay ang malaking flatscreen TV. Nasa kabilang dulo ako samantala'ng katabi ko naman si Angela. Tapos si Marv yung nasa kabilang gilid ni Angela. At 'yung magkapatid ay sa isang sofa umupo.

Intro palang ng movie ay maganda na. Mga one hour pa bago matapos ang movie, at ngayon ay nasa kalagitnaan na kami. Habang nanunuod ay panay ang mura ni Louwiee dahil lumipat sa tabi niya si Angela. Ewan ko, pero medyo nainggit siguro ako kaya ganito nararamdaman ko. Waaaaah! Ano ba 'tong pinag-iisip ko, ako? Maiinggit? At bakit aber?! Tsk.

***

Two months was passed simula nong pumunta kami sa lugar nila Marvie at yung sa naging encounter namin sa pinsan niyang ubod ng sungit.

"Beshy!" Sigaw ni Angela mula sa malayo. Nakita ko din na may kasama syang lalaki na nakasuot ng simpleng itim na fitted jeans, white shoes , white v-neck shirt with matching black tinted shades. So where's the sun koooyaaaa? Hahah.

"Beshy Arianne si Vixter nga pala. Vixter si Arianne, bestfriend ko." Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala sila.

"Nice to meet you, Arianne." Nakangiting saad ng lalaki na Vixter daw saka inilahad ang kamay niya. Shite! Why so hot?

Tinanggap ko naman ito, mukhang mabait naman kaya sige I will be nice to him.

"Nice to meet you too." I greated.

"Well, I have friends here too. I want you to meet my friend Jonard." straight forward niyang sabi.

Automatic namang may dumating na lalaki. He's wearing a black fitted jeans, white v-neck shirt with a black leather jacket and white shoes. Nakasuot din ito ng shades katulad nang kay Vixter. Really? May concert ba sila at naka shades sila? I was cut on my thought when he's now standing on front of us.

Nagulat ako ng unti-unti niyang tinanggal ang suot niyang shades habang naka smirk.WHAT THE PAK!! Ang gwapo men! Makaluwag garter! Shit! Stop Arianne.

Pero mas lalo akong nagulat ng marealize kong sya yung lalaking lumigtas sa'kin!

WHAT THE HELL?! ANONG GINAGAWA NIYA DITO SA MANILA?

Another men in white shirt appeared and guess who is it?

L-Louwiee?

Halos panganga ako dahil sa sobrang gwapo nito. He's not a totally hot and handsome guy. He's a damn goddess.

DON'T TELL ME TAGA DITO SILA? O__O!! WAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!